Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 51 - Kabanata 60
2479 Kabanata
Kabanata 51
Kung siya iyon, anong pagkatao ang kanyang ginamit para tulungan siyang bayaran ang kanyang utang? Nagpresenta ba siya bilang kanyang asawa? Subalit, nadurog kaagad ang kanyang ekspektasyon. Nagsabi sila ng isang pangalan---Daniel. Kaagad na tinawagan ni Madeline si Daniel. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating siya. Nang sinabi ni Madeline sa kanya ang tungkol dito, nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko may masamang nangyari sa'yo, Maddie. Ito lang pala. Wala lang 'yon. Hindi mo na 'to kailangang dibdibin pa." "Wala lang 'yon." Seryosong tinitigan ni Madeline si Daniel. "Dan, hindi ko alam kung kailan kita mababayaran. Maraming salamat." "Hindi mo kailangang magmadali. Hindi ko kailangan yung pera kaagad-agad." "Alam ko 'yun pero---" "Kung gusto mo talaga akong pasalamatan Maddie, eh di pwede mo kong ilibre ng pagkain. Dumating ako dito nang di pa kumakain." Pinutol ni Daniel si Madeline. Mariin siya nitong tinitigan nang may marahang titig. "Masaya ako na natutulungan
Magbasa pa
Kabanata 52
Namutla ang mukha ni Madeline. Napakadumi at gusgusin nga niya para sa kanyang puso. "Jeremy, rumespeto ka naman sa mga sinasabi mo!* Hinila ni Daniel si Madeline papunta sa kanyang likuran at biglang naging malagim ang hangin sa pagitan nilang lahat. Mababang tumawa si Jeremy. "Respeto? Nakikipaglandian ka sa isang babaeng may asawa na in public tapos sinasabihan mo pa ako na rumespeto?" Gumagamit siya ng matalim na salita, pinapakita nito na wala na siyang pakialam sa nararamdaman ni Madeline. "Kailan mo ba trinato si Maddie bilang asawa? At saka, hindi mo na siya asawa ngayon!" Hindi natatakot si Daniel kay Jeremy. Harap-harapan niya itong tinatapatan. Nababalot ng malamig na ere ang mukha ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline nang mag nakakapangilabot na titig sa kanyang mga mata. "Ganito ka ba magseduce ng lalaki sa labas?" Kinilabutan si Madeline. Hindi niya maintindihan ang inis sa mga mata ni Jeremy. Iniangat niya ang kanyang kamay at hinila si Madeline sa kanyang
Magbasa pa
Kabanata 53
Nanatili sa kanyang taenga ang mababa at malalim na boses mi Jeremy at bumilis ang tibok ng piso ni Madeline. Subalit, wala na ang pag-aasam na mayroon siya noon. Natabunan na ng galit niya kay Jeremy ang dating pagmamahal niya para dito. Di inasahan ni Madeline na ayos lang kay Old Master Whitman na nakulong siya sa bilangguan sa loob ng tatlong taon. Sa halip ay malumanay nitong sinabi kay Madeline na magbagong-buhay siya at mamuhay ng masaya kasama si Jeremy. Halatang makalumang tao ang old master. Kaya malamang ay magagalit siya sa kanyang apo sa paggawa ng ganitong krimen. Subalit sa sandaling ito, nagulantang si Madeline. Nahabag siya at tumanaw ng utang ng loob. Naalala rin niya sa old master ang kanyang lolo na yumao. Pareho silang napakabuting mga tao. Kumain si Madeline ng hapinan sa Whitman Manor. Ramdam na ramdam niyang ang lahat ay kinukutya siya bukod sa old master, lalo na ang nanay ni Jeremy. Pag-alis ng old master, mapangkutyang tinignan ng nanay ni Jeremy si
Magbasa pa
Kabanata 54
Lumingon ang maliit na bata dahil siguro narinig niyang may papalapit. Ang nakakatuwa at blanko niyang mukha ay nakaharap na kay Madeline. Ang maliwanag at malinaw niyang mata ay parang makintab na baldosa nang kumurap ito at tumitig kay Madeline. Tila ba napawi ang apoy ng poot sa puso ni Madeline sa isang iglap. Pagkatapos ay napalitan ito ng di maipaliwanag na pagmamahal at kagandahang-loob. Lumabas ang luha sa mga sulok ng kanyang mata at bigla siyang nakaramdam ng kagustuhang umiyak. 'Kung nandito pa ang anak ko, siguro nakakatuwa din siya kagaya nito.' Atsaka, bukod-tangi din si Jeremy. Ang anak niyang nagmana sa kanya ay siguradong magiging kasingwapo niya. Yumuko si Madeline at hinawakan ang malambot at nakakatuwa nitong mukha. "Anong pangalan mo honey?" Nakakatuwang sinabi ng maliit na bata, "Tawag sa akin ni mommy at daddy ay Jack." 'Mommy at daddy'. Nasaktan si Madeline sa mga salitang ito. Dapat may mommy at daddy din ang kanyang anak, ngunit ngayon… "Ma
Magbasa pa
Kabanata 55
Dapat ba siyang bumalik sa kanya? Iniangat ni Madeline ang kanto ng kanyang labi at ngumit bago malambing na sabihin, "Sige." Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya at tumingin kay Meredith. Sa sandaling ito, kasing itim ng uling ang mukha ni Meredith at medyo mahigpit na nakatikom ang kanyang labi. Inis na inis siya na halos durugin na niya ang kanyang mga ngipin. Subalit, ang pagkasalungat ng kanyang itsura ang pinaka ikinatuwa ni Madeline. Malapit na siyang sumabog, ngunit ayaw niya pa ring sirain ang imahe niya bilang isang mahinhin at mapagmahal na babae. Nakita ni Madeline na palapit si Jeremy kay Meredith. Siguradong balak niyang damayan ang mapagpanggap na pokpok na ito. Mula sa malayo, nakita no Madeline na hawak ni Meredith ang kanyang anak habang kaawa-awang lumalapit kay Jeremy. "Jeremy, takot na takot ako na baka saktan ulit ako ni Maddie pati ang anak natin. Nasa kulungan siya sa loob ng tatlong taon, at mukhang mas malaya na siya ngayon." Reklamo ni Mered
Magbasa pa
Kabanata 56
Napakahigpit ng hawak sa kanya ni Jeremy, at sa kabila ng pagpupumiglas ni Madeline para makatakas, napilit pa rin siyang ipasok sa kotse. Hindi alam ni Madeline kung kailan tumigil ito na isiping madudumihan niya ang kotse nito. Pinapaupo na siya nito sa pampsaherong upuan ngayon. Biglang dumilim ang langit. Sandali lang, sinundan ito ng malakas na hangit at ulan. Nagsimulang magbago ang timpla ni Madeline. Tuwing umuulan nang malakas, naaalala niya ang gabing nanganak siya. Sa masikip na karwahe, lalong lumaki ang takot sa kanyang puso. Ayaw niyang balikan ang madilim na gabing iyon, ang madugong gabi na naglayo sa kanila ng anak niya. "Jeremy saan mo ako dadalhin? Balak mo ba akong patayin dahil tumanggi akong hiwalayan ka? Di kita hahayaang magtagumpay ulit!" Nawalan na ng kontrol si Madeline sa kanyang emosyon at sinubukan pang buksan ang pintuan ng kotse. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi pa niya naiipaghiganti ang kanyang anak! Mabilis na isinara ni Jeremy ang p
Magbasa pa
Kabanata 57
"Nakikita mo ba? Mr. Whitman, salamat sa iyong pag-aalala. Hinayaan mo akong mabuhay na ganito kaganda araw-araw sa isang libong araw ko sa kulungan." Mapait na ngumiti si Madeline, habang pumapatak ang maiinit niyang luha sa likod ng kamay ni Jeremy. Nangatog nang bahagya ang manipis niyang mga daliri. Hindi niya alam na ganito pala kainit ang luha. Palakas nang palakas ang ulan, at narinig ni Madeline na kumakaluskos ang wiper sa windshield. Biglang tumahimik ang hangin sa paligid niya. Pinunasan ni Madeline ang kanyang mga luha, kumalma bigla ang tingin sa kanyang mga maya. "Jeremy, kung mauulit ko ang lahat, mas mabuti pang di kita nakilala." Matapos marinig ang mga sinabi ni Madeline, tila ba bumalik sa ulirat si Jeremy. Tinitigan siya nito nang malalim. "Wala ka nang magagawa Madeline. Asawa na kita, at di mo na ito mababago sa buong buhay mo." Sarkastikong kumutya si Madeline, "Talaga ba? Mr. Whitman, sinasabi mo na di mo ako hihiwalayan sa buong buhay mo? Paano na
Magbasa pa
Kabanata 58
Tinuro ni Meredith si Madeline at sinigawan ito. Inabandona niya ang natura niyang hipokrito at mahinhin na imahe. Hindi nagulat si Mrs. Hughes sa tapang at bagsik ni Meredith. Halatang nakita na niya ang tunay na ugali ni Meredith noon pa. Gusto nang umalis ni Madeline noong una, ngunit nang makitang nababagabag at naiinis na si Meredith sa sandaling ito, basta na lang siya umupo sa sofa at kaagad na nagsalita. "Ako ang matriarch ng bahay na ito, kaya nakakapagtaka ba kung bakit ako nandito? Ang kakaiba ay bakit nandito sa bahay ko ang isang tigalabas na tulad mo?" "Ikaw ang matriarch ng bahay na ito?" Tila ba nakarinig ng isang malaking biro si Meredith. "Madeline, naging tanga ka ba nung nasa presinto ka? Ako ang tunay na matriarch ng bahay na ito! Isa ka lamang aso na hinahabol si Jeremy!" Labis na mapanlait at mapanirang-puri ang mga salita niya. Mukha siyang galit sa kanyang nagngangalit na mga ngipin, at wala siyang tindig ng isang dalagang nagmula sa isang mayamang pami
Magbasa pa
Kabanata 59
Sa totoo lang, balisa at hindi pa rin mapalagay di Madeline. Sa kasalukuyan niyang lakas, di niya malalabanan si Meredith. Higit pa rito, di niya mabasa kung ano ang ugali ni Jeremy sa kanya. Nang pinag-iisipan niya ito, may gumalaw sa may hallway. Tumingala si Madeline nang matanaw niya ang matayog at eleganteng katawan ni Jeremy. Di pa tumitigil ang ulan, at ang karaniwang malamig na temperatura ay mas lumamig dahil sa ulan. Napatingin siya at nagtagpo ang mata nila ni Madeline. Napakalalim ng kanyang mga mata. Pata bang lulubog siya sa mga mata nito sa isang tingin lang. Hindi maipaliwanag na tumalon ang puso ni Madeline. Nang iiwasan niya ang titig nito, nakaramdam siya ng bugso ng hangin sa tabi niya. Hinawakan ni Meredith ang gilid ng kanyang mukha at tumakbo papunta kay Jeremy habang lumuluha. Pagkatapos ay tumanday siya sa dibdib nito. "Jeremy…" nanginig ang kanyang boses na parang lubusan siyang inalipusta. Ayos. Magsisimula na namang umarte ang mapagpangga
Magbasa pa
Kabanata 60
Inosente at mahinhing kumurap si Meredith, mahinahon at mahina ang kanyang boses. Subalit, tila ba bulag ang mga kalalakihan sa pinakahalatang pagpapanggap. Ang palabas na ganito ay napakaepektibo sa mga lalaki. Alam ni Madeline na papayag si Jeremy nang hindi ito pinag-iisipan. Sandali lang, nakita niya itong tumango. "Dumito ka muna kung ganon." Talaga naman. Natatawa si Madeline dito, at ramdam niya ka nanghahamon siyang tinitignan ni Meredith mula sa sulok ng kanyang mga mata. Subalit, ilang segundo lamang nagdiwang si Meredith sa sandaling makita niya si Jeremy na sumulyap kay Mrs. Hughes. Iniutos niya, "Maghanda ka ng isang guest room para kay Miss Crawford." Hinihigop ni Madeline ang kanyang sabaw at halos masamid siya nang marinig niya ito. Ang nagdidiwang na mukha ni Meredith ay halos tuluyang maglaho sa isang iglap. Anong kalokohan ito? Di ito mapaniwalaan ni Meredith. 'Ako ba ang Miss Crawford na tinutukoy niya?' Nang pag-isipan niya ito, pakiramdam nito
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
248
DMCA.com Protection Status