All Chapters of Nakakahumaling na Pag-ibig : Chapter 71 - Chapter 80
908 Chapters
Kabanata 72
Noong hinawakan siya ng babaeng nakausap sa club, magkahalong ilang at pandidiri ang naramdaman niya. Malayong malayo sa pakiramdam kapag hinahawakan at niyayakap siya ni... Pagkarating niya sa apartment, umupo siya para kunin ang susi sa ilalim ng floormat. Nakasanayan niya ng dito niya makukuha ang susi dahil sinasadya ni Ling Yiran na iwanan ito sa spot na 'yun para may reserba ito kung sakali mang maiwanan nito ang susi sa sobrang pagmamadali. Pagbukas niya ng pintuan, tumambad sakanya ang mga nakabukas nailaw at isang balingkinitang babae na nakayuko sa lamesa, na halatang nakatulog na. Dahan-dahan siyang lumapit dito para hindi ito maistorbo. Tinitigan niya ang mukha nito, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, para bang sobrang panatag niya habang pinagmamasdan itong matulog. Maingat niyang hinawi ang buhok nito na dumampi sa pisngi nito, at habang tumatagal ay mas lalo siyang naakit sa mukha nito, na para bang hinding hindi siya magsasawang titigan ito. Pagkalipas ng
Read more
Kabanata 73
Pagsapit ng sabado, himalang nakapag day off si Ling Yiran kaya niyaya siyang lumabas ni Qi Lianyi para mag'shopping. Sobrang tagal na noong huling beses silang nakapag shopping ng magkasama kaya masaya si Ling Yiran dahil pakiramdam niya ay para silang bumalik sa nakaraan ni Qin Lianyi. Bago ang aksidente, pag'shoshopping ang pinaka bonding nilang mag best friend. Natatandaan niya na wala siyang kaproble-problema noong mga araw na yun kaya nga sobrang ganda ng pananaw niya sa buhay at lagi lang siyang nakangiti. "Oh, kamusta na si Jin? Mas nakilala mo na ba siya ngayon? Halibawa, saan daw siya nakatira? Anong klaseng tao ang pamilya niya?" Hindi naman sa ayaw ni Qin Lianyi kay 'Jin', pero sobrang nag-aalala lang talaga siya na baka mapahamak ang best friend niya. "Ang alam ko lang ay patay na ang tatay niya, tapos iniwanan siya ng nanay niya noong bata palang siya. Wala na siyang ibang sinabi sa akin, kaya hindi na rin ako nagtanong." Nakangiting sagot ni Ling Yiran. "Bobo k
Read more
Kabanata 74
"Sinong nagsabing hindi namin kayang bumili? Kaya naming..." Sa sobrang galit ni Qin Lianyi sa supervisor na nanginsulto sakanila, muntik na siyang mapasubo. Pero buti nalang at pinigilan ni Ling Yiran ang kaibigan at sinabi sa supervisor, "Pwede po bang tumingin muna kami?" "Halata namang hindi niyo kayang bumili dito at nageeskandalo na kayo. Protocol namin na protektahan ang mga customer namin." Sagot ng supervisor, na parang makatao ang ginagawa nito. Walang emosyong sumagot si Ling Yiran, "Pero wala kang ebidensya na nageeskandalo kami. Ang sabihin mo ay dinidiscriminate mo kami. Naalala mo ba kung ano yung mga sinabi mo? Wag kang mag-alala, narecord ko ang lahat at sapat na 'tong ebidensya para maireport ka namin sa management ng mall." "Ikaw..." Galit na galit ang supervisor dahil hindi niya inakala na marerecord ang mga sinabi niya. "Ling Yiran, tumgil ka na nga. Hindi ka ba nahihiya? Street sweeper ka lang pero sobrang dami mong pinaglalaban. Bakit ba nangangarap ka
Read more
Kabanata 75
Sakanilang tatlo, si Xiao Zigi ang pinaka nagulat. "Yiran!" Nang makita ni Xiao Ziyi ang kuya niya, nagmamadali siyang lumapit dito para magsumbong. "Kuya, alam mo bang sobrang kapal ng mukha ng Ling Yiran na yan. Inuutusan niya akong bilhan siya ng dress na nagkakahalagang 4.8 million. Ni hindi niya manlang naisip na hindi bagay sakanya yung mga ganitong klaseng damit!" "Tumigil ka!" Galit na galit na sagot ni Xiao Zigi sa kapatid. Sa isip niya: 'Hindi ka ba natatakot? Kapag binangga mo si Ling Yiran, siguradong gagantihan ka ni Yi Jinli. Wala kang kaalam-alam na barya lang ang 4.8 million at at kahit 48 million pa ay bibilhin ko yan para lang patawarin ka niya!' "Kuya, ano bang meron sayo? Bakit sa akin ka nagagalit? Sinasabi ko lang naman kung anong ginawa sa akin ni Ling Yiran!!" Pasinghal na sagot ni Xiao Ziyi. "Anong gusto mong marinig sakin?" Naiinis na sagot ni Xiao Zigi. Pagkatapos magsalita, tumingin siya sa sales lady, na nakatayo sa tabi niya at sinabing, "Balutin
Read more
Kabanata 76
Walang tanggi-tanggi, kinuha ni Ling Yiran ang cheke at walang imik na hinila si Qin Lianyi palabas ng shop. "Yiran, hindi ka ba na'weweirduhan? Bakit ka binigyan ni Xiao Zigi ng 4.8 million yuan sa harap pa mismo ni Hao Yimeng?!!! Hindi ba siya natatakot na mag-away sila?" Hindi makapaniwalang tanong ni Qin Lianyi pagkalabas na pagkalabas nila ng shop. "Hindi ko nga rin alam kung bakit eh." "Hindi kaya may gusto pa sayo si Xiao Zigi?" "Hindi eh. Ang pakiramdam ko parang natatakot siya. Base sa tono ng pananalita niya kanina parang natatakot siya na baka pag nagalit ako kay Xiao Ziyi, may mangyayaring masama sa buong Xiao Family." "Grabe ang OA niya naman?!" "Malay ba natin diba?" Hindi rin talaga sigurado ni Ling Yiran kung anong nangyayari kaya napabuntong hininga nalang siya at tinignan ang hawak niyang cheke. "Anong balak mong gawin sa cheke na yan? Pupunitin mo ba?" Tanong ni Qin Lianyi dahil base sa pagkakakilala niya sa kaibiogan, ayaw na ayaw nitong tumatanggap n
Read more
Kabanata 77
"Bakit ako mag'sosorry?!" Galit na galit na sagot ni Xiao Ziyi. Hindi nagtagal, kagaya ng inaasahan namukhaan na ng mga tao si Hao Yimeng at kahit na nakasuot siya ng malaking sunglasses na halos matakpan na ang buong mukha niya, madali pa rin siyang makilala ng mga tao lalo na ng mga avid fan niya. "Si Hao Yimeng yun diba? Fiance niya ba yung kasama niya?" "Anong ginagawa nila 'dun?" "Bakit nakatayo lang sila sa may escalator? May nangyari ba?" Sari-saring boses ng mga gustong mang-usisa ang lalo pang nagpatindi ng tensyon.Nang makita ni Xiao Zigi na inaalalayang tumayo ni Qin Lianyi si Ling Yiran, dali-dali siyang bumaba para tulungan ito. Sa sobrang gulat, nanlaki ang mga mata ni Hao Yimeng dahil hindi niya inaasahan na talagang iiwanan siya ni Xiao Zigi para kay Ling Yiran habang pinagkakaguluhan siya ng mga fan???! "Tignan niyo oh, yung fiance ni Hao Yimeng may pinuntahang ibang babae?" "Oh my god!!! Wag mong sabihing may love triangle na nangyayari?" Halos hin
Read more
Kabanata 78
"Si Jin. Sasabihin ko lang sakanya na nandito ako sa ospital at hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi para hindi na niya ako hintayin at mauna na siyang kumain." Hinanap ni Ling Yiran ang pangalang 'Jin' sa contact list niya at tinawagan ito. Hindi nagtagal, may sumagot sa kabilang linya. "Ate." "May ginagawa pa kasi ako kaya baka mamaya pa ako makauwi. Ku...kumain ka na ng dinner." Sagot ni Ling Yiran. "Anong gagawin ka jan? Sabihin mo na sakanya na nasa ospital ka." Sabat ni Qin Lianyi. "Ate, nasa ospital ka?" Tanong ni 'Jin', na halatang nagbago ang tono ng boses. "Ah.. nadulas kasi ako kaya hinihintay ko pa yung result ng X-ray ko." "Nasaang ospital ka? Pupuntahan kita." "Wa...wag na. Nandito naman si Lianyi. Hintayin mo nalang ako jan sa bahay." Aligagang pagtanggi ni Ling Yiran. Medyo matagal na hindi nagsalita ang nasa kabilang linya bago nito ulitin ang tanong, "Saang ospital?" "First City Hospital" Nag-aalangang sagot ni Ling Yiran. Hindi naman sa na
Read more
Kabanata 79
Pero dahil na rin syempre sa utos ng direktor, gagawin niya ang lahat para mas maging maingat. Hindi nagtagal, may pumasok na lalaki sa consulting room. "Ate." "Nandito ka na pala," Nakangiting bati ni Ling Yiran, na hindi inaakalang ganun kabilis na darating si 'Jin'. "Sorry, natraffic lang ako." "Doc, kamusta po? Okay lang po ba ang kaibigan ko? Nagpagulong-gulong kasi siya sa escalator kanina," Nag-aalalang tanong ni Qin Lianyi. "Hindi naman masyadong seryoso ang natamo niyang injury. Nagkaroon lang siya ng slight na fracture sa bukong-bukong na sa tingin ko naman ay gagaling din sa loob ng ilang isa hanggang dalawang linggo, pero..." Nag'aalangang sagot ni Doctor Zhang. "Pero ano po?" Tanong ni Qin Lianyi. "Madalas ka bang naaksidente, Miss Ling?" Hindi inaasahan ni Ling Yiran ang magiging tanong ni Doctor Zhang kaya hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. "Wala akong ibang ibig sabihin. Gusto ko lang sanang linawin dahil batay sa X-ray result mo, nakita ko
Read more
Kabanata 80
Nang marinig ni Yi Jinli ang pangalan niya mula sa bibig ni Ling Yiran, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Galit ka ba kay Yi Jinli?" Nagbuntong hininga si Ling Yiran at sumagot, "Lahat ng tao sa Shen City, kilala siya. Noong nasangkot ako sa aksidente, si Hao Meiyu yung na'agrabyado ko, na fiance ni Yi Jinli. Kaya kahit hindi siya yung mismong nagpakulong sa akin, sobrang nagdusa pa rin ako. Siyempre, lahat ng tao gustong magpasikat sakanya. Kaya nga kahit mamatay ata ako sa harap nung mga nambubugbog sa akin dati, okay lang basta lumakas sila kay Yi Jinli." Ilang segundo siyang natahimik bago siya nagpatuloy, na para bang sinisisi niya ang sarili niya, "Minsan nga naiisip ko na paano kaya kung hindi si Hao Meiyu yung nabangga ko? Siguro nanalo ako sa kaso no? Siguro hindi ako makukulong at hindi ko kailangang pagdaanan yung mga pinagdaanan ko." Walang bahid ng galit o lungkot sa boses ni Ling Yiran, pero para kay Yi Jinli, parang dinudurog ang puso niya sa bawat salitan
Read more
Kabanata 81
"Sobrang gaan nga ng ate ko eh," Sagot ni Yi Jinli. 'Totoo naman ang sinabi ko... kahit na nasa 5'3 ang height niya, base sa tantsa ko parang nasa 45 kg lang siya... Mukhang kailangan ko pa talaga siyang patabain.' Sumandal si Ling Yiran sa likod ni Yi Jinli. 'Kailan nga ba noong huling beses na may bumuhat sa akin ng ganito? Sa naalala ko, parang yung mama ko pa yung huling gumawa sakin ng nito...' 'Kaya nakakalungkot na ala-ala nalang ang lahat...' "Jin, sobrang bait mo talaga." "Ate, bakit lagi mong sinasabing mabait ako?" "Gusto ko lang sabihin na ang bait bait mong kapatid, at maswerte ako na nakilala kita." 'Kapatid...' Hindi maintindihan ni Yi Jinli pero nalulungkot siya sa tuwing naririnig niya ang salitang 'to. 'Anong nangyayari sakin? Diba sabi ko noon hahayaan ko siyang maniwala na gusto ko talagang maging magkapatid kami? Kaya nga pumayag akong tawagin siyang ate eh. 'Pero ngayon.... Bakit ayoko ng maging magkapatid lang kami. Gusto kong maging.....' Hindi
Read more
PREV
1
...
678910
...
91
DMCA.com Protection Status