Lahat ng Kabanata ng The Photo Collector : Kabanata 11 - Kabanata 16
16 Kabanata
Chapter 11: The Cost of Keeping a Secret
Rabiya's POV:Gabi na nang matapos namin ang pag-eensayo. Pauwi na kami mga bandang 8:30 nang madatnan naming nakahiga si Vhynz sa tapat ng nagliliyab na gate. Hindi pa man din kami nakakalayo sa aming pinanggalingan ay kitang-kita na namin ang malaking apoy kaya dali-dali kaming tumakbo papunta rito. Hindi maipaliwanag ang aming mga mukha dahil sa nasaksihan. Napatakip na lang kami ng mga mata dahil sa sitwasyon ng guard. Naaagnas na ito. Ang mga balat ay mistulang basang papel na sa isang dampi lang ng hanging mabini ay agad nang napupunit. Ang kaniyang mga mata'y tila holeng natusta sa malakas na apoy. Ang kaniyang uniporme'y hindi na mahahagilap pa dahil ito ay ngayo’y natatanging abo na lang na nakikipag-isa sa mainit na lupa na maihahalintulad sa impyerno. May pagyanig sa aming mga kalamnan nang masangkot kami sa hindi katangi-tanging sitwasyon. 
Magbasa pa
Chapter 12: Fusion
Cylvia's POV:Tandang-tanda ko pa noong una akong tumapak sa paaralang ito, I was a seventh grader that time. Walang estudyante na hindi ngumingiti, na hindi tumatawa. Bawat daanang aking nalalampasan ay may grupo ng mga kabataang abot langit ang saya, kumikinang ang mga mata sa sobrang ligaya. Hanggang ngayon, malinaw na malinaw pa rin sa aking pananaw ang ganitong mga nakasanayan. Pero habang tumatagal, kumukupas na ang paniniwalang sadyang masayahin ang mga mag-aaral dito sa amin. Habang tumatagal, umiiba ang ihip dito ng hangin. Habang tumatagal, unti-unting nababalot ng misteryo ang dating payapang paaralan. At habang tumatagal, lumilisan na ang saya ng dating kabataan. Iba ang ngiti ng mga kabataan noon sa ngiti ng mga kabataan ngayon. Namin pala, dahil isa din ako sa mga iyon. Noon, ang ngiti ay ginagamit para maglahad ng kasiyahan. Pero ngayon, ginagamit na ito para magtago ng kasamaan. Alam kong may tao talaga sa likod ng bawat buhay na lumisan. At alam k
Magbasa pa
Chapter 13: Special Performance
Jermaine's POV:Tanghali na.Napagkasunduan naming kumain sa isang seafood restaurant ilang metro lang ang layo mula sa Hamlet Creek University. Maagang natapos ang klase dahil preparation na para sa program mamaya sa school, National Women's Day Celebration. Sampu kaming kasalukuyang magkakasama. Ako, si Arian, si Samantha, si Vhynz, si Yuri, si Cylvia, si Rabiya, si Philip, si Janvic, at si Andrei.Dalawang parihabang mga mesa ang pinagdugtong namin para lang magkasya kaming lahat nang walang hindi nakakasali. It's our odd behaviour as a group; we always settle for what makes us all comfortable. Habang naghihintay ng mga in-order na pagkain, hindi namin napigilang pag-usapan ang sunog na nangyari sa main entrance ng gate kagabi. It really happened so fast. It was just last night, but the way everyone acted today, it felt like it had been wiped out of the history. Tuwing sumasagi ito sa isip ko,  bigla na lang lumilitaw
Magbasa pa
Chapter 14: Minus Four
Rosalyn's POV:Naiwan kaming apat dahil kakababa lang namin mula sa Senior High School building at hindi matawaran ang pagod sa katatakbo sa ilalim ng araw, kaya napili muna naming mamahinga kahit saglit. Nagpunas ng mga pawis, nag-asikaso ng mga sarili, at nagpulong-pulong tungkol sa sayaw na itatanghal namin mamaya. Apat na lang kami ang natitira dito sa dressing room, kaya medyo angkin namin ang lahat ng mga electric fan sa loob, maging ang sapat na espasyo ng buong silid para mag-unat-unat ng mga buto. Habang sinusuklay ko ang aking buhok, bigla akong tinanong ni Leigh Ann. "Alin sa dalawang ito ang sa tingin mo'y mas bagay sa'kin?" tanong niya, pinapakita ang dalawang contact lenses na nasa kulay asul at kulay kape. Hindi ko alam kung bakit siya maglalagay nito sa mata, gayong hindi naman ito makikita sa malayuan. Sobrang laki ng entabladong aming sasayawan, at sobrang layo sa amin ng mga manunuod. Imposibleng
Magbasa pa
Chapter 15: A Love In The Rain
Rex's Pov: Dalawang linggo na ang nakalilipas matapos nangyari ang hindi inaasahan. Kasalukuyan akong nandidito sa sementeryo kung saan sila inilibing. Martes ngayon, galing akong Alejandro at dumaan lang ako dito para mag alay ng bulaklak at dasal. Hindi naging dahilan ang ulan para hindi ako matuloy. Mag-isa akong bumisita sa puntod nilang apat. Ang makita silang nakabaon sa ilalim ng malawak na libingan ay nagbibigay sa akin ng isang malungkot na atmospera. Hindi ko na kailangan pang makipag-sabayan sa ulan para lang mapagtantong umiiyak na ako. Alam ng lahat ng mga santo santo sa kalangitan kung gaano ako nagdadalamhati sa mga puntong ito. Kahit mismong ang Panginoon ay may ideya kung gaano ka bigat sa pakiramdam ang malunod sa mga emosyong ito.  "You all will surely be missed," malumanay ngunit malugod kong bulong sabay patong ng mga bulaklak sa ibabaw ng lapida ng bawat isa sa kanila.  Nag-uumapaw ang aking kalungkutan habang nakaluhod
Magbasa pa
Chapter 16: A Walk To Remember
Jode's Pov: Ginising ko si Rex mula sa kanyang pag-iidlip nang mapansin kong tumila na ang ulan. Agad naman siyang bumangon at inunat ang katawan.  "Good. Sa wakas at tumigil na ang ulan," aniya sabay hikab.  "Kaya nga. Tara na, uwi na tayo." Kinuha ni Rex ang kanyang bag at saka isinuot ito. "Sige, ihahatid na kita sa inyo." "Kahit huwag na. Kaya ko na ang sarili ko," pagtanggi ko.  "Kahit kaya mo na ang sarili mo, kailangan pa rin kitang ihatid." Pagpupumilit nito sabay kuha sa aking mga gamit. "Tara na." "Oh sige na nga,hatid mo na ko. Bahala ka, baka pagsisisihan mo to bukas." Pagbabanta ko sa kanya habang nag-umpisa na kaming maglakad.  Napatingin ako sa aking relo and it's almost 6:30. Kaya hinikayat ko si Rex na mas bilisan pa ang paglalakad dahil ayokong mapagalitan na naman ni mama. Napagk
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status