Lahat ng Kabanata ng My Bestfriend's Enemy: Kabanata 61 - Kabanata 70
81 Kabanata
Chapter Sixty One 
WALA man siyang matandaan tungkol sa asawa raw niyang si Mark Wayne Toledo, naisip ni Jillian na hindi siya dapat maging unfair dito. May malaking kasalanan na nga siyang nagawa rito na hindi niya alam kung magagawa niyang aminin dito at humingi ng tawad. Napalunok lang siya ng may katanungang biglang sumuot sa kanyang isipan, paano kung nagbuntis siya?Napalunok siya ng kung ilang ulit. Siyempre, wala na siyang choice kundi ang umamin. Saka, nangako siya kay Lance na kahit na anong mangyari ay hindi sila maghihiwalay. Ibig niyang tuparin ang pangako niyang iyon, pero, paano? Eh, hindi naman ito ang tunay niyang asawa na pinangakuan niya ng panghabambuhay?Parang gusto niyang maging makasarili at piliin na lang na si Lance. Nakasisiguro kasi siyang ito naman talaga ang kanyang mahal pero kahit na wala siyang maalala sa ngayon, napagtanto niyang hindi naman gano
Magbasa pa
Chapter Sixty Two 
TULAD nang nakagawian nina Lance at Jillian, tuwing umaga ay magkahawak kamay silang naglalakad sa baybaying dagat. Kung dati ay palagi silang nagkukuwentuhan, ngayon ay tahimik sila. Nagpapakiramdaman. Hindi na nakatiis si Jillian. “Dapat ay magalit ako sa’yo, Lance.”“I know,” bulong nito. “I’m sorry.”Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan saka hinarap ito. Dapat ay sampalin niya ito, suntukin niya ang dibdib nito, itulak sa karagatan at murahin ito. Kaya lang ni isa sa mga iyon ay hindi niya magawa. Mas nangingibabaw ang pagmamahal na nararamdaman niya rito kaysa galit. Ni hindi nga niya mabitawan ang kamay nito dahil mahal niya ito. Mahal na mahal. Kaya, hindi niya napigilan ang mapahagulgol. Pagka
Magbasa pa
Chapter Sixty Three 
WALA si Lance nang magising si Jillian kinaumagahan. Si Mark Wayne ang nakita niyang nakatitig sa kanya nang magising siya. Hindi niya tuloy malaman kung maiilang siya o mahihiya rito. "Maganda Umaga," masiglang sabi nito sa kanya. "Good Morning din," wika niya. “Si Lance?”Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. “Bakit ba ang wala ang hinahanap mo?”“Sorry.”"Maggu-grocery daw siya. Nagdadalawang isip pa ngang iwanan ka.""Kanina pa siya umalis?" Tanong niya rito. Kahit alam na niyang ito ang kanyang asawa, nagawa pa rin niyang ibigay ang sarili niya kay Lance. Pakiramdam tuloy niya'y sinadya na niyang pagtaksilan ito
Magbasa pa
Chapter Sixty Four
KUNG hindi lang magugutom ang kanyang reyna, hindi talaga aalis si Lance. Kaya lang nai-stress din siya kapag kumakalam na ang sikmura ni Jillian. Para itong nagiging monster. Tumatalim ang tingin at nanunulis ang nguso. Ang sarap tuloy ihagis sa kama!May kaba lang siyang naramdaman nang maalala niyang si Mark Wayne lang ang kasama ni Jillian sa bahay kaya naman binilisan na lamang niya ang kanyang pagkilos. Sabihin man na si Mark Wayne ang tunay na asawa ni Jillian, siya pa rin ang mahal ni Jillian kaya dapat lang na sila ang magsama. Umaasa siyang tutuparin ni Jillian ang ipinangako nito sa kanya. Na kung anuman ang relasyon nito kay Mark Wayne ay tatalikuran nito dahil siya ang mahal nito. Dapat ay masiyahan siya sa sinabing iyon ni Jillian pero hindi niya magawa. Hindi pa kasi naaalala ni Jillian na may anak ito kay Mark Wayne. 
Magbasa pa
Chapter Sixty Five
BUMUKAS ang pinto ng kuwarto at pumasok si Lance pero ngumuso lang si Jillian. Ayaw sana niyang makita ito pero tiyak naman niyang hindi siya nito hahayaang lumabas ng silid hanggang sa hindi sila nakakapag-usap. Kaya, ang ginawa niya, hinagilap niya ang kumot at nagtalukbong. Talaga kasing naiinis siya rito. Biro mo ba naman, pinagluto niya ito ng adobo tapos pipintasan lang nito. Hindi na tuloy niya napigilan ang maiyak. Para kasing hindi nito na-appreciate ang kanyang effort. Gayung sabi ni Mark Wayne, the way to a man's heart is through his stomach. Ayaw na sana niyang marinig ang kuwento nito tungkol sa kanilang dalawa dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon. Para kasing kahit bumalik na ang kanyang alaala ay hindi na niya magagampanan pa ang papel niya rito. Si Lance na kasi ang buhay niya. 
Magbasa pa
Chapter Sixty Six 
PAKIRAMDAM ni Jillian ay isa siyang ‘kriminal’ na tumatakas kaya naman abot-abot ang kabog ng kanyang dibdib nang marating niya ang bankang de motor na ginagamit ni Lance. Para nga mas madali ang pagtakas ay sumakay na siya rito at maya-maya lang ay nakita na niya si Lance na tumatakbo. Nang mapaandar na ni Lance ang sasakyan ay parang nakahinga na siya nang maluwag. Ngunit, saglit lang niyang naramdaman iyon dahil lumitaw si Mark Wayne.Hindi naman ito humabol sa kanila, nanatili lamang itong nakatayo sa may labasan, nakahalukipkip at nakakunot ang noo. Kaya, para hindi na siya ma-guilty pa, iniwas na niya ang tingin dito. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa dahil ito ang asawa niya at sumama siya sa ibang lalaki pero talagang hindi niya kayang pigilin ang sinasabi ng kanyang puso. “I love you, Jillian,” wika sa kanya ni Lance.
Magbasa pa
Chapter Sixty Seven 
"HI sa inyong dalawa," ngiting-ngiting sabi ni Mark Wayne kina Jillian at Lance na hindi pa rin maawat sa pagtititigan kahit na nakapasok na sa bahay. Tiyak tuloy niyang  hindi napansin ng mga ito ang pagtalim ng kanyang tingin. Kung ibang lalaki lang siya, siguradong nagwawala na siya ngayon. Kahit mahal na mahal niya ang kanyang asawa, tiyak na masasaktan niya ito. Sumama ito sa ibang lalaki at halos beinte kuwatro oras na nawala. Hindi siya tanga para hindi niya maisip na nagpalipas ito ng gabi sa kung saan. "I'm sorry," wika ni Jillian pero ang ngiti ay abot hanggang mata. Ang sarap sampalin! Bakasakaling matauhan na. Marahas na paghinga na lamang ang kanyang pinawalan sa halip na magpakita ng galit. Kailangan niyang maging mabuting tao sa harapan ng kanyang asawa kung talagang gusto niya
Magbasa pa
Chapter Sixty Eight 
ANG ganda mo talaga, Jillian, nakangising sabi ni Mark Wayne habang nakatitig sa asawang tulog na tulog pa rin. Napabuntunghininga si Mark Wayne. Wala na kasi siyang maisip na ibang paraan para muling makuha ang asawa kundi ang kidnapin ito. Kung hindi niya kasi gagawin iyon ay tiyak niyang hindi na niya ito maaagaw pa kay Lance. Nilagyan niya nang pampatulog ang pagkain nina Jillian no at Lance para magawa niya ang kanyang balak. Nu'n kasing araw na iyon din kasi ang pagdating ng helicopter kaya talagang kailangan na niyang makuha si Jillian sa anumang paraan. Tiyak niya kasing hindi naman ito sasama sa kanya kung sasabihin niyang kailangan na nilang umalis. Kahit kasi sinabi na niya kay Jillian na siya ang asawa nito, parang wala itong pakialam. Mas naniniwala kasi itong ang dapat nitong kasama ay ang taong mahal nito, at hindi siya iyon. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. May sakit siyang naramdaman pero wala siyang paki
Magbasa pa
Chapter Sixty Nine 
"JILLIAN…" wika ni Lance. Masakit na masakit pa rin ang kanyang ulo pero wala namam siyang ibig makasama at makausap kundi ang babaeng pinakamamahal. "Hindi ako si Jillian," mataray na sabi ng tinig Bigla niyang iminulat ang mata.pagkaraan ang bumalikwas siya nang bangon. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita si Bianca. Nakaupo ito sa paanan ng kama at naka-nighties, halatang layunin nitong mang-akit. Bukod sa pula na ang suot nito'y napakanipis pa nu'n at walang panloob. "Anong ginagawa mo rito? Mangha niyang tanong. "Màgbabakasyon."Baliw ka ba? Gusto sana niyang itanong dito ngunit nais pa rin niyang magpaka-gentleman kaya "What?" na lang ang kanyang ibinulalas"I want to have you forever." Pagkunwa'y umakto pa ito na hahalikan siya kaya naman agad siyang umiwas. Wala siyang i ang gustong halikan kundi si Jillian lang. "Baliw!" Hindi na niya napigilang sabihin. Kahit kasi gusto niyang
Magbasa pa
Chapter Seventy
SAAN ako magtatago? Saan ako magtatago? Excited na tanong ni Bianca, na nagpapatalun-talon pa. Hindi pa niya napigilang tumili nang maisip niyang ilang segundo na lamang ay darating na si Lance para siya ay bulagain. Naisip tuloy niya, mas maigi pa siguro kung hindi na lang siya magtatago. Hahayaan na lamang niyang itong pumasok sa silid para kapag nakita siya ay agad na siya nitong yayakapin, kakargahin at tapos ay gagawa na sila ng baby. Handa na ba siyang maging ina? Tanong niya sa sarili pagkaraan kaya bigla siyang natigilan. Naisip niya kasing kapag nabuntis siya ay lalaki ang kanyang tiyan, masisira ang kanyang katawan at malaki ang posibilidad na pumangit siya. Sunud-sunod na pag-iling ang kanyang ginawa dahil gusto niyang mapalis sa kanyang is
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status