All Chapters of Death Judge Noble Park: Chapter 21 - Chapter 30
36 Chapters
Kabanata 20
Maximaze ParkNgumiti ako. “Huwag po kayong mag-alala. Kaya ko po ang aking sarili.”   Marahan akong napatawa dahil sa aking tinuran. Hindi ko dala ang aking arnis o kahit ang aking palaso at pana kaya maliit ang tiyansang maprotektahan ko ang sarili kapag wala si Liene. Aasa na lamang ako sa mga itinuro ni Heneral, ang pag-atake at pagdepensa. Sigurado naman akong mayroon akong natutunan.Ginulo niya ang aking buhok. “Kumain ka na. Huwag mo ring kakalimutan ang aking pagkain. Ako’y may kakausapin lamang.” Tumawa ako. “Opo, Tiyo!” Tumalikod ako sa kaniya at tumakbo papalayo kasama ni Liene.“Mag-iingat kayo!” pahabol na sigaw ni Tiyo.Dumeretso kami sa bayan. Kabisado ni Liene ang daan. Nang kami ay makarating sa tindahan ng mga pagkain, masasabi kong marami ngang masasarap na pagkain dito. Sa tingin at amoy pa lamang ay nakakabusog na ngunit iisa lamang ang aking hinahanap, ang
Read more
Kabanata 21
Maximaze ParkMabilis na natapos ang unang pagtutuos at ikinabigla ko iyon nang sobra. Hindi ako makapaniwala na hinampas lamang si makisig sa batok at hindi na ito nakabangon pa. Tulog na tulog kung kaya't nahihirapang ilabas ng circulo si makisig. Sa kabilang panig, si payat ay bumalik sa puwesto nito. Nagpapahinga siya at muling ibinabalik ang lakas na sinayang nito.Akin lamang naisip, paano nalaman ni payat ang kahinaan nito sa napakaikling panahon? Hindi ko mawari kung paano, at dahil doon, ako ay nausisa kung paano iyon gawin. Malamang sa malamang, kailangang mabilis ka mag-isip at malawak ang iyong pagkakaunawa.Pagkatapos manood ng unang laban ay hindi na ako nakaimik. Ako ay nakulong sa malalim na pagmumuni-muni. Lumalakbay ang barko ng aking isipan habang gustong kumawala ng aking puso sa kaba.Ramdam na ramdam ko na may mangyayaring hindi kaaya-aya at ang aking tanging hiling, na sana ay hindi kasama si Ina sa kutob na iyon.
Read more
Kabanata 22
Maximaze ParkMayaʼt maya pa ay tumunog na ang gong, hudyat na magsisimula na ang laban. Unti-unti silang lumapit sa isaʼt isa nang mapansin kong si Liene ay nakatutok sa lalaking nagboluntaryo.“Liene, may nararamdaman ka bang kakaiba sa lalaking iyon?” Tinuro ko ang lalaking nagboluntaryo. Sa tuwing tumitingin si Liene nang ganoon sa isang bagay o sa isang tao ay may kakaiba. Kaya ganito na lang ako kung magtaka.Tiningnan niya ako sa mata kaya tiningnan ko rin ito sa mata, naghihintay ng sagot niya. Bumuntonghininga ito at nagsalita, “siya ang aking kapatid, Maze. Pumunta siya rito upang sumubok muli nang makasama siya sa isang grupong iniidolo niya. Kapag nanalo siya sa labang ito, magkakaroon siya ng tiyansang lumabas ng Normous at libutin ang mundo . . .”   Huminga siya nang malalim at tiningnan ang kniyang kapatid. “. . . Ilang beses na siyang natalo—ilang beses na rin siyang nasaktan ngunit kahit ilang beses
Read more
Kabanata 23
Sybil ParkDinala ako ni Cladius sa isang kuwarto. Sa kuwartong iyo ay nakakita ako ng isang batang babae, nakaupo sa gitna ng silid at nakasuot ng isang itim na hanfu at balabal. Hindi ko siya nakilala sapagkat ang kaniyang mukha ay tinatakpan ng balabal na kaniyang suot.“Noble, kami'y narito na,” wika ni Cladius. Unti-unti nitong itinaas ang kaniyang ulo at inalis ang kaniyang kapuisa upang kami ay tingnan. Ang aking nakita ay . . . si Maze, ang aking anak.Nanlaki ang aking mata sa nakita. Ito ba ay totoo o nananaginip lamang ako?Ang aking puso ay parang natamaan ng isang maliit na karayom nang makita ang kaniyang pagmumukha. Ito ay hindi na gaya ng dati. Tatlong taon na ang nakakalipas nang siya ay umalis upang maglakbay. Hindi ko aakalaing magiging ganito kalaki ang pinagbago niya.Kalmado lamang ang kaniyang ekspresiyon, hindi ngumingiti. May mga pilat din sa baba ng kaniyang mga mata. Ang kaniyang mga lente a
Read more
Kabanata 24
Sybil ParkAking tinikman ang aking niluto. Pinaglutuan ko si Maze ng kaniyang tanghalian dahil baka malipasan na naman siya ng pagkain.Ilang araw na ang lumilipas ngunit bibihira lamang kami mag-usap ni Maze dahil mahigpit ang kaniyang oras. Isa na din ang dahilan na magkaiba kami ng tahanan. Mas pinili niyang tumira sa isang manor upang malapit lamang sa palasyo ng emperor. Naiwan naman ako dito sa lugar kung saan malapit lamang sa Ilog ng Deshqua ang bahay na aking tinitirhan. Mas pipiliin kong mamuhay nang tahimik sa liblib na lugar na ito. Payapa lamang at masarap tanawin ang kalikasan.Naandito naman si Darius upang ako'y bantayan kaya't wala nang dapat ipag-alala si Maze ngunit hindi ako sigurado kung nag-aalala pa ba siya. Bihira lamang kami mag-usap at magkita, nasasaktan ako sapagkat pakiramdam ko na kahit naandito na siya, parang hindi ko pa rin ramdam ang kaniyang presensya. Minsan naisip ko, na ayos ba talaga siya? Sa isang beses na tinanong ko siy
Read more
Kabanata 25
Maximaze Park Humakbang muli ako upang makita ang aking ama. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang isang bangkay—isang kalansay. Malamig ko itong tiningnan. Ito na naman, panibagong bangkay sa aking harapan, nagsasawa na akong makakita ng bangkay sapagkat pare-parehas lamang ito. “Maaari bang . . . “ Ako'y bumuntonghininga at nanahimik saglit. Muli ko itong pinagmasdan at nagsalitang muli, “iwan niyo muna ako rito?” “Masusunod.”   Rinig ko ang kanilang mga pagyapak nang iwan nila ako dito nang mag-isa. Lumuhod ako at hinawakan ang kamay nito. Ito'y malamig, madumi, at mabaho. Hindi ko inaasahang ganito ang aming magiging pagkikita. Hindi ko man lang masilayan ang kaniyang wangis, ang kaniyang ngiti, at hindi ko man lang maramdaman ang kaniyang pagmamahal. Mukhang wala na akong hihintayin pa sa aming tahanan. S-siya'y aking niyakap at ngayong siya'y nasa aking harapan na, umiyak ako hindi dahil sa saya, hindi rin dahil sa
Read more
Kabanata 26
Maximaze Park Pinanood ko si Isa na umalis. Nang magsara ang pinto, ikinuyom ko ang aking kamao, nanggagalaiti kong isinara ang aking mga ngipin, at salubong ang aking mga kilay. Nakaramdam ako ng kirot sa aking ulo kung kayat mahina ko itong tinampal. “Maze, takbo!” sigaw ni Liene. Kasulukuyan niyang nilalabanan ang malakas na hanging nanggagaling sa kakaibang enerhiya dala ng babaeng kaharap namin ngayon. Nasa bingit na kami ng kamatayan dahil sa babaeng nakaharap namin. Bata lamang siya at mukhang kasing-edad namin ngunit mas malakas siya. Ang kaniyang enerhiyang dinadala ay kakaibang-kakaiba. Para bang ito ay mayroong kapangyarihan. Mali, mayroon nga sapagkat sobrang liwanag at sobrang lakas ng hangin.Sa lakas nito, ang kaniyang buhok ay nililipad. Sinusubukan ko na tingnan ang kaniyang wangis. Ang kaniyang mga mata ay umiilaw at siya'y nakatingin sa akin. Nasa panganib kaming dalawa ni Liene. Hindi ko naman siya basta-bastan
Read more
Kabanata 27
Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n
Read more
Kabanata 28
Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.”   Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.”   Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What
Read more
Kabanata 29
Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.” Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status