Lahat ng Kabanata ng Capturing The Bachelor: Kabanata 11 - Kabanata 20
79 Kabanata
Chapter 10
Kailanman ay hindi ako nagbigay ng buong tiwala sa isang lalaki maliban kay Fredo, na lalaki pa din kahit isa siyang binabae. Subalit andito ako ngayon sa isang sitwasyon na tanging si Blue na lamang ang makakatulong sa'kin. Mabilis siyang pumayag sa pabor na hiningi ko. Akala ko'y mahihirapan kaming makalabas ng bahay ngunit hindi ko inaasahang magaling mag-isip ng paraan si Blue. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa shotgun seat ng kan'yang magarang sasakyan.  Papalubog na ang sikat ng araw nang tinahak namin ang daan patungong airport. Nakapahinga sa bintana ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napaka-relax niyang magmaneho samantalang ako ay hindi pa lubos na napapanatag ang kalooban hanggang hindi nakakarating ng airport. "You know what, I'm surprised that Zid didn't able to get what she wants from you. Zid was good in persuading people. Kaya nga siya ang pinapaharap ko minsan sa mga investors ng company ko because
Magbasa pa
Chapter 11
"It's you, once again! Mr. Davis does not accept visitors who do not have an appointment with him, how many times do I have to tell you that?" pagtataray ng may edad ng babae na nasa front desk ng building kung nasaan ang opisina ng aking ama.Pang-apat na araw ko na itong nagbabakasaling makakausap siya, subalit hindi nila ako pinapayagan na makapasok sa loob."Please, tell me how can I book an appointment with him?" Makailang ulit ko na din na kinukulit ang babae sa kung paano ko makakausap si Theodore Davis, ngunit paulit ulit din niyang sinasabi na mga importanteng tao lang ang pinapapasok sa loob.Hindi ba importanteng tao ang anak? Kung malalaman lang sana ng babaeng ito na anak ako ng boss niya ay baka bigyan niya pa ako ng special treatment.Hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa sa tapat ng kan'yang laptop."Mrs. Anderson, I really need to see him, I need to discuss an important matter to him." Mabuti na l
Magbasa pa
Chapter 12
Kahit nasa ibang bansa ay malakas pa din ang dating ni Zid. Hindi ko maikakailang mas lalo siyang naging gwapo sa kan'yang winter attire. Kung sana'y maganda din ang kan'yang pag-uugali ay baka siya ang unang lalaking magiging crush ko kaso lang ay nasa listahan na siya ng mga lalaking kinamumuhian ko. Hindi ko na sinagot ang kan'yang tanong bagkus ay bigla kong hinablot ang aking wallet na nasa kan'yang kamay subalit mabilis niya itong naiilag sa akin. Hindi ako tumigil at pilit na inagaw ang wallet ko hanggang sa itinaas niya na iyon at hindi ko na maabot. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kan'ya samantalang parang nag-eenjoy pa siya sa ginagawa. Isip bata! Siguro'y bully siya 'nong bata pa at palaging napapatawag sa guidance office ang kan'yang mga magulang. Kawawa naman sila dahil nadagdagan lang ang edad ni Zid pero nananatiling immature ang pag-uugali niya. "Akin na sabi 'yan!" bulyaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan kam
Magbasa pa
Chapter 13
Nakakatawang isipin na sa mga nagdaang linggo ay si Zid ang naghahabol sa'kin ngayo'y ako naman.  Kung paano ko siya talikuran at iwasan noon ay ganoon din ang ginagawa niya sa akin ngayon. Sinundan ko si Zid hanggang lobby ng hotel na kan'yang tinutuluyan. Ilang ulit ko siyang tinawag ngunit hindi man lang siya lumingon at dire-diretsong sumakay ng elevator. Hinarang ako ng mga guards bago pa man ako makapasok doon marahil ay nahalata nilang hindi ako isa sa mga guests. "Miss, can you please call Mr. Zid Sena?" tanong ko sa receptionist. Pasimple akong tinitigan ng babae mula ulo hanggang paa. "What's your name?" tanong niya. "Tell him that his friend Kai is waiting for him at the lobby," sabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang-isip kung pagbibigyan ako o hindi. "If he's your friend I suggest to personally message him about it," sabi niya. "My phone is... lost. Yes I don't have my phone with me," pagsisinun
Magbasa pa
Chapter 14
Noong bata pa ako'y madalas akong mainggit sa mga kaklase kong inihahatid ng kanilang  ama papasok ng eskwela. Minsan nga'y nagkaroon pa ako ng kaaway dahil nagselos ang aking kalaro nang gawan ako ng saranggola ng kan'yang ama. "Wala ka kasing daddy, kaya gusto mong agawin ang daddy ko!" natatandaan ko pang bulyaw niya sa'kin.Simula noo'y nagtanong na ako kay lola tungkol sa tunay kong ama subalit palagian niyang iniiba ang usapan. Hanggang sa dapuan siya ng malubhang karamdaman. Bago siya mamatay ay isiniwalat niya ang kan'yang nalalaman sa'king tunay na pagkatao.Ngayon nga'y nasa harap ko na ang lalaking matagal ko nang inaasam na makita."Mr. Sena has requested me to do you a favor and give you even a few minutes of my time. So what is it?" tanong ni Mr. Davis.Iniwan kami ni Zid sa pribadong parte ng restaurant. Maging ang sekretarya ni Mr. Davis ay lumipat din ng ibang upuan.Pinagmasdan ko ang kapeng sinerve ng waitress s
Magbasa pa
Chapter 15
"I'm sorry Mr. Sena but our hotel is fully booked," sabi ng receptionist ng hotel na tinutuluyan ni Zid.Nang magkita kami kanina sa Central Park ay hindi na ako nagsinungaling pa nang magtanong siya kung bakit bitbit ko ang aking mga gamit. Sinabi ko din sa kan'yang wala na akong sapat na pera. Hindi ko alam kung bakit nagpapakita akong kaawa-awa sa harap niya, marahil ay defense mechanism ko na iyon upang hindi niya ako makompronta tungkol sa nangyari kanina.Akala ko'y aalis na siya pagkatapos namin mag-usap ngunit sa aking pagkabigla ay nag-offer siya ng tulong.Gusto kong tumanggi dahil pakiramdam ko'y may hidden agenda siya. Subalit nang maalala kong nasa ibang bansa ako at sa kasawiang palad ay siya lamang ang kakilala ko ay pumayag na din ako."Okay lang Zid. Maghahanap na lang ako ng ibang matutuluyan," sabi ko sa kan'ya.Nakapamewang siyang tumingin sa'kin. Ako nama'y abalang punasan ang malagkit na sarsa na tumilapon sa dami
Magbasa pa
Chapter 16
Naranasan mo na bang dumalo sa isang networking seminar? 'Yong tipong may isang gwapong nilalang ang nag-aya saiyo na magkape sa isang coffee shop, kinikilig ka na dahil akala mo ay date, iyon pala ay aalukin ka lang na mag-invest. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap si Zid. Nakaupo ako sa couch samantalang siya naman ay sa single sofa, dito sa kan'yang unit. Sa center table ay nandoon ang isang nakatuping d'yaryo na pamilyar ang itsura sa'kin. "This is The Veracity's tabloid, it exposes businessmen and politicians na gumagawa ng iligal na bagay, such as corruption, drugs, any illegal activities. Hangga't may larawang kuha bilang ebidensya ay mailalathala sa tabloid na ito. That will be your job. You will be an undercover photographer of our organization," panimula ni Zid. "Wait. Wait lang. Time first," hindi ko masundan ang mga sinasabi niya. "Ibig mo bang sabihin ay pa-sekreto kong kukuhanan ng larawan ang mga politiko o negosyante na
Magbasa pa
Chapter 17
"Can I just train her instead?" tanong ni Zid kay Duke nang pinigilan siya nitong sumama sa akin patungo sa isang pinto. Matagal na tinitigan ni Duke si Zid, pakiramdam ko'y nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata. Dumako sa akin ang tingin ni Duke bago ngumiti. "Okay. How can I say no to the most promising interrogator of our organization?" Hindi ko alam kung nanunuya ba ang tono ng pananalita ni Duke dahil nakangisi ito samantalang nanatiling seryoso si Zid. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nilang dalawa. Gusto ko nang matapos ang training na ito.  Kami na lang ni Zid ang pumasok sa loob, bumungad sa amin ang may kalakihang gymnasium. Kaliwa't kanan ang nag-e-ehersisyo at nag-eensayo ng karate, boxing at self-defense. Iba't ibang kulay ng balat ang nakikita ko at pananalita ang naririnig ko. Ibig sabihin ay katulad ko din sila na bagong recruit para maging parte ng organisasyon sa kanilang bansa. Mayroon ng nakahandang pamalit ng
Magbasa pa
Chapter 18
Habang nasa byahe kami patungo sa hideout o bahay na pinagdalhan sa akin noon ni Zid nang kidnap-in niya ako, ay inisa-isa na nila sa akin ang trabaho ng bawat myembro ng grupo. Ang protektor ng grupo na madalas kong makakasama sa mga misyon ay sina Ivan o Hail at Sylvester o Sun. Si Blue naman na may codename na Rain ay ang I.T specialist. Siya ang nakatalaga sa pagproseso ng mga larawan at video na makukuhanan ko at higit sa lahat ang pag-hack ng ilang accounts ng mga politiko at negosyante upang makakuha ng ebidensya at impormasyon. "I am Cloud, your leader," maikling pagpapakilala ni Knight sa kan'yang sarili. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan at sa kan'yang tabi ay si Zid. "I am the interrogator of the team," sabi naman ni Zid. Naalala ko bigla ang sinabi ni Duke na si Zid ang 'most promising interrogator' ng The Veracity. Hindi na nakakapagtaka kung bakit napakagaling niyang manghikayat ng tao.  Pero bakit namin kailangan ng interrog
Magbasa pa
Chapter 19
"Mr. Alejar, a Caelus Aviation stockholder, is believed of being the mastermind behind the human trafficking discovered by police in Manila two months ago." Hawak-hawak ang isang pulang marker ay binilugan ni Cloud ang litrato ni Mr. Alejar na nakadikit sa white board habang ipinapaliwanag sa amin ang susunod na misyon. "I ran a background check on him. He grew up in the province. Mayroon silang mga lupain doon na iligal raw na tinitirhan ng mga tao. Pilit na binawi ng kanilang pamilya ang mga lupain subalit nagmatigas ang mga taga-roon. Dahil dito, Mr. Alejar's father decided to use violence. May mga sibilyan na namatay. Ang mga kapamilya nito ay naudyok na maghiganti, causing his parent's death. He became an orphan at a very young age. Bukod pa doon, ang lupang pinag-aawayan ay napag-alaman na matagal nang nailipat sa pangalan ng mga mamamayan na nakatira doon," mahabang kwento ni Cloud. Mataman akong nakikinig sa kan'ya. Bigla ay naging interesado ako sa u
Magbasa pa
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status