Lahat ng Kabanata ng Aking Maria: Kabanata 11 - Kabanata 20
92 Kabanata
Kabanata 10
Gabi na noong naisipan na mag paalam ng binata, alam ni Isabel na grabi din ang sakripisyo ng binata para sa ginawa niya ngayong araw. Bukod sa pag absent nito ay gumastos pa ito para sa lola niya."A-alis na ako, pumasok kana doon sa loob at huwag mo na akong tignan paalis," naka-ngiti na sabi ni Philip dito.Sobra ang naramdaman na gaan ng loob ni Isabel dahil sa binata, hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam na may sinasandalan sa panahon ng problema.Muli ay naiiyak nanaman siya, hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang lalake. Nabigla si Philip sa ginawa ng dalaga pero agad din naman itong nakabawi, gumanti siya ng yakap sa dalaga at hinimas-himas ang likod para kahit papaano ay gumaan muli ang pakiramdam nito."Huwag ka ng malungkot, andito lang ako pag nangangailangan ka ng kausap. Handa din akong tumulong kaya huwag kang mahihiya na lumapit." Sabi ng binata dahilan para mas mai
Magbasa pa
Kabanata 11
Linggo noong may pumalit namang mabait na kapitbahay kay Isabel para mag bantay sa kaniyang Lola, kaya sa wakas ay makakapasok siya sa kaniyang trabaho. Mabuti na rin iyon dahil mauubusan na sila ng pang budget kung pati trabaho niya ay hindi pa siya makakapasok.Nakiusap siya sa kaniyang boss na kung pwede ay umaga hanggang gabi siya magtratrabaho, buti nalang ay pabor ito sa boss niya dahil medyo nagkukulang din sila ng tauhan. Pagkarating niya doon ay agad siyang nagsimula sa pagtratrabaho, kahit medyo puyat ay pinilit niyang kumilos tulad ng dati. Hindi siya pwedeng maging mabagal o magreklamo dahil hindi niya maaatim na maalis sa trabaho."Isabel, okay na ba ang Lola mo?" Napalingon siya sa isang lalake, si ken.Bihira lang ang nakakaalam ng totoong stado ng buhay ni ken, dahil nga ay isa din ito sa mga nagiging leader ng mga program, ngunit nasasama si ken sa mga scholar ng University nila at kailangan na magtrabaho para din sa ikakabuhay at i
Magbasa pa
Kabanata 12
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Isabel sabay iwas ng tingin. Hindi rin alam ni Isabel bakit ganoon ang sinagot niya, pwede naman niya agad sabihin na hindi.Pero bakit kailangan ay mag pa sikot-sikot pa siya sa pag sagot sa tanong ng binata? Siguro ay iba ang saya na nararamdaman niya sa nakikita niyang halo-halong emosyon na pinapakita ng mata ng binata, hindi niya maipaliwanag pero iyon ang totoo. Gusto pa niyang makita ang mga emosyon ng binata na bihira lang niya makita dahil madalas ay lagi lang itong masaya."Anong, ano ang ibig kong sabihin? Tinatanong kita kung kayo ba ni Ken?" Napakahina na ng boses ng binata sa mga huling salita na binigkas niya. Para bang hindi niya kayang bigkasin ang mga salita na iyon."Kami o hindi ano naman sa iyo?" Mataray na sagot ni Isabel dito, agad namang napahinto sa pag kilos ang binata na parang may naalala. "S-sorry." Sabi ni Philip at agad-agad na tinalikuran si Isabel at lumakad paalis, h
Magbasa pa
Kabanata 13
Halos hindi na mapakali ang kaibigan ni Isabel, lingon ito ng lingon sa kaniya. Dahil sa inis ay agad niya itong nilakihan ng mata."Pag hindi ka pa tumigil kakatingin sa akin ay tutusukin ko na iyang mata mo!" Banta ng dalaga sa kaibigan pero hindi naman nag patinag si therese, hindi na talaga siya matahimik sa inuupuan.Bihira lang magkaroon ng ibang ka-close si Isabel, bukod kay therese ay si Ken lang ang nakakatagal sa ugali ni Isabel kaya ganoon nalang ang pagka-excite ni therese ng malaman na may bago itong nakakasama. Nang matapos mag discuss ang professor nila at pagsabi nito ng class dismissed ay dali-daling inayos ni therese ang kaniyang upuan paharap kay Isabel."Kwento na girl," kinikilig-kilig pa si therese pero hinila siya patayo ni Isabel at naglalakad sila palabas ng classroom.Paano nga ba mag kukwento si Isabel sa kaibigan doon sa loob kung alam na niyang nakahanda na din ang tenga ng iba para makasagap ng tsismis."Hindi ba pwede
Magbasa pa
Kabanata 14
Kulang nalang ay mapunit ang pisngi ng binata dahil sa gaan ng pakiramdam niya, halos hindi nga niya maitago ang ngiti niya kahit naglalakad siya sa corridor mag-isa para pumunta sa pangatlo siyang klase.Halos kumunot naman ang noo ng dalawa niyang kaibigan ng matanaw nila ito."Sa tingin ko ay nakasama na naman nito si Isabel," hula ni Vince,tumango naman si Greg bilang pag sang-ayon. Sa tagal nilang magkakaibigan ay alam na alam na nila ang kilos ng bawat isa, imposible nalang kung hindi pa nila mabasa ang takbo ng isip ng bawat isa kung noong mga sanggol pa lang sila ay madalas na silang magkakasama."Grabi ang ngiti ah, nakakasilaw." Reklamo ni Greg sabay acting na para nga itong nasisilaw. Natawa naman si Philip sa inakto ng kaibigan."Wag nga kayong O.A, porket nakangiti e issue na naman kayo," sagot nito sabay upo sa tabi ng dalawa niyang kaibigan. Nag tinginan naman ang dalawa."Hala, inaano kaba namin? Nagtatanong lang issue agad, ik
Magbasa pa
Kabanata 15
Kinabukasan, andoon ulit ang lalake pero hindi na sila nakapag tagal pa kasama ang lola ni Isabel dahil maaga ang unang klase nila. Tahimik lang ang dalawa, normal lang naman sa babae ang pagiging tahimik pero sa binata ay hindi kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Isabel dito at hindi niya mapigilan na maunang mag salita.“History ang unang klase natin pareho diba?” Hindi alam ni Isabel ang unang sasabihin kaya kahit alam naman nila pareho na History ang unang klase nila ay iyon ang una niyang natanong. Halos lumubog na si Isabel sa hiya, ito ang unang beses na sinubukan ng dalaga na magsimula ng usapan at ganoon pa ang unang pumasok sa isip niya. “Ah, oo. Pareho tayo ng unang klase every Tuesday, History class.” Maikling sagot naman ng binata na parang malalim pa rin ang iniisip. Gusto man tanungin ng dalaga ang binata kung anong problema nito ay hindi niya magawa, hindi niya alam paano sisimulan tanungin ito. Noon pa man ay hindi sanay
Magbasa pa
Kabanata 16
Pumunta si Philip sa banyo at naligo para mahimasmasan sa bangungot na nangyari sa kaniya, halos mag dalawang oras din nagbabad ang binata na tubig bago ito umahon. Buti na lang ay medyo nabawasan na ang sakit ng ulo niya dahil sa pagligo, pero iinom pa rin siya ng gamot. Masyado na siyang nagiging sakitin nitong mga nakaraang buwan at hindi na niya maatim na magkasakit ulit ngayon.Bakit nga ba ganoon na lang ang panaginip ng binats, parang may ibig itong iparating sa kaniya na hindi naman niya maisip kung ano. "Hindi ko siya pwedeng kalimutan," paulit-ulit na bulong ni Philip sa sarili, baka sakali na maintindihan niya ang ibig sabihin ng panaginip niya.Habang nagbibihis siya ay saka lang niya napagtanto ang nais sabihin ng panaginip. Hindi niya maaring kalimutan ang babae sa panaginip niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay wala na siyang pakialam sa babae na nasa panaginip niya, ang atensyon niya ay naka-focus na sa babae na nasa harapan niya, si Isab
Magbasa pa
Kabanata 17
Maagang dumating ang binatang si Ken sa Hospital kung saan naka confined ang Lola ni Isabel.Naisip nito na dalawin ang matanda dahil malapit din naman siya dito. Noong kumatok siya sa pinto ay mabilis itong binuksan ng dalaga na halatang may hinihintay, halata din ng binata ang gulat at pilit na ngiti na binigay ng dalaga sa kaniya."Oh, Ikaw pala Ken. Anong ginagawa mo dito ng napaka aga?" Bungad na tanong ni Isabel at pinapasok ang binata. Inibis naman ng binata ang bitbit niyang prutas sa lamesa at nag mano sa matanda."Sempre dinadalaw ang pinaka magandang Lola sa pilipinas," biro nito at kumindat sa Lola ni Isabel, tumawa naman ang matanda."At talagang nambola ka na agad pagkarating na pagkarating mo? At sa pilipinas lang talaga ako pinaka maganda." Natatawang sabi ng matanda. Hindi naman alam ni Isabel ang mararamdaman ng mga oras na iyon, bihira lang tumawa ang matanda at isa ang kaibigan niyang si Ken na nagagawa noon. Halos hindi naman tal
Magbasa pa
Kabanata 18
"Hindi ka talaga titigil diyan ha?" Natatawang banta ng lalake dito, pero umiling lang ang babae at inasar pa siya nito ng inasar ang lalake.Kaya mabilis na tumayo ang lalake at lumapit sa babae, nakangiti ito ng nakakaloko at hinawakan ang dalawang pisngi ng babae."Sige ilabas mo pa iyang dila mo at hihilain ko 'yan" Agad namang tinulak ng babae ang lalake sa balikat pero parang wala lang itong epekto sa lalake, hindi nga ito naalis sa kinatatayuan. "Hoy, hahaha! Ano ba lumayo ka nga. Binibiro lang naman kita kaibigan bakit masyado kang pikon ha?" Tawang-tawa ang babae at paulit-ulit na tinulak ang lalake.Tinukod ng lalake ang isang kamay sa lamesa habang nakahawak ang isang kamay sa pisngi ng babae."Siguraduhin mo lang na hindi mo na ako aasarin, subukan mo ulit ilabas iyang dila--" hindi natuloy ng lalake ang sasabihin ng bumukas ang pinto at andoon ulit ang dalawa, sa pangalawang pagkakataon nagkita ulit silang apat.
Magbasa pa
Kabanata 19
Pagkatapos nilang kumain ay kanya-kanya silang puntahan sa mga susunod nilang schedule, si Therese at Greg na nasa sport club at si Vince na nasa photography Club ay nagsama-sama papunta sa Gym, kaya sa huli ay ang apat na naman ang naiwan dahil pare-pareho sila na myembro ng drama club."Uhm, guys? Tara na rin sa drama club room para makapag-practice na tayo?" Pag-aaya ni Yuna sa mga kasama niya, wala namang mga kibo ang mga ito pero agad nagtayuan at naglakad patungo sa drama room.Napangiwi na lang doon ang babae, mukha yatang mababaliw siya sa mga ito kung magtatagal silang magkakasama!Pagkarating nila doon ay tahimik pa rin ang tatlo kaya napahilot na lang ang babae sa batok niya at bumuntong-hininga."So, tayo na lang ang mag partner sa pag practice Ken, tutal si Philip at Isabel naman talaga ang original na mag partner." Suhento nito."Bakit hindi na lang natin i-practice ang scene na andoon tayong apat? Kaysa naman masayang ang pagkakataon
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status