Lahat ng Kabanata ng That One Mischievous Night: Kabanata 11 - Kabanata 20
72 Kabanata
Kabanata 11
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Lumipas na ang maghapon, sa totoo lang ay ligong ligo na 'ko, pero hindi ako nagrereklamo dahil kapag sinabi niyang ikukuha niya 'ko ng damit sa mansion, malalaman niyang wala na talaga akong uuwian.     Kasi naman, eh... A-Ayokong sumama sa kaniya, a-ayokong umuwi sa bahay niya. Atsaka... Ah-basta!      "Kain ka na oh, sorry ngayon lang. Nagpaalam pa kasi ako sa foreman namin," Napalingon ako sa pumasok sa private room ko dito sa hospital, kung nagtatanong kayo kung sino ang nagbayad kaya ako nakapunta dito. Siyempre-hindi siya, kung hindi si Damon. Pero nagpaalam na ito kanina pa na aalis na dahil marami rin daw siyang ginagawa.     Naka-long sleeves siya na kulay puti, parang nagliliwanag tuloy ang damit niya. Moreno kasi siya. At kupas na maong shorts na abot hanggang tuhod niya. Ibinaba niya ang supot ng pagkain mu
Magbasa pa
Kabanata 12
"P-Pasensya na, n-naka-stock na kasi 'yan sa barra-bahay ko, s-sorry..." Paumanhin niya.      "Pwede bang h'wag ka nang mautal? Para kang bata, hindi naman ako nangangain, 'no." Sabi ko. Muli kaming nagkatitigan. Napalunok naman siya at napaiwas ng tingin.     Anong meron sa mga sinasabi ko-p*cha, ang grin minded naman ng isang 'to. Ni-hindi nga sumagi sa isip ko ang iniisip niya kaya siya napatigil.     "I mean, hindi naman kita aanuhin-ah, basta. H'wag ka nalang mautal, okay?" Muntik pa 'kong mapagulo sa buhok.     "A-Ah, o-okay-ibig kong sabihin... Okay," Pag-ayos niya. Tumango ako at nagpanggap na nagbabasa nalang. Shit, mas mabo-bored pa ata ako nito.     "KANINA pa tayo paikot-ikot, h-hindi ba tayo naliligaw?" Tanong ni Reigan. Napatigil naman ako, sh*t. Paano na 'to? Kanina pa kaming alas-siete nakalabas
Magbasa pa
Kabanata 13
"Saan tayo pupunta?" Mahina kong tanong. Hindi na 'ko kumontra sa sinabi niya na sa kaniya na muna talaga ako tutuloy.   Hay, ano pa ba ang karapatan kong mag-inarte?    Walang gustong umako sa 'kin maliban sa kaniya. At kung mag-iinarte pa 'ko, mas pangit ang babagsakan ko, baka mamaya ay magpalaboy-laboy nalang ako sa kalsada, at hindi lang snatch ang maranasan ko.   "Bibili muna tayo ng mga damit mo, atsaka ng mga nireseta ni doc na gamot at gatas mo," Aniya. Hawak niya 'ko sa wrist ko, ako naman tuloy ang parang bata ngayon.   "Sige..." Sagot ko nalang. Pumasok kami sa isang Dry Market. Alam n'yo 'yon? Ako kasi hindi, I mean, nakakakita naman ako nito before. Pero ngayon lang ako nakapasok.   Sa magkabilang kalsada ay may mga stall ng mga damit, tupperwears, footwears pero hindi pang-susyal, basta accurate lang. Tapos maraming tao, hindi salamin ang m
Magbasa pa
Kabanata 14
Mula sa mataas na building ay lumabas ang isang matandang may malaking tiyan at lumapit sa 'min. Naka-helmet pa siya na pang-worker at nakangiti kaming sinalubong.     "Oh, siya na ba 'yon? Aba ang ganda naman pala, matinik ka talaga kung pumili, anak!" Ngiting sabi nito. Bahagya akong nahiya, tipikal na sa 'kin ang mapuri na maganda ako, pero ngayon ay bigla akong nahiya. Geez.     "Opo, 'tay. Siya na po," Ngiting sagot ni Reigan. Wow, so kinukwento niya pala ako rito, ha?     "Astig ka talagang bata ka! Oh, siya, ihatid mo na siya sa barracks niyo, at baka paglolokohin pa kayo ng mga tarantado'ng 'to, hija, h'wag ka matatakot sa mga trabahador, ha? Mabait ang mga 'yan, sadyang maloko lang." Ngiting sabi ng matanda. Tumango lang ako at matipid na ngumiti. Hindi ko pinansin ang mga sigaw ng mga trabahador sa taas at mga nagsasabing 'hi miss, ganda mo naman'. May iba pa na kinikindat
Magbasa pa
Kabanata 15
"Para hindi ka na mahirapan umihi-ihi, rito ka na. Charan, bagong bili 'to." Bumagsak ang panga ko sa kulay pink na bagay na ipinakita niya sa 'kin. Mukha itong palayok na may takip pa.     Arinola.     Bahagya siyang napaiwas ng tingin at nahihiyang tumawa. Ako ba pinaglololoko nito?     "Ano, kasi para hindi ka na mahirapang lumalabas-labas pa para umihi, tsaka ako naman magtatapon tuwing umaga, lalagyan din natin ng zonrox para hindi mapanghi," Nahihiyang sabi niya. Bahagyang tumagilid ang ulo ko, hindi ako makapaniwala. My goodness.     "Eh, paano kapag malaki na ang tiyan ko?" Naisambit ko. Gusto kong mapatutop sa bibig ko, this is the first time that I thought about my pregnancy.     Buntis nga pala 'ko, ba't ngayon ko lang naalala?     "Ah-gagawan nalang natin ng paraan, m-ma
Magbasa pa
Kabanata 16
Nanlaki ang mga mata ni Reigan at mabilis na lumapit sa 'kin. Bahagya akong nagulat nang ilapit niya 'ko sa kaniya at sipatin ako. Nagulat din yung babae habang nakatingin sa 'min.  "Isabelle, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Sabrina, ang likot mo kasi, eh." Alalang sabi ni Reigan at tinignan pa yung Sabrina. Napaayos naman ako nang tayo.  "Okay lang... ako," Sagot ko. Hindi naman ako nasaktan, naitulak niya lang ako dahil sa pag-atras niya, kinikiliti niya kasi si Reigan.  Haharot kase.  "S-Sorry," Mahinang sabi nung babae. Hindi siya pinansin ni Reigan at tumingin lang sa 'kin.  "Sabi ko naman sa 'yo ro'n ka lang, eh. May kailangan ka ba?" Tanong niya.   "Oo, tubig." Sagot ko. Napabuntong-hininga siya.  "Okay, tara." Hahatakin niya na s
Magbasa pa
Kabanata 17
"Hoy Negneg, kung ano-anong sinasabi mo sa ate Isabelle mo. Umuwi ka na nga, mamaya pagalitan ka na naman ni nanay, sige ka." Sabat ni Reigan. Napakamot naman sa batok si Negneg pero hindi pa rin niya inalis ang ngiti.  "Basta ate, wena-warnengan lang kita. Matinik talaga 'yon si ate Sabrina. Mas matinik pa 'yon sa isdang tamban. Sige na nga, aalis na 'ko. Mukhang ayaw ni kuya Reigan na isiwalat ko sa 'yo ang mga sikreto niya, hihi!" Sabi pa nito at kumaway pa sa 'kin bago naglakad na. Pinanood ko siyang maglakad papalapit sa pinakadulong bahay at pumasok na ro'n.  "Huwag kang magpapaniwala ro'n kay Negneg. Baliw 'yon," Sambit ni Reigan. Napa-ows naman ako.  "Sus, gusto mo rin siguro yung Sabrina, ang indenial mo, 'no?" Napapailing kong sagot na parang inaasar siya sa tingin. Bahagyang nanlaki ang mata niya.  "Hindi ah! Hindi ko gusto 'yon, naging k
Magbasa pa
Kabanata 18
Pagkatapos no'n ay natagpuan ko na siyang nakahiga, inuunanan niya ang braso niya at ang kumot niya ay nakalapag lang sa tiyan niya.  Naupo na ako sa kama at itinaas na ang mga paa ko at nahiga. Napasinghot pa ako sa unan, ang bango naman nito. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Takot siguro siya na baka mabahuan ako sa mga gamit niya kaya halos paliguan niya na 'to ng pabango. Kinuha ko ang kumot at ibinalot na ang katawan ko.  "Hindi ba natin papatayin 'tong ilaw?" Tanong ko.  "Uh, gusto mo ba?" Tanong niya. Tumango ako. Tumayo naman siya at lumapit sa likod ng electric fan at may tinanggal na pansaksak doon sa extension. Namatay naman ang fluorescent light, at sobrang dilim na tuloy. Pero ayos lang naman dahil hindi talaga ako nakakatulog kapag maliwanag.  Atsaka bahagya ko naman siyang nasisinag dahil sa liwanag na nanggagaling sa siwang ng pint
Magbasa pa
Kabanata 19
"Huh? Grabe ka naman, parang 30 minutes palang ako ro'n, ah." Depensa ko.   "Oo nga, pramis." Aniya. Napangiwi ako.  Grabe naman sa dalawang oras, anong ginawa ko ro'n? Nagdasal?  Ay nag-ritwal nga pala 'ko. Char, nasanay kasi ako sa mansion. Ang hirap din palang mag-adjust.   "Sige na nga, bibilisan ko na sa susunod." Pagsuko ko. Tumango siya. Tinanggal ko na ang twalyang nakapulupot sa ulo ko at isinampay sa isang hanger.  "Oo nga pala, wala ka pa palang suklay at iba mo pang gamit," Tumatawa niyang sabi.  "Hayaan mo, bibilhan na kita mamaya. Talikod ka muna, ako nalang muna ang magsusuklay sa 'yo." Aniya. Napa-ha naman ako. Ipangsusuklay niya daliri niya?  "Seryoso ka?" Tanong ko. Tumango siya. Wala na 'kong nagawa kung hindi ang sumuno
Magbasa pa
Kabanata 20
"Sige po manong, ako na pong bahala dito. Tuloy niyo na po trabaho ninyo," Sambit ko.  Sa unang pagkakataon na naman pala ay muli akong gumamit ng po at opo.  Nagpasalamat siya sa 'kin bago umalis na, nang buksan ko ang tupperwear ay kanin na may tubig lang pala ang laman no'n. Sana ay hindi manuka ang mga bibe na 'to, kung hindi ay aayawan ko talaga 'to.  Humakbang ako sa fence nila at pumasok, medyo kinakabahan pa ako dahil baka habulin nila 'ko o tukain. Huminga muna ako nang malalim bago naglakad papalapit, natuod ako nang palibutan nila ako. Nanghahaba ang leeg nila at parang gustong abutin ang bitbit ko.  Ghad, akala ko madali lang 'to.  "H'wag ka munang gagalaw, baka tukain ka nila. Hindi ka kasi nila kilala tapos na sa 'yo pa ang pagkain nila."  Napalingon ako sa nagsalita,
Magbasa pa
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status