Share

Kabanata 18

Pagkatapos no'n ay natagpuan ko na siyang nakahiga, inuunanan niya ang braso niya at ang kumot niya ay nakalapag lang sa tiyan niya.

Naupo na ako sa kama at itinaas na ang mga paa ko at nahiga. Napasinghot pa ako sa unan, ang bango naman nito. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Takot siguro siya na baka mabahuan ako sa mga gamit niya kaya halos paliguan niya na 'to ng pabango. Kinuha ko ang kumot at ibinalot na ang katawan ko.

"Hindi ba natin papatayin 'tong ilaw?" Tanong ko.

"Uh, gusto mo ba?" Tanong niya. Tumango ako. Tumayo naman siya at lumapit sa likod ng electric fan at may tinanggal na pansaksak doon sa extension. Namatay naman ang fluorescent light, at sobrang dilim na tuloy. Pero ayos lang naman dahil hindi talaga ako nakakatulog kapag maliwanag.

Atsaka bahagya ko naman siyang nasisinag dahil sa liwanag na nanggagaling sa siwang ng pint

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status