Lahat ng Kabanata ng Death Whisperer: Kabanata 31 - Kabanata 40
51 Kabanata
DW - XVI
           Pakiramdam ni Jehanne naghihintay siya ng isandaang taon habang nag-aabang sa pagdating ni Cadis sa opisina. Nakaupo siya sa isang bilog na upuan na nasa tabi ng lamesa, samantalang nagpapalakad-lakad naman si Andrei at mukhang 'di mapakali. Tiningnan niya si Andrei at nabakas niya sa mukha nito ang matinding pag-aalala.           Minsan nang nasabi sa kanya ni Andrei na matindi magalit si Cadis lalo na sa mga lumalabag sa batas. Iniisip niya kung matitikman niya kaya ang galit ng Panginoon nila sa pagkakataong ito. Mas maigi na rin siguro ang maipatapon sa limbo kaysa ipagpatuloy niya ang kalokohang gawain ng isang taga-bulong.           Maya-maya, pumasok na si Cadis sa silid. Hanggang ngayon, natatakot pa rin si Jehanne kapag nakikita ito. Umupo si Cadis at hindi maipinta ang
Magbasa pa
DW - XVI.I
          "Mahal kita," pagtatapat niya. Sa kabila ng kadaldalan, napipi si Elana at tinitigan lang nang makahulugan si Andrei. "Ayos lang kung hindi mo ako mahal, kung hindi mo tanggapin ang pag-ibig ko," sabi niya kay Elana noon. "Hindi naman ako naghahangad na magustuhan mo rin ako o mahalin mo rin ako. Ang sa akin lang, nais ko lang maipahayag yung nararamdaman ko kasi kung hindi, baka bigla na lang akong sumabog! Hindi ko kasi mapigilan. Alam kong hindi tayo bagay. Maganda ka, mabait, at 'di pangkaraniwan. Samantalang ako... isa lang akong hamak na taga-sundo. Wala ngang kuwenta yung trabaho ko kung tutuusin! Matindi ang respeto ko sa iyo bilang prinsesa ng lugar na ito, pero sana mapatawad mo ako sa kapusukan ko."          Ngumiti si Elana. "Hindi ka isang hamak na taga-sundo," sabi niya. "Para sa akin, isa kang masipag, maaasahan at marangal na nilalang. Sa katunayan, ikaw l
Magbasa pa
DW - XVI.II
           Napakunot-noo si Ashen. "Impormasyon?" balik na tanong niya.           "Tatlong taon na ang nakalilipas, may isang kaluluwang dinala ng mga alagad mo sa silid. Pero sa tingin ko, aksidente lang ang pagkakadala sa kanya," pagbabahagi ni Hogan.           Sinenyasan ni Ashen si Hogan na sumunod sa kanya para mas makapag-usap sila nang sarilinan. Nagtungo sila sa isang silid, ang opisina niya. Pagpasok sa loob, umuusok sa lamig ang buong opisina.           "Puwede bang pakihinaan ang lamig at 'di ko nagugustuhan ang temperatura rito. Matinding lamig na ang naranasan ko sa labas," reklamo ni Hogan.           Napabungisngi
Magbasa pa
DW - XVII
          Kalalabas lang ni Andrei nang makita niya si Hogan na nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ng silid niya.          "Hi, Tony!" bati nito sa kanya.          "Ano naman ang kailangan sa akin ng lalaking walang mata?" natatawang tanong ni Andrei. Iyon kasi yung pang-asar niya kay Hogan dahil sa ayos ng buhok nito.          Nilapitan ni Hogan si Andrei at inakbayan ito. "May gusto sana akong isangguni sa iyo, kaibigan," sabi niya. "Tutal ikaw yung kilala kong matinik pagdating sa mga babae."          Natawa si Andrei sa sinabi ni Hogan. "Bakit? Pagkatapos ba ng walumpung taong pananatili sa mundong ito, may nagustuhan ka na rin sa wakas?" tanong niyang kinakabahan dahil baka isiwalat nitong
Magbasa pa
DW - XVII.I
          Tiningnan ni Kristoff si Jehanne. Walang emosyon ang mukha niya. "Ang trabaho ko," sagot niya.          "Papatayin mo ba si Janina?" tanong ni Jehanne.          Ngumisi si Kristoff. "Hmm. Hindi ako. Si Gerald. Pagsasamantalahan at papatayin pagkatapos," sagot niya.          Gustong masuka ni Jehanne sa sinabi ni Kristoff. "Bakit ganyan ang sinasabi mo? Itinalaga sa akin si Janina! Magpapakamatay siya o siya ang─" natigilan siya. Kung nandito si Kristoff para utusang pumatay si Gerald, tama nga kaya ang nasa isip niya? Tiningnan niya nang makahulugan si Kristoff.          Ngumisi ni Kristoff. Tiningnan niya si Jehanne mula ulo hanggang paa nan
Magbasa pa
DW - XVII.II
          "I like you," sabi ni Gerald sa dalaga. Gumapang ang kamay niya sa makinis na hita ng dalaga. Kanina niya pa ito gustong hawakan, at ngayon napagbigyan na siya. Hinimas niya pataas at pababa ang kanang hita ni Janina. Kakaibang pakiramdam ang hatid nito kay Janina, dahilan upang mapapikit ito. Gumapang pa lalo ang kamay niya papunta sa maselang bahagi ng katawan ni Janina, pero bago pa niya marating ang "langit," pinigilan siya ng dalaga.                 "Bakit?" tanong niya, tila nabitin. "Bakit?" bulong niya sa tainga nito.          Hinarap ni Janina si Gerald at tiningnan ito nang makahulugan. Hindi niya kilala ang lalaking ito, pero bakit niya hinahayaan ang sarili niya na hawakan ng lalaking ito?          "Bakit mo ako pinigilan?" pabulong na tanong n
Magbasa pa
DW - XVIII
          Tila nabunutan ng tinik si Jehanne. Nanalo siya, ang nasa isip niya. Hindi napatay ni Gerald si Janina. Hindi natuloy ni Kristoff ang balak nitong pagpatay at paggahasa kay Janina sa pamamagitan ni Gerald. Nauna siya. Naisagawa niya nang malinis at maayos ang trabaho niya. At napabilib din naman niya si Kristoff dahil sa kakaibang abilidad na ipinakita niya.          Nasiyahan si Kristoff sa paraan ng pagpatay ni Janina kay Gerald. Tama lang pala talagang ipagmalaki ni Andrei si Jehanne. "Mahusay siya," naisip niya. "Alam niya ang gagawin. Alam niya kung paano magmanipula ng tao."          Matapos ang trabaho, bumalik na sila sa mundo nila. Pagkabalik na pagkabalik ng dalawa, ipinatawag agad sila ni Cadis. Kasalukuyan silang nasa opisina nito at mukhang tuwang-tuwa ito sa nangy
Magbasa pa
DW - XVIII.I
          'Di nagtagal, humiwalay na sila sa isa't isa. Nagtinginan sila at nagngitian pagkatapos. Pansamantalang nakalimutan ni Jehanne ang sama ng loob niya dahil sa nangyari kina Janina at Gerald.          Pero kung sumama man ang loob ni Jehanne, higit na masama ang loob ni Andrei. Masyadong naging abala sina Hogan at Jehanne sa isa't isa at 'di nila namalayang bumukas ang pinto, pumasok si Andrei at nakita sila.          Naistorbo na lang sila nang makarinig sila ng palakpak at nakita nila si Andrei na nasa pintuan, kasalukuyang nag-iinit sa galit, pero pinipigilan na lang ang sarili.          Nagpaalam na lang si Hogan para mabigyan din ng espasyo ang dalawa.   
Magbasa pa
DW - XIX
            "Pagod na ako. Ayoko na," sabi ni Jehanne kay Andrei, dahilan upang mapabalik ang isip ng ikalawa sa reyalidad.            Napailing si Andrei. Wala na siyang ibang sinabi at nilisan niya na ang silid ng dalaga.            Samantala, naabutan ni Hogan si Fame na nasa loob ng silid niya. Niligpit ni Fame ang mga aklat na nakakalat at kasalukuyan siyang nakahiga sa kama.            "Ano ang balita? May kakaiba bang nangyari ngayon?" tanong ni Fame na ngiting-ngiti dahil nasasabik siyang marinig ang kuwento ng binata.            Umupo si Hogan sa isang silya at nagkuwento, "Pinuntahan ko siya sa silid niya at naabutan
Magbasa pa
DW - XIX.I
        "Ayos ka lang?" tanong nito sa kanya.        Tumango siya. Nilapitan siya ng binata at hinimas ang noo niya.        "Masakit pa rin ba?"        "Hindi na gaano. Mawawala rin ito."        "Umalis na pala si Tony."        "Hindi naman siya nagtagal kanina. Wala rin kaming gaanong napag-usapan."        "Hmmm... Gusto mong maglakad-lakad?"        "Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Jehanne.        Umalis sila ng silid at naglakad-lakad. Tinungo nina Hogan at Jehanne ang isang lugar na ngayon lang napuntahan ni Jehanne. Sabi ni Hogan, madalas siyang nagpupunta rito dala-dala ang mga aklat na hiniram niya.
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status