Lahat ng Kabanata ng Death Whisperer: Kabanata 21 - Kabanata 30
51 Kabanata
DW - XI
           Manghang-mangha si Jehanne sa pinasukan nilang aklatan. Malawak ito at napakalinis tingnan. Nakahilera ang daan-daang estanteng gawa sa salamin; ang iba ay mas mataas sa kanya, ang iba naman ay kaya niyang abutin. Nakasalansan dito nang maayos ang mga aklat na iba't iba ang laki. Mayroong mga aklat na sobrang kapal. Mayroon ding kayang basahin sa isang upuan. Mayroong mga luma na ang pabalat. Mayroon namang napalalamutian ng maliliit at kumikinang na bato. Naisip ni Jehanne na mukhang magandang basahin ang mga aklat na kumikinang. Nakaaakit kasi ang mga iyon sa mga mata.           Sobrang tahimik sa loob ng aklatan. Bilang na bilang lang kasi sa daliri ang mga nasa loob nito. Iilan lang talaga sa mga kaluluwa ang nahilig na magbasa. Sobrang liwanag din dito dahil sa magkakatabing sulong daan-daan ang bilang na nakakabit sa pader. Kahit na lumiliwanag ang mga iyon, pakiwari ni Jehanne hindi iyon nagbibigay
Magbasa pa
DW - XI.I
           Nahintakutan si Jehanne sa huling sinabi ni Hogan. "Maglaho?" kanyang naitanong.           "Maglahong parang isang bula..."           "Paano iyon?"           "Hindi mo na gugustuhing malaman pa."           "Nangyari na ba ang ganoon dati?"           "Wala pa akong nasaksihan, pero nakasulat sa aklat na ito kung sinu-sino ang mga naparusahan. Sadyang isinulat iyon para hindi sila pamarisan ng iba, pero ang problema kasi, hindi naman sila nagbabasa ng mga aklat dito kaya hindi rin nila alam."           "Puwede ko bang hiramin ang aklat na iyan?" pagbabaka-sakali ni Jehanne. Sa palagay niya kasi, interesante ang aklat na iyon, pero mabilis din niyang binawi ang sinabi. "A hindi, baka basahin mo pa. Kaya mo nga pala kinuha. Hindi ta
Magbasa pa
DW - XII
          "Subukan mong basahin ang aklat na ito," alok ni Hogan at nag-abot na naman siya ng isang aklat kay Jehanne.          Agad na nahumaling si Jehanne sa ibinigay na aklat ni Hogan na may kulay pulang pabalat na dinisenyuhan din ng maliliit at pira-pirasong batong kumikinang. Ngunit bago pa mabuklat ni Jehanne ang aklat, ginulat siya ng isang pamilyar na boses,          "Nandito ka lang pala."          Napabalikwas si Jehanne sa kinauupuan nang makitang nasa likuran nila si Andrei. Walang ekspresyon ang mukha nito.          "A-Andrei, kanina ka pa ba riyan?"          "Mga isang segundo," kalmadong sagot ni Andrei.          Tumayo si Jehanne at inayos ang sarili. "Pasensya na. Medyo nainip kasi ako kahihintay kaya nagpunta ako rito." Magpapaliwanag pa sana siy
Magbasa pa
DW - XII.I
          Madilim sa loob ng silid, pero nakikita nang malinaw nina Andrei at Jehanne ang paligid dahil sa kapangyarihan ng mga bato nila. Sa loob, nakita ni Jehanne ang isang babae at isang lalaki.          Nakahiga ang lalaki sa malambot na kama. Nakaupo ang isang babae sa ibabaw niya, si Nathalia Fortes, base na rin sa pangalang nasa ulunan nito. Maganda siyang babae. Maputi ang balat niya. Alon-alon ang itim niyang buhok na hanggang baywang. Nakabibighani ang mga mata niya. Mayroon siyang matangos na ilong at mapupulang labi. Kapansin-pansin din ang malulusog niyang dibdib na higit na humahalina sa lalaking kasama niya.          "Sigurado kang walang ibang tao rito? Baka mamaya biglang dumating yung asawa mo," pangamba ng lalaki.          "Magtatanong ka pa ng ganyan? Thirty minutes na nga akong nakaibabaw sa iyo. Walang ibang tao rito. Tayong dalawa lang," a
Magbasa pa
DW - XIII
           Nasa madilim na silid siya kasama si Andrei. Nakatayo siya malapit kina Nathalia at sa lalaking iniibig nito.           "Simulan mo na," utos ni Andrei.           Narinig niya ang malamig na boses nito mula sa likuran, pero nang lumingon siya, hindi niya na nakita ang taga-bantay. Naglaho itong parang bula.           Natuon muli ang paningin niya sa dalawang taong nagmamahalan. Pinanood niya ang mga ito habang masayang naghaharutan sa kama at nagpapalitan ng matatamis na salita. Pakiramdam ni Jehanne, nalalason siya sa mga sinasabi nila.           Biglang nagbago ang eksena. Nakita niya ang mismong imahe niya. Pinano
Magbasa pa
DW - XIII.I
          "Aray! Teka, ano ba'ng ginagawa mo?!" laking tanong ni Jehanne sa kanya.          "Wala kang itim na marka..." mahinang pagkakasabi ni Hogan.          "Anong itim na marka ang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Jehanne. "At puwede ba bitiwan mo ako dahil nasasaktan ako."          Bumitiw si Hogan sa kanya at humingi ng paumanhin, "Pasensya na." Sinundan iyon ng pagtatanong niya ng, "Kailan pa nagsimula ito?"          "Ang alin?"          "Ang pananaginip mo."          "Kahapon... sa tingin ko."          "May iba bang nakakaalam na nanaginip ka?"          "Si Andrei. Ang ibig kong sabihin, si Tony." 
Magbasa pa
DW - XIV
          Abot-tainga ang ngiti ni Hogan habang naglalakad para puntahan ang binabantayan niya sa silid nito. Ngayon ang ika-apat na araw ng pagsasanay. Sa mga oras na ito, dapat nakatuon na ang isip niya sa pagsasanay, pero kataka-takang hindi pa rin maalis sa gunita niya ang nangyaring pagyakap sa kanya ni Jehanne at ang kakaibang pakiramdam na hatid nito. Napaisip siya kung ganito rin kaya ang pakiramdam ni Fame sa tuwing niyayakap ito ni Andrei noong mga panahong may pagtatangi pa rito ang binata.          Sa ilang taong pananatili niya sa mundong ito, wala ni isa man sa mga kakilala niya ang gumawa ng ganoon. Masarap pala sa pakiramdam kapag pinasalamatan ka, lalo na kapag niyakap ka, kahit na sabihin nating napakasimple lang naman ng ginawa mo. Nasanay rin naman kasi siyang mag-isa. Ayos lang nga sa kanya kahit na hindi niya makasama sina Fame, Harmony o Andrei sa loob ng isa
Magbasa pa
DW - XIV.I
           "Huwag! Huwag! Huwag please! Maawa ka sa akin!" sumamo ng isang babae. Nasa gulang na dalawampu siya. Maiksi ang kanyang buhok na hanggang baba at katamtaman ang taas ng kanyang ilong. Namamaga ang kanang pisngi niya na parang hinampas ng isang matigas na bagay. Dumudugo ang ibabang labi niya at nawala na rin ang isang pares ng hikaw niyang nakakabit sa kaliwang tainga.           Walang patid sa pag-iyak ang babae. Awang-awa siya sa sarili niya dahil sa kahayupang ginawa sa kanya ng mga lalaking kasama niya ngayon. Kasama niya sa trabaho ang isang lalaki. Hindi niya kilala ang dalawa.           Dinala siya ng mga ito sa isang liblib at madamong lugar dis oras ng gabi. Matapos gawin ang pambababoy sa katawan niya, nagtawanan ang mga ito na parang mga asong ulol. Ang katrabaho niya
Magbasa pa
DW - XV
          Nakatayo sina Fame at Hogan sa labas ng Paraiso. Ipinagtataka ni Fame kung paano biglang naglaho sina Jarred at Jehanne; nawala ang mga iyon sa paningin niya samantalang kanina pa niya sinusundan ang dalawa.          "Dito ko nga sila nakita, tapos bigla na lang silang nawala. Poof! Naglahong parang bula," sabi niya kay Hogan.          Napataas ng kaliwang kilay si Hogan, na hindi naman kita dahil natatabunan ng buhok ang mga mata niya. Hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Fame.          "Imposible," pagkontra niya. "Magagamit lang natin ang ganoong klase ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao. Hindi iyon puwedeng magamit dito dahil sa malakas na kapangyarihang bumabalot sa mundong ito. 'Di ba, sabi ni Cadis, hindi ka maka
Magbasa pa
DW - XV.I
          "Maganda ba ang langit?" pagbasa niya sa pamagat. Binuksan niya ito at inilipat ang mga pahina. Nagsimula siyang magbasa ng ilang mga salita, pero hindi niya na naituloy nang pumasok si Andrei sa silid niya. "May ginagawa ka pala. Yayayain sana kitang lumabas," sabi nito.          "Saan tayo pupunta?" tanong ni Jehanne.          "Kain tayo!" masiglang alok nito.          Binitiwan ni Jehanne ang binabasang aklat at sinundan niya si Andrei palabas ng silid.          "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Andrei.          "Oo naman," nakangiting tugon ni Jehanne.          "Masaya akong malaman iyan," sabi nito.  &
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status