All Chapters of Princess Tala and Prince Uncharming: Chapter 11 - Chapter 20
33 Chapters
Knight In Shining Armor
  Ang init at ang bango ng banyo nang pumasok si Limuel para maligo, kalalabas lang ni Tala mula sa paliligo rin nito. May kakaibang kilabot na umakyat sa katawan ng lalaki. Na- imagine niya bigla kung paano maligo si Tala. Inalis nito ang tila maduming naiisip at nag- concentrate sa paghahanda papasok sa trabaho. Habang naliligo ay naisip niya ang usapan nila ni Vanessa nang gabing nagdaan. “Hey, asan ka na?” kinaway ni Vanessa ang kamay nito malapit sa mukha ni Limuel. Naka check-in sila sa motel. Hindi na kasi muna pinapapunta ni Limuel si Vanessa sa bahay dahil wala nga silang mapwestuhan. “Pagod lang,” bumangon si Limuel sa kama at naupo sa gilid nito. “Pinagod ba kita,” humagikhik ang babae sabay halik sa leeg ng binata. “Kung medyo hindi kita maasikaso pagpasensyahan mo na ha, sobrang busy tapos may review pa ako,” hinanap ni Limuel ang mga damit nya. “Alam ko 'yon, nakakapagtampo nga eh,” sumandal muli si Vanessa sa headboard ng kama at humalukipkip i
Read more
The Royal Brothers
  “Tell me, may problema ba tayo?” tanong ni Vanessa sa kabilang linya. “Wala, busy lang ako at sobrang concentrated sa pagrereview, alam mo naman 'yon,” ang daming papel na inaayos si Limuel sa lamesa niya. “Tomorrow is Saturday. Wala ka namang work, baka naman pwede tayong lumabas kahit saglit lang,” lambing ni Vanessa. “S-sige, titingnan ko ang schedule ko bukas,” napilitan si Limuel para lang tumigil na ito sa pangungulit. “Sabi mo yan ha, baka magback out ka na naman last minute.”  “Wow! Ang daming pagkain, anong meron?”   Narinig ni Limuel na sabi ni Nimuel, dumating na ito galing sa school. Nagulat din si Limuel nang dumating siya at busy si Tala sa pagluluto ng hapunan. Nang tinanong ay sinabi nitong mamaya na niya sasabihin. “Sige Vans, bukas na lang,” 'yon lang at tinapos na nito ang phone call saka lumabas ng kwarto matapos magbihis ng pambahay. “Wala lang. Lika na, kumpleto na tayo. Kain na tayo,” rinig niyang sabi ni Tala kay Nim
Read more
The Star Of The Show
  The girls are wearing a very short red pleated skirt with see-through lace as its hemming. Kitang-kita ang maputi at bilugang mga hita ng mga kabataan. The skirt is partnered with a silky black sports bra inside a mid-rib open jacket. Kita naman ang tiyan at pusod ng mga ito. Hinabol ni Limuel ang hininga niya nang lumabas si Tala. Regal, 'yon ang unang pumasok sa isip ni Limuel. Naglagay ng konting make-up si Tala na lalong nagpapatingkad sa maganda at maalwan nitong mukha. Hindi masagwa ang itsura ni Tala sa suot nito pero hindi mapapalampas ng kahit sinong lalaki ang hagurin ng tingin ang babaeng gaya ni Tala.   Wala sa suot at taglay na ganda ni Tala ang problema, kundi sa paraan kung paano nito dalhin ang sarili. Walking elegance and confidence coupled with pure innocence, these are combinations that strongly appeal with men.. Ang nakaka-mesmerized pa, 'yong hindi alam ni Tala ang epekto ng ganda niya sa mga lalaki. He wants to take it against Tal
Read more
Instant Cinderella
  Tahimik ang bahay ng mga sumunod na araw. Mainit pa rin ang ulo ni Limuel, nasa kwarto lang ito madalas at hindi sumasabay sa kanilang kumain. Nasuspend naman si Nimuel ng ilang araw pero kailangan nitong mag-community service kaya madalas pa rin itong wala sa bahay. “Uy, naka space-out ka na naman. Mamaya tulog ka na naman dyan sa pagkakasandal mo.” tinapik si Tala ni Kathy sa balikat habang nakasandal sa bench, malapit sa room ng susunod nilang klase. Naki-upo na ang mga ito tabi niya. “Ready na ba kayo sa defense ninyo bukas kay Sir Umbalin?” tanong ni Tala. “Oo hiniram ko na rin 'yong mga kailangan naming equipment.” Si Mabel “Sige hiramin namin ni Kathy after ninyong mag-present.” Si Tala “Tala, kuya mo oh. Girlfriend ba niya ang kasama niya?” nginuso ni Arlene ang tinutukoy. Nakita ni Tala sa di kalayuan sina Limuel at Vanessa. Mukhang bati na ang dalawa. Naka-abrisyete si Vanessa sa braso ni Limuel at mukhang sweet na sweet na ulit sila.&
Read more
Bayad Utang
  “May dapat ka bang sabihin sa akin?” si Limuel. Sinilip nito si Tala na tahimik na nakaupo sa terrace, ang paboritong tambayan ng dalaga. Dito si Tala nagbabasa ng Bible at nagdarasal, bagay na tinuro sa kanya ni Dalisay. Dito rin siya nag-aaral at ngayon nga ay umiinom ng mainit na gatas bago siya matulog. “Hmm?” nagtataka si Tala, napaisip siya bigla. “W-wala. Meron ba?” kahit walang kasalanang maalala eh biglang kinabahan si Tala at na-guilty. Ano na naman? “Sigurado ka? Tungkol sa school,” seryoso si Limuel, pumasok ito ng terrace at tumabi sa kanya. Napatayo si Tala, bigla. “W-wala! Bakit may nangyari ba sa school? Wala akong ginawa…promise,” nagpapanic na sabi nito. “Maupo ka nga, bakit ka natataranta kung wala ka naman palang dapat sabihin?” naupo na si Limuel sa bakanteng silya. “E-eh kasi, wala talaga eh,” umupo na ulit si Tala “Kahit 'yong field trip ninyo?”  Saglit na natahimik si Tala.  “Ah, 'yon…” tumango-tango lang si Tala
Read more
Away Mag - Asawa
  “Good evening! Mabuti dumating ka na, kanina pa kita hinihintay, nagluto ako eh… Kumain ka na ba? Gutom ka ba? Gusto mong kumain? Paghahanda na kita?” isang excited at masayang Tala ang sumalubong kay Limuel, pagod siya at busog, pero dahil ang ganda ng energy ni Tala ay napa-oo siya sa lahat ng sinabi nito. “Kanina pa ako dito ni hindi mo ako inaalok ng kahit ano, tapos biglang may pagkain ka palang niluto. Anong nangyayari dito, lokohan na ba ito ha Tala, may favorite ka gano'n?!” tanong ni Nimuel na umupo na rin para kumain. “Hindi! Hindi! Syempre kasama ka dito. Heto na nga o naghahain na ako para sa iyo,” hinatak naman ni Tala si Limuel paupo sa lamesa. “Naglaba na ako ng mga damit mo, naplantsa ko na rin ang pang office mo. Tapos nabili ko na rin 'yung pinabibili mo sa grocery. Kaso wala 'yung brand nung paborito mong corned beef kaya hindi ko na muna 'yun binili kasi baka ayaw mo 'yung ibang brand. Mamaya mag-rereview ka ba? Dadalhan ba kita ng coffee or tu
Read more
Ang Pangarap Na Bituin
  “Ang ganda naman ng kwarto na ito, ang laki! Sana may ganito tayong bahay dito!” hiniga ni Tala ang sarili sa malambot na kama at nag-akto pang gumagawa ng angel symbol dito na akala mo ay nakahiga ito sa snow. Binato naman ni Limuel ito ng kumot, naiiklian siya sa suot nitong shorts.   Ewan ni Limuel pero naiilang siya, lalo at madalas niyang makitang nakatingin si Nimuel kay Tala. Agad namang nagkumot ang dalaga, pero maya-maya ay biglang bumalikwas ito ng bangon at saka niyakap si Nimuel at kasunod ay si Limuel. Nagulat ang dalawang lalaki.   “Goodnight, salamat sa pasyal,” humiga na muli si Tala sa kama niya. Ilang saglit lang ay tulog na ito.   Anong aasahan mo? Isandal lang sa pader ay tulog na ang dalaga, napalunok si Limuel, dama pa ang mabilisang yakap ng dalaga sa kanya. Nahiga na rin ito sa kama, katabi ni Nimuel, para matulog na rin. 'Yun ay kung makakatulog siya.  Nang sumunod na araw ay marami pa silang pinasyalan sa Tag
Read more
Ang Pikon Ay Talo
  “Kamusta ang presentation ninyo?” tanong ni Tala kay Menchu, kaklase niya na tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa library, vacant period nila at walang matambayan si Tala. Kahit medyo gamay na sa kanyang college life, nakakapanibago pa rin ang 2nd semester, freshman year. Mas mahirap ang mga subjects niya ngayon. “Ayos lang, wala namang masyadong maraming tanong. Mag-isa ka yata, asan squad mo?” “Umalis kasi may gala, hindi ako sumama kasi tinatamad ako.” “Tinatamad o inaantok?” pang-aasar ni Menchu, alam na ata ng buong bayan na tulongez siya.   Natawa naman si Tala. Tinatamad siya dahil ilang araw ding walang masyadong ganap sa buhay niya. Abala si Limuel dahil biglang dagsa ang mga job offers at meetings nito. Ibang-iba talaga simula noong naging engineer ito, ang hirap nang maabot at sobrang busy na. Si Nimuel naman ay may sarili ring mundo. Malungkot na bumuntong hininga si Tala. Maya-maya ay napansin niya ang dala ni Menchu. Kinuha niya ito dahil pamil
Read more
Playful Kiss
BLAG! “Andito na ako! Hello! Gutom na gutom na ako, may pagkain ba? Tala?” malakas na sinara ni Nimuel ang puntuan, alam nitong may mga tao na sa bahay base sa mga gamit na nakita nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa. Agad na bumalikwas ng bangon si Tala at tinulak ang papatayong si Limuel. Sa isang iglap ay nakalabas na si Tala bago pa makapagsalita ang binata. BLAG! Binalibag din ni Tala ang pagsasara ng pintuan ng kwarto ni Limuel.  “A-anong…” hindi natuloy ni Nimuel ang itatanong dahil nagulat siya sa expression ng mukha ni Tala. Hindi mabasa ni Nimuel ito, pero sigurado siyang may nangyari, may masamang nangyari! “T-tala? B-bakit…” “ISA KA PA!” Galit na galit na sigaw ni Tala. “H-huh?” lumapit si Nimuel sa dalaga na parang galing sa isang na pangyayari. “WAG MO AKONG…WALA AKO SA MOOD!” may garalgal sa boses ni Tala, nangangatog ang buo niyang katawan. “PARE-PAREHO KAYONG MAGKAPATID! WALA KAYONG GINAWA KUNDI LO
Read more
Lintik Lang Ang Walang Ganti
  Kanina pa paikot-ikot si Limuel sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Tala. Tulala na naman ang babae nang dumating mula sa kung saan kanina. Hindi sigurado ni Limuel kung nagsimba ito. Pinuntahan niya ito sa simbahang madalas nilang puntahan. Naisip niya na kung doon siya magsosorry ay baka tuluyang patawarin na siya nito. Pero wala, namuti ang mga mata niya ay walang Talang nagsimba. Baka may kasamang ibang lalaki? P*tsa, hindi! No way, hindi ako papayag! Sa isip-isip ni Limuel.  Nang dumating ito ay balak niyang komprontahin. Kahit magwala ulit ito, kaso hindi niya magawa kasi tulala ang dalaga. Tahimik, isang emosyon na hindi pamilyar si Limuel kung paano atakihin. Aaaah! Gustong sabunutan ni Limuel ang sarili. Women drive me crazy! She drives me crazy! Hindi naman siya naging ganito ka-concern sa iba niyang naging girlfriends kapag nagkakaroon siya ng away sa mga ito.  “Hoy, sabihin mo, OPEN SESAME! Baka bumukas,” biro ni Nimuel na kanina pa pinanonood
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status