All Chapters of I Love You Prof (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20
57 Chapters
Chapter 10
Zedic's POV "Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko. Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw. "Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya. Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina. "Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka
Read more
Chapter 11
Zedic's POV Nais ko ng kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko kaya matapos akong talikuran ni miss Flor at pumasok na ito sa silid na iyon ay madali naman akong naglakad pabalik sa opisina ni Sanchez. "Bakit bumalik ka pa akala ko nagmamadali ka na huh?" tanong nito ng ikinagulat pa niyang bumalik ako. "Kailangan ko ng tulong mo, p'wede mo bang alamin para sa'kin kung anong kalagayan ng pasyente sa room 142?" diretsong saad ko. "Room 142?" Tumango ako rito. "Pasyente ko iyon matagal-tagal na rin, siya si Mrs. Flor." "Anong nangyari sa kaniya?" muling tanong ko. "Hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo kung hindi mo naman kamag-anak 'yun labag iyon sa rules ng hostipal Mr. Lim." Pagtanggi nitong sagutin ang tanong ko. "Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya pati ba iyon bawal, baka gusto mong ipasara ko itong hospital na pinag
Read more
Chapter 12
Zedic's POV "May pakialam ako kasi nasasaktan ako, hindi mo alam ang pakiramdam habang nakikita ang mahal mong pinapaiyak ng ibang lalaki, hindi mo alam kung gaano kasakit na nakikitang sinasaktan ng iba 'yung babaeng gusto mong alagaan at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal!" Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga katagang iyon na binitawan ni Jester sa harap ko, hindi ko maunawaan ang pakiramdam na tila ba muli ko na namang naramdaman ang dating sakit kung paano nila ako dinurog habang nakikita silang dalawa ni Estella dati na naghahalikan. Alam kong bago ako dumating sa buhay ni Estella si Jester ang nauna, si Jester ang mahal niya bago pa dumating ang araw na pinagtagpo kami ng mga magulang namin at sinabing kami ang nakatakdang magkatuluyan para sa letseng kumpanya at kagustuhan nila. Si Jester ang lalaking masasabi kong hindi tumitingin sa kung anong istado ng buhay mayroon ka, base ang
Read more
Chapter 13
Zedic's POV Aangkas na sana ako sa motor ko ng biglang lumiwanag ang phone na kasalukuyang nasa bulsa ng pantalon ko. Tiningnan ko muna iyon bago ko sinuot ang helmet.Isang unknown number ang nag text kaya agad kong binuksan para alamin kung kanino galing. 'Good morning prof, alam ko umaga mo na ito mababasa dahil baka natutulog ka na sa mga oras na ito si Mischell po ito nakuha ko lang po number mo kay Dok Sanchez ang doctor ni mama nabanggit kasi nito sa'kin na kilala ka niya, gusto ko lang magsorry sa'yo tungkol kanina haha 'di na kita nausap nakaalis na rin kasi kayo.'  Iyon ang laman ng mahabang mensahe ni Miss Flor sa akin, hindi ko akalaing sa ganitong oras ay gising pa ito. 12:42 na ang oras na nakikita ko ngayon sa screen ng cellphone ko. Dinial ko ang numero nito na agad namang nag ring at sinagot. "Hello?" sagot nito sa kabilang linya.
Read more
Chapter 14
Zedic's POV "Mr. Lim!" Pagtawag sa akin ng Principal nang palabas na sana ako ng office upang pumunta na sa unang klase ko. Nakaupo ang principal sa swivel chair nito habang nakatingin sa akin. "Yes Ma'am?" Nilingon ko ito kasabay ng tanong.  "Sabihin mo kung late pa rin ngayong araw ang istudyante mong reniport mo sa akin last week para magawan ng paraan scholar pa naman ang batang iyon," saad ng principal. "I think that child need some consideration ma'am," sagot ko na mukhang ikinagulat nito. "What do you mean?" "I know the real reason why she's always late entering in my class, I talked to her last time in the hospital," paliwanag ko. "Hospital?" muling tanong ng principal na mukhang mas ikinagulat ang narinig. Nais kong sabihin ang totoo sa principal para malaman din nito dahil mas kaila
Read more
Chapter 15
Mischell's POV Atom: Mitch nakaisip na ako ng paraan pa'no ka rin magugustuhan ni Prof, kami na gagawa ng paraan para pagsamahin kayo madalas tapos ikaw na lang bahala sa pakikipag-usap magaling ka naman sa pagpapatawa. Nath: Tama si papa Atom at saka hindi lang sa ganda napapa-ibig ang lalaki kung hindi sa paraan na kaya mo s'yang mapatawa o mapasaya. Zoey: Sa paraan na p'wedeng mapasaya, e ikaw Nath mukhang hindi mo sila napasaya wala kasing pumapatol sa'yo hahaha. Atom: Anong papa ka jan Nath 'di kita anak. Nath: Hindi nga pero aanakan mo 'ko hehe. Bumungad sa'kin ang usapan nilang iyon sa group chat namin na hindi manlang inisip na mababasa ni prof gayung naka add rin ito sa group chat. Me: Mga lintik kayo anong mga pinag-uusapan ninyo baka nakakalimutan n'yong nandito rin sa gc natin si prof mababasa niya 'to. Na
Read more
Chapter 16
Zedic's POV  Dumagdag sa dumidilim na paligid ang madilim na kalangitan kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan, marahan ang pagmamaneho ko ng sasakyan dahil na rin sa madulas na kalsadang dinaraanan ko nakikita ko pa ang pagtaas baba ng windscreen wiper ng sasakyan upang punasan at palinawin ang salamin upang malinaw kong makita ang daan dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Maaga akong lumabas ng kumpanya at hindi ko naman akalaing masasalubong ko ang malakas na ulan, ngunit hindi na rin naman masama dahil ang panoorin ang bawat patak ng ulan ay isang bagay na nagpapaalala rin sa akin kay kuya hindi ko alam kung paano siya nagiging masaya sa ganoong sitwasyon dahil sa bawat buhos ng ulan madalas nakikita ko itong nakatanaw roon at nakangiti. Pluviophile - iyon ang tawag sa mga taong gustong-gusto ang ulan, ganoon si kuya. Tila ba kapag umuulan ay nakakahanap siya ng katahimikan at saya pakiramdam niya sigu
Read more
Chapter 17
Mischell's POV  Lintik na 'yun akala ko naman may ibig sabihin na kaya niya ako niyakap, umaasa ako e. Pero at least nayakap ko na rin si prof, iyon ang pangarap ko e ang mahalin ako ng isang lalaki na may malapad na dibdib at kaya akong yakapin pag malungkot ako, kailangan ko pang pag-igihan ang paglalandi para sa masayang bukas awoo. Tila ba nagdidiwang ang buong sistema ko sa masayang pakiramdam na iyon, kahit na narinig ko na rin mismo kay prof na parang kapatid lang ang turing nito sa akin ngunit hindi pa rin ako titigil hangga't hindi si prof ang nagsasabi na tumigil na ako, pakiramdam ko nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko sa loob ko kanina. Ngunit ang saya ko ay agad ding naglaho nang makapasok ako sa bahay at sinalubong ni tita Lexi, salubong ang kilay nito habang nakakrus ang mga kamay at halatang galit. Ang maamong kuting ay nag-iiba ang ugali kapag n
Read more
Chapter 18
Zedic's POV  "Paano mo nasabing magaling ka mag-alaga ang inaalagaan mo ay hindi nakakalakad samantalang ako ay may lagnat lang, magkaiba 'yun miss Flor," saad ko rito at mabilis agad itong nakasagot upang mangatwiran sa mga sinasabi niya. "Pareho lang po iyon kasi ang pag-aalaga ko ay may kasamang pagmamahal." Nakangiting sagot nito. "Kalukuhan," Iling-iling kong sabi at napabangon na ang kalahati ng katawan ko at sumandal sa head board ng kama. "Ayaw kasi maniwala edi 'wag," nagtatampo kunwaring sabi nito at saka inilinga ang paningin sa buong kwarto ko.  Natigil lang ang pag-iikot ng paningin niya ng madapo iyon sa istante at alam kong ang picture frame na nakalagay doon ang tinitingnan nito. "Wow may kakambal ka prof?" Agad na tanong nito at kinuha pa ang frame na iyon. Naparito ba ang babaeng 'to para alagaan ako o
Read more
Chapter 19
Zedic's POV  "Mukhang mapapalitan na yata si Salve bilang kusinera sa bahay na 'to ah?"  Agad akong napalingon ng marinig kong magsalita si Aling Sol sa likuran ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang wala namang reaksyon ang mukha ko. "Bakit ho aalis na ba si ate Salve?" pagtataka kong tanong naman. Naglakad ito papalapit at naupo rin paharap sa akin, nasa veranda kami ng kwarto ko at nakaupo sa harap ng medyo katamtamang laki ng mesa nakalatag roon ang isang baso at bote ng alak na iniinom ko. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, sa tingin ko lang naman mapapalitan na siya kung gugustuhin mo, mukhang mas masarap yatang magluto si Mitch tama ba ako?" Nanunukso ang ngiting umukit sa labi nito at hindi ako nakasagot. "Ngayon ko lang kasi napansin sa paulit-ulit na paghain namin ng pagkain sa hapag ay ngayon mo lang ito naubos kainin," dag
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status