Lahat ng Kabanata ng Mamamatay Na Ako... Bukas!: Kabanata 31 - Kabanata 40
45 Kabanata
PKM - Kabanata XI.I
"Bianca, huwag na muna tayong pumunta sa gallery," sabi ni Zach."Bakit, Zach?" tanong ko."You need some rest." Bakas sa kanya ang pag-aalala."Pero, Zach. Ok naman ako," pagkontra ko, pero wala rin naman akong nagawa nang umapila rin siya."Huwag nang matigas ang ulo mo. Let's call this a day. Mamaya mahimatay ka na naman. I cannot risk your safety.""Pero i-promise mong babalik pa rin tayo sa gallery," pangungulit ko."Sige, I promise. Pero hindi ngayon. Maybe tomorrow or baka sa ibang araw kung kailan mas ok ka."Salamat naman sa sinabi niyang iyon... Nakakuha akong pag-asang sa mga susunod na araw ay malilinawan kami paunti-unti sa tunay na nangyari kay Star."Gusto ko nang umuwi sa bahay. Ayokong mag-stay rito sa ospital. Ok naman na ako," hiling ko.Nginitian niya ako. "As you wish," sabi niya. Bumaling siya kay Jude, "Paki-assist muna si Bianca. Magbabayad lang ako ng hospital bill."Oo nga pala! Yung hospital bil
Magbasa pa
PKM - Kabanata XII
Hindi ko inaasahan ang pag-abang ni Jomari sa akin sa labas ng bahay namin kinabukasan. Nagkatitigan lang kami. Pinakikiramdaman ko kung mayroon siyang sasabihin, hanggang sa nagsalita na nga siya. "A..." pasimula niya. Para naman akong sira habang nakatingin lang sa kanya at hinihintay siyang magsalita. "A... Sorry kahapon," patuloy niya. "At salamat din pala. Sabi ni Jude kasama ka raw niya na nagdala sa akin sa bahay," pahabol pa niya. Buti naman at nasa katinuan na siya, hindi gaya kagabi na mukhang lasing na lasing.  "Bakit ka naglasing?" kalmado kong itinanong."Maraming iniisip. Basta," dahilan niya."Puwede kong malaman?" tanong kong muli."Basta," sagot lang niya."Hindi tayo naglilihiman, 'di ba?" sabi ko. Tila gusto niyang ibahin ang usapan nang yayain niya ako, "Halika na, late na tayo." Hindi ako nakinig. "Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka naglasing." Inulit ko ang tanong ko, "Bakit
Magbasa pa
PKM - Kabanata XIII
Natakot. Nanlamig. Kinabahan.Ganyan ang naramdaman ko nang lumabas ako sa Old School matapos kong tanggihan ang alok ni Zach.Umalingangaw sa isip ko yung itinanong niya sa akin,"Will you be my girlfriend, Bianca?"Paulit-ulit ring sumagi sa isip ko yung isinagot ko,"Sorry."Tumakbo ako palayo at umalis sa lugar na iyon sakay ng jeep. Nakarating ako sa amin na gulong-gulo ang isip. Hindi ako nakatulog nang maayos noong gabing iyon. Iyak ako nang iyak habang nakahiga sa kama.Kinabukasan, tinawagan ko si Dennis. Minabuti kong makipagkita sa kanya sa isang cafe sa isang mall. Marami akong mga tanong sa kanya na alam kong hindi mareresolba sa isang phone call lamang. Naisip kong mas mabuti kung makapag-uusap kami sa personal.Agad niyang napansin ang namamaga kong mga mata nang magkita kami. Magkatapat kami sa lamesa."Namumugto ang mga mata mo. Iniya
Magbasa pa
PKM - Kabanata XIV
"Zach!" gulat kong sinabi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" agad kong itinanong sa kanya.Sa mga nalaman ko kay Dennis, kinabahan tuloy ako sa biglang pagsulpot ni Zach. Naalala ko bigla yung painting na ipinakita sa akin ni Star,"The Stalker."Sumagi rin sa isip ko yung sinabi niya noong nakaraan,"I am always watching you, Bianca."Maging yung sinabi ni Jomari, bumalik sa alaala ko,"Sino ba namang normal na tao ang gagawa nun? Stalker lang, Bianca!"Tama nga kaya? Isa nga ba talagang masamang tao si Zach?Tiningnan ako ni Zach nang mata sa mata. Kinikilabutan na naman ako sa mga titig niya!"Sa palagay ko, mas may karapatan akong magtanong niyan. Ikaw, Bianca, ano'ng ginagawa mo rito kasama ang kaibigan ko? Magkakilala pala kayo, ano?"Si Dennis ang sumagot, "Zach, nag-uusap lang kami." "Nag-uusap? Ano'ng pinag-uusapan ninyo? Tungkol sa relasyon ninyo?" balik na tanong ni Zach
Magbasa pa
PKM - Kabanata XV
Nag-ri-ring ang cell phone ko. May tumatawag! Sino kaya? Siya na... siya na kaya ang magliligtas sa akin? Patuloy itong nag-ri-ring, dahilan upang matigil pansamantala ang ginagawang pambababoy sa akin ni Zach. "Sino kaya yang istorbo na yan?" tanong niya. Pinakikiramdaman ko kung ano ang sunod niyang gagawin. Gumapang siya paitaas at umibabaw nang husto sa akin. Sa tapat ng mukha ko ay ang mukha niya. Hindi ako makagalaw sa posisyon namin. Nagawa niya pang pahirin ang mga luha ko. Kusang huminto ang mga luhang iyon, tila namimili ng mga kamay na papahid sa kanila. "Sasagutin mo ba?" tanong niya sa akin. "Kung ako sa iyo, mahal ko, hindi ko gagawin iyan. Istorbo lang sa atin iyan e," sabi niya. Patuloy pa ring nag-ri-ring ang cell phone. Gumapang ang kamay ni Zach papunta sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha niya ang cell phone ko! Wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko, hanggang sa matagumpa
Magbasa pa
PKM - Kabanata XV.I
Isa pa uling pangitain. May isang babae... Nandito siya sa kama, hinang-hina. Nakaibabaw sa kanya si Zach. "Huwag kang magrereklamo kundi papatayin kita!" pagbabanta ng demonyong si Zach. Maya-maya'y may pumasok na mga lalaki sa kuwarto. Marami sila. Anim... Kilala ko ang isa. Si Norman. Magkakilala sila? "Patikimin mo naman kami niyan," sabi nitong nakangisi. Nagmura ang babae, "Mga putang ina ninyo!" Tinakpan ni Zach ang bibig nito, "Huwag kang maingay!" at tinawag niya ang mga kasama. Nagsilapitan ang mga iyon, naghubad ng pang-itaas na damit. Para silang mga asong ulol na nagsasalo sa iisang sariwang karne, sa katawan ni Jha. Nakakakilabot... Wala silang awa! Mga baboy! Ganito na lang din ba ang kahihinatnan ko? Magagaya na lang din ba ako sa mga babaeng iyon na pinatay nang walang awa? Hindi! Hindi ako papayag!  Sumigaw ako, "Tulong!!! Star, tulong!" Tumigil si Zach sa ginag
Magbasa pa
PKM - Kabanata XVI
Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero paano kung may katabi ako? Paano kung si Star pala ay nandito? Si Star... at ang ibang babaeng nasa pangitain ko... Paano kung nandito rin sila sa mala-impyernong lugar na ito?Hinanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa ak
Magbasa pa
PKM - Kabanata XVI.I
Ikinagulat ko iyon."Nagtapang-tapangan kami e! Sumugod kami rito agad ni Norman. Hindi pupuwedeng hindi kita sagipin agad. Ayokong mangyari sa iyo yung nangyari sa mga babaeng pinatay nila. May ginawa kaming plano kaso nahuli nila kami nung nakapasok kami rito. Nagkabarilan! Yung kasama ni Zach, may dalang baril. Napatay si Norman."Yung baril... Yun yata yung ipinukpok niya sa mukha ko kanina. Si Renz... yung isa pang kampon ni Satanas na kasama ni Zach! Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nakakayang pumatay ng tao nang ganun-ganun na lang?"Papuputukan na sana ako nung kasama ni Zach. Tinutok niya na sa akin yung baril, kaso hindi natuloy.""Ano'ng nangyari?""Sinaksak siya ni Zach. Nakita ko, Bianca! Sinaksak siya sa likod. Maraming beses! Hindi nakalaban yung isa. Nakakasuka!""Oh my God!""Itinapon ni Zach yung baril, yung kutsilyo, tapos hinamon niya ako ng suntukan. Para siyang baliw! Hindi raw niya ako papatayin kaagad. Kukumpletuhi
Magbasa pa
PKM - XVII (Ang Pagwawakas)
Nang isakay kami ni Jomari sa ambulansya, nagkaroon ako ng panaginip. Sa panaginip ko, nakita ko ang masayang mukha ni Star at ng mga babaeng nakalaya na rin sa walang hanggang kadiliman. Sa panaginip ko, hinawakan ni Star ang mga kamay ko at umusal ng salitang, "Salamat." Natapos na ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin sa kamay ni Zach. Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon ang gugugulin bago ako makalimot sa nangyari. Maraming buhay ang nawala; mga buhay na nasayang dahil sa pansariling interes ng iilan. Sa kabila noon, gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa panahong nandoon ako sa kagipitan, sa bingit ng panganib. Salamat sa mga taong nakapaligid na alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Siguro nga na sa lahat ng nauto ni Zach at ng mga nagpauto sa kanya, ako yung pinaka masuwerte. Mapalad ako dahil hanggang ngayon ay dama ko pa yung hangin, yung hanging nagbibigay-buhay; 'di gaya ng ibang pinagkaitan na ng pagkakataon para masilayan an
Magbasa pa
Pinatay Siya... Kahapon! (MNA... B! and PK... M! Series) - Teaser
PANIMULAMemories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming p
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status