Share

PKM - Kabanata XIV

"Zach!" gulat kong sinabi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" agad kong itinanong sa kanya.

Sa mga nalaman ko kay Dennis, kinabahan tuloy ako sa biglang pagsulpot ni Zach. Naalala ko bigla yung painting na ipinakita sa akin ni Star,

"The Stalker."

Sumagi rin sa isip ko yung sinabi niya noong nakaraan,

"I am always watching you, Bianca."

Maging yung sinabi ni Jomari, bumalik sa alaala ko,

"Sino ba namang normal na tao ang gagawa nun? Stalker lang, Bianca!"

Tama nga kaya? Isa nga ba talagang masamang tao si Zach?

Tiningnan ako ni Zach nang mata sa mata. Kinikilabutan na naman ako sa mga titig niya!

"Sa palagay ko, mas may karapatan akong magtanong niyan. Ikaw, Bianca, ano'ng ginagawa mo rito kasama ang kaibigan ko? Magkakilala pala kayo, ano?"

Si Dennis ang sumagot, "Zach, nag-uusap lang kami." 

"Nag-uusap? Ano'ng pinag-uusapan ninyo? Tungkol sa relasyon ninyo?" balik na tanong ni Zach

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status