All Chapters of Masquerade of Lies: Chapter 11 - Chapter 20
57 Chapters
Chapter 10
 Hindi makapaniwala si Jacob na isa siya sa mga natanggap na aplikante. Sa dinami rami nila na initerview, at base pa lamang sa itsura ng karamihan sa mga ito, hamak na mas presentable at mukhang matataas ang pinag-aralan ng iba kaysa sa kaniya kahit sa unang tingin pa lang. Inabot ni Jacob ang kamay ni Mrs. Guavez, hindi niya namalayan na nahigpitan niya ang pagtanggap dito kung hindi pa napababa ang tingin ni Mrs. Guavez sa kanilang kamay. Agad naman niya itong binitiwan. “P-Pasensya na po, masayang masaya lang ako,” sabi niya. Sinuklian siyang muli ng matamis na ngiti nito at tinapik ang kaniyang balikat. “Welcome to our family. I will just attend a meeting and my daughter will the the one to assist you in your quarters. Please feel free to ask her questions,” sagot naman nito sa kaniya. Hindi alam ni Jacob ang dapat niyang maramdaman, mayroon sa kaniyang parte na masaya dahil sa unang pagkakataon sa k
Read more
Chapter 11
 Isang mainit na tsaa ang inilatag ni Nanay Sol sa mesa ng kumikintab na living room ng mansyon. Wala ni isa sa kanilang tatlong bagong bodyguards ang kumuha ng para sa kanila sapagkat nakaupo sa kanilang harapan ay ang Presidente ng bansa. “Ayaw niyo ba ng tsaa? Gusto niyo ba ng juice? Kape?” tanong nito nang mapansin na hindi nila ginagalaw ang inihanda sa kanila. “Nanay Sol, ipaghanda mo sila ng wine, baka magustuhan nila.” “H-Hindi na po!” agad na sagot ni Jacob. Napukaw naman niya ang lahat ng atensyon ng nasa living room. Ang mga tsokolateng mata ng Presidente na katulad ng sa babaeng naghatid sa kanila kanina ay dumako rin kay Jacob. “Sigurado ka, hijo? Mahaba haba ang pag-uusapan natin kaya baka kailanganin niyo ng maiinom.” Maski ang boses na malumanay ni Mrs. Guavez ay siya ring nasa boses ng Presidente. Aaminin ni Jacob na hindi talaga niya gaanong kilala ang Presidente
Read more
Chapter 12
 “Mr. Paul Domingo, you can go.” Umangat ang kanilang mga tingin kay Lauren nang magsalita ito pagkatapos ng mahabang katahimikan magmula nang umalis si Mr. Gregory. Nagsalit naman ang kanilang mga tingin sa isa’t isa, at kahit nag-aalinlangan ay tumayo si Paul para umalis. “Excuse me po Ma’am,” sabi nito at saka pumanhik muli sa kaniyang kwarto. Isinara ni Laurena ng kaniyang binabasang papers na naglalaman ng mga resume ni Jacob at ni Sid. Mataman naman itong tumingin sa kanila na ikinakaba ng dalawang naiwan na lalaki. “You said you two want to be my Dad’s personal bodyguard, right? Do you have an idea of what you’re going to deal with in case one of you will be designated to that position?” Walang sumagot sa kanilang dalawa. Nanatili ang mga mata ni Jacob kay Lauren samantalang napayuko naman si Sid at ibinaba ang tingin sa sahig. Bumuntong hini
Read more
Chapter 13
  Namamawis na ang mga palad ni Jacob habang hinihintay na pumunta si Sid sa shooting range. Hindi mapakali ang kaniyang mga paa at kamay dahil sa matinding kaba na kaniyang nadarama. Kung hindi siya magtagumpay sa unang test na iyon, agad na magiging dehado ang pagiging kandidato niya sa posisyon ng pangunahing bodyguard ng Presidente at natitiyak niya rin na ikapapamahak ito ni Kyla.   Nang makatapak si Sid sa harap ng mesa kung saan nakalatag ang iba’t ibang baril at mga bala ay isinuot niya ang kaniyang eye protection at headphone. Tumingin ito sa Presidente at tinanguan siya nito bilang pagsasabi na maaari niya nang damputin ang baril na nais niya. Matagal na tumingin si Sid sa mga nakalatag na baril, at sa huli ay pinili niya ang isang simpleng pistol. Kumuha siya ng tatlong bala at saka ito inilagay sa magazine. Huminga nang malalim si Sid, at saka itinaas ang baril at itinutok sa metal na hinulmang tao na limang metro ang layo sa kaniya. Dah
Read more
Chapter 14
 Maagang nagising si Jacob dahil maaga rin siyang nakatulog kagabi. Pagkabalik pa lamang nila sa mansyon, umalis nang muli si Mr. Gregory sa kanilang tahanan. Naiwan naman si Lauren na wala ring ilang sandali ay umalis din, kung saan man sila magsisipunta, wala nang lakas si Jacob upang ito ay alamin. Gusto niya rin sanang kamustahin si Kyla, ngunit kahit na hindi siya gaanong maalam sa mga cellphone, alam naman niya na may paraan upang kontrolin nila Garrett ang cellphone na ibinigay nito sa kaniya kaya kung tatawagan o itetext man niya ang kung sinuman, agad nila itong malalaman. Natukso pa si Jacob na umalis ng mansyon, ngunit nang tanawin niya ang paligid ay bawat sulok ng bahay ay may gwardyang nakabantay. Nag-unat unat si Jacob ng kaniyang sumasakit na katawan. Ni hindi niya rin maidilat ang kaniyang mga mata dahil sa pagod. Nagtataka naman siya dahil kahit noon ay halos maghapon at magdamag siyang nagtatrabaho, hindi napa
Read more
Chapter 15
 Pagbaba ni Jacob ay naroon na sina Paula at Sid, napahinto siya saglit nang makita niya itong nag-uusap. Dahil hindi pa nito napapansin ang kaniyang presensya, dahan dahan siyang bumaba ng hagdan upang lumapit dahil base sa seryosong ekspresyon sa mukha ni Sid na tila nakikipagtalo ito sa anak ng Presidente, napukaw ang kaniyang atensyon sa kung ano ang kanilang pinaguusapan, lalo pang nakapagpataka kay Jacob dahil tila ang mga ito ay Ngunit pagdating niya sa dulo ng hagdan, ang nagmamadali at malakas na kalabog ng mga yapak ni Paul pababa ang sumira ng kaniyang pagkakataong malaman kung ano ang pinaguusapan ng dalawa. Parang nakuryenteng lumayo agad si Sid kay Paula na agad na sinamaan sila ng tingin. Umiwas naman ang mga mata ni Paula na siyang halata namang nagulat. “Handa na ba kayo?” tanong nito nang makalapit si Paul at Jacob sa kanila. “I hope you know how to do Judo, that’s what we’ll be do
Read more
Chapter 16
CHAPTER 16  Pumwesto si Jacob sa harap ni Paula. Kita na ang tagaktak na pawis sa kaniyang mukha kahit hindi pa halos sila nagsisimula, at ang buong court ay naka-aircon naman. Huminga siya nang malalim at saka inalala kung paano ipinwesto ni Sid at Paul ang kanilang kamay nang sumabak sila. Kung kanina’y nagpapasalamat siya na huli siyang sasabak, ngayon ay parang pinagsisisihan na niya ito sapagkat kita niya ang gigil sa mga mata ni Paula. “Are you ready?” tanong nito. Wala sa sariling tumango si Jacob at itinaas ang kaniyang dalawang kamay sa hangin. Ngumisi naman si Paula na siyang nagpadagdag sa kaniyang kaba dahil nag-aalala siya na baka halata na wala talaga siyang alam kung paano iyon. Lumapit si Paula sa kaniya at inikutan siya, pilit na pinagalaw ni Jacob ang kaniyang mga paa upang sumabay sa mga galaw ng dalaga. Nang makarating si Paula sa kaniyang likuran ay agad niya itong hina
Read more
Chapter 17
 Nang makarating sila sa hospital, agad na napagtanto ni Jacob na ito ay malapit sa kanilang bayan. Ang hospital na iyon ay halos limang kanto lamang ang layo mula sa bahay nina Kyla. Nanlaki ang kaniyang mga mata, at kumabog nang mabilis ang kaniyang puso, tila nabuhayan siya ng loob na magkaroon ng pagkakataon na makita si Kyla bago ito umalis kinabukasan. “Hey?” untag sa kaniya ni Paula, saka lamang niya napagtanto na kinakausap pala siya nito. “Are you listening? I said we should go in and have you checked. I still have a lot of things to do,” inis nitong sabi. Napakurap naman dahil doon si Jacob at ang isang ideya ang pumasok sa kaniyang isipan. “Pwede mo na akong iwan dito, magta-taxi na lang ako pabalik ng mansyon,” agad niyang sagot sa dalaga. Pilipit ang kaniyang daliri na umasa na ito ay papayag. “Hindi pwede,” madiing sabi ni Paula. “You are my
Read more
Chapter 18
CHAPTER 18 Binuksan ni Jacob ang pinto ng taxi na kaniyang sinakyan. Wala sa sarili itong bumaba at hindi na halos kinuha ang kaniyang sukli mula sa driver. Nang makatayo siya sa harap ng malaking gate ng mansyon. Agad siyang napapikit nang mariin sapagkat doon lamang sumuot sa kaniya ang mga nangyayari. Hindi niya na makikita pa si Kyla. At higit sa lahat, alam niya na ngayon ay tanggal na rin siya sa pagpipilian kung sino ang magiging primary bodyguard ng Presidente. Maswerte pa siya kung hindi siya tatanggalin sa mismo niyang posisyon. Huminga nang malalim si Jacob at saka nag-doorbell. Itinapat niya ang kaniyang mukha sa intercom camera, at ilang segundo lamang ay nagbukas din ang gate. Walang buhay niyang tinahak ang hardin ng mga Guavez, agad siyang kinapkapan ng mga nakabantay na gwardya sa pinto, at nang wala itong nahanap ay agad din siyang pinapasok. Inaasahan ni Jacob na ang nakabusangot n
Read more
Chapter 19
CHAPTER 19  “Damien?” isang malamyos na tinig ang nagmula sa pinto. Agad na nagmadali si Damien na ayusin ang kaniyang necktie na halos isang oras na niyang inaayos sa kaniyang leeg. Nang buksan niya ang pintuan ng kaniyang kwarto, nakita niya ang malumanay na ngiti ni Nanay Sol. “Kailangan mo ng tulong? Malapit na kasing bumaba si Sir, baka kako kailangan mo ng tulong,” sabi nito at agad na dumako ang mga mata sa kaniyang necktie na buhol buhol at hindi pantay. Napatawa na lamang ng marahan si Nanay Sol at pumasok sa kwarto ni Damien. “Salamat po, Nay,” sambit ng binata. Sa ilang araw niyang panunuluyan sa mga Guavez, ang batiin at tawagin si Nanay Sol na “nanay” ang pinaka gusto niya sa lahat. Pakiramdam niya ay nagkaroon siyang muli ng isang ina na laging nag-aasikaso sa kaniya. Wala itong palya na akyatin siya sa kaniyang kwarto upang kumain kahit ilang beses na nitong sinasawa
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status