Nang makarating sila sa hospital, agad na napagtanto ni Jacob na ito ay malapit sa kanilang bayan. Ang hospital na iyon ay halos limang kanto lamang ang layo mula sa bahay nina Kyla. Nanlaki ang kaniyang mga mata, at kumabog nang mabilis ang kaniyang puso, tila nabuhayan siya ng loob na magkaroon ng pagkakataon na makita si Kyla bago ito umalis kinabukasan.
“Hey?” untag sa kaniya ni Paula, saka lamang niya napagtanto na kinakausap pala siya nito. “Are you listening? I said we should go in and have you checked. I still have a lot of things to do,” inis nitong sabi. Napakurap naman dahil doon si Jacob at ang isang ideya ang pumasok sa kaniyang isipan.
“Pwede mo na akong iwan dito, magta-taxi na lang ako pabalik ng mansyon,” agad niyang sagot sa dalaga. Pilipit ang kaniyang daliri na umasa na ito ay papayag.
“Hindi pwede,” madiing sabi ni Paula. “You are my
CHAPTER 18Binuksan ni Jacob ang pinto ng taxi na kaniyang sinakyan. Wala sa sarili itong bumaba at hindi na halos kinuha ang kaniyang sukli mula sa driver. Nang makatayo siya sa harap ng malaking gate ng mansyon. Agad siyang napapikit nang mariin sapagkat doon lamang sumuot sa kaniya ang mga nangyayari.Hindi niya na makikita pa si Kyla. At higit sa lahat, alam niya na ngayon ay tanggal na rin siya sa pagpipilian kung sino ang magiging primary bodyguard ng Presidente. Maswerte pa siya kung hindi siya tatanggalin sa mismo niyang posisyon.Huminga nang malalim si Jacob at saka nag-doorbell. Itinapat niya ang kaniyang mukha sa intercom camera, at ilang segundo lamang ay nagbukas din ang gate. Walang buhay niyang tinahak ang hardin ng mga Guavez, agad siyang kinapkapan ng mga nakabantay na gwardya sa pinto, at nang wala itong nahanap ay agad din siyang pinapasok.Inaasahan ni Jacob na ang nakabusangot n
CHAPTER 19“Damien?” isang malamyos na tinig ang nagmula sa pinto. Agad na nagmadali si Damien na ayusin ang kaniyang necktie na halos isang oras na niyang inaayos sa kaniyang leeg. Nang buksan niya ang pintuan ng kaniyang kwarto, nakita niya ang malumanay na ngiti ni Nanay Sol. “Kailangan mo ng tulong? Malapit na kasing bumaba si Sir, baka kako kailangan mo ng tulong,” sabi nito at agad na dumako ang mga mata sa kaniyang necktie na buhol buhol at hindi pantay. Napatawa na lamang ng marahan si Nanay Sol at pumasok sa kwarto ni Damien.“Salamat po, Nay,” sambit ng binata. Sa ilang araw niyang panunuluyan sa mga Guavez, ang batiin at tawagin si Nanay Sol na “nanay” ang pinaka gusto niya sa lahat. Pakiramdam niya ay nagkaroon siyang muli ng isang ina na laging nag-aasikaso sa kaniya. Wala itong palya na akyatin siya sa kaniyang kwarto upang kumain kahit ilang beses na nitong sinasawa
Maagang nagising si Jacob dahil sa ingay sa kaniyang pinto. Kahit na takpan niya ng unan ang kaniyang ulo, tila anng mga mabibigat at mabibilis na yapak ng mga paa ay inaasar siya.Padabog siyang tumayo habang ang kaniyang mukha ay nakabusangot. Hinila niya ang kalahating tulog na katawan paalis ng kama at hinatak ang kaniyang mga paa upang sigawan at pagsabihan kung sino man ang umistorbo ng kaniyang tulog.Ngunit nang buksan niya ang pinto, agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Lauren na nasa kaniyang harapan.Samantala, si Aster ay naghahanap ng kaniyang mapagtataguan, kung saan siya pwedeng makapagbasa nang hindi nakatatagpo ng sinumang Elysian.Nakalabas siya sa mala-palasyong tirahan ng mga Elysian. Napakalawak ng Elysium, maraming iba’t ibang bulaklak sa paligid at presko ang hangin. Nakakita siya ng usa sa malayo, na siyang nagpaalala sa kaniya ng nakita niy
Nang buksan ni Mr. Gregory ang pinto ng kaniyang opisina, halos mabato si Jacob nang makita niya ang silid na punong puno ng mga tao. Dalawang dipa ang layo ng mga ito mula sa mahaba at makintab na mesa ng Presidente, at halos lahat sila ay nagsi-ayos ng kanilang pwesto nang mapansin nila ang presensya nito. Dala dala ang kanilang naglalakihang mga camera, at ang mga reporter na kaniya kaniya ang mic na dala, tila akala ni Jacob ay mabubulag na siya nang magpaulan ang mga ito ng pagkurap ng kanilang mga flash.Samantala, nakangiti lamang si Mr. Gregory at umupo na sa kaniyang upuan. Tumayo si Jacob sa likod nito, at sa distansyang alam niyang hindi siya makukunan ng litrato. Inilibot niya agad ang kaniyang mga mata upang tingnan ang bawat mukha sa loob ng silid. Inisa isa niya ang mga ito, ang bawat detalye ng kanilang mukha at kasuotan, tulad ng turo sa kaniya ni Paul. Nang matiyak niya na walang kapansin pansin o kahina hinala sa kanila ay itinuo
Walang ibang maririnig sa kahabaan ng pasilyo ng police station kundi ang pag-iyak ni Mr. Bormero. Kaharap ang abogado ni Mr. Gregory, si Paula na halatang naiinip na, at si Jacob na nakatayo sa kanilang likuran, ang mga sangkot sa kaganapan sa press conference ay nakaharap sa Chief of police.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng hepe at tiningnan nang matagal si Mr. Bormero na humahagulgol pa rin. Hindi nito mahalata na ang lahat ay naghihintay lamang na siya ay tumahan nang makapagsimula na sa pag-uusap.“You need to calm down, Mr. Bormero, your statement is important if you want to explain your side. Wala tayong magagawa kung iiyak ka na lamang diyan at hindi magsasalita,” sabi ng Chief na may halong inis sa kaniyang tono. “What you did is a big crime. We are not talking about just anyone, you almost got our President killed!”“H-Hindi ko ho ginusto ‘yon!&rdqu
Ilang oras ding naghintay si Lauren sa pagbalik nina Paula at Jacob. Hindi natanggal ang kaniyang mga mata sa kaniyang relo dahil alas kwatro na ng hapon ay wala pa rin ito. Napatingin siya sa kaniyang gilid nang may maglagay ng baso ng kape sa kaniyang harap, at nakita si Nanay Sol na nakangiti sa kaniya.Napawi naman ang kaniyang iniisip dahil doon at sinuklian ito pabalik ng ngiti. “Salamat po Nay,” sabi nito. Umupo si Nanay Sol sa kaniyang tabi at hinawakan ang kaniyang kamay.“Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Alam kong kakayanin ni Mr. Gregory ang operasyon niya kaya’t dapat ay kayanin mo rin.”Sa mga sandaling iyon, hindi rin alam ni Lauren ang kaniyang unang iisipin, alam niya na hindi kritikal ang kalagayan ng Ama, ngunit isang alalahanin ang bagay na nagawa ni Mr. Bormero. Alam niya na hindi nito basta basta lamang na magagawa iyon sa kaniyang Ama a
Natanaw ni Jacob si Lauren habang papalapit ito sa VIP room ng hospital. Dala dala ang mga prutas na nakaayos sa basket, agad na lumapit si Jacob sa kaniya upang tulungan ito.“Thank you, any news?” tanong agad ni Lauren pagkakuha ni Jacob ng basket. Halata ang kabalisahan sa mga mata ng dalaga dahil malamlam ang mga ito at halatang walang tulog.“Dumating ang doctor kanina at sinabi niya na makakalabas na ang Daddy mo bukas,” sagot naman ni Jacob. Malalaki at mabibilis na hakbang naman ang ginawa ni Lauren upang makarating agad sa kwarto ng ama. Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niyang okupado na ang couch sa tabi ng higaan ni Mr. Gregory.“Mom,” tawag ni Lauren, nilapag naman ni Jacob ang mga prutas sa mesa at sinulyapan pa si Lauren na yumakap sa kaniyang inang magdamag na nagbantay sa asawa. Tahimik na nilisan ni Jacob ang silid at iniwan ang mag-anak sa loob. Muli siy
“Lauren,” tawag ni Jacob. Nagtama ang kanilang mga mata nang tingnan siya ng dalaga, kita na hindi pa rin ito panatag base sa kaniyang itsura na malalim ang iniisip at tila hindi nito napansin na papalapit sa kaniya si Jacob. “Ayos ka lang?”“Yeah,” sagot nito. Umupo si Jacob sa harap niya at tiningnan siya nang mataman. Bumuntong hininga naman ito at sinuklay ang kaniyang kamay sa buhok. “Okay, I’m not. It’s just that…I still cannot get myself be used to things like this. Marami na ring threats ang natanggap ni Daddy, death threats even…but this one is really scary because napakalapit lang pala ng taong magtatangka sa buhay niya.”Alam ni Jacob ang pag-aalala ni Lauren. Maski man siya ay hindi niya rin aakalain na ang pinakamatalik na kaibigan ni Mr. Gregory ang sasaksak sa kaniyang likuran. Doon naman agad na pumasok sa kaniyang isip si Freddie, napangi