All Chapters of Masquerade of Lies: Chapter 41 - Chapter 50
57 Chapters
Chapter 40
 Patuloy lamang sa pagda-drive si Jacob upang dalhin sa sementeryo si Lauren, habang ang dalaga naman ay abala sa kaniyang laptop habang naka-upo sa backseat ng kotse. Hindi maipinta ang mukha nito, na tila ba may masama siyang binabasa base sa kaniyang nakakunot na noo at seryosong mga mata. Nang ihinto ni Jacob ang kotse sa parking lot, doon lamang siya binigyan ng tingin ni Lauren. “Thank you, just wait here I’ll be quick.” Agad na lumabas si Lauren ng kotse, sa sobrang bilis ng kaniyang paggalaw ay hindi na halos nakasagot pa si Jacob at naiwan na lamang na hindi makapaniwala. Tinanaw niya si Lauren habang ito ay tumatakbong papasok sa sementeryo na may mataas na gate, at mataas na mga pader upang takpan ang loob. “Ano nanaman kayang gagawin nun?” bulong ni Jacob sa sarili. Napabuntong hininga na lamang siya sapagkat alam niyang kapag sumunod siya, ay tiyak na magagalit ito sa kaniya. Tinatapik
Read more
Chapter 41
 Dahan dahang iminulat ni Lauren ang kaniyang mga mata. Mabibigat at malalalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan, at pilit niyang sinanay ang kaniyang paningin sa dilim na kaniyang pinaggisingan. “D-Damien?” nanghihinang tawag niya. Nang igalaw niya ang kaniyang mga kamay, doon niya lamang naramdaman ang mahigpit na pagkakatali ng lubid roon at pati na rin sa kaniyang mga paa. Napagtanto niya rin na nasa isang malawak na kwarto siya dahil nag-echo ang kaniyang boses sa mga dingding. “Damien!” tawag niyang muli, ngunit ang katahimikan ng paligid ang tanging sumagot sa kaniya. Napatalon siya sa gulat nang magbukas ang pinto sa kaniyang harap. Sumuot sa siwang ang liwanag na nagmumula sa labas na sa kaniyang pagkakatanaw ay isang bakanteng lote. Tatlong lalaki ang pumasok ngunit isa lamang ang lumapit sa kaniya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nahaharangan ng katawan nito ang liwanag. 
Read more
Chapter 42
 Kabi-kabila ang mga balita tungkol sa pagkawala ni Lauren. Kabi-kabila rin ang tunog ng telepono sa bawat sulok ng mansyon ng mga Guavez, at hindi magkamaliw sa pagsagot sina Nanay Sol at iba pang kasambahay sa mga reporters at malapit na kaibigan ng kanilang pamilya. “Hello? Pasensya na po, wala rin kaming balita sa kaniya. Maglalabas na lang po ng statement si Mr. Gregory kapag may natanggap na kaming update,” sagot ni Nanay Sol sa isang kaibigan ni Lauren mula sa kaniyan unibersidad. Marahang ibinaba ng matanda ang telepono na hindi na nito pinakinggan pa ang kasunod na sinabi ng tumawag. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng matanda dahil sa pagod at pagkabahala. Magdamag naman na hindi natulog sina Paula, Sid at Paul sa paghahanap sa dalawang nawawalang miyembro nila. “Is there any news?” tanong ni Paula, na kaliligo lamang at handa nang magpunta sa FBI upang ipaalam ang nangyayari. &l
Read more
Chapter 43
 Nagkatinginan nang matagal ang dalawa. Isang dangkal lamang ang pagitan ng mukha ni Lauren at Jacob, kaya naman parehas nilang pinakakalma ang kanilang mga puso sa takot na ito ay naririnig na dahil sa katahimikang bumalot sa paligid. Kumikinang ang mga mata ni Lauren, at habang ang kaniyang mga labi ay nakaawang pa sa gulat, hindi rin maitatago ang saya sa kaniyang dibdib. Samantala, si Jacob naman ay hindi makapagsalita sa gulat, hindi niya rin halos maibuka ang kaniyang mga labi dahil patuloy niya pa ring hinahalukay ang kaniyang isip sa tamang salitang dapat na lumabas mula rito. “Do I have to apologize?” tanong ni Lauren na siyang bumasag sa mahabang katahimikan. Ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa mga mata ni Jacob at ikinukulong ang binata sa mga tingin nito. “Please tell me if I need to apologize, or should I just act accordingly to my feelings.” “L-Lauren…&r
Read more
Chapter 44
 Tumawa nang malakas si Garett. “Can you say it again? Please make It louder.” Inilagay niya sa mesa ang cellphone na halos abot kamay lang ni Jacob, kung hindi nakatali ang mga ito. “Huwag mo nga akong lokohin Kuya. Si Jacob, kumusta na siya? Baka naman pinahihirapan mo siya sa trabaho.” Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong silid. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Jacob dahil hindi siya halos makapaniwala na boses nga ni Kyla ang naririnig niya mula sa cellphone. Ngunit higit pa sa kaniyang boses ang dahilan kung bakit tila hinahatak ang kaniyang sikmura sa pagkakataong iyon. “Kahit na pinagpalit niya ako sa pera, mahal ko pa rin siya Kuya. Kaya please, ‘wag mo siyang pahihirapan ah? Magtatampo talaga ako kapag ginantihan mo siya sa trabaho.” “Oh don’t worry my little sister, he’s doing fine
Read more
Chapter 45
 Galit. ‘yan lang ang tanging nararamdaman ni Jacob nang imulat niya ang kaniyang mga mata, at natagpuan ang sarili na nasa kwarto na siya ng mansyon. Hindi niya akalain na may ikasasama pa pala ang sitwasyon kung saan siya napunta, at ang pinaka masaklap pa na ang taong ibinuhos niya ang lahat maski nakataya ang buhay niya ay siya rin palang magdadala sa kaniya ng matinding galit na iyon. Hindi na niya namalayan na sunod sunod na pumatak ang mga luha galing sa kaniyang mga mata. Marahas niya iyong pinunasan at huminga nang malalim bago siya dahan dahang bumangon. Pakiramdam niya ay tone toneladang bakal ang tumama sa kaniyang katawan sa bigat at sakit nito. Sunod sunod na pagkatok ang dumating sa kaniyang pinto. Inayos niya ang sarili kahit na hindi niya alam kung alam ba ng mga tao sa mansyon na nawala siya kagabi, at kung paano siya ibinalik ni Garett sa kaniyang silid. Dahan dahan niyang binuksan a
Read more
Chapter 46
 “Are we all set?” tanong ng Presidente. Isa isang isinampa nina Paul, Sid at Jacob ang mga gamit nito sa kotse. Bagamat isang linggo lamang ang itatagal ng kanilang pag-alis, maraming bagahe ang kanilang dala sapagkat marami rin silang isinaman ni Mr. Gregory. Kasama na roon si Lauren, na siya namang nakasakay na sa kaniyang sasakyan at naghihintay na lamang ng pag-alis. “Make sure na walang makakalimutan okay? Yung mga documents, please secure it properly and don’t lose it.” Humarap si Mr. Gregory kay Mrs. Estella, na sa personal na dahilan ay hindi makakasana. Kailangan niyang bisitahin ang isa sa mga kapatid niya dahil sa sakit sa puso, at kailangan niya ring asikasuhin ang mga maiiwang trabaho ng kaniyang asawa. “You take care of yourself here, alright?” Hinalikan ni Mr. Gregory ang noo ni Mrs. Estella. “Of course, I’ll take care
Read more
Chapter 47
 Halos matuod si Jacob sa kaniyang kinatatayuan nang makita niya si Lauren na pumasok. Iba sa karaniwan nitong ayos ng buhok na minsang nakatali lamang ng ponytail o di kaya’y nakaladlad lamang sa kaniyang likuran, maayos itong nakataas sa kaniyang ulo at napalilibutan ng maliliiit na dyamante sa bawat sulok nito. Dahil nakataas ang kaniyang buhok, kitang kita ang hulma ng kaniyang katawan mula sa kaniyang balikat, suot ang malalim na berdeng gown na simple lamang na nakadantay sa kaniyang katawan upang palabasin ang hubog nito, at ang kaniyang mataas na sapatos na kulay itim ang siyang nagpa-ikot sa lahat ng ulong nadaraanan ng dalaga. Hindi nais ni Jacob na umangat ang kaniyang ulo, o isipin na siya lamang ang nakapukaw ng atensyon ng dalaga, ngunit ang mga mata ni Lauren ay sa kaniya lamang nakatuon hanggang sa makapasok siya sa hall. May iilan na nakapansin kung saan ito nakatingin, kaya naman napukaw rin ang mga mata ng iba papunta kay Ja
Read more
Chapter 48
 Agad na bumagsak si Jacob sa kaniyang kama matapos niyang maligo. Kasalukuyan namang pumalit sa kaniya sa banyo si Sid, at nasa balcony si Paul na nags-stargazing. Hindi niya alam kung nais ba niya talagang makasama ang dalawang ito sa loob ng isang linggo, dahil nangangamba siya na baka sinundan sila ni Garett at madamay ang dalawa kapag kinuha siyang muli ng mga tauhan nito. Ipinikit ni Jacob ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang isang braso ay ipinatong niya sa mga ito. Ang mukha ni Lauren ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Tila hindi siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay may gusto sa kaniya, sa kaniya na walang maipagmamalaki at higit sa lahat, ang siyang pinaka nagtatangka sa kanilang buhay. Tinakpan ni Lauren ang galit na nararamdaman niya para kay Kyla. Ngunit alam niya na hindi niya dapat na palalain pa ang nararamdaman nito sapagkat anumang araw ay nakalagay sa panganib ang buhay nito kung patuloy siyang didikit kay Jacob.
Read more
Chapter 49
 “It came to my attention that you were suppose to pick me up at ten in the morning, why didn’t you show up?” Ang mga salitang iyon ang unang bumungad kay Jacob nang makapasok siya sa hotel room ni Mr. Gregory. Hindi man siya nilingon ng matanda, rinig ang pagkadismaya sa tono nito at kung paano nito ipinahayag ang kaniyang mga sinabi. “You are supposed to be here before I wake up, yet you came an hour after I woke up.” Sa wakas, tinapunan siya ng mga tingin ng matanda. “What’s wrong Damien?” “Sorry Sir,” sagot ni Jacob. Nakatayo lamang siya sa may pintuan dahil hindi niya rin kayang humakbang pa upamg kumapit sa Presidente. Hindi naman niya maaaring sabihin ang dahilan kung bakit siya na-late, at kung bakit hindi niya ito nasundo sa takdang oras. Namuo ang pawis sa palad ni Jacob, at ang kaniyang mga mata ay nanatili lamang sa kaniyang mga sapatos. “Tinanghali po ako ng gisi
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status