All Chapters of Masquerade of Lies: Chapter 21 - Chapter 30
57 Chapters
Chapter 20
 Maagang nagising si Jacob dahil sa ingay sa kaniyang pinto. Kahit na takpan niya ng unan ang kaniyang ulo, tila anng mga mabibigat at mabibilis na yapak ng mga paa ay inaasar siya. Padabog siyang tumayo habang ang kaniyang mukha ay nakabusangot. Hinila niya ang kalahating tulog na katawan paalis ng kama at hinatak ang kaniyang mga paa upang sigawan at pagsabihan kung sino man ang umistorbo ng kaniyang tulog. Ngunit nang buksan niya ang pinto, agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Lauren na nasa kaniyang harapan. Samantala, si Aster ay naghahanap ng kaniyang mapagtataguan, kung saan siya pwedeng makapagbasa nang hindi nakatatagpo ng sinumang Elysian. Nakalabas siya sa mala-palasyong tirahan ng mga Elysian. Napakalawak ng Elysium, maraming iba’t ibang bulaklak sa paligid at presko ang hangin. Nakakita siya ng usa sa malayo, na siyang nagpaalala sa kaniya ng nakita niy
Read more
Chapter 21
 Nang buksan ni Mr. Gregory ang pinto ng kaniyang opisina, halos mabato si Jacob nang makita niya ang silid na punong puno ng mga tao. Dalawang dipa ang layo ng mga ito mula sa mahaba at makintab na mesa ng Presidente, at halos lahat sila ay nagsi-ayos ng kanilang pwesto nang mapansin nila ang presensya nito. Dala dala ang kanilang naglalakihang mga camera, at ang mga reporter na kaniya kaniya ang mic na dala, tila akala ni Jacob ay mabubulag na siya nang magpaulan ang mga ito ng pagkurap ng kanilang mga flash. Samantala, nakangiti lamang si Mr. Gregory at umupo na sa kaniyang upuan. Tumayo si Jacob sa likod nito, at sa distansyang alam niyang hindi siya makukunan ng litrato. Inilibot niya agad ang kaniyang mga mata upang tingnan ang bawat mukha sa loob ng silid. Inisa isa niya ang mga ito, ang bawat detalye ng kanilang mukha at kasuotan, tulad ng turo sa kaniya ni Paul. Nang matiyak niya na walang kapansin pansin o kahina hinala sa kanila ay itinuo
Read more
Chapter 22
 Walang ibang maririnig sa kahabaan ng pasilyo ng police station kundi ang pag-iyak ni Mr. Bormero. Kaharap ang abogado ni Mr. Gregory, si Paula na halatang naiinip na, at si Jacob na nakatayo sa kanilang likuran, ang mga sangkot sa kaganapan sa press conference ay nakaharap sa Chief of police. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng hepe at tiningnan nang matagal si Mr. Bormero na humahagulgol pa rin. Hindi nito mahalata na ang lahat ay naghihintay lamang na siya ay tumahan nang makapagsimula na sa pag-uusap. “You need to calm down, Mr. Bormero, your statement is important if you want to explain your side. Wala tayong magagawa kung iiyak ka na lamang diyan at hindi magsasalita,” sabi ng Chief na may halong inis sa kaniyang tono. “What you did is a big crime. We are not talking about just anyone, you almost got our President killed!” “H-Hindi ko ho ginusto ‘yon!&rdqu
Read more
Chapter 23
 Ilang oras ding naghintay si Lauren sa pagbalik nina Paula at Jacob. Hindi natanggal ang kaniyang mga mata sa kaniyang relo dahil alas kwatro na ng hapon ay wala pa rin ito. Napatingin siya sa kaniyang gilid nang may maglagay ng baso ng kape sa kaniyang harap, at nakita si Nanay Sol na nakangiti sa kaniya. Napawi naman ang kaniyang iniisip dahil doon at sinuklian ito pabalik ng ngiti. “Salamat po Nay,” sabi nito. Umupo si Nanay Sol sa kaniyang tabi at hinawakan ang kaniyang kamay. “Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Alam kong kakayanin ni Mr. Gregory ang operasyon niya kaya’t dapat ay kayanin mo rin.” Sa mga sandaling iyon, hindi rin alam ni Lauren ang kaniyang unang iisipin, alam niya na hindi kritikal ang kalagayan ng Ama, ngunit isang alalahanin ang bagay na nagawa ni Mr. Bormero. Alam niya na hindi nito basta basta lamang na magagawa iyon sa kaniyang Ama a
Read more
Chapter 24
 Natanaw ni Jacob si Lauren habang papalapit ito sa VIP room ng hospital. Dala dala ang mga prutas na nakaayos sa basket, agad na lumapit si Jacob sa kaniya upang tulungan ito. “Thank you, any news?” tanong agad ni Lauren pagkakuha ni Jacob ng basket. Halata ang kabalisahan sa mga mata ng dalaga dahil malamlam ang mga ito at halatang walang tulog. “Dumating ang doctor kanina at sinabi niya na makakalabas na ang Daddy mo bukas,” sagot naman ni Jacob. Malalaki at mabibilis na hakbang naman ang ginawa ni Lauren upang makarating agad sa kwarto ng ama. Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niyang okupado na ang couch sa tabi ng higaan ni Mr. Gregory. “Mom,” tawag ni Lauren, nilapag naman ni Jacob ang mga prutas sa mesa at sinulyapan pa si Lauren na yumakap sa kaniyang inang magdamag na nagbantay sa asawa. Tahimik na nilisan ni Jacob ang silid at iniwan ang mag-anak sa loob. Muli siy
Read more
Chapter 25
 “Lauren,” tawag ni Jacob. Nagtama ang kanilang mga mata nang tingnan siya ng dalaga, kita na hindi pa rin ito panatag base sa kaniyang itsura na malalim ang iniisip at tila hindi nito napansin na papalapit sa kaniya si Jacob. “Ayos ka lang?” “Yeah,” sagot nito. Umupo si Jacob sa harap niya at tiningnan siya nang mataman. Bumuntong hininga naman ito at sinuklay ang kaniyang kamay sa buhok. “Okay, I’m not. It’s just that…I still cannot get myself be used to things like this. Marami na ring threats ang natanggap ni Daddy, death threats even…but this one is really scary because napakalapit lang pala ng taong magtatangka sa buhay niya.” Alam ni Jacob ang pag-aalala ni Lauren. Maski man siya ay hindi niya rin aakalain na ang pinakamatalik na kaibigan ni Mr. Gregory ang sasaksak sa kaniyang likuran. Doon naman agad na pumasok sa kaniyang isip si Freddie, napangi
Read more
Chapter 26
 “Mr. Montero,” bati ni Mr. Gregory pagkapasok pa lamang ni Jacob sa kaniyang kwarto. Pinilit nito na makatayo at umupo mula sa kaniang higaan. Agad naman siyang inalalayan ni Jacob na siyang nagpangiti sa matanda. “I haven’t had the proper time to say thanks to you, you are the hero of my life.” Natawa maski si Mr. Gregory sa lumabas sa kaniyang bibig. “Trabaho ko po ang protektahan kayo Sir. Hindi na ho dapat malaking bagay ang ginawa ko roon,” sagot naman ni Jacob. Napakamot siya sa kaniyang batok dahil sa mga papuri ng mga tao sa kaniya, lalo na nang ito ay manggaling sa Presidente mismo. Nagulat si Jacob nang iabot ng Presidente ang isang envelope na kinuha niya mula sa kaniyang bedside table. Ang kulay puting papel ay walang nakasulat na anuman, na siya namang agad na napagtanto ni Jacob na ang laman ay pera. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata, at halos nagpa-panic na sinabing,
Read more
Chapter 27
 “A-Ano?” “Pwede mo ba akong samahan sa carnival?” pag-uulit ni Lauren sa kaniya. Walang pag-aalinlangan sa boses nito, at seryoso rin ang kaniyang mukha sa kaniyang pagkakasabi. “Actually, I’ll be going to abuse my authority here, you need to accompany me in the carnival.” Umalis si Lauren sa kaniyang harap, at dere-deretsong sumakay ng kotse. Naiwan naman si Jacob na tila hindi pa rin maintindihan ang sinabi niya at kinailangan pang kumurap ng ilang beses bago niya mapagtanto na ilang segundo na pala ang nakalipas nang iwan siya ni Lauren. Nang tumingin siya sa sasakyan, natanaw niya ang nakababang window nito at doon nakaupo sa loob si Lauren na nakapikit habang naghihintay sa kaniya. Dali daling pinuntahan ito ni Jacob at sumakay sa kaniyang tabi. “Seryoso ka ba? Ano’ng gagawin mo sa carnival?” tanong ni Jacob. “It&rsq
Read more
Chapter 28
 Pagkabukas pa lamang ng pinto ni Lauren, agad siyang nakaramdam ng kakaibang presensya dahil sa katahimikang sumalubong sa kaniya. Nang tingnan niya ang kaniyang relo, malapit nang pumatak ang oras sa alas siete ng gabi, na kadalasan ay maririnig na ang mga tunog ng plato at kutsara sa dining area dahil ito ay inihahanda na ni Nanay Sol. “Ano’ng problema?” Napalingon si Lauren kay Jacob na hindi niya namalayang nasa likod na pala niya. Nakatingin ito sa kaniya ng may pagtataka dahil nakabara pa siya sa may pintuan. “May nangyari ba?” “Wala,” tipid na sagot ni Lauren at tuluyan nang pumasok sa loob. Tinanaw niya ang dining area at nagtaka dahil wala talagang tao roon, at wala pa ring nakahain na mga pagkain. “I’m just going up to check on Dad,” paalam niya kay Jacob at saka dumeretso sa hagdan upang umakyat sa taas. Malakas ang kabog ng kaniyang pus
Read more
Chapter 29
 “Muntik ka nang mahulog!” sigaw ni Jacob. Nang lingunin siya ni Paula, halos hindi niya makita ang mukha ng binata dahil sa namuong mga luha sa kaniyang mga mata. Doon naman napatigil si Jacob dahil sa nakita niyang itsura ni Paula. “A-Ano’ng nangyari?” tanong niya. Inayos ni Paula ang kaniyang silk robe at saka humarap kay Jacob. Pinunasan niya ang kaniyang luha at pilit na iniwasan ang mga mata nito. “What the hell are you doing here?” galit na tanong niya. Tumikhim naman si Jacob at inayos din ang kaniyang sarili. Binawi niya ang kaniyang kuryosidad nang mapagtanto niyang walang balak ang dalaga na sabihin ang dahilan ng kaniyang ginagawa. “Nagulat lang ako,” sabi niya. “Kung anuman ang iniisip mo, pag-isipan mo pang ulit.” Napaismid si Paula sa narinig niya mula kay Jacob. “Ano’ng alam mo?” mataray nitong tanong.
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status