All Chapters of THE BUTLER: Chapter 11 - Chapter 16
16 Chapters
CHAPTER 10 WOMAN'S
Dalawang araw na ang lumipas ng umuwi sila galing sa sementeryo, simula din ng araw na iyon ay hindi pa umuuwi ang kanyang Amo. Pagkatapos siya nito ihatid ay umalis ito ng walang sinasabi sa kanya. Nangangapa pa talaga siya sa Amo niya. Aalis ito kung kailan niya gusto, ganun din ang pagbalik. Wala rin naman sinasabi sa kanya si Althea kung bakit hindi nauwi ang kanyang Amo. Sa lumipas na dalawang araw ay pinagtuunan niya ng atensyon ang buong pent house. Nagiisip din siya ng solusyon sa problema sa bangko. Pangatlong araw na ngayon, hindi narin siya umaasa na uuwi ang Amo niya. Katulad noong unang kita niya dito, susulpot lang din bigla si Mr.Velecua. Bukod pa doon ay hinahanap niya parin ang kanyang notebook. Kahit saan siya maghanap ay hindi niya talaga ito makita. Nababahala na siya dahil may chance na makita at mabasa ng kanyang Amo ang mga nakasulat doon.Pabagsak na umupo si Aynna sa mahabang upuan dahil sa pagod. Dahil sa walang magawa, nili
Read more
CHAPTER 11 HAPPINESS
Naiilang si Aynna sa kanyang boss dahil sa tingin nito sa kanya. Simula nang umuwi ito, hindi na muli ito umalis. Hindi tulad noon, kapag naalis ito inaabot nang ilang araw bago bumalik pero ngayon ay halos hindi na lumabas nang pent house. "Sir, wala po ba kayo pupuntahan?" Nahihiyang tanong niya sa kanyang Amo. "None. Why do you ask?" Kunot noong tanong nang kanyang Amo. "W-Wala po." May pagsamang iling na sabi niya. Nakakahiya! "I don't have any plans for this week." Tumango lang si Aynna at binantayan ang kanyang Amo. Nasa loob sila nang opisina nito sa pent house. Habang busy ang kanyang Amo sa office table, siya naman ay naka upo lang sa isang maliit na sofa katapat nang kanyang Amo. "Ipaghahanda ko po kayo nang meryenda." Tumayo siya sa kanyang upuan at naglakad palabas nang pinto. Hindi naman na siya kinibo nang kanyang Amo. Nakahinga siya n
Read more
CHAPTER 12 HER SIDE
"Uuwi kaba ngayong gabi?" Napilingon si Aynna ng marinig niya ang boses ng kanyang Ina. Umiling naman si Aynna sa sinabi ng kanyang Ina. "Hindi po, Mama. Nagtext sakin si Mr. Velecua at sinabi na bukas nalang daw ako bumalik." Nakangiting sabi niya. "Mabuti naman pala kung ganon. Hindi ka na namin nakakasama ng matagal simula ng magtrabaho ka." Malungkot na sabi ng kanyang Ina. "Para din naman po ito sa atin. Hayaan niyo po, sa susunod ay dadalasan ko ang paguwi." Nakangiting sabi niya. Napangiti naman ang kanyang Ina sa sinabi niya. "Kung kaya ko lang sana ay ako na ang magtatrabaho para satin." Malungkot na sabi nito. Hinawakan naman ni Aynna ang kamay ng kanyang Ina. "Ma, mas magaalala lang po kami kung ikaw ang magtatrabaho. Dito nalang po kayo sa bahay, maayos naman po ang pinagtatrabahuan ko. Wala po kayo dapat ipagalala." Nakangiting sabi ni Aynna. Napayakap ng mahigpit si Aynn
Read more
CHAPTER 13 TWIN CITY
Mariin na pinikit ni Aynna ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala sa naabutan sa pent house. Sobrang gulo, maraming bote kung saan saan sa sala at higit sa lahat ay may dalawang babae na nakahiga sa sofa, okey lang sana kung maayos ang itsura ng mga ito pero hindi. Nakapatong pa ang isang babae sa kanyang Amo at ang isa naman ay nakayakap sa kanyang Amo. Iniisip niya palang kung anong nangyare sa Isang gabing pagkawala niya ay nagtataasan na ang kanyang mga balahibo sa katawan. Hindi niya matanggap, hindi niya matanggap na ganito ang mangyayare sa pagkawala niya ng isang araw. Kung pwede niya lang sigawan ang kanyang Amo ay kanina niya pa ginawa. Kanina ay nagising ang dalawang babae, habang ang Amo niya ay mahimbing parin ang tulog. Inis na pinaalis niya ang dalawang babae kanina. Nakakahiya ang mga itsura ng mga ito, halos wala na nga suot ang mga ito dahil sa sobrang ikli ng mga suot. Napapangiwi nalang siya sa amoy ng buong pent h
Read more
CHAPTER 14 ARGUMENT
"Look what have you done." Bakas ang pagkalito at galit sa mukha ng Boss ni Aynna. Napayuko naman si Aynna, dahil sa nangyare kanina ay hindi niya nagawa ng ayos ang trabaho niya. Wala siyang nabili na alitaptap sa grapon nung nagpunta siya kila Mang Berteng. Dahil mauubos na ang oras, ginawa niya parin yung kailangan niya gawin para sa date pero walang alitaptap. Hindi niya naman alam na maarte pala ang magiging kadate ng Amo. Dahil lang walang alitaptap ay nagwala ito. Kesyo, wala daw silbi yung date nila, walang kwenta dahil hindi manlang niya nakuha yung romantic date na gusto niya.  Ang sarap lang sigawan na kung nakakain lang yung alitaptap, siya pa ang magsusubo dito with open arms pa, kaso hindi e. Kaartihan lang talaga nung babaeng yun ang pinairal! "Because of you, I can't have her again! I can't use her again! What's wrong with you?! Ang simple simple lang ng inutos ko sayo! Can't you do it property?!" Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag s
Read more
CHAPTER 15 HER PAIN
Hinihingal na pumasok sa Police Station si Aynna. Nilibot niya ang kanyang paningin at hinanap ang taong sadya niya. Si Meisha, ang kanyang kaibigan. "Sissy girl, over here!" Tinungo niya ang pwesto ng babaeng tumawag at kumakaway sa kanya. Napahilamos ng mukha si Aynna sa sumalubong sa kanya. Bukod sa kaibigan ay may tatlo pa itong kasama, Isang babae at dalawang lalake. Napaka gulo ng mga itsura nila, ang kaibigan niya ay magulo ang suot na Uniform, wala narin sa ayos ang buhok nito. "Kayo po ba ang guardian ng mga batang ito?" Hindi alam ni Aynna kung ano ang sasabihin niya sa pulis.  Muli siyang tumingin sa kaibigan bago sumagot sa police officer. "Yes, Sir. Maaari ko po ba malaman ang nangyare?" "Siguro naman ay nabanggit na ng dalagang ito na nakabangga sila ng motor. Hindi naman malala ang nangyare sa driver ng motor, nagkagalos lang ito at dinala sa hospital para ma check-up kung may iba pa bang naging damage bukod sa mga galos na
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status