All Chapters of Chasing The Guy Who Saved Me: Chapter 11 - Chapter 20
60 Chapters
CHAPTER 11
Nagmamadali na akong matapos ang resume na tinitipa ko sa laptop dahil kanina pa ako napi-pressure kay Jam. Ngayon kasi namin balak maghanap ng part time job tutal naman at half day kami. Kanina pa natapos ang klase. Mas nauna nga lang siya sa akin na umuwi kaya tapos na ang resume niya. "Aalis na talaga ako." Pinaikot ko naman ang dalawa kong mata. Wala na akong oras para makipag-asaran pa sa kanya. Kanina pa ako nahihirapan magtipa sa laptop na ito at hindi ako sanay. Wala naman kasi kaming dinalang mamahaling bagay bukod sa phone namin. Iniwan namin lahat ng mga luho namin sa dating bahay. Kaya heto, second hand lang na laptop ang gamit ko na ibinigay sa amin ni Kuya Al. Hindi naman na raw niya kasi ginagamit kaya ibinigay niya na lang sa amin. Naiunat ko na lang ang braso ko nang sa wakas ay natapos ko na rin. I reread my resume then when I feel contented, tinanggal ko na ang OTJ ko sa laptop. Ipapa-print ko na lang ito kay Kuya A
Read more
CHAPTER 12
Halos malalaglag naman ang mga panga nila dahil sa sinabi ko. "Oh mga panga niyo, pakipulot," pagdugtong ko pa saka sila pinagtaasan ng kilay. "A-ate, pasensiya na. Akala po kasi namin single pa si kuya," sabi ni chinita girl na may maikling buhok sa kanilang apat. "Kaya maraming namamatay sa maling akala eh. Kahit single or taken man ang isang tao ay hindi niyo sila pwedeng kunan ng litrato lalo na kung wala namang permiso na galing sa kanila. Makakasuhan kayo." Pilit kong inisip kung anong republic act iyon pero hindi ko talaga maalala. Hindi pa nakakatulong na naghihintay sila sa sasabihin ko. Sabi na nga ba at maganda lang ako at hindi matalino, e. "Ah basta. Bawal siyang kuhanan ng litrato." Mabilis naman silang nagsipagtanguan sa sinabi ko. Good girls! "Sige na at burahin niyo na ang mga pictures ng boyfriend ko riyan sa cellphone n
Read more
CHAPTER 13
Tinanghali na ako ng gising at kung hindi pa ako magmamadali ay paniguradong mala-late na talaga ako. Mas maaga ang pasok sa akin ni bebs at ang bruha hindi man lang ako ginising o kahit man lang lutuan ako ng umagahan. Kaya ang ending, heto at nagtatakbo na ako papalabas ng apartment habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig ko. Nang padaan na ako sa printing shop nila Kuya Al ay sandali akong tumigil. Napansin ko kasing nakatayo sa labas si Kuya Jay habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Saka ko lang napansin na mainit pala ngayon ang panahon. Kaya naman pala medyo tagaktak ang pawis ko sa noo kahit na kaliligo ko lang naman. "Good morning, Kuya Jay." Mukha siyang nagulat sa presensiya ko. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha, dala marahil ng init talaga ng panahon. Mestiso kasi si Kuya Jay. Habang si Kuya Al naman ay moreno. "Good morning, Lexus. Late ka na ata." Naging que ko iyon
Read more
CHAPTER 14
After class ay nakatambay nanaman kami ni Jam dito sa corridor na madalas daananan ni Josh. Mula kasi no'ng encounter namin kanina ay hindi niya man lang ako sinulyapan kahit na lantaran na ang pagtingin ko sa kanya.Ilang beses din akong dumaan kanina sa labas ng room nila ngunit tila wala talaga siyang pakialam sa akin. Tulad na lang nang wala akong pakialam kay Tamara kahit na binabato niya ako ng masamang tingin."Nandiyan na si Josh," bulong sa akin ni bebs.Hinigit ko talaga siya kanina papunta rito. May balak sana siyang mag-stay sa library after class pero syempre wala siyang magagawa dahil hinila, I mean hinatak ko talaga siya.Kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa grupo ng mga architects na padaan na rito sa puwesto namin ni Jam. Masasabi kong walang maitatapon sa kanilang lima. Ngunit nakatutok talaga ang atensiyon ko sa lalaking nagmamay-ari ng kulay green na mga mata."Ang
Read more
CHAPTER 15
Kaagad namutla ang mukha ko nang bumaba sa slacks niyang napunit ko ang tingin ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko saka do'n ko pa lang nakitang nakasuot siya ng pink na boxer. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tawanan at bulungan ng mga istudyante. Halos lahat sila inaasar si Josh kasi pink ang suot niyang boxer. Nakagat ko na lang ang labi ko nang maalalang pink nga pala ang favorite color niya. Ngunit bigla ay nakaramdam ako ng inis sa lalaking nasa gilid lang namin nang sabihin niya ang salitang 'bakla.' Mukhang senior namin siya pero wala na akong pakialam. "It doesn't make him less a guy just because he is wearing a pink boxer. Kaya huwag mo siyang tatawaging bakla. That's not the basis for a person to be called a real man. At hindi mo kina-cool ang pagtawa mo, kuya." Bawat salita ko ay may diin at halos isigaw ko iyon sa harapan niya. Natigilan naman lahat ng tawanan at bulungan na naririnig ko kanina. Wala na akong ibang marinig kung hind
Read more
CHAPTER 16
Wala sa sariling sinipa-sipa ko ang bottled mineral water na pinag-inuman ko kanina.Katatapos lang ng part time job ko sa coffee shop ni Miss Chloe, pero magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa tamang huwisyo – kahit no'ng nagtatrabaho ako kanina. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari. Umuwi akong bagsak ang balikat kahapon dahil ni hindi ko man lang nakausap si Josh."Aray!"Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses na iyon. Halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto na mukhang napalakas ata ang pagsipa ko sa bottled mineral water. Dali dali kong dinaluhan si Dwight na ngayon ay sapo sapo ang noo."Look! Mukhang nagkapasa ata ako," aniya na yumuko pa para mapantay sa mga mata ko ang noo niya.Nakagat ko na lang ang labi ko nang makitang namumula ang parteng tinamaan ko."Sorry. Hindi ko naman kasi alam na may matatamaan.""Paano pala kung ba
Read more
CHAPTER 17
Taas ang noong lumabas ako ng comfort room at dumiretso sa gitna ng dance floor. Hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin silang dalawa. Napangisi ako at nagkunwaring naghi-head bang.Hindi pa siguro nila matukoy na ako ito dahil medyo naging dim ang ilaw ng bar. Napangisi ako nang tuluyan kong mapalayas si Tamara at ngayon nga ay ako na ang nakayakap kay Josh.Nagulat na lang kaming dalawa nang tutukan kami ng spotlight. Pero hindi na iyon mahalaga sa akin ngayon. Balak niya pa sana akong bitawan pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakakunyapit ko sa leeg niya.Ano 'yon? Pwede niyang isayaw si Tamara tapos ako hindi?"What do you need this time, Miss Avery?""Nothing. I just want to dance with you. And..." itinigil ko sa ere ang sinasabi ko saka inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. Mabuti na lang at nakasuot ako ng heels kaya abot ko siya hangga
Read more
CHAPTER 18
Napangiti ako nang makitang naglalaro ng soccer si Josh. Bawat pagsipa niya sa bola ay sumasabay ang buhok niya sa paghampas dala marahil ng hangin. Kahit pawisan na siya ay hindi ko maipagkakailang napaka-gwapo niya pa rin sa mata ko. Umupo ako sa pinakamalapit na bench kung saan mapapanuod ko siya nang malapitan. Medyo namumukhaan ko na ang mga kalaro niya. Naalala kong sila ang apat na architects din na kasama ni Josh no'ng hinihintay ko siya noon sa corridor. Nakita ko pang saglit silang tumigil para magpahinga. Maya-maya lang ay pinalibutan ng apat si Josh. May sinabi sila pero syempre hindi ko rinig dito sa puwesto ko. Kita ko na lang kung paanong kumunot ang noo ni Josh at nang bumaling siya sa gawi ko ay kaagad tumambol ang puso ko. Tila kilala neto kung sino ang totoong nagmamay-ari sa kanya. Only Josh can make my heart beat so fast. Nagsalubong ang kilay ko at sinundan ko ang paggalaw ng labi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay ang salitang 'sige' a
Read more
CHAPTER 19
Binayaran ko muna si manong driver bago ako sumilip sa loob. Abalang-abala si Josh sa pag-i-entertain ng mga nagbabayad sa counter.Pinili kong maupo sa pwesto na malabo niyang makita para magawa ko siyang pagmasdan. Tila kalkulado bawat galaw ng kamay at katawan niya. Sobrang focus niya mag-trabaho. Salubong ang kanyang kilay pero sobrang nakaka-attract talaga ang kulay berde niyang mga mata.Sabi nila napaka-rare na magkaroon ng ganoong kulay ng mga mata. Kanino niya naman kaya iyon namana?Nang makatitigan ko kasi si father-in-law ay itim na itim naman ang bilugan niyang mga mata. Hindi kaya kay mother-in-law? Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Nagtatarabaho kaya si mommy sa abroad? Isa ba siyang OFW? Napahagikgik na lang ako nang mapagtanto na 'mommy' ang tawag ko sa mama ni Josh.Hindi bale, soon magiging mommy at daddy ko na rin sila.Maya-maya pa ay napagtanto kong w
Read more
CHAPTER 20
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa. This is the first time that I made him laugh. At wala namang nakakatawa sa sinabi ko."Seriously, Miss Avery? Pati ba naman bata pinagseselosan mo? I'm not yours to begin with. Kaya siguro naman wala kang karapatang magselos," panghahamon niya."Kailangan bang maging akin ka muna bago ako magselos? Hindi ba pwedeng gusto lang kita kaya nagseselos ako?"I caught him off guard. Bago niya pa maiwas ang tingin niya sa akin ay nahuli ko pang namula ang pisngi niya. Did I make him blush?Nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at alisin iyon mula sa pagkakahawak ko sa dulo ng hoodie niya. Napayuko na lang ako kasi akala ko iiwan niya na ako nang tuluyan. Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin nang umalis na siya. Maglalakad na sana ako pabalik ng 7-eleven habang nakayuko nang bigla akong nagulat sa pagbusina ng isang motor. Halos malaglag ang panga ko
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status