Pagkagaling ko sa bahay nila Ate Elys. Dito ako dumiretso sa isang coffee shop kung saan minsan akong nandito para mag-kape. Gawain ko na ito minsan lalo na kapag kila ate ako nakitulog, dito agad ako didiretso. Like, nakasanayan. Ngayon nga ay nandito ako at nakapag-order na rin ako ng kape ko na usually in-order ko dito. Creamy latte.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko ngayon. Alas-otso na pala. Nakaramdam na rin ako ng pag-ihi. Hindi ko na kaya 'to. Kaya nag-desisyon akong pumunta nalang sa rest room dito at matagal pa siguro ang order ko.
Tumayo na ako para pumanhik sa rest room na nandito sa likod banda. Kabisado ko na kung nasaan ang rest room dito lalo na minsan akong nandito. Mabilis naman akong natapos. Nag-hugas muna ako ng aking kamay bago lumabas.
Paglabas ko, nagkataon naman na may nakasalubong akong isang lalaki na pupunta rin siguro sa rest room ng mga lalaki. Pero natigilan ako. Dahil kil
“Oo nga ate. Nakita ko talaga kahapon si Karlos pagkagaling ko dito,” sumbong ko kay ate. Nandito ako sa bahay nila ngayon para dito naman matulog.“Siguro. Alam mo naman na kinalimutan na ako ng pamilya ko. Remember, no'ng kasal ko hindi sila pumunta. Kaya sorry talaga. Wala akong balita kung talagang nandito si Karlos. Hindi na rin kami close gaya nang dati,” malungkot na sambit ni ate na alam ko naman.“Si Emzo lang naman ang kailangan ko, ate,” ma-i-iyak na sabi ko kay ate. Nilapitan ako nito para akbayan. Nandito kasi kami naka-upo sa sofa.“Ano na kaya ang itsura ni Emzo, 'no?” nagkibit-balikat ako sa tanong ni ate. In-isip ko rin kung ano na ba ang itsura ni Emzo ngayon. Alam ko noon na kuha n'ya ang itsura ng daddy n'ya. Napapa-isip ako at na-curious kung ano na ba ang itsura n'ya ngayon.“Kilala n'ya kaya ako?” malungk
Na-una nang um-uwi si tatay. Ako nalang ang na-iwan dito ngayon. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone, alas-dyes na pala ng gabi. Nakatulog kasi ako kanina. Like, naka-upo ako sa swivel chair ko. Then, ang ulo ko ay nakahiga sa ibabaw ng lamesa. Ganito ang posisyon ko kanina na natutulog. Palagi kong ginagawa 'to kapag alam ko na antok na ako.Oras na siguro para um-uwi. Hindi pa ako nakapag-hapunan. Nakita ko rin na may text si tatay sa akin. Hinahanap na nila ako. Niligpit ko na ang mga gamit ko para umuwi sa bahay.Mabuti nalang dala ko ang kotse ko ngayon. Minsan kasi hindi ko ito dinadala at nag-co-commute ako. Mabilis akong dumiretso sa parking lot ng building na 'to para sumakay na sa aking kotse.Mabilis naman akong nakapasok. Nandito na ako naka-upo sa driver's seat para mag-maneho pauwi. Pinaandar ko na ang makina at umalis na dito hanggang sa makalabas ako at ngayon binabagtas ko na ang kalsada, ang daan k
“So, how's your lovelife, Mr. Buenavista?”“Ahm--” Tumingin ito sa secretary n'ya na parang nahihiya at 'yong secretary n'ya natawa nalang nang bumaling kay tatay.“Mahiyain po talaga siya, hehehe.” Sinamaan ng tingin ni Karlos ang secretary nito. Kaya hindi na umimik pa ang secretary n'ya.“Alam mo. Itong anak ko wala pang boyfriend. Irereto sana kita sa kaniya,” nilingon ako ni tatay na agad ko namang sinamaan ng tingin. Ano ba kasi ang gusto nito ngayon. Napatingin ako kay Karlos na naka-awang ang bibig ngayon.“A-anak n'yo?”“Oo. Matagal akong nahawalay sa kaniya. Mabuti nga nakita ko siya muli. Siya na naman ang may problema ngayon. Hindi n'ya mahanap ang anak n'ya kung nasaan man ngayon. Wala rin akong alam. Kasi hindi naman siya pala-kuwento. Ang alam ko lang may apo na ako sa kaniya.&rdq
“Oo nga, ate. Grabe nga ang tawa ko hanggang ngayon,” pareho kaming natawa ni Ate Elys nang k-in-uwento ko sa kaniya ang mga kasinungalingan ko kay Karlos.“Gagi ka. Baka magalit ang Kuya Sander mo kapag malaman n'ya. Akong bahala sa 'yo.” Tipid akong ngumiti sa tugon ni ate sa akin.“Teka! Cellphone ko ba ang nag-ri-ring?” tanong nito at saka n'ya dinampot ang kaniyang cellphone na nag-ri-ring ngayon.“Nag-text si Chichay. May emergency daw sa bahay nila. Kaya in-iwan n'ya si Drake sa kapitbahay namin.”“Totoo, ate? Wala akong trabaho ngayon. Ako nalang kaya ang bahala kay Drake.” Nag-paalam ako kay tatay na pumunta dito sa hospital para bantayan si ate. Agad naman siyang pumayag. Kaya nandito ako ngayon.“Ay! Wala ka palang kasama dito,” nag-alalang tanong ko. Nagkibit-balikat nalang kaming da
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Sumagi nalang sa isip ko bigla ang nangyari kagabi. Tiningnan ko ang aking katawan na ngayon ay may suot nang isang kulay puti na oversized T-shirt. Si Karlos siguro ang nag-suot sa akin nito. Nahiya naman akong ngumiti na parang kinikiliti.Binuklat ko ang kumot para matingnan kung may suot ba ako sa ibabang parte ng katawan ko. Nagulat nalang ako na may panty na pala ako. Si Karlos na naman 'to. Napasapo nalang ako sa noo ko na kinikilig. Umagang kinikilig.Bumangon na ako at saka tumayo para hanapin si Karlos. Lumabas ako ng kuwarto at naamoy ko 'yong amoy ng sibuyas at bawang na ginigisa. Tapos nakita ko si Karlos na nakatalikod ngayon habang nagluluto. Kinikilig na naman ako. Nakasuot ito ng kulay puti na sando at boxer short. Ang laki ng mga muscles n'ya. Ngayon ko lang nahalata. Malaki ang pinagbago ng katawan n'ya ngayon kumpara dati.“Gising ka
Maaga akong umalis ngayon sa bahay. Dahil may pupuntahan ako ngayon sa Cavite. May importante lang akong pupuntahan na hindi nila alam.Ilang oras din ang biyahe ko gamit ang aking kotse nang makarating ako dito sa tapat ng isang bahay. Matagal na rin nang huli akong pumunta dito. Nangangamba ako kung ano ba ang pakikitungo na mayroon siya sa akin kapag magka-harap kami ngayong dalawa.Lumabas na ako sa kotse ko nang ipinarada ko ito dito mismo sa gilid ng daan sa harap ng bahay nang pinuntahan ko.Pinindot ko na ang doorbell. Ikatlong beses kong pinindot nang marinig ko na may nagbubukas sa loob, may nagtatanggal ng lock. Hindi ko makita kasi sarado lahat. Walang ni isang butas dito sa gate para masilip ko kung sino ang nag-bu-bukas.Laking gulat ko nalang nang pagbukas ng gate, tumambad sa akin ang taong in-expect kong makita dito. Na-miss ko siya. Matagal din nang huli kaming n
Ito na ang pinakahihintay ko. Ang araw na gustong-gusto kong dumating nang sinabi ni Karlos sa akin na isasama n'ya ako sa pag-uwi dito sa dati nilang bahay sa Cavite.Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay. Ang bahay na kung saan naging katulong ako dito dati. Hindi ko akalain na babalik pa pala ako dito at ngayon kasama ko na si Karlos. Bumaling ako sa kaniya na ngayon ay naka-ngiti na sa akin. Nginitian ko naman siya. Tapos hinawakan n'ya ang isa kong kamay na naka-hawak ngayon sa seatbelt at pinisil n'ya.“Baba na tayo,” aya nito sa akin na agad ko namang tinanguan. Sabay na kaming bumaba dito sa kotse n'ya.Kinakabahan ako. In-alok ni Karlos ang braso nito sa akin na agad ko namang hinawakan. Naka-kapit ako sa braso n'ya at sabay naming tinahak ang daan papasok sa kanilang bahay.“Sir, nandito na po pala kayo,” dinaluhan kami ng isang kasambahay na ngayon
Gumising ako na wala na sa tabi ko si Karlos. Tabi kasi kami kagabi natulog dito sa ibabaw ng kama n'ya.Narinig ko ang tunog na rumaragasa mula sa banyo. Baka nag-li-ligo ngayon si Karlos. Napa-inat nalang ako at saka tumayo mula dito sa kama na hinihigaan ko.Timing naman pag-tayo ko ay siyang pag-labas ni Karlos mula sa banyo na ang damit na sinusuot n'ya ay suot n'ya rin kagabi at may naka-sabit na tuwalya sa ibabaw ng kaniyang balikat.“Gising ka na pala. Nag-hilamos lang ako,” sabay punas n'ya ng tuwalya sa kaniyang mukha na basa ngayon.“Pupunta akong mall ngayon. Baka tuyo na ang dress ko kagabi.”“Sasamahan na kita.” Napangiti naman ako sa sinabi nito.“Sige, basta kasama natin si Emzo,” tamad siyang napatango.“Puntahan ko siya ngayon sa kuwarto n'ya kung gising