OMENG’S POV:DUMATING kami ni Clarisse sa event, dumilim kaagad ang mukha ko nang makita ko si Jay. Nadiskubre ko ang mga anomalyang pinaggagawa nito. Kailangan ko lang ng mas matibay na ebedensya para mareport ko kay Papa ang tungkol dito.Pero nang pag aralan ko ang finace report nang mga nagdaang taon, nadiskubre kong maraming naliquidate na asset na di matrace kung saan napunta. Ngayong ako na ang pinamamahala ni Papa, bawat sentimo na pinagdalhan ng pera ng mga nagdaang taon ay iniimbestigahan ko.Duda ako sa aking step mother at sa mga anak nito lalo na kay Jay. Kung hindi ko ito maagapan, baka magising na lang kami isang araw na wala na ang lahat ng mga negosyong naipundar ni Papa.Nangako ako kay Papa na itutuloy ko ang lahat ng mga nasimulan niya. Hindi ko man iyon mahigitan, at least ay mapantayan ko man lang ang mga nagawa nito sa larangan ng negosyo.Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong drive kong umasenso ng husto at gumawa ng sarili kong pangalan. Ang sabi ni Papa,
Terakhir Diperbarui : 2025-09-11 Baca selengkapnya