CLARISSE POV:“I DON’T know of love pero wala akong tiwala sa bago mong secretary.” sabi ko kay Rommel habang kumakain kami ng lunch.Kumunot ang nuo nito saka pabirong nagtanong sa akin, “Dahil ba maganda sya?”Hindi ako natawa sa biro nito. Mas lalong di ko iyon nagustuhan ,”I don’t even find her beautiful. And pwede ba, hindi ako nagseselos sa kanya!” Pagsisinungaling ko, “It’s just that wala akong tiwala sa kanya.”“So far I find her very reliable at wala akong nakikitang dahilan para tanggalin ko sya,” sagot ni Rommel sa akin, ginagap nito ang isang kamay ko, “Hayaan mo, ako mismo ang magtatanggal sa kanya kapag hindi maayos ang trabaho nya.”Hindi na ako umimik pero naiinis ako. “By the way, kumusta ang result ng pagpapacheck up mo?”Napasimangot ako, “Dinatnan ako ngayon, so negative. Hindi ako buntis!”“It’s okay. Hindi naman tayo nagmamadali.” mahinahong sagot ni Rommel sa akin. Actually ayoko namang magkaanak kami. Hindi ko sinasabi kay Rommel pero umiinom ako ng pills. Ayo
Last Updated : 2025-09-12 Read more