All Chapters of Chain of Lies: Chapter 21 - Chapter 30
139 Chapters
Kabanata 20
Blair CastroBUMALIK ako kina Lukas tulad ng gusto niya. Mabilis akong naligo dahil sa panlalagkit na dulot ng natapon sa akin na juice. Hindi na rin ako nag-abalang tuyuin ang buhok ko. Agad akong bumalik kina Lira na naghihintay sa akin sa lanai.Sinalubong niya ako. “Teacher!”Ngumiti ako nang hawakan niya ako at pinaupo sa kaninang inuupuan ko na ngayon ay malinis na. Iniabot niya sa akin ang juice at plato na may lamang cookies.“Teacher, look! Ang ganda po ng ginawa natin.” tuwang-tuwa na ipinakita sa akin ni Lira ang kinalabasan ng project niya.Ngumiti akong muli saka tumango sa kaniya. “Magaling ka kasi magdikit.”Napako ang tingin ko sa litrato ni Aliicia. Sa totoo lang at gusto ko itong pilasin kanina pa. Nahihirapan rin akong tanggapin na si Alicia ang nakalagay sa pwesto ng nanay sa project
Read more
Kabanata 21
Blair CastroIPINAGPAG ko ang kamay ko matapos itapon sa basurahan ang mga nangangamoy nang stocks ng pagkain na inilagay ni kuya sa condo. Bakit ba nakalimutan ko na may mga stocks nga pala akong nakita bago ako umalis dito? Kailangan ko pa tuloy maglinis dahil talagang na bulok ang mga gulay at karne sa ref. Hindi ko naman pwedeng palitan ang ref dahil magtataka si kuya.Bumalik ako sa condo at nagsimulang maglinis ng refrigerator. Sinigurado kong walang matitirang amoy. Maging ang mga nasa pantry na madaling masira ay itinapon ko na rin. Matapos kong linisan ang kusina at isinunod ko ang kwarto.Napaunat ako at ngalay na sinapo ang baywang ko nang matapos ako sa paglilinis. Alas onse na ng gabi nang matapos ako. Ayoko sana munang umuwi ngayong gabi dahil pagod na talaga ako pero hassle naman bukas pagpasok ko sa school lalo na't hindi ko dala ang uniform ko.“Bye,
Read more
Kabanata 22
Blair Castro INALALAYAN kong makababa ng kotse si Lira matapos kong mauna. Ngumiti ako sa kaniya saka nagpaalam. Isinasabay na rin kasi ako ni Lukas ngayong tanghali para makuha ko ang kotse ko at nang may masakyan ako mamayang hapon. Tiningnan ko si Lukas nang bigla niyang inihagis sa akin ang susi ng kotse ni kuya nang walang paalam. Sumimangot ako pero hindi niya ako pinansin. Tumalikod na siya kasama si Lira at pumasok sa bahay nila. Umismid naman ako at tumawid na sa kabilang kalsada. Hindi na ako pumasok sa bahay. Agad akong sumakay sa kotse at nagmaneho paalis. Sa karinderya nalang ako kakain dahil matatagalan ako kapag nagluto pa. Agad rin akong bumalik sa school matapos kong kumain ng pananghalian. Maayos ang naging takbo ng araw ko at masaya naman ako sa nangyari ngayon. Nakasama ko si Lira at feeling ko ay saglit akong naging nanay sa kaniya.
Read more
Kabanata 23
Blair Castro TUMAYO  ako ng tuwid sa harapan ng salamin para pagmasdan ang katawan ko. Hinila ko sa likod ang suot kong t-shirt dahilan para bumakat ang katawan ko. Bahagya akong tumagilid saka hinagod ng palad ang kurba ng katawan ko. Siguro dahil na rin sa stress at madalas na pagpapalipas ko ng pag kain ang dahilan kung bakit mas pumayat ako ngayon. Kumpara noong kasama ko pa si mama ay mas payat ako ngayon. Nagstress eating pa ako dati sa kabila ng hirap ng buhay kaya medyo chubby ako pero ngayon na may pera na ako dahil sa trabaho at suporta ng mga McBride ay mas lalo lang akong pumayat. Napabuntong-hininga ako. Baliktad talaga ang katawan ko noon at ngayon. Binitawan ko ang t-shirt saka lumapit sa salamin saka tinitigan ang mukha ko. Napasimangot ako dahil wala talagang nakuha sa akin si Lira. Sana kahit labi manlang ay nakuha niya sa akin!
Read more
Kabanata 24
Blair CastroMARAHAN kong sinusuklay ang madulas na buhok ni Lira habang nasa sala kami ng bahay nila. May hawak siyang pahabang salamin habang tiningnan ang ginagawa kong pagsuklay sa buhok niya.“Teacher, marunong ka po magbraid?”Mabilis akong tumango.  “Oo naman! Gusto mo ibraid kita?”Excited niya akong nilingon.  “Gusto ko po! Dalawa, teacher! Magkabila po!”Natawa ako at binitawan ang suklay. Sinimulan kong i-braid ang buhok niya na medyo maluwag para hindi masakit sa kaniyang anit. Nakangiti naman siya habang pinapanuod ako sa ginagawa ko gamit ang hawak niyang salamin.Matapos kong i-braid ang mahabang buhok niya ay agad siyang tumayo at umikot sa harapan ko. Lumagpas ang tingin niya sa akin dahilan para mapalingon rin ako kay Lukas. Pababa siya ng hagdan habang may kausap sa telepono
Read more
Kabanata 25
Blair CastroKUMAWAY ako kay kuya nang gamit ang kotse ay umalis siya ng maaga. Bibiyahe na raw siya pa-Quezon Province at kahit nagpumilit akong sumama ay hindi siya pumayag. Idinahilan niya sa akin ang trabaho ko at si Lira. Napabuntong-hininga ako. Sana ay positibo ang maging resulta ng lakad ni kuya. Gusto ko nang makita at makasama ang dalawa pang anak ko.“Teacher!”Lumingon ako sa may gate ng bahay ni Lukas. Nasa loob ng gate si Lira at nakatanaw sa akin. May hawak siyang diyaryo na mukhang kakukuha niya pa lamang sa may gate. Ngumiti ako sa kaniya saka tumawid at lumapit. “Good morning!”“Sino po 'yon?”Ngumiti. “Kuya ko iyon.”“Talaga po?” aniya sa malungkot na boses. Nangunot naman ang noo ko sa reasyon niya.“Bakit? Bakit parang nalungkot ka?&rdqu
Read more
Kabanata 26
Blair CastroGALIT na galit na sumugod sa akin si Alicia. Mabigat ang bawat hakbang niya matapos pabalyang bitawan ang maleta niyang hawak niya kanina. Sinugod niya ako. Hinintay ko ang pagtama ng palad niya sa pisngi ko pero nahila ako ni Lukas at sa pisngi niya tumama ang kamay ni Alicia.Umawang ang labi ko. Mas lalo namang nanggalaiti si Alicia sa ginawa ng kaniyang asawa. “WHAT DID YOU DO?!”Hindi sumagot si Lukas. Hinawakan niya ang braso ni Alicia at hinila para sana pumasok ng bahay pero pumiglas ito at muli akong sinugod. Nahablot niya ang buhok ko at dahil sa galit ay hindi ko napigilang gumanti.“ANG KAPAL NG MUKHA MO! SINO KA PARA LANDIIN ANG ASAWA KO!?”Tiningnan ko siya ng masama. “HINDI KO NILALANDI ANG ASAWA MO!”“NO! I SAW IT! YOU, BITCH! MALANDI KA! MAKATI KA! ANG HAROT HAROT MO!
Read more
Kabanata 27
Blair CastroMAAGA akong umuwi sa bahay kinabukasan. Iniwan ko sa condo si kuya na tulog na tulog sa sofa. Hindi ko na rin ginamit ang kotse niya. Nagtaxi ako pauwi at naabutan kong bukas na ang ilaw bahay ni Lukas. Nangunot ang noo ko dahil bukas rin ang pinto sa bahay nila. Bigla akong nag-alala para kay Lira.Lumapit ako sa may gate pero natanaw ko si Lukas na nakatayo sa may pintuan. Kaharap niya si Alicia na bakas sa mukha ang galit. Nagtago ako gilid ng nakaparadang kotse ni Lukas at dahil medyo malapit ang gate sa bahay ay narinig ko ang pinag-uusapan nila.“YOU CAN'T DO THIS TO ME, LUKE! I AM YOUR WIFE! AKO DAPAT ANG KINAKAMPIHAN MO AT HINDI ANG BABAENG 'YON!”Dahan-dahang tumaas ang noo ko. Kinakampihan ako ni Lukas?“Hindi ko siya kinakampihan, Alicia! What I'm saying is wala kaming ginagawang masama! She's not flirting with me
Read more
Kabanata 28
Blair CastroUMINOM ako mag-isa. Hinayaan kong malunud sa alak ang nababaliw ko nang puso na nasasaktan dahil kay Lukas. Mahina akong natawa at umiling. Walang mangyayari kung ganitong palagi lang akong magmumukmok.Hawak ang bote ng alak sa leeg ay tumayo ako pero agad akong nahilo. Lumabas ako ng bahay at naabutan si Lukas na may bitbit na garbage bag. Ngumisi ako at pasuray-suray na naglakad palapit sa kaniya. Itinapon niya ang basurang dala at sinalo ako nang muntik akong mapasubsob.Tinulak ko siya saka tiningnan habang naniningkita ang mga mata. “L-Lukas! M-May tanong a-ako shayo!”Nangunot ang kaniyang noo. “You're drunk, miss McBride.”Tumawa ako at umiling. “Hindi 'yan ang gushto kong marinig! Gushto kong malaman kung—” napatigil ako nang masinok ako. Dumura ako at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang
Read more
Kabanata 29
Blair Castro“WHY did you do that?” halos manlamig ako sa tono ng boses ni kuya Cloud. Bakas dito ang galit at disappointment. “Bakit ka nakikipag-away ng ganoon? Kaya ba masakit ang ulo mo nitong nakaraan dahil nakikipagsabunutan ka kay Alicia? Blair, I never thought na aabot ka sa ganito!”“Gumanti lang ako, kuya—”“Hindi 'yon ang nakita ko! Sinadya mo!”“Oo!” pag-amin ko. “Sinadya ko! Sinadya kong asarin si Alicia. Sinadya kong galitin siya dahil gusto ko. Natutuwa ako kapag nakikita kong nanggagalaiti siya sa galit sa 'kin. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang takot sa mukha niya tuwing lalapitan ko si Lukas.”“Paano kung saktan niya si Lira?”Umiling ako. “Hindi niya masasaktan si Lira. Magagalit sa kaniya si Lukas at hindi siya papayag na ma
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status