All Chapters of Chain of Lies: Chapter 11 - Chapter 20
139 Chapters
Kabanata 11
Blair Castro“INUMIN mo muna ito.”May kaonting panginginig pa rin na kinuha ko ang iniabot ni kuya na tubig. Nakaupo ako sa sofa at hinang-hina na nakatingin sa kawalan. Matapos umalis ni Alicia na may iniwang banta ay nakaramdam ako ng labis na takot. Hindi pwedeng lumipas ang buwan na ito na hindi ko makakasama ang kambal. Kailangang masiguro ko ang kaligtasan nila.Narinig ko ang buntong-hininga ni kuya. Naupo siya sa tabi ko saka marahang hinaplos ang braso ko. Nilingon ko siya, pilit tinatagan ang loob ko dahil ayokong mag-alala siya.“'Wag kang mag-alala, Blair. Hindi ako papayag na saktan niya ang kambal.”Umiling ako. Walang nakasisiguro. Kilala ko si Alicia, alam ko ang takbo ng utak niya at kapag desperada siya ay hahamakin niya ang lahat.Matagal kaming natahimik ni kuya. Pumasok sa isip ko ang iba't-iba
Read more
Kabanata 11.2
Blair CastroNAKATULALA ako sa telescope na nakalagay sa may bintana ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at bumili ako nito. Nananaig sa puso ko ang pananabik na mabantayan si Lira at mali man ang ginagawa ko ay hindi ko mapigilan dahil pakiramdam ko'y tama ito—sa puso ko'y tama ang ginagawa ko.Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa telescope. Hindi ako sigurado kung makikita ko ba si Lira gamit ang bagay na ito dahil—una, hindi ko alam kung paano iaadjust ang mga nalakagay dito at pangalawa ay gabi na at nakikita kong sarado na ang ilaw sa bahay ni Lukas.Nang sumilip ako sa eye piece ay mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. Tama ang hinala ko, wala akong makikita dahil madilim na sa mansion ni Lukas de Marco.Bagsak ang balikat na humilata ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Sinapo ko ang mukha ko at nagmulat ng mata saka natulala
Read more
Kabanata 12
Blair CastroSABAY kaming natawa ni Lira dahil sa pinapanuod namin sa cellphone ko. Nandito kami sa bleacher sa labas ng school habang hinihintay si Lukas. Nanunuod kami ng Red Shoes and the Seven Dwarfs at tuwang-tuwa talaga siya. Ang totoo ay kanina ko pa siya gustong ihatid pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong sumama na naman ang tingin sa akin ni Lukas.Nahilot ko ang sintido kong sumasakit. Mabuti nalang talaga at cancelled ang pasok ngayong hapon bilang paghahanda sa Family day bukas kaya magagawa ko ang gusto kong magpahinga at matulog dahil kulang na kulang talaga ang tulog ko.Napatitig ako sa kaniya nang hindi namamalayan. Bakit ba wala siyang nakuha sa akin kahit kaonti lang? Kahit labi lang sana para naman may kahit kaonti akong ebidensya na anak ko talaga siya. Umaasa pa naman kasi talaga ako na may makakapansin sa pagkakapareho namin pero wala naman pala siyang nak
Read more
Kabanata 13
Blair CastroHINDI ako sumabay kina Lukas gaya ng gusto ni Lira. Ayokong magkaroon ng problema sa pagitan naming dalawa ni Lukas kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan na naman si Lira. Pakiramdam ko'y mas lalo akong nagiging desperadang makuha ang mga anak ko at alam kong hindi na maganda ito—maaari akong mapahamak, maging ang mga bata.Habang tahimik akong nagmamaneho ay natanaw ko ang kotse ni Lukas na sumusunod lang sa akin. Napalunok ako dahil hindi pa rin kumakalma ang puso ko dahil lang nakita ko siya kanina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako. Paano ako magkakagusto sa lalaking hindi ko naman pinapansin noon dahil abala ako sa sarili kong buhay?Nagkakilala na rin kami ni Lukas noong highchool dahil schoolmate namin siya ni Alicia. He's our senior at snob talaga siya. Masipag siyang mag-aral pero kataka-taka na palaging matamlay a
Read more
Kabanata 14
Blair CastroBAGSAK kaagad ang katawan ko nang makauwi ako sa bahay. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil sa pagod. Agad akong nakatulog sa unang pagpikit palang ng mata ko at nang magising ako ay umaga na. Mabuti nalang talaga at walang pasok ngayon dahil sabi ng Principal ay tiyak raw na pagod ang mga bata dahil sa event kahapon.Tamad pa rin na naligo ako at nagbihis ng pambahay saka bumaba. Tamang-tama naman na may narinig akong katok sa pintuan. Kunot-noo akong lumapit doon at pinagbuksan ang kumakatok.“Good morning, teacher!”Napakurap-kurap ako habang nakatingin kay Lira na nakatingala sa akin. Ngiting-ngiti siya habang may hawak na plato na may lamang dalawang pancake. Umawang ang labi ko kasabay ng pagkalam ng sikmura. Mukhang masarap kasi 'yung pancake lalo na't may chocolate syrup sa ibabaw.Kumislot ako nang hawakan ni L
Read more
Kabanata 15
Blair CastroNAGISING  ako ng alas kwatro ng madaling araw na may pumipintig na sintido. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakasalpak sa gitna ng kama saka sinapo ang ulo ko. Napangiti ako nang maamoy ko ang sarili kong hininga dahil amoy alak pa rin ako at hindi talaga maganda iyon sa pakiramdam.Agad akong dumiretso sa banyo at naligo. Habang nagsasabon naman ako ng katawan ay pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi bago ako matulog pero wala akong maalala kahit anong piga ko sa utak ko.Halos kalahating oras rin ang itinagal ko sa pagligo. Nang matapos ay agad akong nagbihis at suot ang uniform ay lumabas ng kwarto bitbit ang bag ko. Magddrive thru nalang ako para sa almusal dahil wala naman akong stock na lulutuin. Nang lumabas ako ng bahay ay hinagis-hagis ko pa ang susi ng kotse sa kamay ko habang palabas ng gate pero natigilan ako nang makitang may nakat
Read more
Kabanata 16
Blair CastroNATAPOS  ang araw ko na hindi nakalapit kay Lira. Bukod kasi sa paghatid at pagsundo ni Lukas ay may nagbantay rin sa bata—si Jeanette Mendoza na tinawag ni Lira na tita. Hindi ko alam kung sino siya pero mahigpit ang pagbabantay niya kay Lira kaya ni hindi ko manlang nakausap ang anak ko kahit gustong-gusto ko.Wala akong nagawa. Baka tuluyang ilayo ni Lukas ang anak ko sa akin kapag nagmatigas ako. Maaari niya rin akong ipatanggal sa school na ito kung gugustuhin niya gamit ang pag-stalk ko kay Lira o kaya naman ay ituloy ang pagdemanda niya sa akin na hindi lang sa akin makakasira kundi pati na rin kay kuya dahil paniguradong kakampihan ako niyon.Nakatayo ako ngayon sa may pintuan ng bahay habang hawak ang platong pinaglagyan ni Lira ng pancake kahapon. Nakatanaw ako sa saradong bintana ni Lira habang walang enerhiya sa katawan. Pakiramdam ko'y
Read more
Kabanata 17
Blair CastroKULANG nalang ay mangatog ako dahil sa presensya ni Lukas. Hindi ko magawang makapagsalita habang hinahabol niya ng tingin si Lira na pumasok sa loob ng bahay niya. Nang mawala ito sa kaniyang paningin ay nilingon niya ang pinsan niya. “You can go home, Jean.”Nagkibit-balikat si Jeanette saka nagpaalam sa akin. Napalunok naman ako nang umalis si Jeanette dala ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumikhim ako. “Aalis—”“I warned you already, miss McBride!” nagtatagis ang bagang niya habang matalim ang tingin sa akin. Parang kulog rin ang boses niya na yumanig sa buong katawan ko. Naghatid rin ng matinding takot sa akin ang madilim niyang mga mata na tumatagos yata pati sa kaluluwa ko.Humakbang siya palapit dahilan para mapaatras ako. “Why are you so stubborn? Why can't you stay away from
Read more
Kabanata 18
Blair CastroMAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa kutsara habang kumakain ng tanghalian. Mabuti nalang talaga at namili ako ng stocks noong isang araw dahil hindi talaga ako makalabas ngayong Sabado na nasa tapat lang si Alicia. Palagi kasi siyang nakadungaw sa bintana at panaka-naka pang lumalabas para tumingin sa labas sa hindi ko alam na dahilan.Feeling niya ba siya si Rapunzel? Umirap ako sa kawalan. Kung pwede ko lang sabitan ng lubid ang leeg niya at hilahin siya pababa mula sa bintana ng kwarto nila ni Lukas.Napabuntong-hininga ako. Matinding galit pa rin ang hatid ng pamumukha at presensya ni Alicia sa akin pero hindi ko naman siya maaaring sugurin nalang ng basta basta dahil hindi ko pa nasisiguro kung ligtas nga ang dalawa ko pang anak.Hinayaan kong lumipas ang buong maghapon na nakakulong lamang ako sa bahay at panay ang sulyap sa kabila. Laking tuwa ko naman nang
Read more
Kabanata 19
Blair CastroPASILIP-silip ako sa kabilang bahay habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Galing ako sa laundry shop at pagbalik ko ay wala ang kotse ni Lukas sa tapat. Holiday ngayon kaya walang pasok sa school pero may activity ako na ibinigay kina Lira na galing sa lesson plan na iniwan ng talagang guro nila. Gusto kong makita kung paano gagawin ni Lira ang family tree at mukhang ngayon na ang chance ko dahil wala ang kotse ni Lukas—baka umalis siya saglit.Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at sumilip sa bukas na pinto ng bahay mula sa gate. Nakita ko si Lira na nasa living area habang nakaupo sa sahig at may ginagawa sa coffee table.Napangiti ako at akmang tatawagin siya nang may humarang sa tinatanaw ko.Nanlaki ang mga mata ko nang salubungin ako ng luntiang mga mata ni Lukas. Kunot ang kaniyang noo habang nakahalukipkip at bahagyang nakatagilid ang ulo
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status