All Chapters of Marahuyo: Chapter 11 - Chapter 20
84 Chapters
KABANATA 10
KABANATA 10  Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya. " Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan. Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos. Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon
Read more
KABANATA 11
KABANATA 11 " Ano? Hindi nagbigay ng order si Boss? " gulat na tanong ni Baron kay Lorenzo nang pumasok ito sa basement kung saan sila naroroon ngayon. Naghahanda sila para sana hanapin si Catalina pero mukhang hindi ito matutuloy dahil sa balitang dala ni Lorenzo. " Walang binigay na order saakin, " kaswal na sagot nito bago maupo sa sopa. " Mukhang kumpiyansa si Boss na uuwi rin ito bukas nang umaaga. Wala itong dalang kahit na anong gamit o pera kaya baka di rin 'yon makatiis. Babalik 'yon dito sa Hacienda. "  " Sabagay may punto ka, " pagsang-ayon ni Baron saka binato ang susi ng kotse sa lalagyan upang ibalik ito. Pinatay na rin nila yung malaking monitor kung saan makikita ang mga lugar na posibleng puntahan ni Catalina. " Pero diba walang bahay 'yon? " tanong ni Esteban. " Saan kaya 'yon matutulog? " " Malamang sa kalsada. Ma
Read more
KABANATA 12
KABANATA 12  Isang buwan na ang nakalipas magmula noong dumating si Catalina sa probinsya at tumira sa dating bahay nina Mariah. Maganda at maayos ang naging daloy ng buhay niya sa mga nakalipas na araw na kung ikukumpara sa siyudad, mas gusto na niyang dito tumira. May ilan na rin siyang mga kapitbahay na nakakausap at tumutulong sakaniya kung paano mamuhay sa probinsya lalo na kung ito ang unang pagkakataon na maninirahan siya rito. " Kailangan mo ring kausapin ang mga halaman mo na parang mga tao. Ako na nagsasabi sayo, maganda ang aanihin mo sa oras na mag bunga ang mga tinanim mo, " wika ni Nanay Cel, ang matandang babae na parang naging Ina na rin ni Catalina dahil sa pag aasikaso nito sakaniya. Halos magkatabi lang rin ang bahay na tinitirahan niya at sa lahat ng tao dito sa nayon, ito ang madalas niyang nakakasama. " Talaga ho? Subok niyo na siguro ka
Read more
KABANATA 13
KABANATA 13   " Catalina? Catalina, bumangon ka na diyan, aba? Gusto mo bang mahuli tayo sa pila? "   Naimulat si Catalina ang kaniyang mata sa sunod-sunod na pag yugyog sakaniya ni Nanay Cel. Napakalakas din ng boses nito kaya gising na din agad ang diwa niya.   " Bumangon ka na d'yan, Cata. Gumayak ka na at marami ng tao sa barangay, " ani Nanay Cel na inabutan din siya ng isang tasa na may lamang mainit na gatas. " Ito, inumin mo muna at kumain ka ng biscuit. Siguradong tanghali na tayo matatapos doon. Mamaya wala pala silang libreng pakain doon, hindi ka pwedeng malipasan ng gutom. Apektado rin ang bata. "     " S-sandali lang, Nay Cel. " Bumangon siya sa kama at naglakad papunta sa sala. Nagpalinga-linga siya na tila ba may hinahanap sa paligid niya. " Nasaan si Bobot? "   Nagsalubong ang kilay ng matanda. " Aba, ang aga-aga, si Bobot ag
Read more
KABANATA 14
KABANATA 14   Pinagmasdan ni Catalina ang nilutong ulam ni Nanay Cel na inihahain sa mesa. Maganda at mukhang masarap kung titignan pero hindi ito kaaya-aya sa pang amoy niya kaya inilayo niya ito sa kaniyang harapan at tumayo.   " Saan ka pupunta, Cata? Kumain ka muna ng umagahan, " tawag nito pero nagtuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay at nagtungo sa manggahan para maupo sa duyan.   Umaga pa lang pero yung pagod niya, kagabi pa. Hindi na siya makakilos nang natural kapag kasama si Nanay Cel dahil batid niyang bawat kilos na ginagawa niya ay minamanmanan nito. Gustong-gusto na niya itong komprontahin pero natatakot siya sa pwede niyang malaman. Pakiramdam niya kahit saan siya magpunta, may mga matang nakatingin sakaniya.   " Cata, ano ba't nariyan ka? Hindi ka pa ba kakain? " Napaangat ang tingin niya kay Nanay Cel na sinundan pala siya sa labas.  
Read more
KABANATA 15
KABANATA 15  Nakaharap si Catalina sa isang malaking salamin habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuoan. Malaki na ang kaniyang tiyan, ramdam na rin niya ang pagsipa ng bata sa loob nito na minsan, ayaw niyang maramdaman dahil sa nerbyos. Natatakot kasi siya na baka bigla itong lumabas gayong normal naman ito kapag malapit na ang kabuwanan ng isang buntis. Kakaiba sa pakiramdam sa tuwing itong gumagalaw sa sinapupunan niya, may takot pero mayroon ding kasamang saya at tuwa. Minsan nga nagiging emosyonal siya sa tuwing nagpaparamdam ang bata na animo'y sabik na sabilk ng lumabas. Hindi niya alam kung bakit pero nitong mga nagdaang buwan, nagiging iyakin siya sa maliliit na bagay. Ultimo ang panonood ng pelikula na may nakakaiyak na eksena, nadadala siya na hindi naman niya ugali noon. " Señora, narito na ang pagkaing pina-deliver niyo. Dadalhin ko na lang ba diyan sa kwarto niyo? " tanong ni Manang Co
Read more
KABANATA 16
KABANATA 16  Sa isang ilegal na pasugalan, hindi mawawala ang mga taong sakim sa pera. Walang kasiguraduhan kung su-sweritihan o mamalasin ka pero may mga taong walang-wala na nga, nakukuha pang itaya ang lahat sa pag-aakalang laging nakapanig sa kanila ang swerte. " Huli na 'to, kapag natalo pa ako p*tangna barili niyo na lang ako, " wika ng isang negosyante matapos ibaba ang mamahaling relo sa ibabaw ng mesa. Wala na siyang poker chips sa harap dahil napunta na ito sa kalaban niyang hindi maiwasang matawa sa kalagayan niya. Halos wala na itong natirang alahas sa katawan dahil isinugal na nito ang lahat kay Rostam. " Sigurado ka ba sa sinabi mo? Baka pagsisihan mo 'yan. Wala ng bawian, " aniya bago muling maglapag ng poker chips na itataya niya sa huling round na ito. Puno na ang mesa niya at wala ng espasyo para sa ibang gamit na isinusugal ng kalaban. Kanina, puro pa ito ng yabang a
Read more
KABANATA 17
KABANATA 17 Halos lumabas na ang puso ni Catalina nang siya'y makababa sa sasakyan habang mahigpit ang hawak sa kamay ng batang kasama n'ya. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito dahil nag hahalo-halo ang emosyon niya nang muling maka apak sa harap ng Hacienda na ngayon nalang niya ulit nakita. Apat na taon na ang nakakalipas simula nang takasan niya ang lugar na ito. Nangako siya sa sarili na kailan man, hindi na siya aapak sa lupang ito subalit kinain niya rin ang sinabi niya dahil ito siya, nakatayo mismo sa harap ng Haciendang isinusumpa niya. " Mama, ito bahay ni Papa? " Napatingin siya sa batang babaeng kasama niya. Mababakas dito ang pagkasabik na makita ang Ama. " Ito nga, Azalea. " Yumuko siya nang bahagya para tignan nang diretso sa mata ang kaniyang anak. " Anak, h'wag mong kalilimutan ang sinabi sayo ni Mama, okay? Huwag kang maglili
Read more
KABANATA 18
KABANATA 18 Mula sa itaas, pinagmamasdan ng Lombardi Clan ang tatlo sa hardin na halos kalahating oras nang lumipas pero hindi pa rin umaalis ang mga ito sa kanilang pwesto. Naroroon sila sa pahingahan, nakaupo at nag uusap habang ang batang babae na si Azalea ay patuloy na nalilibang sa ganda ng tanawin sa hardin. " Magkakabalikan kaya sila? " tanong ni Esteban habang abala sa pagsusuklay ng kaniyang buhok na bagong tabas. " Sira, bakit naging sila ba ni Boss? " ani Dario, " Hindi ko akalaing darating ang araw na magtatago tayo mula sa bisita. Ganoon ba tayo ka-pangit para di ipakita kay Miss Catalina at sa anak nila? " " Mga g*go, monster nga raw tayo sabi noong bata, " ani Baron na nakapanghalumbaba sa railings habang pinagmamasdan ang tatlo sa hardin. " Nakikita ko na ang future ni Azalea. Mas malala ito sa inaasahan ko dahil kung pagsasamahin natin ang ugali ni
Read more
KABANATA 19
KABANATA 19 " Oh, hindi ka pala aware kung sino ang kausap mo. " Inilahad nito ang kanang kamay sakaniya saka ito gumiti. " I'm Savannah Lombardi, legal na asawa ng lalake sa tabi mo. " Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. Nanatiling nakaangat ang kanang kamay ni Savannah upang makipag kamay kay Catalina na hindi malaman kung ano ang dapat na reaksyon ang ibigay niya.  " Savannah, tumigil ka sa kalokohan mo. Ano bang ginagawa mo rito? " ani Rostam na balak sana itong hilahin palabas pero nakailag ito at malakas na hinampas ang kamay niya. " What the hell is wrong with you? Kung nandito ka para manggulo, umalis ka na." " Ganiyan mo ba kausapin ang asawa mo? " tanong ni Savannah sabay lingon kay Catalina. " See? Ganiyan ang ugali ng lalakeng 'yan. Matatagalan mo ba? " " Savannah, please--" " K
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status