KABANATA 16
Sa isang ilegal na pasugalan, hindi mawawala ang mga taong sakim sa pera. Walang kasiguraduhan kung su-sweritihan o mamalasin ka pero may mga taong walang-wala na nga, nakukuha pang itaya ang lahat sa pag-aakalang laging nakapanig sa kanila ang swerte.
" Huli na 'to, kapag natalo pa ako p*tangna barili niyo na lang ako, " wika ng isang negosyante matapos ibaba ang mamahaling relo sa ibabaw ng mesa. Wala na siyang poker chips sa harap dahil napunta na ito sa kalaban niyang hindi maiwasang matawa sa kalagayan niya. Halos wala na itong natirang alahas sa katawan dahil isinugal na nito ang lahat kay Rostam.
" Sigurado ka ba sa sinabi mo? Baka pagsisihan mo 'yan. Wala ng bawian, " aniya bago muling maglapag ng poker chips na itataya niya sa huling round na ito. Puno na ang mesa niya at wala ng espasyo para sa ibang gamit na isinusugal ng kalaban. Kanina, puro pa ito ng yabang aKABANATA 17Halos lumabas na ang puso ni Catalina nang siya'y makababa sa sasakyan habang mahigpit ang hawak sa kamay ng batang kasama n'ya. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito dahil nag hahalo-halo ang emosyon niya nang muling maka apak sa harap ng Hacienda na ngayon nalang niya ulit nakita.Apat na taon na ang nakakalipas simula nang takasan niya ang lugar na ito. Nangako siya sa sarili na kailan man, hindi na siya aapak sa lupang ito subalit kinain niya rin ang sinabi niya dahil ito siya, nakatayo mismo sa harap ng Haciendang isinusumpa niya." Mama, ito bahay ni Papa? " Napatingin siya sa batang babaeng kasama niya. Mababakas dito ang pagkasabik na makita ang Ama." Ito nga, Azalea. " Yumuko siya nang bahagya para tignan nang diretso sa mata ang kaniyang anak. " Anak, h'wag mong kalilimutan ang sinabi sayo ni Mama, okay? Huwag kang maglili
KABANATA 18Mula sa itaas, pinagmamasdan ng Lombardi Clan ang tatlo sa hardin na halos kalahating oras nang lumipas pero hindi pa rin umaalis ang mga ito sa kanilang pwesto. Naroroon sila sa pahingahan, nakaupo at nag uusap habang ang batang babae na si Azalea ay patuloy na nalilibang sa ganda ng tanawin sa hardin." Magkakabalikan kaya sila? " tanong ni Esteban habang abala sa pagsusuklay ng kaniyang buhok na bagong tabas." Sira, bakit naging sila ba ni Boss? " ani Dario, " Hindi ko akalaing darating ang araw na magtatago tayo mula sa bisita. Ganoon ba tayo ka-pangit para di ipakita kay Miss Catalina at sa anak nila? "" Mga g*go, monster nga raw tayo sabi noong bata, " ani Baron na nakapanghalumbaba sa railings habang pinagmamasdan ang tatlo sa hardin. " Nakikita ko na ang future ni Azalea. Mas malala ito sa inaasahan ko dahil kung pagsasamahin natin ang ugali ni
KABANATA 19" Oh, hindi ka pala aware kung sino ang kausap mo. " Inilahad nito ang kanang kamay sakaniya saka ito gumiti. " I'm Savannah Lombardi, legal na asawa ng lalake sa tabi mo. "Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. Nanatiling nakaangat ang kanang kamay ni Savannah upang makipag kamay kay Catalina na hindi malaman kung ano ang dapat na reaksyon ang ibigay niya." Savannah, tumigil ka sa kalokohan mo. Ano bang ginagawa mo rito? " ani Rostam na balak sana itong hilahin palabas pero nakailag ito at malakas na hinampas ang kamay niya. " What the hell is wrong with you? Kung nandito ka para manggulo, umalis ka na."" Ganiyan mo ba kausapin ang asawa mo? " tanong ni Savannah sabay lingon kay Catalina. " See? Ganiyan ang ugali ng lalakeng 'yan. Matatagalan mo ba? "" Savannah, please--"" K
KABANATA 20Mula sa pahingahan, masayang pinagmamasdan ng dalawang ina ang kanilang mga anak na naglalaro sa isang puwesto sa hardin. Ang inosenteng ngiti ng mga bata ay tila isang obra na hindi nakakasawang tignan, habang ang mga halakhak nito ay parang isang musika sa kanilang pandinig na nakakagaan ng pakiramdam." Ang bilis talaga ng panahon no? Parang kailan lang kilik-kilik mo pa iyong baby girl mo, ngayon ang laki na n'ya. Nakakapag lakad at salita na, " wika ni Tiffany o mas kilala sa bansag na Tutay. Ngayon lang nalaman ni Catalina ang tunay na pangalan nito nang ipakilala siya ng asawa kanina sa hapag kainan." Tama ka d'yan. Maski ako nagugulat na sa mga kayang gawin ni Azalea sa edad niya, " pagsang-ayon naman niya saka sumimsim sa tasa ng kape sa mesa na nasa harap niya. " So, kumusta ka pala? Ang tagal na rin nating hindi nagkita. "
KABANATA 21Inis na itinapon ni Savannah ang hawak na lighter nang mapagtantong wala na itong laman. Kanina pa siya naiinis dahil gustong-gusto na niyang manigarilyo subalit walang apoy ang lumalabas sa lighter na kabibili lang niya kahapon. Hindi niya alam kung naloko ba siya noong nagtitinda o sadyang wala na talaga itong laman dahil sa madalas niyang paninigarilyo." Bwisit, " aniya saka ito gigil na inapakan. Paalis na sana siya sa pool area nang sumalubong sa kaniya si Lorenzo sabay about ng lighter. Agad niya itong kinuha at sinindihan ang sigarilyo na nasa kaniyang bibig. Doon siya nakahinga nang maluwag saka ibinalik ang lighter." Bakit narito ka? " Humithit siya sa yosi sabay buga ng usok mula sa bibig. " May kailangan ka? "" Gusto ko lang magpahangin. Hindi ko naman alam na narito kayo, " ani Lorenzo habang pinagmamasdan ang swimming pool na nagkak
KABANATA 22" Who the hell are you? " ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Rostam nang makita ang isang di pamilyar na babae sa harap niya. Sinubukan nitong lumapit sa kanila para hawakan si Azalea pero umatras siya at dinuro ito sa mukha. " Don't you dare--"" Siraulo ba ang ulo mo, Rostam Lombardi? Bakit mo nilalayo ang anak ko? " tanong nito at doon lang nakilala ni Rostam ang babae sa harap niya dahil sa boses na pamilyar sa kaniya." Catalina? " hindi makapaniwalang wika niya nang mapagtanto kung sino ito. Napako ang kaniyang tingin sa maikli nitong buhok na abot hanggang ilalim ng panga. " Anong nangyari sa buhok mo? "" Ginupit ko, hindi ba obvious? " tugon nito sa kaniya. Tinignan ni Catalina si Azalea na mahimbing pa rin ang tulog sa balikat ng Ama. " Bakit di mo muna s'ya dalhin sa kwarto? Hindi siya komportable matulog ng ganiyan. "
KABANATA 23Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto kung saan naroroon sina Catalina, Azelea at si Rostam. Natutulog na ang mag-ama habang ang isa ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi siya dinadalaw ng antok at pakiramdam niya, hindi talaga siya makakatulog dahil sa takot na baka magtuloy-tuloy ito.Patay ang ilaw sa buong kwarto ngunit may liwanag sa lampshade na nasa gilid ng kama nila. Unti-unti siyang umalis sa pagkakahiga saka nilingon ang dalawa sa tabi niya. Mukhang himbing na himbing ang mga ito sa pagtulog samantalang siya, hanggang ngayon namomroblema. Paano kung may biglang kumuha sa kaniya? Paano kung bigla na lang siyang takpan ng unan sa mukha ni Rostam kapag nakatulog siya? Ang dami niyang naiisip na posibleng mangyari pero ni isa sa mga 'yon, wala namang nangyari.Umalis siya sa kama at maingat na naglakad palabas ng kwarto. Kailangan niyang mak
KABANATA 24Bumaba mula sa isang magarang sasakyan ang mga lalakeng may dala-dalang mga armas para salakayin ang loob ng Hacienda. Wasak ang harapan ng kotseng kanilang sinasakyan dahil noong di sila pinayagang papasukin sa loob ng gate, wala silang ibang choice kundi ang sapilitang pumasok sa loob para hanapin ang isang taong pinapakay nila." Halughugin niyo ang bawat sulok ng lugar! " wika ng isang lalake na tumatayong kapitan sa organisasyong kaniyang kinabibilangan. " Dalhin niyo sa harap ko ang ulo ng bastardo na 'yon! Hangga't wala kayong ipinapakita saakin, wala kayong karapatan para huminto! "" Masusunod! " sagot ng kaniyang mga kasama bago mag hiwa-hiwalay para hanapin ang taong kanilang sinadya. Naglabas naman ng sigarilyo ang kanilang kapitan para sana ito'y sindihan pero nabitawan niya ito bigla nang maramdaman ang pamamanhid ng palad at doon, kumawala ang kaniyang palahaw