“Caleb, there you are!” bati ni Gen. Delos Santos sa binata, pagdating na pagdating nito sa golf club kung saan kasalukuyang naglalaro ang retired chief of police.Maaga pa lang kanina, binulabog na ng binata ang matandang lalaki dahil gusto niyang pabilisan ang kaso ni Benjo. Caleb thought he needed to do that before the other side would do their best to twist the narrative of what really happened last night. At wala nang iba pang naisip na lapitan ang binata kundi ang kaibigan ng ama.Si Caleb na mismo ang nag-adjust upang kitain ang dating heneral. Alam ng binata na malaking pabor ang hinihingi niya rito kaya naman kahit na maraming trabaho sa Oceanlink at SSL, he really went out of his way to go there and meet the old man. Pormal na ngumiti si Caleb, kinamayan ang matandang lalaki na noon ay nasa field na ng malawak na golf course at naglalaro.“Thank you for allowing me to meet you here, Tito Marino,” umpisa ng binata.“Bakit naman hindi, hijo. Malapit kong kaibigan ang Daddy mo
Read more