"Hoy!" malakas na untag sa kanya ng kaibigan sabay tapik sa kanyang balikat. Naiiling pa itong nakatingin sa kanya. "Alam mo, para kang baliw. Anong nginingiti ngiti mong mag isa diyan, ha?" Nangingislap ang matang tinignan niyang muli ang nakasulat sa text message ni Derick sa kanya. "Girl! Look, he's asking me out tonight." Iwinagawayway niya ang hawak na cellphone sa kaibigan. Hindi pa man ay excited na siya na pumunta sa Almabis Grill and Pasta Bistro kung saan ang nakababatang kapatid ni Derick na si Gibson ang Manager and Main Chef at the same time. Ani Derick, nakapagpareserve na ito roon. Hindi maiwasang naitirik ni Sky ang mata at napailing. "Go, girl and chase for your dreams, hahaha, for what, almost time immemorial." Napalabi siya sa narinig kay Sky. Kahit kailan talaga, napaka nega nito pagdating sa kanila ni Derick. "Grabe ka naman, Girl. Huwag ka ngang killjoy diyan. Wala bang mas titibay pang support system diyan?" "Alam mo, ang tawag diy
Last Updated : 2022-01-10 Read more