Derick Almabis, The Austere CEO

Derick Almabis, The Austere CEO

last updateLast Updated : 2022-01-18
By:  Maui AzucenaOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
12Chapters
501views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

By hook or by crook, she has to get Derick Almabis, CEO, Most - sought bachelor in town, the disciplinarian, and the perfect one. What more can you ask for? Nasa kanya na ang lahat na gugustuhin ng isang babae. She had been friend-zoned for so long. And now she was threatened by the presence of Patty Benitez in his life who he had just known recently. Asias Top Model na kinuha nito para sa commercial ng hotel na pagmamay - ari ng mga Almabis. Nawalan na ito ng panahon sa kanya. Nalipat nang lahat kay Patty. Hindi ba't nakakainis naman talaga yun? She already turned 22 pero bokya pa rin. NBSB pa rin sa kahihintay kay Derick. She made a tricky plot upang makuha si Derick. A plot she'll regret in the end.

View More

Chapter 1

Chapter 1

     

  Napaawang ang bibig ni Venice nang makitang lalapat ang daliri ni Sky sa cupcakes na ginawa niya for Derick. Naku, ayaw niyang masira ang presentation ng mga ito. Pinaghirapan niya ito at excited pa naman siyang dalhin sa opisina ng kaibigan ang mga nasabing cupcakes. She hardly perfected the cupcakes.  

        "Sky!" sigaw niya sa assistant store manager niya sa pastry shop and resto which she named D' Flavors na pag - aari niya. Her shop operates for two years now pagkatapos niyang maka graduate ng BSc in Culinary Arts with specialization in Bakery & Pastry Art Management sa unibersidad kung saan din nagtapos si Derick ng Business Administration and Management. 

        Natigilan namang napatingin sa kanya si Sky. "What?" nagugulumihanang tanong nito sa kanya. Agad na kinuha at inilayo niya ang mga cupcakes kay Sky. 

        Itinirik nito ang mga mata na mukhang naintindihan na ang aktuwasyon niya. "Now, I know. It's for Derick Almabis slash the Austere CEO of Almabis chains of hotel, the most - sought-after bachelor in town. Again and again. Hindi pa ba nagsasawa si Derick sa mga cakes and pastries mo?"

        Nangingiting nagkibit - balikat si Venice. "No." matigas na sabi niya."He said lahat ng niluluto at binibake ko, masarap. And he's craving for more."

        Tumaas ang kilay ni Sky. "Really? Buti na lang hindi siya tumataba sa mga pinakakain mo. Sure ka ba na walang gayuma iyan?"

        Pinandilatan niya ang kaibigan. "Hell, no. Wala."

        "Okay, sinabi mo. Mukha naman ngang wala. Kasi hindi tumatalab eh." Anitong may paghagikhik pa matapos sabihin iyon sa kanya. Kinuha nito ang dry towel at pinunasan ang glass diplay nila. "Paano ka ba naman niya kasi  mapapansin, dinaig mo pa ang isang girlfriend minus commitment di ba?"

        Natigilan si Venice sa pag aayos ng  mga cupcakes sa kahon. Kunot - noong nilingon niya si Sky. They've been friends since college. So since magkaibigan sila, naging malapit na rin ito sa bestfriend niyang si Derick. 

        "Kapag may kailangan siya, agad kang nagreresponse. Daig mo pa ang DRRM rescuer sis. Sa dinarami rami naman ng mga nagpapahiwatig sa iyo, wala ka man lang pinapansin. NBSB ka na at the age of 22 sa sa kahihintay sa kanya. Habang siya, nakailang girlfriends na ba siya? 2? 3?"

        Nang matapos maikahon ang mga cupcakes ay itinabi niya ito sa isang safe na lugar at hinarap ang kaibigan nakaupo na ngayon sa stool katapat ng cash register since absent ang isa sa mga cashiers nilang si Honeylette. "In time Sky, mare realize din niya na ako talaga ang babaeng para sa kanya. I've been with him since time immemorial. I've been with him almost all his life. Mapapagod din siya sa pakikipagrelasyon sa iba Sky. Mark my word." May conviction na pagkakasabi niya kay Sky bago tuluyang pumunta sa work area.

        "Whatever!" narinig pa niyang sigaw ni Sky na mukhang hindi naniniwala sa kanya.

************

        

"Venice!"naiinis na sabi ni Derick sa kanya. "What do you think you're doing? Pinuno mo na naman picture mo ang F* ko. Why don't you use your own account? Kahit yung mga hindi magaganda, pinost mo pa rin. Are you nuts? Kulang na lang palitan mo na rin ang pangalan ko ng pangalan mo."

        Naihilamos nito ang mga kamay sa mukha nang wala sa oras. 

Because she had control over the account, nagagawa niya ang gusto niyang gawin. She knows the username and the password of his F* account. Nagagawa niya i screen ang mga friends nito. At dahil sinasala niya, ina unfriend niya ang mga alam niyang nagpapa cute lang. So almost 80 percent ng female friends ni Derick are their relatives and common friends. Kaunting kaunti lang talaga ang female friends nito. Kapag may mga nagmessage na sa palagay niya ay nagpi flirt lang, deleteeeeee message agad siya. Dinaig pa niya ang guard ng Barangay Ginebra San Miguel. Ngayon lang yan.. mamaya okay na rin ang binata. For so many years they had been together, sanay na ito sa kanya.

Napahagikhik naman si Venice sa narinig na litanya ng kaibigan. "Why? Ayaw mo nun, may maganda namang naliligaw sa F* Wall mo?"

        "Venice Dionne Medina, idelete mo yung last two photos." anito sa madilim na mukha at madiing tinig.

        Binistahan niya ang last two photos na sinasabi nito. "Why?" Nagtatakang sambit niya. "I looked pretty there."

        "Your dress looks revealing there. Bakit ba kinulang na naman yata sa tela ang damit mo?" iritableng saad ni Derick. Nauubos na ang pasensiyang inihilig nito ang ulo sa headrest ng couch na kinauupuan.

        "What? I was just wearing a pencil-cut skirt and body-hugging blouse." paliwanag niya sa binata. 

        Nagmulat ito ng mata at tumingin nang matalim sa kanya. "You're showing too much skin."

        Napangiti siya nang makitang nakatingin ito sa larawan niya. Actually hindi naman talaga revealing ang suot niya. Well, her bestfriend Derick here is just so conservative. Kita lamang ng kaunti ang cleavage niya at hindi naman ganoon kaiksi ang pencil-cut skirt niya, nagsasalubong na agad ang kilay.

        "Grabe ka naman. Hindi naman. Disente naman ang suot  ko." Defensive na sabi niya sa kaibigan. Mabilis siyang sumiksik sa couch na kinauupuan nito at isinandig ang ulo sa balikat ng binata.

        "Just do what I say, okay." Derick said in a demanding voice. 

        "Okay, fine. Sinabi mo eh." aniyang hindi na nakipagtalo pa kay Derick. She tapped the pictures and deleted them right away. May ngiti sa labing mas isiniksik niya ang sarili sa binata.

***********

Pagdating ni Venice sa opisina ng Almabis Hotel Group, agad siyang sinalubong ng receptionist. “Miss Venice! Sir Derick is still in a meeting. Pero sabi po niya, pasok lang daw po kayo sa office niya.”

Ngumiti siya at tumango. “Thank you, Tess.”

Pagpasok niya sa opisina, inayos niya agad ang mga cupcakes sa coffee table. May dagdag pa siyang maliit na note na may nakasulat:
“Sweet treats for the sweetest CEO. – V”

Napangiti siya habang nilalagay ang sticky note sa tabi ng kahon. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto at pumasok si Derick na halatang pagod.

"Venice..." gulat pero bahagyang napalambot ang boses nito.

"Hi! I brought you something sweet. Hope it brightens your stressful day," masiglang sabi niya.

Tumingin ito sa mga cupcakes. “You made these?”

“Of course. Who else would bake with love for you?” biro niyang sagot, sabay kindat.

Napailing si Derick. “You’re impossible.”

Pero kahit tinatakpan ng sarcasm ang tono, ngumiti rin ito, at agad kumuha ng isa.

********

One Friday night, habang papauwi si Derick mula sa opisina, bigla itong napalingon sa tawag ng cellphone.

“Venice,” sabi niya, bahagyang napapailing.

“Dinner?” tanong ni Venice sa kabilang linya. “I’m near your place, I can pick you up. Walang ibang motive ha. Gutom lang talaga ako, and you need a break from board meetings.”

Nagpaubaya si Derick, gaya ng dati.

Sa isang tahimik na restaurant, magkatabi silang kumain. Sa gitna ng hapunan, tumahimik si Venice. Tiningnan niya ang binata.

“May tanong ako, Derick.”

“Hmm?”

“If I stop showing up… would you even notice?”

Halatang nabigla ang binata sa tanong.

“Bakit mo naman natanong ‘yan?”

Ngumiti siya. “Wala lang. Curious lang ako.”

Napabuntong-hininga si Derick at uminom ng tubig. “Let’s not talk about that.”

Venice nodded, but deep inside, her heart tightened. That was not the answer she was hoping for.

        

888/5000

#VoteForMyStory# My story Derick Almabis, The

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
12 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status