Napaawang ang bibig ni Venice nang makitang lalapat ang daliri ni Sky sa cupcakes na ginawa niya for Derick. Naku, ayaw niyang masira ang presentation ng mga ito. Pinaghirapan niya ito at excited pa naman siyang dalhin sa opisina ng kaibigan ang mga nasabing cupcakes. She hardly perfected the cupcakes.
"Sky!" sigaw niya sa assistant store manager niya sa pastry shop and resto which she named D' Flavors na pag - aari niya. Her shop operates for two years now pagkatapos niyang maka graduate ng BSc in Culinary Arts with specialization in Bakery & Pastry Art Management sa unibersidad kung saan din nagtapos si Derick ng Business Administration and Management.
Natigilan namang napatingin sa kanya si Sky. "What?" nagugulumihanang tanong nito sa kanya. Agad na kinuha at inilayo niya ang mga cupcakes kay Sky.
Itinirik nito ang mga mata na mukhang naintindihan na ang aktuwasyon niya. "Now, I know. It's for Derick Almabis slash the Austere CEO of Almabis chains of hotel, the most - sought-after bachelor in town. Again and again. Hindi pa ba nagsasawa si Derick sa mga cakes and pastries mo?"
Nangingiting nagkibit - balikat si Venice. "No." matigas na sabi niya."He said lahat ng niluluto at binibake ko, masarap. And he's craving for more."
Tumaas ang kilay ni Sky. "Really? Buti na lang hindi siya tumataba sa mga pinakakain mo. Sure ka ba na walang gayuma iyan?"
Pinandilatan niya ang kaibigan. "Hell, no. Wala."
"Okay, sinabi mo. Mukha naman ngang wala. Kasi hindi tumatalab eh." Anitong may paghagikhik pa matapos sabihin iyon sa kanya. Kinuha nito ang dry towel at pinunasan ang glass diplay nila. "Paano ka ba naman niya kasi mapapansin, dinaig mo pa ang isang girlfriend minus commitment di ba?"
Natigilan si Venice sa pag aayos ng mga cupcakes sa kahon. Kunot - noong nilingon niya si Sky. They've been friends since college. So since magkaibigan sila, naging malapit na rin ito sa bestfriend niyang si Derick.
"Kapag may kailangan siya, agad kang nagreresponse. Daig mo pa ang DRRM rescuer sis. Sa dinarami rami naman ng mga nagpapahiwatig sa iyo, wala ka man lang pinapansin. NBSB ka na at the age of 22 sa sa kahihintay sa kanya. Habang siya, nakailang girlfriends na ba siya? 2? 3?"
Nang matapos maikahon ang mga cupcakes ay itinabi niya ito sa isang safe na lugar at hinarap ang kaibigan nakaupo na ngayon sa stool katapat ng cash register since absent ang isa sa mga cashiers nilang si Honeylette. "In time Sky, mare realize din niya na ako talaga ang babaeng para sa kanya. I've been with him since time immemorial. I've been with him almost all his life. Mapapagod din siya sa pakikipagrelasyon sa iba Sky. Mark my word." May conviction na pagkakasabi niya kay Sky bago tuluyang pumunta sa work area.
"Whatever!" narinig pa niyang sigaw ni Sky na mukhang hindi naniniwala sa kanya.
************
"Venice!"naiinis na sabi ni Derick sa kanya. "What do you think you're doing? Pinuno mo na naman picture mo ang F* ko. Why don't you use your own account? Kahit yung mga hindi magaganda, pinost mo pa rin. Are you nuts? Kulang na lang palitan mo na rin ang pangalan ko ng pangalan mo."
Naihilamos nito ang mga kamay sa mukha nang wala sa oras.
Because she had control over the account, nagagawa niya ang gusto niyang gawin. She knows the username and the password of his F* account. Nagagawa niya i screen ang mga friends nito. At dahil sinasala niya, ina unfriend niya ang mga alam niyang nagpapa cute lang. So almost 80 percent ng female friends ni Derick are their relatives and common friends. Kaunting kaunti lang talaga ang female friends nito. Kapag may mga nagmessage na sa palagay niya ay nagpi flirt lang, deleteeeeee message agad siya. Dinaig pa niya ang guard ng Barangay Ginebra San Miguel. Ngayon lang yan.. mamaya okay na rin ang binata. For so many years they had been together, sanay na ito sa kanya.
Napahagikhik naman si Venice sa narinig na litanya ng kaibigan. "Why? Ayaw mo nun, may maganda namang naliligaw sa F* Wall mo?"
"Venice Dionne Medina, idelete mo yung last two photos." anito sa madilim na mukha at madiing tinig.
Binistahan niya ang last two photos na sinasabi nito. "Why?" Nagtatakang sambit niya. "I looked pretty there."
"Your dress looks revealing there. Bakit ba kinulang na naman yata sa tela ang damit mo?" iritableng saad ni Derick. Nauubos na ang pasensiyang inihilig nito ang ulo sa headrest ng couch na kinauupuan.
"What? I was just wearing a pencil-cut skirt and body-hugging blouse." paliwanag niya sa binata.
Nagmulat ito ng mata at tumingin nang matalim sa kanya. "You're showing too much skin."
Napangiti siya nang makitang nakatingin ito sa larawan niya. Actually hindi naman talaga revealing ang suot niya. Well, her bestfriend Derick here is just so conservative. Kita lamang ng kaunti ang cleavage niya at hindi naman ganoon kaiksi ang pencil-cut skirt niya, nagsasalubong na agad ang kilay.
"Grabe ka naman. Hindi naman. Disente naman ang suot ko." Defensive na sabi niya sa kaibigan. Mabilis siyang sumiksik sa couch na kinauupuan nito at isinandig ang ulo sa balikat ng binata.
"Just do what I say, okay." Derick said in a demanding voice.
"Okay, fine. Sinabi mo eh." aniyang hindi na nakipagtalo pa kay Derick. She tapped the pictures and deleted them right away. May ngiti sa labing mas isiniksik niya ang sarili sa binata.
***********
Pagdating ni Venice sa opisina ng Almabis Hotel Group, agad siyang sinalubong ng receptionist. “Miss Venice! Sir Derick is still in a meeting. Pero sabi po niya, pasok lang daw po kayo sa office niya.”
Ngumiti siya at tumango. “Thank you, Tess.”
Pagpasok niya sa opisina, inayos niya agad ang mga cupcakes sa coffee table. May dagdag pa siyang maliit na note na may nakasulat:
“Sweet treats for the sweetest CEO. – V”
"Venice..." gulat pero bahagyang napalambot ang boses nito.
"Hi! I brought you something sweet. Hope it brightens your stressful day," masiglang sabi niya.
Tumingin ito sa mga cupcakes. “You made these?”
“Of course. Who else would bake with love for you?” biro niyang sagot, sabay kindat.
Napailing si Derick. “You’re impossible.”
Pero kahit tinatakpan ng sarcasm ang tono, ngumiti rin ito, at agad kumuha ng isa.
********
One Friday night, habang papauwi si Derick mula sa opisina, bigla itong napalingon sa tawag ng cellphone.
“Venice,” sabi niya, bahagyang napapailing.
“Dinner?” tanong ni Venice sa kabilang linya. “I’m near your place, I can pick you up. Walang ibang motive ha. Gutom lang talaga ako, and you need a break from board meetings.”
Nagpaubaya si Derick, gaya ng dati.
Sa isang tahimik na restaurant, magkatabi silang kumain. Sa gitna ng hapunan, tumahimik si Venice. Tiningnan niya ang binata.
“May tanong ako, Derick.”
“Hmm?”
“If I stop showing up… would you even notice?”
Halatang nabigla ang binata sa tanong.
“Bakit mo naman natanong ‘yan?”
Ngumiti siya. “Wala lang. Curious lang ako.”
Napabuntong-hininga si Derick at uminom ng tubig. “Let’s not talk about that.”
Venice nodded, but deep inside, her heart tightened. That was not the answer she was hoping for.
"Sigurado ka na ba talaga sa plano mong iyan, Vee?" Kung ilang beses na itinanong sa kanya ni Sky ang mga bagay na iyon ay hindi na niya mawari. Kasalukuyan silang nasa kuwarto kung saan siya naka - confine. Si Sky ang naisip niyang tawagan at agad na rumesponde sa kanya. Agad itong nagtungo sa ospital na kinaroroonan niya. Kaunting sugat lang ang tinamo niya mula sa aksidente. Mabuti na lang at nagawa pa niyang maibaling ang sasakyan, bumangga siya sa concrete barrier ngunit hindi napuruhan ng trak. "Napag - isipan ko na itong mabuti, Sky. Hindi na mababago pa ang desisyon ko. I should set Derick free. Isa akong malaking balakid sa kanila ni Patty. I was so mean when I plotted to get Derick. Wala akong dapat ipaglaban. Hindi siya kailanman naging akin, in the first place." malungkot na tugon niya ka
“Derick, wala ka na naman sa sarili mo. You spent one hour in reading or should I say staring on a certain page.” Mula sa pagkakatungo sa papeles na binabasa ay napatunghay si Derick sa nagsalita. It was Wayde. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. “Sa lahat ng bagong kasal, ikaw lang yata ang nakita kong nagkakaganyan. Dude, you were supposed to be in your house. It’s your honeymoon stage. Hindi mo dapat isiset aside ang family mo. Ang trabaho, nandiyan lang yan, ang family, kapag pinabayaan mo, hindi mo na namamalayan, unti – unti na palang nawawala sa’yo.” Wayde's words strike straight into his heart like a dagger. Ibinaba niya ang binabasang mga papeles nang hindi inaalis ang mga mata sa kaibigan. Ang totoo, isa s
Haggardo Versoza ang peg ng bride - to - be. Kahit sabihin pang mayroon naman silang wedding coordinator, mas pinili ni Venice na maging hands on sa kanilang kasal. Minsan lang ikakasal ang isang babae kung kaya't gusto niyang maging memorable iyon sa kanya. Ginampanan niyang lahat mula sa pagbusisi sa tema ng kasal, she wanted the event to be solemn, sa pagpapagawa ng invitations, souvenirs, tokens o give - aways, sa receptions, foods and up to sponsors attire. Sa lahat ng iyon, puro pag sang - ayon na lang ang nakuha niya from Derick. He never suggested anything. Dapat ay nagsasaya na siya ngunit mas higit ang pagkalito. Something happened to them, yes. Pero duda siyang sapat na iyon upang makuha niya ang pagmamahal ni Derick. For past years, naramdaman niya ang pagmamahal sa kanya ni Derick. But that was platonic. Noong nakaraang gabi,
Venice was confused. Naroon na siya na mahal niya si Derick. Ngunit ang bagay na hindi niya matanggap ay ang ideyang pakakasal lang ito for the sake of their child. Nahahati siya sa ideya na baka hindi mag work ang kanilang marriage life at ang anak nila ang magsuffer o subukan niyang gawin ang lahat upang mapaibig niya, makuha niya ang kalooban ng binata once na kasal na sila.'Even though there is no us,I'm doing this to give my child a family. No more, no less.'Ayon sa ipinadalang mensahe sa kanya ni Derick.Ouch! Ang sakit sa puso teh. Kulang na lang, isampal nito sa kanya ang katotohanang wala siyang aasahan dito.Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch. It's 7:25 and yet nandito pa rin siya sa kanyang opisina. Siya na lamang ang naiwan sa lugar since 6:00 pa lang sarado na talaga ang shop. Around 7 naman usually ay nakauwi na lahat ng kanyang mga s
"Anak, okay ka lang ba? Parang namamayat ka yata." puna ng kanyang ina sa harap ng hapag kainan isang umaga nang sa mansiyon sya umuwi."I agree anak. Baka naman hindi ka kumakain nang maayos sa condo mo anak. Why not stay here para masubaybayan at maalagaan ka namin nang mabuti." anang kanyang ama. She felt exhausted mentally and physically. Napuyat siya sa kaiisip sa sitwasyon nila ni Derick."I'm okay Mom, Dad. Medyo napagod lang po sa pag aasikaso sa bagong branch ng D' Flavors. Pero since stable na po ang operasyon, I entrusted everything to Carlo na po." Si Carlo ang inatasan niyang Branch Manager sa Batangas since matagal na rin niya itong empleyado sa Main Branch at subok na mapapagkatiwalaan. Inabot niya ang pagkain pero pakiramdam niya ay hinahalukay ang sikmura niya nang makaamoy ng hindi ka
Venice waited for Derick. Umasa siyang babalik ito upang makipag usap sa kanya. But he did not come back. Assuming lang siya. Ang akala niya babalik si Derick para makapag - usap sila nang maayos kapag hindi na ito galit. Noong araw na iyon umiyak lang siya nang umiyak maghapon. She felt so helpless.B*tch na kung b*tch. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan upang hindi matuloy ang kasal nina Patty at Derick. Ngunit ang kapalit nito ay ang tikisin siya ng binata.Dati - rati, he always check on her lalo na kapag alam nitong mayroon siyang dinaramdam. And as to her condition right now, maiku consider na rin siyang may sakit.Pero it's been two days already since he left. Hanggang ngayon ni anino ng binata ay hindi nagpapakita sa kanya. He never text