Hinihimas himas ni Sky ang tiyan sa katatawa sa mga hugot lines niya sa kabiguan niya kay Derick. Ano namang nakakatawa? Napatigil lamang ito nang tapunan niya ng masamang tingin. Kasalukuyan siyang nasa D' Flavors. Hindi siya pinayagan ni Derick na pumasok sa trabaho kahapon nang may hang - over. Hindi daw magandang ehemplo sa kanyang mga empleyado. There he goes, the Austere CEO he is. But her heart melted sa naging pag - aasikaso nito sa kanya. Paano ba siya makakamove on sa damdamin kay Derick kung lahat ng ginagawa nito ay lalong nagpapalambot sa kanyang puso? Muli niyang narinig ang hagikhik ni Sky.
'Ano ba yan kaibigan ko ba talaga ito o ano?'
Nakakapikon lang. Naiinis na talaga siya. Umiiling iling na lang na tumigil na siya sa pagkukuwento.
"Tama naman kasi si Derick, Venice. Ano na naman bang drama ang ginawa mo, may paglalasing ka pang nalalaman. Mabuti na lamang at dumating siya on time kung hindi, naku, ewan ko na lang sa iyo."
"Maanong tumigil ka na sa katatawa at pagleleksiyon diyan. Kita mo nang broken hearted ako eh."
Nagpapalatak naman si Sky. "Venice, kailangan mong tanggapin na one - sided lang ang sa inyo ni Derick. Oo mahal ka niya, as a friend. Hanggang doon lang, nothing more nothing less."
Muli na namang bumalong ang luha sa kanyang pisngi. "That's so unfair. Hindi puwedeng matuloy ang proposal ni Derick. Nabubulagan pa lamang siya. I'll make him realize na ako talaga ang nakalaan sa kanya. Ako talaga ang nararapat sa kanya. Ako lang ang nasa tabi niya since Day 1.
"Uso din naman ang mag move on Venice."
Hindi niya matanggap ang sinasabi nito. Patuloy pa rin siyang aasa at mananalangin sa Diyos na magbago pa ang ihip ng hangin.
Ano ba kasi ang magagawa niya? Mapipigilan ba niya ang puso niya na magmahal kay Derick. Wala siyang balak kalimutan ang nararamdaman. She loved Derick then, she loves Derick now and she will love him forever.
***********
Dala - dala ang Chocolate Tiramisu Cake, agad niyang tinahak ang daan patungo sa mother company ng kaibigang si Derick. She knew he was there. Dahil kilala na ng mga guards ang kanyang sasakyan ay agad siyang pinapasok ng mga ito. Ipinarada niya ang sasakyan . Mabilis niyang binistahan ang sarili. Nang makuntento ay kinuha niya ang cake na nakapatong sa passenger seat. Bababa na lamang siya nang matigilan. Sabay na lumalabas ng building si Derick at Patty. Magkahawak kamay ang dalawa habang tumatawa sa kung anumang pinag - uusapan ng mga ito. Kitang - kita sa mga mukha ng mga ito na nag - eenjoy sila sa company ng isa't isa.
Parang may lumalamutak sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay sasabog iyon sa matinding sakit na nararamdaman niya habang minamasdan ang dalawa at hindi na siya magtataka kung bigla na lang siya bumulagta roon kung hindi lang sa suporta ng upuan ng sasakyan dahil sa pagkabigo sa pag - ibig. Sa loob kasi ng mga nagdaang araw umaasa pa rin siya na mababaling sa kanya ang buong atensiyon ng binata.
Dumako ang tingin niya kay Patty.
'Anong meron ka na wala ako?'
Yeah, looking at Patty, she could say Patty's definitely pretty. Maaliwalas ang mukha, makinis ang kutis at nangingislap ang mga mata. Ang ganda ganda ni Patty sa sout nitong dress. Pero hindi rin naman siya nagpapahuli pagdating sa looks. She used to be a Campus Queen.
Natigil sa pagtawa si Derick nang mapadako sa kanyang direksiyon ang mata nito. Mabilis niyang pinalis ang luha. Mabuti na lang at tinted ang sasakyan niya. Hindi nito nakita sa labas ang kanyang pagtangis. Matagal bago niya napagpasiyahan na bumaba.
'There's no turning back. Pakatatag ka girl, kaya mo yan!' naibulong na lang niya sa sarili. Pilit siyang ngumiti. Nang makuntento sa nakitang repleksiyon sa salamin ay agad na siyang bumaba dala ang cake.
Agad na nagtama ang mga mata nila ni Derick.
'I wish those eyes will just look unto me.' Ngumiti siya sa kaibigan. He kissed her forehead nang makalapit siya sa mga ito. Nang lingunin niya si Patty, nakita niya ang matalim na titig nito sa kanya. Marahil ay naiirita ito sa closeness nila ni Derick. But she dismissed the idea anyway. Ngumiti siya kay Patty.
"Hi." matipid na bati niya na hindi nito nagawang tugunin. Mas ikinawit pa nito ang braso kay Derick. Bagay na hindi nakaligtas sa kanya.
"What brought you here?" tanong ni Derick sa kanya.
Noon niya naalala ang hawak na cake. "Here's your favorite. Peace offering ko sa'yo."
Alam niyang galit pa rin ito sa kanya sa hindi niya pagsuporta sa desisyon nitong magpropose kay Patty. Idagdag pa ang galit nito nang gabing malasing siya sa bar.
"Thank you Venice." sagot nito sabay ngiti na lalong nagpalabas ng dimples nito. Inabot nito ang cake mula sa kanya. "We're about to take our dinner. Why don't you join us?"
Mabilis niyang tinanggihan ang offer ni Derick. Hindi siya masochist para pasakitan ang sarili. Besides, three is a crowd. Masyadong maliit ang mundo para sa kanilang tatlo. Hindi na siya ang priority ni Derick. Magmumukha lamang siyang tanga kung sasama pa siya.
"Sigurado ka na ba talaga sa plano mong iyan, Vee?" Kung ilang beses na itinanong sa kanya ni Sky ang mga bagay na iyon ay hindi na niya mawari. Kasalukuyan silang nasa kuwarto kung saan siya naka - confine. Si Sky ang naisip niyang tawagan at agad na rumesponde sa kanya. Agad itong nagtungo sa ospital na kinaroroonan niya. Kaunting sugat lang ang tinamo niya mula sa aksidente. Mabuti na lang at nagawa pa niyang maibaling ang sasakyan, bumangga siya sa concrete barrier ngunit hindi napuruhan ng trak. "Napag - isipan ko na itong mabuti, Sky. Hindi na mababago pa ang desisyon ko. I should set Derick free. Isa akong malaking balakid sa kanila ni Patty. I was so mean when I plotted to get Derick. Wala akong dapat ipaglaban. Hindi siya kailanman naging akin, in the first place." malungkot na tugon niya ka
“Derick, wala ka na naman sa sarili mo. You spent one hour in reading or should I say staring on a certain page.” Mula sa pagkakatungo sa papeles na binabasa ay napatunghay si Derick sa nagsalita. It was Wayde. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. “Sa lahat ng bagong kasal, ikaw lang yata ang nakita kong nagkakaganyan. Dude, you were supposed to be in your house. It’s your honeymoon stage. Hindi mo dapat isiset aside ang family mo. Ang trabaho, nandiyan lang yan, ang family, kapag pinabayaan mo, hindi mo na namamalayan, unti – unti na palang nawawala sa’yo.” Wayde's words strike straight into his heart like a dagger. Ibinaba niya ang binabasang mga papeles nang hindi inaalis ang mga mata sa kaibigan. Ang totoo, isa s
Haggardo Versoza ang peg ng bride - to - be. Kahit sabihin pang mayroon naman silang wedding coordinator, mas pinili ni Venice na maging hands on sa kanilang kasal. Minsan lang ikakasal ang isang babae kung kaya't gusto niyang maging memorable iyon sa kanya. Ginampanan niyang lahat mula sa pagbusisi sa tema ng kasal, she wanted the event to be solemn, sa pagpapagawa ng invitations, souvenirs, tokens o give - aways, sa receptions, foods and up to sponsors attire. Sa lahat ng iyon, puro pag sang - ayon na lang ang nakuha niya from Derick. He never suggested anything. Dapat ay nagsasaya na siya ngunit mas higit ang pagkalito. Something happened to them, yes. Pero duda siyang sapat na iyon upang makuha niya ang pagmamahal ni Derick. For past years, naramdaman niya ang pagmamahal sa kanya ni Derick. But that was platonic. Noong nakaraang gabi,
Venice was confused. Naroon na siya na mahal niya si Derick. Ngunit ang bagay na hindi niya matanggap ay ang ideyang pakakasal lang ito for the sake of their child. Nahahati siya sa ideya na baka hindi mag work ang kanilang marriage life at ang anak nila ang magsuffer o subukan niyang gawin ang lahat upang mapaibig niya, makuha niya ang kalooban ng binata once na kasal na sila.'Even though there is no us,I'm doing this to give my child a family. No more, no less.'Ayon sa ipinadalang mensahe sa kanya ni Derick.Ouch! Ang sakit sa puso teh. Kulang na lang, isampal nito sa kanya ang katotohanang wala siyang aasahan dito.Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch. It's 7:25 and yet nandito pa rin siya sa kanyang opisina. Siya na lamang ang naiwan sa lugar since 6:00 pa lang sarado na talaga ang shop. Around 7 naman usually ay nakauwi na lahat ng kanyang mga s
"Anak, okay ka lang ba? Parang namamayat ka yata." puna ng kanyang ina sa harap ng hapag kainan isang umaga nang sa mansiyon sya umuwi."I agree anak. Baka naman hindi ka kumakain nang maayos sa condo mo anak. Why not stay here para masubaybayan at maalagaan ka namin nang mabuti." anang kanyang ama. She felt exhausted mentally and physically. Napuyat siya sa kaiisip sa sitwasyon nila ni Derick."I'm okay Mom, Dad. Medyo napagod lang po sa pag aasikaso sa bagong branch ng D' Flavors. Pero since stable na po ang operasyon, I entrusted everything to Carlo na po." Si Carlo ang inatasan niyang Branch Manager sa Batangas since matagal na rin niya itong empleyado sa Main Branch at subok na mapapagkatiwalaan. Inabot niya ang pagkain pero pakiramdam niya ay hinahalukay ang sikmura niya nang makaamoy ng hindi ka
Venice waited for Derick. Umasa siyang babalik ito upang makipag usap sa kanya. But he did not come back. Assuming lang siya. Ang akala niya babalik si Derick para makapag - usap sila nang maayos kapag hindi na ito galit. Noong araw na iyon umiyak lang siya nang umiyak maghapon. She felt so helpless.B*tch na kung b*tch. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan upang hindi matuloy ang kasal nina Patty at Derick. Ngunit ang kapalit nito ay ang tikisin siya ng binata.Dati - rati, he always check on her lalo na kapag alam nitong mayroon siyang dinaramdam. And as to her condition right now, maiku consider na rin siyang may sakit.Pero it's been two days already since he left. Hanggang ngayon ni anino ng binata ay hindi nagpapakita sa kanya. He never text