Mabilis siyang lumabas mula sa comfort room. Naroon sa salas si Derick habang umiinom ng inihanda niyang wine. Inimbitahan niya ito sa condo upang aniya'y icelebrate nila ang expansion ng D' Flavors.
Kinakabahan man ay pilit niyang pinakakalma ang sarili.
'Kaya mo yan girl. Now or never.'
Nang lapitan niya si Derick ay napansin niyang tinatablan na ito ng espiritu ng alak. Bagaman nakainom ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito. That made her more convinced that what she's doing is right.
She sat beside Derick. She moved closer.
"Dy, maganda ba ako?" she asked.
Tumingin sa kanya si Derick. "Yes, sweetie. Why did you ask?"
"How much do you love me?" she's starting it. And if he only knew how her muscles tremble in tension. Sa lapit ng distansiya ng kanilang mga mukha, Venice suddenly felt the urge to kiss Derick. And she did! Sa gulat marahil ni Derick ay hindi agad ito nakahuma. Maya maya ay naramdaman niyang kumalas ito sa kanya. Titig na titig ito sa mukha niya. She unconciously licked her lower lip. Namalayan na lamang niya na lumapat ang labi ni Derick sa labi niya.
She closed her eyes and feel the moment. It was then she was carried by Derick all the way to her room.
************
"What's the meaning of this!?!" naghihisteryang sigaw ni Patty ang gumising sa patulog na sanang diwa niya. Of course, she knew it. She knew this will happen as part of the plan. Gumamit siya ng dummy account to privately send Patty a message that Derick's with her the whole night. She even sent her the condo's passcode. She reminded herself to change it later.
Para namang animo'y nagising mula sa hipnotismo si Derick nang salitang tumingin sa kanya at kay Patty. Bigla itong napatayo dahilan upang mahulog ang kumot na nakatakip dito.
"What the.." halos hindi na nagawang ituloy ni Patty ang sasabihin. It's obvious. Kahit sinong makakita sa kanila ay malalaman kung ano talaga ang nangyari.
"P-patty." mabilis na ibinalabal ni Derrick sa katawan ang kumot. Hahawakan sana nito ang kamay ni Patty ngunit iwinasiwas ito ni Patty sa pag - iwas at wari'y ayaw magpahawak kay Derick.
"Don't ever come near me again! Ever! You asshole!" iyon lang at mabilis na umalis si Patty sa silid.
"Sh*t!" she heard him curse. Hinawakan niya sa balikat si Derick. Mabilis nitong ipiniksi ang sarili at matalim na tumingin sa kanya.
"You disappointed me Venice. What happened to that sweet and innocent Venice I know. I thought you're my friend. How did you come this far? You deliberately did it. You scheming b*tch!"
Tumalikod ito sa kanya upang pulutin ang mga nagkalat na damit sa sahig. Mabilis itong nagbihis, kinuha ang susi sa side table and slammed the door. Nakakabingi. Ngunit mas nakakabingi marahil ang lakas ng tibok ng kanyang puso.The moment he closed the door and left, hindi lang katawan ni Venice ang nasasaktan. Her body's sore ngunit maging ang puso niya ay nasasaktan.Hindi niya magawang kumilos kahit utusan ng isip niya ang sariling kumilos at bumangon na. Wari'y namamanhid ang buong katawan niya, ang buong pagkatao niya. Pakiramdam niya'y durog na durog na siya. Sobrang sakit na. Anong mali sa kanya? Bakit ayaw pa rin ni Derick sa kanya?
Si Patty pa rin hanggang sa huli. Si Patty pa rin nagma may - ari ng puso ni Derick.
"Sigurado ka na ba talaga sa plano mong iyan, Vee?" Kung ilang beses na itinanong sa kanya ni Sky ang mga bagay na iyon ay hindi na niya mawari. Kasalukuyan silang nasa kuwarto kung saan siya naka - confine. Si Sky ang naisip niyang tawagan at agad na rumesponde sa kanya. Agad itong nagtungo sa ospital na kinaroroonan niya. Kaunting sugat lang ang tinamo niya mula sa aksidente. Mabuti na lang at nagawa pa niyang maibaling ang sasakyan, bumangga siya sa concrete barrier ngunit hindi napuruhan ng trak. "Napag - isipan ko na itong mabuti, Sky. Hindi na mababago pa ang desisyon ko. I should set Derick free. Isa akong malaking balakid sa kanila ni Patty. I was so mean when I plotted to get Derick. Wala akong dapat ipaglaban. Hindi siya kailanman naging akin, in the first place." malungkot na tugon niya ka
“Derick, wala ka na naman sa sarili mo. You spent one hour in reading or should I say staring on a certain page.” Mula sa pagkakatungo sa papeles na binabasa ay napatunghay si Derick sa nagsalita. It was Wayde. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. “Sa lahat ng bagong kasal, ikaw lang yata ang nakita kong nagkakaganyan. Dude, you were supposed to be in your house. It’s your honeymoon stage. Hindi mo dapat isiset aside ang family mo. Ang trabaho, nandiyan lang yan, ang family, kapag pinabayaan mo, hindi mo na namamalayan, unti – unti na palang nawawala sa’yo.” Wayde's words strike straight into his heart like a dagger. Ibinaba niya ang binabasang mga papeles nang hindi inaalis ang mga mata sa kaibigan. Ang totoo, isa s
Haggardo Versoza ang peg ng bride - to - be. Kahit sabihin pang mayroon naman silang wedding coordinator, mas pinili ni Venice na maging hands on sa kanilang kasal. Minsan lang ikakasal ang isang babae kung kaya't gusto niyang maging memorable iyon sa kanya. Ginampanan niyang lahat mula sa pagbusisi sa tema ng kasal, she wanted the event to be solemn, sa pagpapagawa ng invitations, souvenirs, tokens o give - aways, sa receptions, foods and up to sponsors attire. Sa lahat ng iyon, puro pag sang - ayon na lang ang nakuha niya from Derick. He never suggested anything. Dapat ay nagsasaya na siya ngunit mas higit ang pagkalito. Something happened to them, yes. Pero duda siyang sapat na iyon upang makuha niya ang pagmamahal ni Derick. For past years, naramdaman niya ang pagmamahal sa kanya ni Derick. But that was platonic. Noong nakaraang gabi,
Venice was confused. Naroon na siya na mahal niya si Derick. Ngunit ang bagay na hindi niya matanggap ay ang ideyang pakakasal lang ito for the sake of their child. Nahahati siya sa ideya na baka hindi mag work ang kanilang marriage life at ang anak nila ang magsuffer o subukan niyang gawin ang lahat upang mapaibig niya, makuha niya ang kalooban ng binata once na kasal na sila.'Even though there is no us,I'm doing this to give my child a family. No more, no less.'Ayon sa ipinadalang mensahe sa kanya ni Derick.Ouch! Ang sakit sa puso teh. Kulang na lang, isampal nito sa kanya ang katotohanang wala siyang aasahan dito.Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch. It's 7:25 and yet nandito pa rin siya sa kanyang opisina. Siya na lamang ang naiwan sa lugar since 6:00 pa lang sarado na talaga ang shop. Around 7 naman usually ay nakauwi na lahat ng kanyang mga s
"Anak, okay ka lang ba? Parang namamayat ka yata." puna ng kanyang ina sa harap ng hapag kainan isang umaga nang sa mansiyon sya umuwi."I agree anak. Baka naman hindi ka kumakain nang maayos sa condo mo anak. Why not stay here para masubaybayan at maalagaan ka namin nang mabuti." anang kanyang ama. She felt exhausted mentally and physically. Napuyat siya sa kaiisip sa sitwasyon nila ni Derick."I'm okay Mom, Dad. Medyo napagod lang po sa pag aasikaso sa bagong branch ng D' Flavors. Pero since stable na po ang operasyon, I entrusted everything to Carlo na po." Si Carlo ang inatasan niyang Branch Manager sa Batangas since matagal na rin niya itong empleyado sa Main Branch at subok na mapapagkatiwalaan. Inabot niya ang pagkain pero pakiramdam niya ay hinahalukay ang sikmura niya nang makaamoy ng hindi ka
Venice waited for Derick. Umasa siyang babalik ito upang makipag usap sa kanya. But he did not come back. Assuming lang siya. Ang akala niya babalik si Derick para makapag - usap sila nang maayos kapag hindi na ito galit. Noong araw na iyon umiyak lang siya nang umiyak maghapon. She felt so helpless.B*tch na kung b*tch. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan upang hindi matuloy ang kasal nina Patty at Derick. Ngunit ang kapalit nito ay ang tikisin siya ng binata.Dati - rati, he always check on her lalo na kapag alam nitong mayroon siyang dinaramdam. And as to her condition right now, maiku consider na rin siyang may sakit.Pero it's been two days already since he left. Hanggang ngayon ni anino ng binata ay hindi nagpapakita sa kanya. He never text