All Chapters of Her Unexpected Marriage: Chapter 61 - Chapter 70
132 Chapters
Kabanata 44: The Unexpected Interview (Part 2)
"YEAH! Miles Virgilio, right? You're still the same person I knew."   Nakaramdam ako ng inis kay Roven. Umaakto siyang parang walang nangyari sa nakaraan namin. Ngumisi ako. "You're wrong, Ro—Sir Tuaris, I'm not the old Miles that you knew," madiin kong sabi.   Ngumiti siya at marahang yumuko saglit. "Ok, sabi mo, eh." Humarap muli siya kay Sir Troy. "Let's go to our mini bar here in our company. Alam kong gutom na rin kayo so, dinner muna tayo before we're going to talk some serious matters," dagdag pa niya na hindi man lang apektado sa sinabi ko.   Mayamaya pa'y bumalik ang babaeng sumalubong sa amin. "Hello, Sir the dinner is ready," anunsyo nito.   "Ok, thanks," kaswal na sagot ni Roven.   Ibang-iba na siya sa Roven na kilala ko noon. Napaka elegante na niyang tingnan, mula sa suot niya hanggang sa pananalita. Totoo ngang malayo na ang narating niya.   Hi
Read more
Kabanata 45: The Unexpected Friend
HINDI KO na hinintay pa si Sir Troy nang makalabas ako ng silid na iyon kung saan kasama ko si Roven. Lumabas ako ng gusali at sumakay sa Taxi patungo sa lugar kung saan kailangan kong mailabas ang nararamdaman kong sakit ng nakaraan. Hindi ko pa rin magawang alisin ang sakit kahit gusto kong piliting kalimutan iyon. Bakit kailangan pa niyang bumalik para guluhin muli ang puso at isip ko? Bakit kung kailan utay-utay ko nang natatanggap ang nakaraan saka siya babalik sa buhay ko para ipaalala ulit iyon. Bumaba ako sa isang Bar malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Tiningnan ko ang wristwatch na suot ko at napagtantong pasado alas-diyes na pala ng gabi at wala akong pakialam sa oras, basta ang alam ko kailangan kong uminom para kahit pa paano makalimutan ko ang sakit at malibang ang sarili ko. Pumasok ako sa maingay na silid. Nanunuot sa tainga ko ang malakas na tugtog na nagiging dahilan para mapapikit ako. Kita ko
Read more
Kabanata 46: The Unexpected
NAPANGIWI ako at nasapo ang ulo nang imulat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko at ang bahagyang pagkahilo. Ang bigat din ng katawan ko at tila nanunuyo ang lalamunan mo dahil sa uhaw. Marahan kong inalis ang kumot sa katawan ko habang sapo ng kaliwang kamay ko ang sentido ko dahil kumikirot iyon. Tumihaya ako at muling pumikit. Pakiramdam ko hindi ko kayang bumangon dahil sa panghihina ng katawan ko. Napansin ko namang hindi pa rin nagbago ang suot ko. Pilit kong inalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Nalasing na naman ako at hindi ko na naman maalala ang lahat ng naganap. Ang huling naalala ko, lumabas kami ng bar habang isinisigaw ko ang pangalan ni Roven. Pagewang-gewang pa ko habang inaalalayan ni Melissa at Andrea. Mariin akong napapikit at natampal ng marahan ang noo ko. Ano na naman bang pinagagawa mo, Miles? Hindi ko na naman nakontrol ang sarili ko sa pag-inom. Nagmulat ako at humarap sa
Read more
Kabanata 47: The Unexpected Truth
HINDI AKO mapakali habang nakahiga sa kama ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Roven at ang kakaibang inaakto sa akin ni Zandy. Naguguluhan ako sa kaniya habang gumugulo rin sa isip ko si Roven. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Roven na hindi siya bakla o bi o kung anumang tawag doon. Hindi ko rin maiwasang isipin ang sinabi niyang hindi totoo ang nakita ko no'ng araw na iyon. Bumalik din sa isip ko ang sinabi ni Zandy sa akin noon na mali ako sa nakita ko at namis-interpret ko lang iyon. Kung ganoon, ano pa lang ibig sabihin ng eksenang nakita ko no'ng araw na iyon? Naguguluhan ako at hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. Ang nakita ko ba o si Zandy at Roven? Bumuntong-hininga ako. Pumikit ako at pinilig ang ulo ko para alisin sa isip ko ang lahat ng isipin na iyon. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa nangyayari. Mas lalong nagiging komplikado sa akin a
Read more
Kabanata 48: The Unexpected
MAAGA akong umalis ng bahay para pumunta kila Mama at Papa bago pumasok sa trabaho. Pakiramdam ko, kailangan ko ng yakap nila. Kailangan ko ng comfort mula sa pamilya ko dahil sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga nalaman ko. Pakiramdam ko, trinaydor ako ni Roven at Zandy. Nang makapasok ako sa bahay, agad kong niyakap si Mama na sumalubong sa akin. Nakita ko pa ang gulat sa kaniya nang makita ako roon. Alam kong nagtataka siya sa naging akto ko pero wala na akong pakialam. Ang kailangan ko, kayakap at comfort na mula sa kanila, kahit alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon, may sama ako ng loob sa kanila. "Oh! Miles? Bakit, ano'ng nangyari? Ok ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Mama. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya at hindi umimik. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang lahat at kung paano ko sasabihin sa kanila iyon dahil ang alam nila, sa isang babae ako ipin
Read more
Kabanata 49: The Unexpected Girl (Part 1)
HABANG abala ako sa pagtipa sa monitor ko, bahagya akong nagulat nang lumapit sa akin si Melissa at Andrea. Napakunot ang noo ko. "Hindi ba kayo busy?" tanong ko dahil para bang wala silang ginagawa at may oras pang makipagkwentuhan sa akin. "Alam mo bang nag-effort si Zandy na sunduin ka sa bar nang nagdaang gabi?" agad na sabi ni Melissa. "Nagtataka lang ako kung bakit parang sobrang concern niya sa 'yo that time," mahinang aniya. Kumunot ang noo ko. So, si Zandy pala ang nag-uwi sa akin nang nagdaang gabi. Hindi ko alam pero may kung anong lumitaw sa loob ko dahil sa narinig ko. "May nararamdaman akong kakaiba kay Zandy ng gabing iyon. Sobrang nag-aalala siya sa iyo na para bang tunay na asawa," segunda naman ni Andrea. Nagkunyari akong hindi apektado sa sinasabi nila. Humarap muli ako sa monitor at nagsimulang magtipa. "Ano ba kayo, he was just concerned kasi nga magkasama ka
Read more
Kabanata 49: The Unexpected Girl (Part2)
"ALAM niyo bang may cute athlete ang kumuha ng number ko habang kumukuha ako ng coverage sa Olympics," excited at natutuwang sabi ni Andrea habang palabas kami ng gusali. Abala kasi si Andrea sa coverage ng Olympics sa Pilipinas na ipi-feature ng publication. "Wee? Cute ba talaga, Andrea o baka naman cute lang kasi masyadong mababa ang standard mo," natatawang sabi ni Melissa. "Grabi ka sa akin, Melissa, huh! Hindi mababa ang standard ko, I just appreciated his look," paliwanag ni Andrea. "Isa pa, he's cute naman talaga lalo na kapag naglalaro siya ng badminton at pumapalo ng bola." Halata pa ang kilig sa hitsura ni Andrea. "Naku! Humanap na lang kayo ng pangit at siguradong hindi kayo ipagpapalit," bitter na sagot ko. "Iba na ngayon ang panahon, Miles pangit ka man o hindi, pareho nang manloloku, 'di ba, Chad?" seryoso namang sabi ni Melissa na akala mo'y may pinagdadaanan. "Huh
Read more
Kabanata 50: The Unexpected Sandwich
HINDI KO alam pero bigla ko na namang naramdaman ang guilt sa akin dahil sa sinabi ko kay Zandy no'ng nakaraang araw. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang konsensiya at ang tila pagkadismaya sa mukha niya nang araw na iyon. Naramdaman ko rin na para bang iniiwasan niya ako. Ni hindi niya ako tinitingnan o kinakausap man lang. Pakiramdam ko rin, ako na ngayon ang may kasalanan sa kaniya na dapat kong ihingi ng sorry kahit pilit kong iniisip na siya ang may kasalanan sa akin. Gumugulo rin sa isip ko si Beverly. Gusto kong tanungin si Zandy tungkol rito pero pakiramdam ko, wala ako sa lugar para magtanong. Mula sa pinto ng silid ko, nakita ko si Zandy sa terrace habang nakaharap sa laptop niya habang nagkakape. Ilang araw na siyang abala sa kung anuman ang ginagawa niya. Napanguso ako. May bumubulong sa akin na lapitan ko siya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Suminghap ako at nagpasiyang bumaba na lang. Dahil maaaga pa at w
Read more
[Special Chapter 1]
Zandy's POV [When Zandy's Parent Told Him About the Arrange Marriage] MATAPOS KONG iparada ang sasakyan sa garage, mabilis akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay. I'm busy planning for my restaurant when my Mother called me dahil may sasabihin daw sila sa akin. Lingid sa kaalaman nila ang plano kong pagtatayo ng restaurant dahil alam kong hahadlangan nila ako. Nagtapos ako sa kursong may kinalaman sa negosyo pero it doesn't mean that I'm into business, specially sa kompanya na mayroon ang pamilya ko. We own a big and successful gaming company na ipinipilit sa akin ng mga magulang ko na i-manage at my young age pero alam kong hindi ko gusto ang linyang iyon. Pero dahil nag-iisa akong anak at wala silang ibang pag-iiwanan ng kompanya, kailangan kong pag-aralan ang pagpapatakbo niyon. But I can't deny my love for food, I love the smell of each dishes at gusto kong magluto. Nadatnan ko si Mama at Papa
Read more
Kabanata 51: The Unexpected (Part 1)
KINAUMAGAHAN, nagulat na lang kami ni Zandy nang magkasunod na dumating sa bahay ang mga magulang naming dalawa. Naunang dumating si Tito Andrew at Tita Mandy at ilang minuto pa, dumating naman si Mama at Papa. "How are you, hija?" magiliw na tanong ni Tita Mandy sa akin habang magkatabi kami ni Zandy sa mahabang sofa. Nasa isahang sofa naman si Mama at Papa at sa isang dalawang sofa ang mag-asawang Tita Mandy at Tito Andrew na kapwa katapat namin. Ngumiti ako. "I'm fine, Ti—'Ma," nahihiya kong sagot dahil muntik ko na naman siyang tawging Tita. Hindi ko rin alam kung ano'ng pang sasabihin ko. Bigla akong na-tense at kinabahan. Nakangiti lang si Tita Mandy at Mama, samantalang seryoso lang ang dalawang lalaki sa mga tabi nila. "I'm glad to hear that, hija. I'm sorry, ngayon lang ulit kami nakabisita, masyado lang kaming busy sa negosyo at sa iba't ibang a business meeting," paliwanag ni Tita Mandy. "Ikaw, Zandy kumusta ka na? How's your back? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" ani n
Read more
PREV
1
...
56789
...
14
DMCA.com Protection Status