All Chapters of Marriage Under Pressure (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20
94 Chapters
Chapter 10: Puzzles
NANG maiklaro na ni Stefan kung sino at ano si Eunice sa pamamahay na iyon ay iniwan niya ito sa kusina para bumalik sa sala. Nagpakawala nang isang malalim na pagbuga si Eunice nang sandaling mag-isa na lamang ito sa kusina. Biglang nanariwa sa kanyang isipan ang mga titig ni Stefan sa kanya kanina.“Anong ibig sabihin ng mga tingin na ‘yon?” tanong niya sa kanyang sarili na naguguluhan pa rin sa kanyang nakikita.Gustuhin niya mang malaman kung ano ang nangyayari sa sala ay minabuti niya na lamang na hindi makialam lalopa't usapang pamilya iyon. Kahit na sabi ni Stefan na isa na siyang miyembro ng Salvatore ay hindi niya gustong makisawsaw sa kung anong meron ang mga ito. Napagpasyahan na lamang ni Eunice na tumulong sa pag-aasikaso ng makakain sa kusina nang may magawa siya kaysa isipin niya nang isipin kung ano ang pinag-uusapan nina Stefan at ng kanyang mga lolo at lola.“Ma’am Eunice,” tawag ni Vicky sa dalaga dahilan pa
Read more
Chapter 11: Cat and Iñigo
LUMIPAS ang mga araw at hindi pinatahimik ng kuryusidad ang isipan ni Eunice—halos bawat sandali na wala siyang ginagawa ay binabagabag siya ng kanyang isipan.“Bakit iniiyakan ni Nanay si Sir Eduardo?”Isa iyon sa katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan lalo na nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki sa larawan na hawak-hawak ng ina niya nang gabing iyon. Maliban doon ay may higit na bumabagabag sa kanyang isipan.“Sino ang kausap ng nurse ni Lola Divina? At sino ang pinagbabalakan nila at ng taong kausap niya sa cellphone na papatayin?”Punong-puno ng katanungan ang isipan ni Eunice nang sandaling iyon. Gusto niya ng kasagutan ngunit hindi niya alam kung paano makukuha ang lahat ng iyon. Hindi niya p’wedeng tanungin ang kanyang ina kung bakit nito iniiyakan ang larawan ni Eduardo at mas lalong hindi niya p’wedeng tanungin ang nurse ni Doña Divina kung sino ang gusto nilang patayin ng taong kausap ni
Read more
Chapter 12: Reunion
WALANG MAPAGLAGYAN ang tuwa ni Eunice nang sandaling makita niya si Iñigo.“Iñigo!” masaya niyang tawag sa kababata.“Eunice!” At masayang sinalubong ni Iñigo ang kababata na ikinulong siya sa mga braso nito.“Andito ka na!” masayang saad ni Eunice na mas humigpit ang pagkakayakap kay Iñigo.“Nandito na ako,” nakangiting saad ni Iñigo at hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga.Ngunit nabasag ang sandali ng magkababata nang marinig nila ang boses ang ni Stefan at paghiwalayin sila nito sa kanilang pagkakayakap.“I understand how much you miss Eunice, but you don't have to hug her like that,” malamig na saad ni Stefan kay Iñigo habang binibigyan siya nito nang matalim at malalamig na titig.“Ano bang problema ng lalaking ito?” tanong ni Iñigo sa kanyang sarili habang nakikipagtitigan kay Stefan.“
Read more
Chapter 13: Wish Contract
“LOLA…” mahinang usal ni Eunice para patayin ang tensyon na bumabalot sa buong paligid.Napalingon naman si Doña Divina kay Eunice nang tawagin siya nito.“Bakit, Hija?” tanong nito.Pinagmasdan ni Eunice si Doña Divina at hinihintay kung may sasabihin ba ito sa kanya o wala. Inalis nito ang tingin sa kanya saka ngumiti dahilan para lalong kabahan si Eunice nang sandaling iyon.“Iniisip mo ba kung bakit hindi ako nagtatanong sa kung anong nangyayari kanina sainyo sa ibaba, tama ba?” tanong ni Doña Divina sabay tingin kay Eunice na may ngiti sa mga labi nito.Tumango si Eunice bilang tugon sa tanong nito.“Lumapit ka rito, Hija,” utos ni Doña Divina.Pinagmasdan ni Eunice ang kamay nito at nag-aalangang lumapit.“Hali ka rito,” pag-uulit na saad ng matanda.Sa huli, nag-aalangan man ay lumapit ito kay Doña Divina gaya ng
Read more
Chapter 14: Decisions
BUMALIK si Eunice sa k’warto nila ni Stefan matapos niyang mapakalma at mapatulog si Doña Divina.“Is she already sleeping?” tanong ni Stefan kay Eunice nang sandaling makapasok ito sa k’warto dahilan para mapalukso ito sa gulat.“Bakit gising ka pa?” gulat na tanong ni Eunice na nakahawak sa kanyang dibdib na ramdam ang pagkabog ng kanyang puso.“I’m waiting for you,” maikling sagot ni Stefan. “So, is she sleeping?” muling tanong nito.Tumango si Eunice. “Oo. Hinintay ko muna na makatulog si Lola bago ako umalis,” tugon nito.“What was it that took you so long to figure out? What did you two discuss?” sunod-sunod na tanong ni Stefan.Hindi nakaimik si Eunice at napalunok nang malalim.“Eunice,” muling tawag sa kanya ni Stefan.Pilit ni Eunice na ikinumpas ang kanyang sarili at umakto nang natural sa kabila ng kaban
Read more
Chapter 15: Truth & Trouble
KINABUKASAN,Inipon lahat ni Doña Divina lahat ng mga kasambahay sa hapag-kainan para ipakilala si Iñigo sa mga ito.“Ito pala ang anak ni Sandro—si Iñigo, ang bagong hardinerong mangangalaga ng mga halaman sa buong mansyon. Gusto ko maging mabuti at ituring niyong parang anak at kapatid niyo na rin ang batang ito, naiintindihan niyo ba?” tanong ni Doña Divina.“Makakaasa po kayo, Ma’am Divina.” Sabay-sabay na tugon ng mga kasambahay.“Mabuti naman kung ganoon,” nakangiting saad ni Doña Divina saka ibinaling ang tingin kay Iñigo. “Narinig mo ba iyon, Hijo? Kaya ‘wag kang mahihiya dito. Feel free to be at home, okay?”“Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap niyo sa akin, Ma’am Divina,” pagpapaslamat na sabi ni Iñigo. “At humihingi rin po ako ng despensa sa nangyaring ingay kagabi.” Dagdag nito at ibina
Read more
Chapter 16: Caught Off Guard
MABILIS na pumunta si Stefan sa ospital nang malaman niya ang nangyari kay Doña Divina.Pagkapasok niya ng ospital ay dali-dali siyang pumunta sa emergency room kung saan naroon ang kanyang lola. Pagkarating niy ay nakita niyang ni-re-revive ang kanyang lola gamit ang defibrillator dahilan para mas lalong makaramdam ng takot at kaba ang binata.“What happened?” tanong ni Stefan kay Eunice sa pagitan nang malalalim na paghinga nito kung saan ito nakatayo di-kalayuan sa kung saan naroon si Doña Divina.Ibinaling ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang kaliwa nang marinig niya ang boses ni Stefan. “Stefan,” sambit nito sa pangalan ng kanyang asawa na may labis na pag-aalala.“What happened to Lola?” muling tanong ni Stefan kay Eunice.“Nag-collapse si Lola,” mahinang sagot ni Eunice na bigla na lang nagbago ang itsura at namumutla nang sandaling iyon.Napansin naman ni Stefan na naro
Read more
Chapter 17: Guilt & Vow
NILAMON ng konsensya si Eunice matapos niya makita ang galit na ekspresyon ni Stefan.“Eunice,” mahinang sambit ni Iñigo sa pangalan ni Eunice dahilan para maibaling sa kanya ang atensyon nito.Nakita ni Eunice ang pumutok na labi ni Iñigo gusto niyang magalit dito dahil dito ay nasira ang lahat ang plano niya at ngayon ay galit na galit si Stefan sa kanya. Ngunit hindi niya magawang isisi ang lahat ng ito sa binata dahil alam niyang higit siyang may kasalanan kung bakit nasa kritikal na kalagayan ni Doña Divina.“Kasalanan ko ang lahat ng ito,” nanlulumong sabi ni Eunice na napayuko sa labis na konsensya na kanyang madmanmdaman.Hinawakan ni Iñigo ang kamay ni Eunice at hinimas iyon. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Eunice. Walang may gusto sa nangyari. Aksidente ang lahat na nangyari,” wika ni Iñigo.Napakuyom ng kamay si Eunice at napakagat sa kanyang labi. “Hindi, I&n
Read more
Chapter 18: Hatred
LUMIPAS ang mga araw at nanatili pa ring walang malay si Doña Divina at nanatili pa ring malamig ang pakikitungo ni Stefan kay Eunice. Hindi na sinubukan ni Eunice na magpaliwanag kay Stefan dahil alam niyang wala rin mangyayari lalo pa’t masama ang loob nito sa nangyari kay Doña Divina.Naging nakakailang ang katahimikan ang bumabalot sa kanilang dalawa sa tuwing nasa iisa silang lugar ngunit pinilit na lang ni Eunice na indahin ang sitwasyon. Nanatili rin ang kanyang distansya mula sa binata para iwasan ang mas nakakailang na hangin sa kanilang dalawa.Biglang tumunog ang cellphone ni Stefan dahilan para mapalingon si Eunice sa kinauupuan nito.“Hello?”Nakita ni Eunice ang biglang pagseryoso ng mukha nito habang nakikipag-usap.“May problema kayang nangyari?” mahinang tanong ni Eunice ang kanyang sarili habang nakatingin kay Stefan.Patuloy na pinagmasdan ni Eunice si Stefan hanggang sa nakita n
Read more
Chapter 19: Truth
ILANG ORAS na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik si Stefan magmula ng umalis ito sa ospital. Samantalang tahimik lang nagmamasid si Daisy at Eunice sa labas ng k’warto ni Doña Divina. “Lola, gumising ka na, please,” mahinang usal ni Eunice at nagpatuloy sa kanyang pagdadasal. Naputol ang pagdadasal ni Eunice nang biglang marinig niya ang sigaw ng isang nurse na papalapit kay Daisy. “Daisy! Daisy!” sigaw ng nurse na papalapit kay Daisy. Napatayo naman sa pagkakaupo si Daisy nang makalapit sa kanya ang nurse. “Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari?” nagtatakang tanong nito. “Ang mga magulang at kapatid mo—naaksidente!” wika nito sa pagitan nang paghinga. “Ano?” gulat na tanong ni Daisy. “Paano—Anong kalagayan nila?” natatarantang tanong nito. Hinawakan ng nurse ang kamay ni Daisy. “Mabuti pang tignan mo na lang ang nangyari sa kanila.” At hinila nito patakbo si Daisy papuntang ER dahilan para maiwang mag-isa si Eunice d
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status