All Chapters of The Impostor Wife: Chapter 61 - Chapter 70
118 Chapters
CHAPTER 61
       MAKALIPAS ang tatlong taon at ilang buwan…“Martin! Sandali! Makakalimutan mo na naman `tong baon mo!”Palabas na sana si Martin ng bahay nang marinig niya ang pagsigaw ng kaniyang nanay. Paglingon niya ay papalapit ito sa kaniya na dala ang lagayan ng baon niya sa trabaho. Agad niya iyong kinuha rito at nagpatuloy na sa pag-alis matapos na muling magpaalam sa kaniyang ina.Sa loob ng tatlong taon ay marami na rin ang nangyari ngunit ang puso at isip niya ay hindi pa rin tumitigil sa pag-asam na mahahanap pa rin nila si Milagros. Bagaman at tila huminto at sumuko na ang kapulisan sa paghahanap sa kaniyang asawa ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-asam na isang araw ay bigla na lang bubulaga si Milagros sa bahay nila. Hangga’t nararamdaman ng puso niya na buhay pa si Milagros ay hindi mapapatay ang pag-asa na meron siya.Sa loob ng tatlong taon ay wala
Read more
CHAPTER 62
       NAGTAASAN ang balahibo ni Valentina sa sobrang kilabot na naramdaman niya nang makita niya na kuhang-kuha ni Monica ang mukha ni Milagros. Maging ang kulay ng balat nito ay kagayang-kagaya sa babaeng iyon. Hindi tuloy nakakapagsisisi na naglabas siya ng ilang milyong piso para lamang makuha niya ang ganoong resulta.Sa labis na pagkamangha ay hindi niya napigilan ang sarili na lumapit sa anak at hawakan ang mukha nito. “Walang mag-aakala na hindi ikaw si Milagros!” bulalas niya.“Kamukha ko na ba talaga si Milagros, mama?” tanong ni Monica.Tumango siya habang nakanganga. “O-oo! Ikaw na ikaw siya!” Dumako ang tingin niya kay Dr. Perez. “Great job, Dr. Perez! Pinahanga mo ako at ng team na kinuha mo para magaya ang mukha ni Milagros. Dahil diyan ay bibigyan ko kayo ng malaking bonus!”“My pleasure, madam! Hayaan mo at makakarating ang mga sinabi mo sa
Read more
CHAPTER 63
       “MILAGROS!”Umiiyak na sigaw ni Martha nang mapagtanto niya na si Milagros nga talaga ang babaeng papalapit sa kaniya. Hindi na siya makapaghintay na makalapit ito sa kaniya kaya tumakbo na siya papunta rito at sinalubong ito ng isang mahigpit na yakap na puno ng pagkasabik. Nang mayakap niya ito at gumanti ito ng yakap ay doon niya nasabi na hindi siya nananaginip o hindi iyon isang imahinasyon.Totoo. Totoong-totoo na si Milagros nga ang babaeng iyon.Pakiramdam niya ay nananaginip siya ng sandaling iyon at anumang oras ay magigising siya. Kumalas si Martha sa pagkakayakap sa anak at pinagmasdan ito sa mukha habang hawak pa rin niya ang dalawa nitong kamay. “Diyos ko! Ikaw nga! Anak! Salamat sa Diyos at umuwi ka na!” Walang tigil ang pag-agos ng luha niya.“N-nanay Martha?” Parang hindi pa sigurado si Milagros nang tawagin siya. Hindi niya rin nakikita sa mata nito
Read more
CHAPTER 64
       MABILIS na kumalat na parang tsismis ang muling pagbabalik ni Milagros sa bayan ng Plaridel. May ilang tao pa nga ang personal na nagpunta sa bahay nito upang malaman kung totoo nga ang balita. Ilang araw na mukha ni Milagros ang laman ng telebisyo dahil halos lahat ng TV network ay nais itong ma-interview sa kung ano ba talaga ang nangyari at dahilan kung bakit mahigit tatlong taon itong hindi nagpakita.Nalaman ng lahat ng naaksidente at na-comatose si Milagros at nakabalik lang ito sa pamilya nito nang magising na ito. Maging ang taong nakabangga kay Milagros ay lumitaw at nagpa-interwiew rin upang patunayan ang mga sinabi ni Milagros.Isa sa hindi malilimutang pahayag ni Milagros ay nang sabihin nito na sa kabila ng pagkidnap ni Monica sa kaniya ay naging maganda pa rin ang pagtrato nito sa kaniya at hindi siya nito sinaktan. Sa katunayan pa nga ay pinakawalan siya nito upang makabalik sa kaniyang pamilya at asaw
Read more
CHAPTER 65
       PANGALAWANG beses nang nakatanggap si Monica ng halik mula kay Martin para sa araw na iyon at nahulaan niya na parang papunta sa ibang bagay ang pangalawang halik na iyon. Mas mapusok at mas maharot. Maging ang dila ng lalaki ay ginagamit na rin nito upang hagurin ang kaniyang labi at tinutudyo nito ang dila niya na para bang nais nitong makipag-iskrimahan.Maya maya pa ay naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng kamay ni Martin sa likod niya at bumaba iyon sa puwitan niya. Kinabig siya nito upang magdikit ang kanilang mga katawan. Mainit ang katawan ni Martin na para bang anumang sandali ay magliliyab na ito.Monica, tumigil ka. Pigilan mo siya! Wala ito sa plano mo na magpapa-angkin ka sa asawa ni Milagros! Tili ng utak niya.Ngunit sadyang nakakadala ang halik at maging ang haplos ni Martin kaya kahit pinaalalahanan na niya ang sarili ay mas gusto pa niyang namnamin ang ginagawa ng lalaki sa kaniy
Read more
CHAPTER 66
       “MAG-IINGAT ka dito, ha. Kapag may kailangan ka o merong problema ay magtext ka agad sa akin. Kung pwede nga lang na huwag na akong magtrabaho para bente-kwatro oras kitang kasama ay ginawa ko na…”Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Monica sa sinabi ni Martin nang nasa tapat na sila ng pintuan ng kanilang bahay. Umaga na at sa oras na iyon ay paalis na si Martin upang pumasok sa trabaho. Sa Montealta Beach Resort and Hotel ito nagtatrabaho. Kagabi lang nito iyon sinabi.Sa pagkakaalam niya ay doon dati nagtrabaho si Milagros at siya ang nagmamay-ari no’n. Ayon kay Valentina ay siya ang dating may-ari no'n ngunit simula nang inakala ng lahat na patay na siya ay nalipat na ang buong pagmamay-ari niyon sa business partner niyang si Ambrose Walters. Pagkadinig niya noon sa pangalan ni Ambrose ay may pumitik sa isip niya na parang marami silang alaala ng naturang lalaki. Ang sabi ni Val
Read more
CHAPTER 67
       HINDI na namalayan ni Monica na masyado na siyang napalayo sa may security guard kaya nang paglingon niya sa likuran ay hindi na niya alam kung paano pa siya makakabalik sa may entrance ng beach resort. Napunta na siya sa mismong beach dahil buhangin na ang kaniyang nilalakaran at nasa harapan na niya ang asul at napakalinaw na dagat. May ilang nagsu-swimming at may iba na nagsasagawa ng iba’t ibang water activities na meron ang resort.Siguro noong si Monica pa siya ay grabe ang pagmamahal niya sa beach resort na iyon dahil nararamdaman niya sa puso niya ang pagkagusto niya sa dagat. Lalo na ang mabining paghampas ng alon sa dalampasigan—ang sarap pakinggan ng tunog no’n. Nakakalma ng puso. Nakaka-relax nang sobra.Ipinikit pa niya ang mga mata upang namnamin ang masarap na hangin mula sa dagat. “Ang sarap…” Bulong ni Monica.Maya maya ay nagmulat na siya dahil tila napapa
Read more
CHAPTER 68
       “PASENSIYA ka na nga pala kanina kung medyo hindi naging maganda ang mga nasabi ko sa iyo. Nag-alala lang kasi ako na baka kung ano na naman ang mangyari sa iyo. Natatakot na akong maulit na mawala ka ulit nang matagal,” turan ni Martin kay Milagros habang naghahapunan sila.Adobong baboy na may itlog ang ulam nila ng gabing iyon. Si Milagros ang nagluto. Kahit na matagal itong nawala ay hindi pa rin nagbago ang lasa ng luto nito. Marahil ay may mga bagay talaga na kahit matagal na nawala ay ganoon pa rin kapag nagbalik at mananatili pa rin hanggang sa katapusan. Kagaya ng pagmamahal niya sa kaniyang asawa.“Wala `yon. Naiintindihan kita. Kasalanan ko rin kasi umalis ako na dapat ay hindi. Salamat sa pag-aalala mo.” Matapos magsalita ni Milagros ay tumitig ito sa kaniya na tila meron pa itong nais na sabihin. “May itatanong ako. Boyfriend ba talaga ni Sir Ambrose si Monica?”
Read more
CHAPTER 69
       TUMIIM ang bagang ni Valentina matapos ang pag-uusap nila ni Monica. Nangangamba siya na baka ngayong alam na nito na meron itong nobyo noon ay maging mabilis na ang pagbalik ng memoryang nawala rito. Malaking bahagi ng buhay ng anak niya si Ambrose at napakaraming alaala na meron ito na kasama ang lalaking iyon. Kaya iniiwasan niya talagang malaman ni Monica kung sino talaga si Ambrose sa buhay nito.Paano kung hindi pa iyon ang maging huling pagkikita ng dalawa? Paano kung ma-curious si Monica at patuloy itong makipagkita kay Ambrose at tuluyan na nitong maalala ang lahat? Paniguradong magwawala ito at isusumpa siya kapag nalaman nito ang mga pinagawa niya rito.Gusto na niyang matapos nang maaga ang pagpapanggap ni Monica bilang si Milagros. Kailangan na niyang planuhin ang pag-exit nito sa buhay ng mga taong nakapaligid kay Milagros bago mahuli ang lahat. Ngunit paano nga ba ang gagawin niya? Alam niya na ang gag
Read more
CHAPTER 70
       “WOW! Ang akala ko ay doon pa rin ikaw nakatira sa bahay ng nanay ni Martin. Hindi ko in-expect na may sarili na pala kayong bahay ng hubby mo!” Humahanga na sambit ni Apple nang nasa loob na ito ng bahay ni Martin.Hindi napigilan ni Monica ang mapangiti sa pagkamangha nito. “Kahit ako ay hindi ko inasahan na may bahay na pala kami pagbalik ko. Ang sabi ni Martin, habang wala ako ay nag-ipon siya ng pera at unti-unti niyang ipinatayo ang bahay na ito. Naniniwala kasi siya na babalik ako. Para kapag bumalik na ako ay meron na kaming sariling bahay. Meron na kaming privacy,” sagot niya.Sinundot ni Apple ang tagiliran niya at bahagya siyang napaigtad. “Sabagay! Hindi kayo makakabuo ng baby kung may iba kayong kasama sa bahay. Atleast dito ay kayong dalawa lang, `di ba? Anytime, anywhere!” Humagikhik ito na akala mo ay kinikiliti ang singit.Namula ang buong mukha ni Monica na
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status