All Chapters of The Impostor Wife: Chapter 81 - Chapter 90
118 Chapters
CHAPTER 81
       “WALA pala akong pasok ngayon dahil may pupuntahan si Sir Ambrose. Pero mamaya ay pupunta ako sa bahay ni Apple. Ibibigay niya iyong cellphone ko.”Kumunot ang noo ni Martin habang nag-aalmusal sila ni Milagros. “Cellphone? Ipinahiram mo kay Apple ang cellphone mo?” tanong niya.“Hindi. Ang sabi niya sa akin ay may inilagay akong cellphone sa uniform niya noong nasa resort pa kami. Hindi na niya naibalik sa akin kasi nawala na ako. Ang totoo nga niyan, hindi ko na maalala ang pangyayaring iyon sa sobrang tagal. Pero kukunin ko na rin kasi gumagana pa rin naman daw iyong cellphone. Sayang. Baka pwede pang magamit o kaya ay ma-save iyong mga picture na naroon,” tugon nito.Sandaling natigilan si Martin dahil meron siyang naalala. Iyong may mga lalaking pumasok sa bahay ng mga magulang niya at may hinahanap na cellphone. Hindi kaya ang cellphone na iyon ang hinahanap ng mga lal
Read more
CHAPTER 82
       NAGHANAP agad ng cellphone repair shop si Monica pagkadating niya sa bayan. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap dahil may napuntahan siyang lugar doon na magkakalapit ang mga ganoong shop. Sinabi niya sa lalaking nag-aayos ng cellphone na kailangan niyang mabuhay ang cellphone at baka battery lamang ang problema. Tiningnan iyon ng nag-aayos at pinalitan ng bagong battery. Nagbayad na siya at umalis nang maayos ang cellphone ni Milagros.Nagpunta muna siya sa isang fastfood restaurant hindi para kumain kundi para i-check ang cellphone ni Milagros at kung ano ba ang meron doon kung bakit gusto iyong makuha ni Valentina.Ang una niyang tiningnan ay ang files na nasa cellphone. May mga picture sina Milagros at Martin. Naroon din si Apple. Hanggang sa isang video ang nakita niya. Iyon ang nag-iisang video na meron ang cellphone. Hindi niya alam kung bakit may kaba siyang naramdaman nang sinimulan niyang panoorin ang
Read more
CHAPTER 83
       NAGAWANG buksan ni Valentina ng walang kahirap-hirap ang cellphone ni Milagros dahil wala iyong password. Agad niyang tiningnan ang lahat ng naka-save na files at wala siyang nakita kundi puro pictures nito at ng asawa nitong si Martin. Di-nouble check pa niya at baka meron siyang hindi nakita ngunit wala talaga. Walang video o voice recording ng naging pag-uusap niya at ng tauhan niya doon sa labas ng opisina ni Monica.Kung ganoon ay wala naman pala talaga siyang dapat na ikatakot sa Milagros na iyon. Nagsasabi pala talaga ito ng totoo na wala itong hawak na ebidensiya laban sa kaniya. Pero atleast ngayon ay nakasiguro na siya at makakahinga na siya nang maluwag. Hindi na siya mapa-paranoid at tuluyan na siyang makakatulog ng mahimbing sa gabi.Payapa ang kalooban ni Valentina nang humiga siya. Pipikit na sana siya upang matulog nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Ayaw niya sanang kunin iyon
Read more
CHAPTER 84
       LAKING gulat ni Monica nang pagpasok niya sa opisina ay sinalubong siya ni Ambrose ng isang mahigpit na yakap. Naririnig niya ang pagsinghot nito at ang mahihinang hikbi ng kaniyang boss. Sa kaniyang pagtataka ay hindi muna siya nakagalaw at hindi niya rin naman alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Yayakapin niya rin ba ito? Ang hula niya ay may malaking problema si Ambrose kaya parang naghahanap ito ng comfort at nagkataon na siya ang naroon.Sinamantala ni Monica ang moment na nakayakap sa kaniya si Ambrose. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may makakapa ba siyang pag-ibig sa kaniyang puso ngunit kagaya ng dati ay wala talaga. Hindi apektado ang puso niya sa yakap na iyon ni Ambrose.Nang tumagal na nang halos isang minuto na nakayakap si Ambrose ay doon na nagsalita si Monica. “S-sir? May problema po ba kayo?” tanong niya na sinundan niya ng mahinang tapik sa likod ng lalaki.“I am so
Read more
CHAPTER 85
  HINDI pa rin makapaniwala si Ambrose na totoo ang sinabi ng estrangherong lalaki na buhay pa si Monica at ang talagang nagpa-alog sa mundo niya ay nang makumpirma niyang si Milagros pala ay si Monica. Hindi siya nagsisisi na nagbigay siya rito ng ganoong kalaking halaga ng pera.Kasalukuyan siyang nasa mini bar sa kaniyang bahay at umiinom ng brandy. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya makakatulog dahil sa kaniyang natuklasan sa araw na iyon. Kailangan niya ang tulong ng alak upang siya ay antukin at makatulog.Hindi mawala sa isip niya ang mga nangyari kay Monica. Mula sa pagkasunog ng buong katawan nito sa sasakyan at pagpapagaling nito upang sumailalim na ito sa isang malaking operasyon at iyon ay ang gawin itong si Milagros.Ngunit may isang bagay na ipinagtataka si Ambrose at iyon ay kung bakit parang hindi na niya nararamdaman kay Monica ang masidhing pag-ibig na meron siya para rito. Oo, masaya siya na buhay pa si Monica pero na
Read more
CHAPTER 86
       CONFIRMED. Buntis si Monica. Nakumpirma nila ni Martin na nagdadalang-tao siya matapos siyang samahan nito na magpa-check up sa malapit na ospital. Hindi niya akalain na sa isang beses nilang pagsiping ni Martin ay makakabuo agad sila ng isang buhay sa kaniyang sinapupunan. Ang bagay na iyon ay wala sa plano niya o nila ni Valentina kaya nagtatalo ang emosyon na kaniyang nararamdaman. Magiging masaya ba siya o malulungkot?Paano pa siya nito makakawala kay Martin kung meron nang mas magpapatatag ng kanilang pagsasama? O baka isa na iyong senyales na kailangan na niyang tanggapin at yakapin ng tuluyan ang pagkatao ni Milagros hanggang sa huli niyang hininga. Ngunit kung ganoon ang mangyayari ay paano si Ambrose? Ito ang totoo niyang kasintahan kaya ito ang dapat na kasama niya habangbuhay kung sakali at hindi si Martin.Makakaya ba ng konsensiya niya na may masasaktan ng dahil sa kaniya?“Gusto mo bang du
Read more
CHAPTER 87
       HABANG papalapit ang oras ng pagtapos ng oras ng trabaho ni Monica ay patindi nang patindi ang kabang kaniyang nararamdaman. Kung dati ay excited siya palaging makauwi dahil alam niyang magkakasama at makikita na niya ulit si Martin ngunit iba ng araw na iyon. Ganoon ang nararamdaman niya dahil mamaya ay makikipagkita siya kay Valentina.Kung noong una ay ito ang tanging nakikita niyang kakampi, ngayon ay hindi na. Noong nagsimula na makaramdam siya ng takot kay Valentina ay tumindi iyon habang nakikita niya ito at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa sarili niyang ina. Tapos ang sabi pa sa kaniya ni Ambrose ay matapang siya pero bakit hindi niya nakikita ang katapangan na iyon ngayon sa kaniya?Dumagdag pa sa takot niya ay nang malaman niya na malaki ang kinalaman ni Valentina sa isang business na illegal. Paulit-ulit niyang pinanood iyong video nito na dating nasa cellphone ni Milagros
Read more
CHAPTER 88
       WALANG kahirap-hirap na nagawang makapasok ni Rico sa bahay ni Valentina. Pinatuloy siya ng isang kasambahay dahil sa driver siya ng amo nito. Tinanong niya ang kasambahay kung naroon si Valentina at ayon dito ay kanina pa ito nasa kwarto. Tamang-tama pala talaga ang pagpunta niya sa bahay na iyon ng ganoong oras.Naisip niya kasi na iyon na ang tamang oras upang magkaharap sila ni Valentina at magatasan niya ito ng pera kagaya ng ginawa niya kay Ambrose. Sinabi niya noon kay Valentina na pagkatapos ng bakasyon nila ng pamilya niya sa Palawan ay kakausapin na niya ito pero hindi iyon nangyari dahil masyado siyang naaliw sa paggastos ng perang meron siya.Talaga nga palang napakasarap sa pakiramdam kapag marami kang pera. Lahat ay pwede mong gawin. Lahat ay mabibili mo at lahat ay mapupuntahan mo. Nakakabaliw ang pera. Naiintindihan na niya si Valentina kung bakit kahit mayaman na ito ay hindi pa rin ito humihinto sa
Read more
CHAPTER 89
       MATIIM na tiningnan ni Valentina si Rico. Sa loob ng utak niya ay pinapatay na niya ito. Ang pagkatiwalaan si Rico ang isa sa pinaka malaking pagkakamali na kaniyang nagawa. Masyado siyang nagpadala sa matatamis nitong salita na ang totoo ay mapait at isa palang lason na maaaring pumatay sa kaniya.“Ang kapal ng mukha mo, Rico! Kayo talagang mahihirap, masyado kayong mapagsamantala—”“Tumigil ka na sa pang-iinsulto sa akin, tanda! Hindi mo ako masasaktan sa mga ganiyang salita mo. Ang gusto ko ay simulan mo na ngayon ang pagbibigay sa akin ng pera at hihingin ko na sa iyo ngayon din ang para sa buwan na ito. Cash!”Huminga nang malalim si Valentina kahit ang totoo ay parang imposible siyang kumalma ng dahil sa mga sinabi ni Rico. Ngunit kailangan niyang mag-isip nang maayos. Baka kapag nagmatigas siya ngayon kay Rico ay totohanin nito ang sinabi nito na ikakalat nito ang lahat ng
Read more
CHAPTER 90
       MATAGAL na nakatingin si Valentina sa katawan ni Rico na nakadapa sa sahig. May kakaiba siyang kasiyahan na naramdaman habang pinagmamasdan ang pag-agos ng dugo mula sa sugat nito sa may batok. Umaagos iyon papunta sa kaniya na parang may sariling isip iyon. Nang maramdaman niya ang mainit-init na dugo ni Rico sa kaniyang paa ay tila nagising siya sa isang mahabang pagkakatulog. Napasinghap siya kasunod ang isang mahabang paghinga. Nagulat siya nang makita ang hawak na kutsilyo. Natitilihang binitiwan niya iyon at itinapon sa sahig.“A-anong ginawa ko?!” Gulat na tanong ni Valentina kahit alam niya ang kaniyang ginawa. Napamura pa siya nang paulit-ulit.Yumukod siya at niyugyog si Rico. “Rico! Gumising ka! Get up!” Ibinaligtad niya ito at muntik na siyang masuka nang makita ang malaking hiwa nito sa leeg. Nakikita na niya ang buto nito roon.Lumayo siya rito at pumunta sa veranda. Suman
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status