All Chapters of The Impostor Wife: Chapter 71 - Chapter 80
118 Chapters
CHAPTER 71
            “GUSTO mong magtrabaho?” Umayos si Martin ng pagkakaupo at ibinigay niya ang buong atensiyon kay Milagros. “Kaya ko naman na mag-ipon nang mag-isa sa kailangan natin para rito sa bahay pero kung naiinip ka at gusto mo ng pagkakaabalahan ay baka gusto mong bigyan na lang kita ng puhunan. Mag-negosyo ka. Gamitin mo ang husay mo sa pagluluto.”“Hindi ko gusto na magnegosyo, Martin. Ang gusto ko ay trabaho talaga. `Yong kagaya ng sa iyo. Okay lang ba?”Sandaling nag-isip si Martin. Nagulat kasi siya sa kagustuhan ni Milagros na magtrabaho. Kung siya kasi ang papapiliin ay mas nais niya na sa bahay lang ang kaniyang asawa upang pag-uwi niya ay palagi niya itong makikita agad. Saka may takot pa rin siya na baka maulit iyong nangyari rito o kaya ay mawala ulit ito nang matagal. Bumabawi pa rin siya sa mga taon na nawala si Milagros at mababawasan ang oras nil
Read more
CHAPTER 72
       “KUMUSTA pala ang pag-a-apply mo sa Montealta?”Napahinto sa pagsubo ng kanin si Monica sa tanong ni Martin. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan. Ibinaba muna niya ang hawak na kutsara’t tinidor. “Okay naman. Feeling ko ay perfect ko `yong exam saka nakasagot ako nang maayos sa interview. Medyo kinabahan nga lang ako.” Matapat na tugon ni Monica.“Anong sabi sa iyo no'ng nag-interview sa iyo pagkatapos?” “Ihanda ko na raw ang mga requirements kasi anumang araw ay tatawag sila para sa pagpapasa ko no'n. Kapag siguro naipasa ko na ang mga requirements ay malapit na akong magsimula. Tama ba?”“Hmm.” Matipid at tila walang ganang sagot ni Martin.Naramdaman niya ang lungkot sa mukha ng lalaki. Ramdam niya na hindi sang-ayon ng buo si Martin sa pagtatrabaho niya at hindi niya matukoy ang totoo nitong dahilan.“Martin, magtapat
Read more
CHAPTER 73
       PAGKAUWI ni Ambrose sa kaniyang malaking bahay ay sinalubong siya ng isa sa tatlo niyang kasambahay. Sinabihan niya ito na hindi na siya magdi-dinner at dalhan na lang siya ng isang bote ng wine sa kaniyang office room na nasa third floor.Ang bahay na iyon sana ang magiging tahanan nila ni Monica kapag naikasal na sila. Matagal na niya iyong lihim na naipagawa at isang malaking sorpresa sana niya iyon kay Monica ngunit hindi na iyon mangyayari dahil sa wala na ito. Tuluyan na siya nitong iniwanan. Kaya nakakalungkot na tumitira siya sa bahay na iyon nang hindi niya ito kasama.Marahil, kung naikasal na sila noon ay baka sa kasalukuyan ay may anak na sila. Puno na siguro ng tawa at iyak ng bata ang bahay na iyon. Nakakalungkot isipin na hindi na iyon mangyayari.Sumaglit lang si Ambrose sa kaniyang silid-tulugan upang magpalit ng damit na pambahay. Sa kaniyang kwarto ay nakasabit sa dingding ang isang napakala
Read more
CHAPTER 74
       “SIX months ang duration ng contract na ito pero kapag maganda ang performance mo ay ire-renew ka namin. Na kay Sir Ambrose and decision about that kasi sa kaniya ka magtatrabaho. Siya ang makakakita at makakapagsabi ng performance mo. Pero since na nakapagtrabaho ka na pala rito sa same position ay naniniwala ako na magagawa mo nang maayos ang trabaho mo sa kaniya. Ang starting salary mo ay thirty thousand pesos per month at meron ka ring health card.”Hindi makapaniwala si Monica sa mga sinabi ni Anggie sa kaniya nang ipinaliwanag nito ang nilalaman ng kontrata. Para siyang nananaginip nang malaman na thirty thousand pesos ang sweldo niya kada-buwan at starting pa lamang iyon at ayon kay Anggie ay pwede pang madagdagan kapag na-renew siya.Malaking tulong na iyon para sa pag-iipon nila ni Martin para sa bahay.Teka, bakit ba niya iniisip ang bahay ni Martin? Hindi naman talaga siya si Milagros at
Read more
CHAPTER 75
       SABADO ng araw na iyon ngunit ang salitang “pahinga” ay wala sa bokubolaryo ni Ambrose. Imbes na ipagawa sa mga staff niya ang mga ibang bagay ay siya pa rin ang gumawa. Ngunit sa darating na Lunes ay alam niya na mababawasan na ang mga gawain niya dahil magsisimula na si Milagros sa pagtatrabaho sa kaniya bilang personal assistant niya.Sino bang mag-aakala na ang dating trabaho nito sa namatay niyang nobya ay siya ring magiging trabaho nito sa kaniya? Malaki ang tiwala niya kay Milagros lalo na’t nakita niya kung paano ito magtrabaho. Kung purihin ito ni Monica noon ay para bang sobrang perpekto nito. Isa pa, hindi naman magiging ganoon kabait si Monica kay Milagros kung hindi mabuting tao ang huli.Kilala niya si Monica—bihira itong maging mabait ng ganoon sa ibang tao. May nakita ito kay Milagros upang maging maganda ang pakikitungo nito sa naturang babae. Alam niya na bukod pa roon ang gi
Read more
CHAPTER 76
LIHIM na napangiti si Valentina nang makita niya na labis ang paghanga ng mga tao sa kaniya nang binigyan niya ng pera si Monica na inakala ng mga ito na si Milagros. Nakuha naman niya ang gusto niyang mangyari kahit hindi siya masyadong kumbinsido sa naging acting ni Monica. Ang sabi niya ay lumuha ito at humagulhol ngunit hindi nito iyon nagawa. Pero, `di bale, atleast ay napaniwala pa rin nila ang mga tao. Sapat na iyon.Matapos na magsalita sa covered court ay umuwi na siya sa bahay upang magpahinga. Magiging abala na ang mga susunod na araw dahil sa paghahanda niya sa pangangampanya.Pagpasok niya sa kwarto ay sinalubong siya ni Rico ng yakap. Pinaghahalikan siya nito sa leeg na para bang naglalambing ito. “Rico, maliligo pa ako. Pwede bang mamaya na lang?” aniya habang pilit itong itinutulak palayo.“Hmm… Ang bango mo pa rin kahit galing ka sa labas. Gusto kitang paligayahin ngayon, Valentina… Ano bang klaseng pagpapaligaya ang gusto mo?” anas ng kaniyang driver.Akala mo a
Read more
CHAPTER 77
TILA nakakita ng multo si Monica nang madatnan niya sa opisina ni Ambrose si Valentina. Iyon ang unang araw niya sa trabaho sa resort bilang personal assistant ni Ambrose at hindi niya inaasahan na sa unang araw niya roon ay isang hindi inaasahang tao ang makikita niya. Talagang ang nanay pa niya na alam niya na ayaw na ayaw na makikipaglapit siya kay Ambrose.Nang nakita siya ni Valentina ay pinanlisikan siya nito ng mata at isang pamilyar na pakiramdaman ang lumukob sa buo niyang pagkatao. Takot na takot siya sa sariling ina hanggang sa nanginig ang mga kamay niya at nabitawan niya ang hawak na kape. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot niya kay Valentina na parang noon pa man ay natatakot na siya rito. Kabaligtaran sa sinabi nito na maganda ang relasyon nilang mag-ina at malapit talaga sila sa isa’t isa. Kaya bakit may ganoon siyang takot para kay Valentina?Sa sobrang takot niya ay hindi na niya naramdaman ang pagkapaso ng paa niya mula sa mainit na kap
Read more
CHAPTER 78
       “PARANG galit si madam no’ng sinabi niya na sunduin kita, a. May ginawa ka ba kaya ganoon ang mood niya?”Napahinto si Monica sa akmang pagbaba sa kotse dahil sa sinabi ni Rico. Kakarating lang nila sa bahay ni Valentina. Hindi na siya nag-abalang tingnan ang lalaki. “Dapat ba ay palagi mong alam ang lahat?” sarkastikong tanong niya.“Ang sungit mo talaga. Manang-mana ka sa nanay mo. Sige na, puntahan mo na siya sa kwarto niya at mukhang masasabon ka nang husto!” Nakakalokong ngumisi si Rico na ikinairita niya.Hindi na siya nag-abala pang magsalita dahil parang natutuwa si Rico sa tuwing nakakakuha ito ng tugon mula sa kaniya at ayaw niyang ibigay ang kasiyahan na iyon dito. Bumaba na siya ng tuluyan sa sasakyan at inihanda na niya ang sarili sa kung anuman ang mangyayari kapag nakaharap na niya si Valentina.Dumiretso siya sa kwarto nito at kumatok. “M-m
Read more
CHAPTER 79
HABANG katabi ni Martin si Milagros sa tricycle ay nararamdaman niya na meron itong itinatago sa kaniya na natatakot itong malaman niya. Kung ano man iyon ay dapat nitong sabihin sa kaniya dahil isa sa ipinangako nila dati sa isa’t isa ay dapat wala na silang ililihim. Kapag may problema ang isa ay sabihin sa isa upang magtulungan silang ayusin.Kung tutuusin ay pwede siyang magalit kay Milagros dahil sa pagsisinungaling nito ngunit mas gusto muna niyang malaman ang side nito. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito kung bakit kailangan nitong hindi sabihin ang totoo sa kung saan ito tunay na naroon.Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang tricycle sa harapan ng bahay nila. Nauna siyang bumaba at binayaran na niya ang driver. Inalalayan niya pa rin si Milagros sa pagbaba nito sa tricycle hanggang sa makapasok na sila sa kanilang bahay.Tila pagod na pagod na napaupo si Milagros sa mahabang upuan at napansin niya ang pamumula ng kaliwang pisngi nito. Buong pag-aalala na umupo
Read more
CHAPTER 80
       HABANG nasa CR si Milagros ay may isang tawag na natanggap si Ambrose mula sa isang numerong hindi niya kilala kung kanino. Ngunit natatandaan niya na iyon ang tumawag sa kaniya noong isang araw at nagsabi na buhay pa si Monica.Ang totoo ay ilang gabi nang ginugulo ang isip niya na baka nga talaga buhay pa ang kaniyang nobya. Nahinuha niya rin na ang video ni Monica na sunog ang buong katawan na ipinadala sa kaniya ay matagal nang kuha base sa date na nakalagay sa video file. Iyon ay ang taon kung kailan namatay si Monica. Isa pa, sariwa pa ang sunog sa balat nito sa naturang video kaya alam niya agad na matagal na iyon.Ang hindi lang siya sigurado ay kung sa kasalukuyan ay buhay pa ba si Monica o talagang patay na.Dinampot ni Ambrose ang cellphone at malalaki ang hakbang na lumabas ng kaniyang opisina. Sa may hallway niya sinagot ang naturang tawag. “Hello,” aniya sa mababang boses. Pigil ang p
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status