All Chapters of The Seven Killer Man [Tagalog]: Chapter 41 - Chapter 50
89 Chapters
[SIMON] Part7.10: Chapter10
PUMUNTA siya sa sink in saka siya naghugas ng kamay at nagtanggal ng damit, sakto naman na may dala siyang pamalit na damit kung sakaling madikitan siya ng dugo ay hindi malalaman na siya ang pumatay. Pagkatapos niya nilinis ang sarili napagpasyahan niyang lumabas ng cr, luminga pa siya sa paligid kung may mga estudyante pa bang natira, ngunit wala.Dumaan siya sa likod ng eskuwelahan kung saan may short cut roon palabas ng kalsada. Alam niyang mapapalayo ang kanyang lalakarin pauwi sa kanyang bahay pero mas naisip niyang lumabas sa gate baka pagdududahan siya ng guard kapag nadiskubreng patay ang kanyang mga target.Kinabukasan, sa labas palang ng gate ay usapan na ang pagkamatay nina Kirk at Alyssa. Huminto siya sa paglalakad nang makita niyang nilalabas ang bangkay ng dalawa mula sa gusali ng eskuwelahan. Kasunod niyon ang iyakan ng dalawang kaibigan ni Alyssa na sina Cathy at Reyna. Habang ang dalawa pang natitirang kaibigan ay malungkot lang itong mga nakatingin sa bangkay.Bumun
Read more
[SIMON] Part7.11: Chapter11
LABING-ANIM pa lamang ang kanilang napapatay at lahat ng iyon ay dinala nila sa bodega ng library. Dahil ang mga iba ay nais manlaban sa hawak nilang mga patalim kung kaya't wala silang nagawa kundi ay unahan ang mga ito bago pa makagawa ng kaluskos at anumang ingay.Kasalukuyan nasa bodega pa rin silang tatlo. Napabaling ang tingin ni Simon kay Raymond nang tignan nito ang wrist watch, kapagkuwan nakitaan niya ang pagkabahala sa mukha nito."Raymond, anong problema?" Nag-aalalang tanong ni Bashie. Nang mapansing iba ang kinikilos ni Raymond. Tagaktak ang pawis nito at panay hawi nito sa mahabang buhok."Alas-kuwatro na ng umaga, hindi pa natin alam kung sino ang pumatay kina Mrs. Ana Delos Reyes, Kirk, Alyssa at Xavier!" Nagpapanic na sambit ni Raymond. Dahilan para makatanggap ito ng mahinang batok mula kay Bashie."Maghunos-dili ka nga Raymond!" Suway ni Bashie.Pikit-matang nagpakawala siya ng buntonghininga saka niya binalingan si Bashie. "Bilangin mo kung ilan pa ang natitira."
Read more
[SIMON] Part7.12: Chapter12
NANLALAKING mga matang nagulat si Simon nang makitang nakasalampak ng higa sa sahig si Mr. Willie, hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ni Gray para hindi tawagan ang principal. May hawak itong walis tambo na siyang ipinanghampas nito sa batok ni Mr. Willie."Gray, anong ginawa mo!" Bulalas ni Cathy. Ito ang naunang nakarecover sa ginawa ng boyfriend nito."Para hindi na siya makapagsumbong satin!" Tugon ni Gray. Binitiwan nito ang hawak na walis tambo saka lumapit kay Cathy at hinawakan pa pareho ang magkabilaan balikat nito."Pero.. Mali ang ginawa mo!" Apila ni Cathy umiiling pa ito.Sa mga sandaling iyon nagkaroon siya ng pagkakataon makaisip ng paraan upang pagtakpan ang ginawa nilang tatlo nina Raymond at Bashie. Saglit niyang sinulyapan sina Cathy at Gray, halatang pinapakalma ng binata ang dalaga. Habang sina Wesley at Reyna naman ay naglilipit ng mga gamit. Samantalang sina Bashie at Raymond, nag-uusap sa gilid. Nilapitan niya ang dalawa kapagkuwan ay nilingon siya ng mga i
Read more
[SIMON] Part7.13: Chapter13
MATALIM niyang tinignan sa mga mata si Wesley, habang ang kanyang kaharap ay nanggagalait sa galit. Sa ikalawang pagkakataon muling naging alerto sina Gray, Raymond at Bashie para pigilan ang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa ni Wesley. Si Gray ay nasa gilid ni Wesley habang sina Raymond at Bashie ay nasa parehong gilid niya."Bakit hindi tayo maglaro?" Nakangising sambit niya."Ang tanda-tanda mo na iyan ang iniisip mo," giit ni Wesley. "Anong sa tingin mo laro ang pumatay ng tao?" Maangas nitong dugtong."Wesley, bitiwan mo si Simon!" Ani Bashie. Pinipilit nitong tanggalin ang kamay ni Wesley sa collar na damit niya."Manahimik ka, Bashie!" Sigaw ni Wesley. Saka nito tinabig ang dalaga dahilan para mawalan ito ng balanse mabuti na lamang agad itong sinalo ni Raymond at inalalayan para makatayo."Hay*p ka!" Pagmumura niya kay Wesley saka siya nagpupumiglas na bitiwan siya nito ngunit mas lalo lang humihigpit ang hawak nito sa kanyang damit.Biglang napahalakhak si Wesley sa gin
Read more
[SIMON] Part7.14: Chapter14
NAPATINGIN si Simon sa labas nang wala pa rin tigil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Muli niyang binalingan ang Laboratory kung saan lumalaki na ang apoy sa loob. Walang pakialam na naglakad siya paakyat sa ikatlong palapag kung saan doon niya itinuro kina Raymond at Bashie na magpunta. Ilan saglit pa nakasalubong niya ang dalawa na balak bumaba ng mga ito. Halata sa mga itsura nito ang pagpapanic."Simon..." Gulat na banggit ni Bashie sa pangalan niya. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa kung kaya't 'di niya maiwasan magtaka."Delikado tayo dito. Kailangan na natin umalis!" Natatarantang sambit ni Raymond."A-Anong nangyari?" Kuryos niyang tanong.Malalim na humugot ng hininga si Raymond. "Tumawag ng pulis si Cathy, at tayo ang pinagbibintangan!" Pahayag nito."Nasa music room sila mabuti na lang hindi nila kami nakita ni Raymond!" Tukoy ni Bashie kina Gray at Cathy.Sa mga sandaling iyon ay natigilan siya, naningkit pa ang kanyang mga mata habang nag-iisip siya ng ideya kung
Read more
[SIMON] Part7.15: Chapter15
NAGING alerto naman siya't inambahan niya si Gray sa likod habang nakikipag-agawan ulit ng patalim. Napansin niyang lumabas na rin si Bashie habang inaalalayan nito si Raymond. Muli niyang ibinalik ang atensyon kay Gray, bumaba siya sa likod nito't ngayon ay kaharap na niya. Masyadong malakas si Gray kung kaya't nadaplisan siya sa kanyang kaliwang braso. Pero hindi siya nagpatinag, tiniis niya ang sakit at buong puwersa niyang sinipa si Gray ng malakas, kasabay ng pag-agaw niya ng kutsilyo. Hindi naman siya nabigo sa ginawa niya sa halip napaupong natumba pa si Gray."Simon, dapat ka ng mamatay!" Mariin sambit sa kanya ni Gray. Matalim ang tingin nito sa kanya."Alam mo bang nang dahil sa inyong mga bully ay nagkaganito ako?!" Duro niya sa kanyang sarili. "Hindi ako mamatay tao ng maaga kung 'di dahil sa inyo!" Maramdamin pag-amin niya.Pinanuod niyang tumayo si Gray mula sa pagkakasalampak nito sa sahig. "Ikaw ang pumatay kay Ma'am Ana at sa mga kaibigan ko!" Galit na sambit ni Gray.
Read more
[CHRIS] Part8.1: Synopsis & Chapter1
[SYNOPSIS]Kapakanan ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Chris ang kanyang pinagtutuunan niya ng pansin. Bawat sumasabutahe sa Worth Saving Bank ay kanyang inililigpit sa pamamagitan ng pagpatay. Paano na lamang kung ang iniingatan niyang kompanya ay ito ang dahilan kung bakit siya'y ma-suspended.Dapat nga bang ipaglaban niya ang kanyang karapatan bilang isang inosenteng tao o itutuloy niya ang kanyang planong pagpaslang sa mga taong hindi naniniwala sa kanya? Bukod pa roon, magiging magulo ang kanilang relasyon ni Lian nang dahil sa isang taong nagpasakit sa kanyang puso na siyang dahilan ng kanyang paghihiganti.~*~CHAPTER1AFTER ng graduation ay napagpasyahan ng mga magulang ni Chris Sarmiento na lumipat ng tirahan sa Laguna, dahil nakabili ang mga ito ng bahay at lupa doon. Kung kaya't nahiwalay si Chris sa kanyang mga kaibigan na sina Trist, Clement, Samuel, Fackly at George. Si Simon naman ay hindi na nila nakita pa simula nang maglayas ang kanyang kaibigan. Tinangka pa nila han
Read more
[CHRIS] Part8.2: Chapter2
"S-SIMON?" Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan nito. Ningitian siya nito na nanatiling nakaupo at nakadekwatro sa silya. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa."Long time no see." Mga salitang binigkas nito dahilan para makaramdam siya ng halo-halong emosyon; saya, iyak at pagkalito.Tumayo si Simon sa kinauupuan nito, nilapitan siya at hinawakan sa magkabilaan balikat niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang taong unang lumabag sa kanilang rules na magkakaibigan at nawala ng ilan taon, ngayon ay nasa harapan na niya. Sobrang namiss niya si Simon at hindi siya magsisising kaibiganin niya ulit ito."Simon, ang tagal mong nawala." Komento niya. Nag-aalangan pa niyang ningitian ito nang makaramdam ng pag-aalala. "Saan ka nagpunta noong lumayas ka sa inyo? Alam mong bang palagi ka namin hinahanap, halos lahat nilibot na namin ang buong Panggasinan para lang makita at makausap ka namin." Mahabang pahayag niya.Malalim na humugot ng hininga si Simon bago ito nagsalita. "Alam
Read more
[CHRIS] Part8.3: Chapter3
MATAPOS ang eksenang pagkikita nila ni Simon kanina sa kompanya ni Mr. Zhao ay pasimpleng tinext niya ito na magkikita sila ng evening sa dating restaurant na pinagmeet nila. Malalim siyang bumuntong hininga nang makabalik siya sa Worth Saving Bank pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mr. Zhao. Ngunit nananatiling siyang nasa parking lot, tila ayaw kumilos ng kanyang katawan.Napabaling ang kanyang tingin sa mga pinamili niyang pagkain sa Mcdo. Bigla niyang naalala ang pag-uusap nila Mr. Zhao kanina.[Flashback]Iginiya siya ni Mr. Zhao papasok sa opisina nito at maupo siya sa mahabang sofa habang si Mr. Zhao naman ay umupo sa single sofa. Pinanuod pa niya ito na magsalok ng tubig sa dalawang baso kapagkuwan ay ibinigay nito ang isang basong tubig sa kanya.Walang alinlangan na ininom niya ang tubig dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw at gutom. Sa halip na kumain siya ng pananghalian kanina ay inuna niya pa ang trabaho."Alam ko ang ipinunta mo rito," panimula ni Mr. Zhao dahilan para matig
Read more
[CHRIS] Part8.4: Chapter4
MARAMING ala-ala ang nabuong kaligayahan para kay Chris iyon ay ang pumatay. Una niyang pinatay ang mga Maid. Sinunod niya ang kanyang mga magulang pagkatapos niya gumadruate ng college, simula noong lumipat sila sa Laguna ay palagi siyang dinidikta ng kanyang magulang. Lalo na sa pagsali sa mga competition tungkol sa instrument kahit ayaw niya. Ayaw niyang ipakita sa iba ang kanyang telento sa pagpiano kaso ang mga magulang lang niya ang mapilit. Sunod niyang pinatay ang mga nang-iinsulto sa kanya, lalo na pagdating sa trabaho. At ngayon mayroon na naman siyang bibiktimahin.Bumalik siya sa kanyang kwarto't humarap sa salamin hudyat na handa na siya sa gagawin niya para kay Mr. Zhao. Nang makuntento ay lumabas siya sa kwarto niya para bumaba. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig saka niya muling sinabihan ang maid na kapag may dumating na bisita ay papuntahin ito sa kanyang music room. Tanging pagtango lang naman ang isinagot ng kanyang maid.Kumain muna siya ng pangdinner nan
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status