Semua Bab The Law of Lust (Tagalog) : Bab 41 - Bab 50
62 Bab
CHAPTER 41
MABILIS na inihinto ni Leigh ang sasakyan ni Wayne nang makarating na siya sa bahay nito. Hindi niya maiwasan na batuhan nang tingin ang binata na wala pa ring malay sa may shotgun seat habang dahan-dahan niya nang tinatanggal ang seatbelt niya.“Iiwan ko na lang ba talaga siya dito sa loob ng kotse?” Hindi maiwasan ni Leigh na maitanong ‘yun sa kaniyang sarili. “Kung iiwan ko siya rito, ibig sabihin ay matutulog siya na ganyan ang pwesto niya? Matutulog siya ng nakaupo? Hindi kumportable ‘yon. Baka mamaya, magkaroon pa siya ng stift neck o baka sumakit ang likod niya,” dagdag niya pa. Hindi naman masama ang ugali niya para hindi mag-alala sa binata.‘Hindi naman sa nag-aalala ako sa kaniya ng sobra, pero baka hindi siya makapagtrabaho ng maayos kapag may nararamdaman siyang hindi maganda. Eh kung dalhan ko kaya siya ng kumot at unan?’Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Leigh at muntikan niya pang sapukin ang sariling ulo.“Nasisiraan ka na talaga, Leigh. Hindi ka ba nag-iisip? Ku
Baca selengkapnya
CHAPTER 42
Mulat ang mga mata at gising na gising na rin ang diwa ni Leigh nang umagang ‘yon. Diretsong nakatitig siya sa kisame ng kaniyang silid habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na nakabalot ngayon sa buong katawan niya sapagkat ramdam na ramdam niya na wala siyang kahit na anong saplot sa kaniyang katawan. Hindi alam ni Leigh kung gaano na siya katagal ngayon na nakatulala, basta ang alam niya lang masyadong maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang utak.‘Siguradong hindi na ‘to panaginip o kung ano man. Totoo na may nangyari na talaga sa aming dalawa kagabi.’‘Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.’‘Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa akin at bumigay na lang ako ng tuluyan.’‘Tandang-tanda ko pa na matapos ‘yung nangyari sa pagitan naming dalawa ni Wayne ay binuhat niya pa ako in a bridal way.’‘Masyado na kasing nanghihina ang tuhod ko kaya hindi ko na rin halos nagawa pa na makatayo.’‘Binuhat niya ako papunta dito sa kwarto ko, at hindi ko alam kung tama ba ang pa
Baca selengkapnya
CHAPTER 43
AT WAYNE’s OFFICEBuong maghapon na halos wala si Wayne sa kaniyang sarili. Pinilit niya na i-focus sa ibang bagay ang atensyon niya pero may mga oras talaga na bigla-bigla na lang siyang tumitigil upang mag-rant sa kaniyang sarili.“Kung kausapin niya ako kanina, parang hindi big deal sa kaniya ang nangyari sa amin kagabi. Is that really something that is not an issue to her? Does she have sex with someone after we broke up? Fuck!” gigil na saad niya sa kaniyang sarili. “I had sex with random girls before, hindi ko itinatanggi ‘yon, pero never naman akong nakipag-relasyon matapos naming maghiwalay. She still my first girlfriend at hindi na nasundan ‘yon. And knowing Leigh, hindi naman niya gagawin ang bagay na ‘yon sa hindi niya ka-relasyon… so, ibig bang sabihin ay may naging ibang boyfriend siya maliban sa akin?”Ilan lang yan sa mga gumugulo sa utak ni Wayne kanina pa. Gusto niyang malaman ang kasagutan pero hindi niya gustong magtanong.“That’s unfair to my side, right?” tanong n
Baca selengkapnya
CHAPTER 44
KASALUKUYAN lang na nasa loob ng kaniyang opisina si Wayne ng gabing ‘yon. Halos mag-a-alas otso pa lang nang gabi at wala pa siyang balak na umuwi. Balak niya kasi na mag-overtime kahit na wala naman talaga siya na halos gagawin sa araw na ‘yon. Haggang sa magkakasunod na katok sa labas ng opisina niya ang kaniyang narinig na nagpatigil sa pagbabasa na ginagawa niya.“Come in.” Doon ay unti-unting bumukas ang pintuan at nakita niya si Brent habang nakangiti pa ito nang diresto sa kaniya. Hindi mapigilan ni Wayne na batuhan nang naniningkit na mga mata ang kaibigan saka siya nagsalita, “Ano na naman ba ang ginagawa mo rito? Manggugulo ka na naman ba?” masungit na tanong nito.“Chill lang naman, Wayne. May mahalaga lang akong sasabihin sa’yo,” sagot ni Brent habang dahan-dahan na itong naglalakad papalapit sa lamesa niya.“Ipagpabukas mo na lang, wala akong balak na makinig sa’yo. Marami pa akong ginagawa,” malamig na saad niya at ibabaling niya na sanang muli ang kaniyang atensyon sa
Baca selengkapnya
CHAPTER 45
May ngiti sa labi ni Leigh habang naglalakad na siya pauwi ng bahay ni Wayne. Wala siyang pamasahe kaya naglakad lang siya ulit, pero okay lang ‘yun dahil masaya naman siya sapagkat natanggap siya sa trabaho. At dahil masaya siya at malaki rin ang pasasalamat niya kay Pio dahil ito ang tumulong sa kaniya na makahanap nang mapapasukan na work kaya tinawagan niya agad ito para ibalita ‘yon.“Hello, Pio?” May ngiti sa labi ni Leigh nang mag-activate na ang tawag niya.[Oh, Leigh. Napatawag ka? Anong balita? Natanggap ka ba?]“Oo. Natanggap ako, at salamat ‘yun sa’yo?”[Talaga? Masaya ako na malaman ‘yan.]“Ang bait rin ng boss ko, si Ma’am Sammie.”[Oo, mabait talaga ‘yan. Siya ‘yung tinutukoy ko sa’yo na naghahanap nga ng empleyado sa kaniyang maliit na restaurant. So, kamusta, nagsimula ka na ba kanina?]“Hmm. Tumulong lang ako ng konti sa pagse-serve kanina pero hindi talaga server ‘yung vacant nila kaya hindi ‘yun ‘yong trabaho na nakuha ko,” sagot ni Leigh.[Eh ano pala?]“Delivery
Baca selengkapnya
CHAPTER 46
Kasalukuyan lang na ini-init ni Leigh ang pagkain na niluto ni Manang para sa kanilang dinner para sa gabing ‘yon. Wala na sana siyang balak na kumain dahil pasado 11 na nang gabi, kaya lang hindi naman siya makatulog dahil sa gutom. Habang hinahalo niya ang nilagang baboy na ulam, hindi niya maiwasan na isipin ang mga nangyari kanina. Bakit nga kaya atat na atat si Denise na magpakasal na si Wayne? At sa kabila no’n, bakit nga ba ayaw pa ni Wayne na pumasok sa isang relasyon? Dahil ba masyado talaga siyang busy sa kaniyang trabaho? Pero tama rin naman kasi ang sinabi ni Wayne kanina, bakit iispin ng ate niya ang pagpapakasal niya at ang pagkakaroon niya ng relasyon kung maging ito ay wala ring karelasyon. Ang gulo naman nilang magkapatid. Alam kong may part na hindi ko maiintindihan ang sitwasyon na ‘to dahil wala naman akong kapatid. Wala namang taong pwedeng mag-alala sa akin dahil nag-iisa lang ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leigh. Nagpasya na sana siyan
Baca selengkapnya
CHAPTER 47
Sakto sa napag-usapan ay dumating na nga si Wayne at si Leigh sa cafe kung saan sila magkikita-kita. Pormal na pormal ang itsura ni Wayne habang nakasunod sa may likuran niya ang dalaga. Nandoon na rin ang kanilang ka-meeting na nakatingin na rin nang diretso sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Leigh ang nakataas agad na kilay ng matandang babae. “Don’t get triggered by her look,” pasimpleng bulong ni Wayne kay Leigh. Nakikita rin kasi niya kung paano tumingin ang matandang babae sa direksyon ni Leigh. “Sanay na ako sa mukha niyan ‘no. Wala namang pinagbago,” bulong din pabalik ni Leigh na ikinangiti ng lihim ni Wayne. Hindi nagtagal ay nakarating na nga sila sa lamesa kung saan ay ‘yung abagado ng matanda ang agad na tumayo. “Nice to see you again, Attorney Ferrer,” bati ni Khalil kung saan ay walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito habang nilalahad ang kamay. ‘Wow! Siya ‘yung attorney ng matandang babae na ‘to? In fairness huh, ang gwapo niya. Mukhang magkasi
Baca selengkapnya
CHAPTER 48
“So, what now? This is a win-win situation for the all of us para hindi na matuloy pa ang kaso.” Huminga muna nang malalim si Leigh bago siya nagsimulang magsalita, “Magkano naman ang makukuha ko?” “Huwag kang umasa na malaki, dahil sa laki ng utang ng ama mo… baka wala na ring matira sa’yo. Maliit lang din naman ang lupa na ‘yon. Walang masyadong halaga.” Mataray naman na sagot ni Ms. Cruz. Umirap si Leigh sa narinig. “Maliit na nga eh, pero pinag-iinteresan mo pa ng sobra.” “Ang mga kalapit na lupa ng lupa niyo ay pagmamay-ari ko na. ‘Yun na lang ang natitira at ang sakit na ng mata ko na makita ang sira at lumang bahay na nakatayo doon. May balak akong ipatayo sa parte na ‘yon, kaya kung ako sa’yo, pumayag ka na lang. Kailangan mo ng pera ‘di ba?” Sasagot pa lang sana si Leigh kaya lang natigilan siya nang mahagip ng kaniyang mata ang kamay ni Wayne sa may bandang hita niya na parang sumenyas ito ng ‘tama na’. Buti na lang at naintindihan niya ‘yon agad kaya naman nagsalita na
Baca selengkapnya
CHAPTER 49
Habang nagmamaneho si Wayne ay hindi niya maiwasan na mag-alala dahil ang tahimik ni Leigh sa tabi niya kaya naman nagsalita siya. “Sa tingin ko ay malakas ang laban natin sa kaso mo. I just found out na meron talaga siyang ibang intensiyon kaya niya gustong makuha sa’yo ang lupa. It’s like, she’s not really interested to get paid from your father’s debts. Gusto niya lang talaga na makuha ang lupa niyo.” “Hindi ko alam kung magandang balita ba ‘yan o hindi,” mahinang saad ni Leigh na para bang wala ito sa sarili. “Ano bang nangyayari? May problema ba?” “Wala,” sagot na lang ni Leigh sa kaniya. “Gutom ka na siguro. Let’s eat.” “Wala akong gana. Umuwi na lang tayo.” At nakita na nga ni Wayne sa gilid ng kaniyang mata na itinuon na lang ni Leigh ang atensyon niya sa labas ng bintana. Hindi na lang nakinig si Wayne sa sinabi ni Leigh at imbes na umuwi ay ibang daan ang pinupuntahan nila ngayon. Alam niyang hindi makakahindi si Leigh sa pagdadalhan niya ngayon sa dalaga. “Teka, hind
Baca selengkapnya
CHAPTER 50
Sa sobrang tagal na umiyak ni Leigh matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang kaibigan na si Cattleya ay nakaramdam naman siya ng uhaw. Ipagpapabukas na lang sana niya ‘yon at hindi papansinin, kaya lang hindi naman siya makatulog. Doon ay nagpasya na nga siyang lumabas muna ng kaniyang silid. Pahid-pahid niya ang kaniyang luha ay naglakad na nga siya. Ngunit, awtomatiko siyang natigilan nang mapadaan siya sa nakasaradong pintuan ng silid ni Wayne. May naririnig siyang umu-ungol mula sa loob.Kumunot ang noo ni Leigh.“Ano kaya ‘yun? Gising pa kaya si Wayne?” tanong ni Leigh sa kaniyang sarili. “Hindi naman ‘yon simpleng ungkol lang, dahil kung tama ang pagkakarinig ko… ungol ‘yun nang may iniindang sakit. May nararamdaman kayang masakit si Wayne? Ano kayang nangyayari sa kaniya sa loob? Kakatukin ko kaya siya?” sunod-sunod na tanong pa rin niya dahil bigla siyang nakaramdam nang pag-aalala.Ipinagsawalang bahala muna ni Leigh ang uhaw na kaniyang nararamdaman sapagkat na
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status