All Chapters of The First Alpha | TagLish: Chapter 21 - Chapter 30
41 Chapters
Chapter 20
ANG GALIT, PAGKALITO, at pagkabigo ay hindi magandang kombinasyon na nararamdaman ni Nina ng mga oras na iyon. And she doesn't know how to react to Hayes' revelation.Pero hindi rin siya tanga para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang lahat at mas lalo lang nahihirapan ang kanyang kalooban.Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na may buhat-buhat na malaking bagay na natatakpan ng abuhing tela. Inilagay ng mga ito iyon sa gilid bago sila lumabas.Inilahad ni Hayes ang kamay nito kay Nina ngunit sa halip na tanggapin ay tumayo siya at nauna ng lapitan ang bagay na iyon saka inalis ang nakatakip don. Kulang ang salitang pagkagulat ng makita niya ang larawan ng magandang babaeng nakapinta don.Siguro kung hindi niya kilala ang pamilyang pinagmulan ay baka iisipin niyang isa ito sa kanyang mga ninuno. They're not identically look alike but they have the same eyes and lips which make them have a resemblance to each other. The woman in
Read more
Chapter 21
ANG KANYANG PAGHAKBANG ay unti-unting bumagal ng makita ni Hawthorne si Antonius. Kalalabas lang niya sa silid ng hari.Nang makita siya ng pinsan ay lumaki ang pagkakangisi nito ngunit kita naman sa mga mata nito ang matinding pagkamuhi at disgusto. Para nga bang naririnig na niya ang pag-iinsulto nito kahit nakatingin lang ito sa kaniya."Pinsan, ang magiting at tanyag na heneral ng ating kaharian. Ang tagapagligtas kong pinsan. Ang bukambibig ng mamayanan hindi lang sa palasyo kung hindi pati na rin sa buong Arlan."Dinig niya ang panunuya sa boses ni Antonius ngunit binaliwala na lang iyon ni Hawthorne. Akala niya marami ng nagbago sa nakalipas na limang taon ngunit nagkamali siya, tila wala pa ring pinagbago ang kanyang pinsan."Kahit saan man ako magpunta ay pangalan mo ang naririnig ko at hindi na ako magugulat kung dumating man ang panahon na mas mauuna kang pagawaan ng rebulto ng mga tao kaysa sa aking amang hari.""Bukal sa kalooban ko ang pagtulong at para iyon lahat sa har
Read more
Chapter 22
HINDI MAN KASING rangya ng Arlan ang pinagmulan niyang bansa ay masasabi niyang sagana at maunlad ang bansang ito. Sa paglilibot niya sa mga nakalipas na araw simula ng dumating siya dito ay nasaksihan niya rin ang madilim na bahagi ng kaharian, ang bahaging pilit itinatago ng mga opisyal at pilit kinakalimutan ng lahat. Ang bahaging kahit saan ka man tumungo ay siguradong iyo itong makikita.Ang kahirapan.Ang mga nakakaawang mamamayan na pilit nabubuhay sa mundong pinapaikot ng mas may kapangyarihan.Iyon ang mga bagay na gusto man niyang baguhin ay hindi niya magawa dahil sa pinagmulang bansa ay wala din kapangyarihan ang tulad niyang babae.At isang babae lang naman ang kilala niyang kayang pantayan ang kapangyarihan ng isang hari o kahit ang emperador ngunit malayo na siya dito. Ilang milyong milya na ang layo niya dito at sa kapatid nito.Siguradong kapag nalaman ng mga ito na wala na siya ay mapapanatag na ang dalawa at hinding-hindi siya hahanapin dahil para sa mga ito ay wala
Read more
Chapter 23
TAHIMIK NA INIABOT ni Rosemarie kay Salem ang halamang gamot, ito ang namumuno sa mga tagasilbi ng palasyo. Sa kusina man o paglilinis lalo na kapag tungkol sa hari at ang iinumin o kakainin nito."Gamot ito para sa pangangati. Ilaga mo at inumin ang katas bago ka matulog. Epektibo ito at siguradong mawawala ang pamumula sa iyong katawan."Napansin niya kasi na ilang araw ng masama ang pakiramdam nito. Hindi man sila naging malapit sa isa't-isa at halata ring hindi siya nito gusto, isa pa rin siyang manggagamot at iyon ang tungkulin niya."Iwasan mo din munang kumain ng pagkaing may hindi kaaya-ayang amoy at mga pagkaing hindi nakakaginhawa sa iyong kalusugan o panlasa."Kunot noong tinanggap naman nito iyon ngunit hindi naalis ang kasungitan ang paghihinala sa mukha nito. Kung nagulat man ay naglaho din iyon. Isang tango dito at agad na rin siyang bumalik sa kanyang ginagawa.Abala ang lahat ng umagang iyon para sa paghahanda ng isa sa mahalagang hapunan ng mga kabilang sa maharlikang
Read more
Chapter 24
"SIGURADUHIN MONG MAIINOM iyan ng aking anak, Rosemarie."Puno ng pagtutol na nag-angat ng tingin si Rosemarie sa hari na ngayon ay nakatayo sa harap ng bintana at tinatanaw ang payapa at magandang tanawin sa labas."Ngunit, Kamahalan."Hanggang ngayon ay hindi pa maalis sa kanyang isipan ang naging reaksyon ni Antonius ng matapos ihayag ng hari kagabi na si Hawthorne ang magiging kapalit nito. Kabilang rin si Yovanna sa mga hindi natuwa doon.Punong-puno ng galit at poot na pinagduduro ni Antonius kagabi ang ama nito, hindi sinang-ayunan ang naging desisyon nito ngunit hindi naman tinanong kung bakit iyon ang naging desisyon ng hari.Sa totoo lang ay nahahabag din si Rosemarie sa anak ng hari ngunit hindi niya ito masisisi kung mas pinili nito si Hawthorne."Marami ang nakapagsabi sa akin na nahuhumaling sa 'yo ang aking anak at hindi ko siya masisisi dahil katangi-tangi naman talaga ang taglay mong kagandahan. Kung nagkaroon lang ako ng agam-agam tungkol sa pagiging manggagamot mo ay
Read more
Chapter 25
MARAHANG KINUYOM NI Nina ang kanyang kamao. Hindi makatingin kay Hayes, nalilito at naguguluhan."So I poisoned him? I—I poisoned your cousin?"Oo nga at reincarnation lang siya ni Rosemarie pero sa katotohanang nagawa nito iyon ay hindi talaga siya makapaniwala. Based on Hayes' story about Rosemarie, how he described her, mukhang hindi ito makapapanakit ng tao. And she's a physician too."What happened after that? What did you do then?" Nina looked up at Hayes and she saw him intently staring at her."Nina—""Hayes." She stands up. "Please, just tell me everything.""It's late," huminga ito ng malalim. "Ihahatid na kita sa inyo. I will tell you everything but not now, you need to rest, Nina."Bumagsak ang balikat ni Nina at alam niyang hindi na niya mapipilit pa ang lalaki. Nauna na siyang lumabas ng function hall at hindi na hinintay si Hayes dahil kinausap pa nito ang mga empleyado ng hotel. Nasa harap na siya ng kanyang sasakyan ng makatanggap ng text mula kay Soleil.Nina greeted
Read more
Chapter 26
WHEN HAYES' CAR stops in front of Nina, agad niyang binuksan ang pinto at sumakay doon habang buhat-buhat ang kanyang duffel bag. Samantalang si Hayes ay nakasunod lang ang tingin sa kaniya, kung naguguluhan at nagtataka man ay hindi na niya iyon pinansin pa.Nina gazed at her wristwatch. "Wow! It took you twenty minutes to get here since I texted you.""Something happened, Nina?""Nothing, Hayes." Nagkibit-balikat siya.Hindi siya naniniwalang wala itong alam sa nangyari sa kompanya o sa mga binabalak ng kanyang ama.At ngayong sigurado na si Nina na wala ng kakalaban sa kanyang kapangyarihan at magkukuwestyon sa kanyang pagkababae ay pansamantala niya munang ipinaubaya kay Soleil ang pamamahala sa kompanya habang inaalam niya ang katotohanan kay Hayes."I will give you maybe a week to tell me about everything. Every detail and you will not skip a thing about the past. So that's why I texted you to go here, Hayes, take me to a place where no one's gonna disturb us."Bahagyang namula a
Read more
Chapter 27
DID HAYES REALLY hear Nina? Did he? Because based on his face and how he looks at her, yes he did but that's impossible, right? Maliban na lang kung mayroon itong superpower, iyong abilidad na makarinig ng tunog kahit sa malayong lugar.Well, Nina just wishes Hayes doesn't have that kind of power because if he does then she's screwed."M-May kailangan ka, Hayes?" Tanong niya, tila mas lalo pa siyang nagliliyab dahil sa uri ng titig nito.Yeah, she's really screwed."Dinners ready, Nina." Paos na sabi ni Hayes, hindi inaalis sa kanyang mga mata ang tingin nito.With his messy hair, sleepy eyes, terrifying gaze, and powerful aura. He can make everyone's knees weaken with that look. And when his eyes surveyed her body, that was when she became aware that she was only wearing a robe.Nina snapped back into reality.'Act natural, Nina. Just act natural.' Paulit-ulit niyang paalala sa kanyang sarili."Okay." She says while nodding her head as she simply hugs herself."Do you want to eat here
Read more
Chapter 28
ANG PAKIRAMDAM NA yakap nito ay tila ba isang kasiguraduhan na walang masamang mangyayari kay Nina. Ang init at kaligtasan ay sabay niyang nararamdaman habang katabi si Hayes. At ang bagay na ganito ay hinding-hindi niya kayang ipagpalit kahit sa ano mang bagay o kayamanan. Siguradong magbibilang siya ng ilang milyong taon bago ulit ito maramdaman at maranasan.Marahan ang paghinga niya at kalmado naman ang bawat pagtibok ng kanyang puso. Naliliyo at namamangha din siya sa atensyon at uri ng pagkakayakap ng lalaki na para bang sinisigurado nitong hindi na siya makakawala pa dito.How Nina wishes they could stay there forever.He felt a wet yet soft thing that pressed on her bare shoulder and she knew it was Hayes' lips, he even made a kissing sound after that."What is it? Care to tell me what's bothering you?" Punong-puno ng lambing at pag-aalala na tanong nito, mas humihigpit pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya na ikinapikit ng kanyang mga mata ngunit hindi naman iyong uri ng yakap na
Read more
Chapter 29
NAHAHABAG NA PINAKATITIGAN ni Rosemarie si Hawthorne. Naiintindihan niya kung bakit ito nagkakaganon at naaawa siya dahil kailangan nito iyong pagdaan.Siya man din ay nagalit ng sabihin sa kaniya ng tiyuhin nito ang katotohanan at kahit gusto niya iyong ilihim dito ay hindi maaari. Karapatan nito iyong malaman at para na rin hindi kuwestiyunin ng mga taong nasa paligid nito ang pagiging hari niya.Huminga ng malalim si Rosemarie bago lumabas ng silid na iyon.Ngayong wala na dito ang dating hari na pinagsisilbihan niya ay inialay na lang niya ang oras sa pagamutan. Noong una ay naiitsapwera pa siya, inaapi at pinagtatabuyan ng mga manggagamot na matagal ng naninilbihan doon pero ng makita ng mga ito ang dedikasyon at kakayahan niya sa panggagamot ay unti-unti ng tumigil ang pang-aalipusta ng mga ito sa kaniya."Ikaw na lang ang maghatid ng pagkain niya o di kaya mag-utos ka ng iba."Iyon ang naabutang eksena ni Rosemarie sa kusina. Dumaan lang siya doon bago siya dumiretso ng kanyang
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status