Share

Chapter 21

ANG KANYANG PAGHAKBANG ay unti-unting bumagal ng makita ni Hawthorne si Antonius. Kalalabas lang niya sa silid ng hari.

Nang makita siya ng pinsan ay lumaki ang pagkakangisi nito ngunit kita naman sa mga mata nito ang matinding pagkamuhi at disgusto. Para nga bang naririnig na niya ang pag-iinsulto nito kahit nakatingin lang ito sa kaniya.

"Pinsan, ang magiting at tanyag na heneral ng ating kaharian. Ang tagapagligtas kong pinsan. Ang bukambibig ng mamayanan hindi lang sa palasyo kung hindi pati na rin sa buong Arlan."

Dinig niya ang panunuya sa boses ni Antonius ngunit binaliwala na lang iyon ni Hawthorne. Akala niya marami ng nagbago sa nakalipas na limang taon ngunit nagkamali siya, tila wala pa ring pinagbago ang kanyang pinsan.

"Kahit saan man ako magpunta ay pangalan mo ang naririnig ko at hindi na ako magugulat kung dumating man ang panahon na mas mauuna kang pagawaan ng rebulto ng mga tao kaysa sa aking amang hari."

"Bukal sa kalooban ko ang pagtulong at para iyon lahat sa har
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status