Share

Chapter 23

TAHIMIK NA INIABOT ni Rosemarie kay Salem ang halamang gamot, ito ang namumuno sa mga tagasilbi ng palasyo. Sa kusina man o paglilinis lalo na kapag tungkol sa hari at ang iinumin o kakainin nito.

"Gamot ito para sa pangangati. Ilaga mo at inumin ang katas bago ka matulog. Epektibo ito at siguradong mawawala ang pamumula sa iyong katawan."

Napansin niya kasi na ilang araw ng masama ang pakiramdam nito. Hindi man sila naging malapit sa isa't-isa at halata ring hindi siya nito gusto, isa pa rin siyang manggagamot at iyon ang tungkulin niya.

"Iwasan mo din munang kumain ng pagkaing may hindi kaaya-ayang amoy at mga pagkaing hindi nakakaginhawa sa iyong kalusugan o panlasa."

Kunot noong tinanggap naman nito iyon ngunit hindi naalis ang kasungitan ang paghihinala sa mukha nito. Kung nagulat man ay naglaho din iyon. Isang tango dito at agad na rin siyang bumalik sa kanyang ginagawa.

Abala ang lahat ng umagang iyon para sa paghahanda ng isa sa mahalagang hapunan ng mga kabilang sa maharlikang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status