Third Person Point of View"What the fuck is wrong with her, Ryan?! Bakit tulog pa rin siya!" sigaw ni Hendrix sa kaawa-awang doktor na pinsan nina Blue.Kasabay ng sigaw na iyon ay isang malakas na suntok ang dapo sa mukha ni Ryan na naging sanhi ng pagputok ng labi nito. Hindi na mabilang nina Blue at Gray—na tahimik lang na nakatunghay sa sahig sa isang sulok—kung ilang suntok na ba ang natamo ng kanilang pinsan.Paano ba naman, nangako si Ryan noong isang araw na gigising na ang dalaga, subalit hanggang ngayon ay tulog pa rin ito. Ang labis na ikinagagalit ni Hendrix ay ang hinalang baka naparami ang pampatulog o sedative na tinurok nito kay Cassandra."Tangina, Blue. Pang-ilang suntok na ba ngayon ang natamo ni Ryan?" bulong ni Gray sa kakambal."Panglima na ata," sagot naman ni Blue sa parehong mahinang tono."Kapag ako nakawala rito, humanda talaga kayong dalawa sa akin," pagbabanta ni Ryan sa dalawa habang padarang na pinupunasan ang dugo sa kanyang labi gamit ang likod ng kany
Read more