Share

Chapter Two

Tulad ng inaasahan nina Blue dumanak nga ang nakakatakot na dugo. Dahil lamang sa kapalpakan ng isang tauhan.

"Ito lamang ang mangyayari kapag pumalpak pa kayo sa mga ipinag-uutos ko. Kung ayaw niyong magsi-danak ang mga walang kwentang dugo niyo ay ayusin niyo ang putanginang trabaho niyo." demonyong-demonyo ang pagkakasabi ni Hendrix ng sabihin iyon.

Ang lahat naman ay kumilos upang sunugin ang mga katawang wala ng buhay ng umalis ang demonyo sa kanilang harapan. Namumutla ang lahat at nanginginig dahil kamuntikan na silang mawalan ng buhay.

Si Hendrix naman ay nagtungo sa labas at sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Gigil na gigil pinaharuruot ang sasakyan nito. Dinala siya ng sasakyan sa isang parke kung saan ito ang naging takbuhan niya sa tuwing nawawala siya sa katinuhan.

Ngunit sa kanyang paglalakad isang malamyos na tinig ang narinig niya. Para iyong anghel na umaawit na nagbigay ng kapayapaan sa kanina lamang na magulong isip.

Isang magandang babae ang nakaupo sa swing dito sa may parke. May tangan na gitara habang umaawit. Pinanood niya ito na umawit hanggang sa masilayan ni Hendrix ang kagandahan ng dalaga ng masinagan ito ng maliwanag na buwan.

Para itong isang anghel dahil sa napaka-inosenteng mukha. Mula sa maputing balat, hugis pusong mukha at berdeng mga mata.

"Fuck..." mura pa ni Hendrix dahil nakaramdam siya ng kagustuhan na angkinin ito.

Ngunit bago pa siya makalakad patungo sa anghel natigil siya dahil hindi nga pala maaring umibig ang isang demonyong tulad niya. Lalo na ng makita niya ang mga luhang umalpas sa pisngi nito. Pakiramdam ni Hendrix ay nais niyang lapitan ang dalaga, yakapin at halikan ito hanggang sa makalimutan ang problema. Ngunit wala pala siyang kakayahan dahil isa siyang demonyo.

Kuyom ang kamo na nilisan ni Hendrix ang lugar na iyon, kahit labag sa loob niya na bitawan ang dilag ngunit makakabuti na ito.

Dahil hindi nababagay sa mundo niya ang isang anghel. Masisira lamang niya ito at magdudusa sa mga kamay niya dahil hindi nga pala siya marunong magmahal.

Simula ng gabing iyon hindi na tinantanan ng dalagang nakita ang isipan ni Hendrix. Lagi niya itong naiisip na para bang gusto niya itong kunin at angkinin. Hindi nito pinatatahimik ang gabi-gabi niyang pagtulog. Palaging naalala nito ang luhaang mukha ng dalaga na iyon. Pakiramdam niya ay mababaliw siya hanggat hindi ito napapasa-kaniya.

"Blue and Gray, come the fvck here!" malakas na sigaw niya na nagpabalikwas sa dalawang tauhan na payapang natutulog sa magarbo niyang living room.

Gustong ngumiwi ng dalawa dahil sa lakas ng boses ng boss nila na sa tingin nila ay umabot pa ata sa kabilang baryo.

Dalawang linggo na itong mukhang may dalaw dahil mas dumoble ang pagiging bugnutin nito. Hindi nila siya maintindihan dahil minsan parang baliw itong sinusuway ang sarili sa kung anong dahilan na hindi nila alam at kinataka nilang sobra. Nagtataka man ngunit pinigilan nila ang magtanong dahil baka makatikim pa sila ng mga nagliliparang bala o kahit tig-iisang bigwas.

"Putangina, Gray!" mura at tawag niya sa kakambal na nauunang naglalakad ngayon sa kaniya.

"Putangina mo din Blue! anong ginawa mo ba't niya tayo pinatawag!" singhal nito sa kakambal na si Blue.

Marami na silang napatay ngunit pag si Hendrix na ang usapan ay nababahag ang kanilang mga buntot kahit na di hamak na mas matanda sila sa binata.

Sino bang hindi?

Demonyo ang kaharap nila at hindi ito simpleng tao. Parang kahapon lang ay pumatay ito ng lima sa mga tauhan nila dahil sa dahilang tatang-tanga ang mga ito.

"FASTER FVCKARD!" muling sigaw ng demonyo kaya mabilis nilang tinungo ang silid nito.

Nag-unahan pa sila sa pagpihit ng saradura ng pinto dahil nga pag nagpabagal-bagal pa sila tiyak na dadanak ang dugo nila sa lapag na kinatatayuan nila ngayon.

"Boss?" tawag nila sa boss nilang gulo-gulo ang buhok.

Mukhang may mabigat na problema dahil sa itsura. Gusto nilang mamangha sa angking kagwapuhan nito ngunit hindi nila iyon aaminin dahil mas gwapo sila. Kuko lang nila ang boss nila iyon ang inisip nilang mag-kambal.

"Hanapin niyo ang babae ng gabing iyon," he blurted out, nagtaka sila dahil sa babaeng pinapahanap niya.

Babae noong gabing iyon? tanong pa nila sa mga isipan nila.

Nagtinginan sila at parehong mababakas ang malaking pagtatanong sa mga mukha. Gusto nilang magbunyi dahil mukhang tinamaan ang boss nila ngunit ang malaking problema ay hindi nila kilala kung sino ang babaeng tinutukoy ng boss nila.

"What?! i said—"

"Narinig namin, ang tanong sinong babae noong gabi boss mag-isa kang umuwi remember? iniwan mo kami!" hindi na napigilan pa ni Blue ang putulin ang pagsasalita ng boss niya.

Dahil baliw na ito kung ipapahanap niya ng babaeng sinasabi at siya lang ang nakakita. Huli na ng mapagtanto ang ginawa dahil masamang tingin na ang pinukol nito sa kaniya. 'Patay' natatakot na bulong ni Blue bulong. Ihahanda na sana niya ang sarili sa bigwas nito o sa balang tatama sa kaniya ngunit wala.

Nakakapagtaka dahil hindi siya nito binigwasan o pinaulanan ng bala dahil umupo lang ito sa isang mahabang sofa. Napahilamos ito sa sariling mukha, stressed na stressed din ng itsura nito.

"Babaeng, may itim na buhok at berdeng mga mata marunong umawit at diyosa... sobrang maganda," saad nito na nagpataas sa mga kilay nila.

"Boss, ang daming ba—"

"Fvck! Find her now! O pasasabugin ko ang mga bungo niyo ngayon din!" nangagalaiti nitong sigaw na nagpalundag naman sa dalawa.

Dali-dali nilang ginawa ang gusto ng boss nilang mukhang inlababo.

Gusto nilang matuwa dahil may nagpabaliw sa boss nilang ginagawang laruan lamang ang mga babae. Dahil matapos nitong gamitin ang mga babaeng ikinakama ay pinapatay niya ang mga ito. Ganoon siya kawalanghiya dahil ang tingin nito sa mga babae ay isang parausan lamang na kailangan ligpitin pagkatapos gamitin. Sila nga ang nanghihinayang dahil kadalasan mga modelo ang kinakama nito, walang panget pero nakakaawa dahil sa iisang lugar lang ang punta ng mga 'to. Kaya lubos silang nag-aalala dahil baka patayin lang din ng boss nila ang babaeng tinutukoy kapag nahanap nila.

Tatlong araw na nilang hinahanap ang babaeng tinutukoy nito na hindi parin nila mahanap. Hindi nila matukoy kung anong kailangan ng boss nila sa babaeng 'yon. Hindi sila umiimik pero sa loob ng tatlong araw na iyon ay maraming nasawing tauhan ang pinatay nito. Hindi nila mahanap ang babae sa pangalawang araw ngunit nalaman naman nila ang pagkakakilanlan nito at sa kasamaang palad ay nawawala naman ito. Hindi nila nagustuhan ang impormasyon na nakalap nila dahil masiyadong madilim ang nakaraan babae.

Tahimik na pinagmamasdan ni Blue ang amo niyang pabalik-balik ng lakad. Nagkalat narin ang mga katawang wala ng buhay dahil sila ang napagbuntungan ng galit ng lalake. Sinabihan na sila ni Blue na umiwas muna ngunit hindi sila nakinig bagkus mas ginalit nila ang dragon kaya sa huli ay sila ang nagpabuntunan ng galit nito.

Hindi niya masisisi ang boss niya kung ganito nalamang siya kung umasta dahil pagkatapos ng masalimuot na gabing iyon ng paslangin nila ang nobya, ngayon na lamang siya ulit nagkaroon ng interes sa babae at sa babaeng doble pa ang bata sa kaniya. Maraming masasalimuot na nakaraan na pilit niyang ibinabaon sa limot. Na naging dahilan kung bakit ito naging kabagsik at kawalang puso.

Blue stared at his boss kung papatay na naman ito. Inoobserbahan niya ang mga kilos nito. Hindi na siya pinasama ni Gray sa paghahanap sa babae ng boss nila dahil kaya na ni Gray hanapin ang babaeng tinutukoy ni Hendrix.

"Wala pa bang balita?" frustrated nitong tanong sa kaniya. Namumula na rin ng mga mata nito dahil sa pinagsamang puyat, stressed at kung ano pa.

Dahil sa galit ay sinipa nito ang isa sa mamahaling vase na nasa harapan niya. Napangwi nalang si Blue dahil milyon ang halaga non. Sa angking yaman nito malamang ay piso lang iyon sa kaniya.

Para na itong baliw na bumubulong habang hindi mapakali sa paglalakad, back and fourth. Tahimik niya lamang itong pinagmamasdan wala siyang lakas upang tanungin ito o kahit magsalita man. Dahil nakakatakot siya dito.

Ibang klase mainlove ang isang Hendrix nakakatakot dahil hahamakin nito ang lahat makuha lamang ang babaeng iniirog kahit na ipa-kidnap pa ito sa kanila.

Gusto nga nitong asarin ang lalake ngunit, nah, hindi niya kayang gawin iyon para na rin siya naghukay ng sarili nitong libingan.

Mamatay na ang kakambal nitong si Gray huwag lamang ang mayabang na si Blue dahil marami pa itong aanakan at buburotsahing mga chickababes. Sisiguraduhin niyang dadamihan niya ang lahi dahil sayang ang kagwapuhan niya.

Gusto man niyang pakalmahin ang dragong ito sa pagwawala ay hindi niya ginawa dahil natatakot siyang mabigwasan ang gwapo niyang mukha. Napabalikwas siya ng pagkakatayo ng magvibrate ang cellphone nito sa loob ng bulsa niya. Kinuha niya ito at sinagot.

[Fvck, Blue!] Histerikal na wika ng kakambal sa kabilang linya.

"Gago, Gray. ano na? kanina pa ako pinapatay ng dragon na 'to sa init ng ulo niya," cool lang niyang tanong kahit ramdam niya ang unti-unting pagbuo ng takot sa loob, lalo na ng bumaling sa kaniya si Hendrix na may nakakatakot na awra.

[Umalis kana diyan gago! Parating na sila diyan!] bakas ang takot sa boses nito.

"Darating? Sino?" kinakabahang suway nito at napangiti ng alanganin sa harapan ng boss niya.

[Gago! Nakita na ang babae, umalis ka na diyan hindi maayos ang lagay niya.] Takot na takot nitong sabi, hindi nito maituloy ang sasabihin dahil sa totoong takot ito. Dito na namutla ang itsura ni Blue at mabilis na nilingon ang lalake na mabilis na palang nakalabas ng pinto.

Mas lalong namutla siya ng marinig ang tunog ng sasakyan sa labas ng mansyon na ka-agad namang pinuntahan ng boss niya.

[H-hindi ako sigurado pero noong nakita daw siya ay bugbog sarado na siya at—]

"FVCKING DARN! ANONG GINAWA NIYO ! BAKIT HINDI NIYO ININGATAN! PAPATAYIN KO KAYO!" dumagundong ang malakas nitong boses na nagpamura kay Blue ng maraming beses.

[Tangina! Blue andiyan ka pa ba? umalis ka na diyan, mahal kita gago! Kahit bwisit ka sa buhay ko!] dinig ni Blue sa sinabi ng kakambal niya. Ngunit hindi maigalaw ni Blue ang mga paa niya dala ng takot.

'Shit!' Nataranta siya ng magsimula ng magpaulan ng bala si Hendrix. Mabuti nalang at agad kumilos ang buong katawan niya kaya hindi siya tinamaan ngunit nakakaawa ang mga tauhan nito dahil kalahati sa mga iyon ay sugatan.

"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT, PAGBILANG KO NG TATLO KAPAG HINDI PA KAYO NAGSI-ALISAN SA HARAPAN KO!" Tilay isang mabangis na halimaw ngayon si Hendrix na nagwawala habang buhat nito ang sugatan na katawan ng anghel niya.

Duwag na kung duwag ngunit hindi lumabas si Blue sa pinagtataguan niya bagkus mas nagsumiksik pa siya doon. Napahinga siya ng maluwag ng makapanik na ang dragon niyang boss papunta sa ikalawang palapag ng mansiyon.

May bahid ng takot ang puso ni Blue, napaisip siya kung maganda bang balita na nahanap na nito ang babaeng kinababaliwan o ang babaeng ito ang magdadala sa kanilang lahat sa kamatayan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status