Share

 HENDRIX LOVE
HENDRIX LOVE
Author: aestte

Chapter One: Beginning

Third Person Point Of View

Aligagang nag-unahan si Blue at Ashton sa pagtutulakan dahil ang kanilang mga tauhan ay nakagawa ng kapalpakan. "Tangina men! Maaga ata tayong bibisita ng impyerno." Bulong ni Ashton kay Blue habang hinihintay ang oras niya upang sumakabilang buhay. 

"Manahimik ka nga! Kaysa maging maayos ang pakiramdam ko ay mas lalo lamang lumalala. Kung di lang sana pumalpak ang mga iyon hindi sana tayo nagbibilang ng kamatayan ngayon!" Hiyaw naman ni Blue sa kaibigan. 

"Paano natin ipapaliwanag ang nangyari? Paano natin sasabihin kay boss na nakatakas ang taong matagal na niyang hinahanap?" Tanong pa ni Ashton muli bago humugot ng sigarilyo at sinindihan upang mabawasan ang kanyang kaba. 

Ganoon na rin ang ginawa ni Blue, nagsindi na rin ng sigarilyo upang mabawasan ang tensyon naramdaman. 

"Antayin na lamang natin na si satanas ang humusga sa atin ngayon." 

 Sabay pa sila ni Ashton na napatingin sa babasaging pintuan ng building. Nang makita nila ang demonyong kukuha sa buhay nila.

Isang guwapong binata ang lumabas ng isang gusali, puno ng matinding galit ang kanyang mga mata. Nakawala ang taong matagal na niyang hinahabol mula sa kanyang mga tangang tauhan. Gusto niyang pumatay, dahil sa kapalpakan ng kanyang mga tauhan.

Pinakawalan lamang ng mga ito ang taong matagal ng tinutugis. Ang animal na lalaking ilang taon ng hinahanap upang palabasin sa kanyang lungga at ng mapatay na ito ni Hendrix.

"Blue, tangina ka! Pinakawalan niyo ang taong iyon! Hindi ba ang sabi ko sainyo ay bantayan niyo siya? Bakit niyo hinayaan na makawala ang hayop na 'yan! " sigaw ni Hendrix ngunit walang bahid ng emosyon sa kanyang mukha.

Nanginginig naman sa takot si Blue sa tensiyon na nadarama mula sa lalaki. Sinong hindi matatakot kung ang lalaking na sa harapan niya ay mas masahol pa ang demonyo. Anghel man ang itsura nito ngunit hindi ang ugali. Dahil mas masahol pa ito sa demonyo at pinagsama-samang mga demonyo sa impyerno. 

Sa tagal ng panahon na kilala niya ang kanyang boss, naroon pa rin ang takot na nararamdaman sa kanya. Lalo na ngayon na pumalpak sila sa pinababantayan nito. Tiyak na dugo na naman ang dadanak.

"Paumanhin, boss. Masyado siyang matalino kaya naman nagawa niyang makatakas. Pero makakaasa ka na hinahabol na siya ng mga tauhan natin," sagot ni Blue kay Hendrix.

"H-Hindi namin alam boss na bobo pala ang mga inutusan namin na bantayan ang lalaki mo—este ang lalaki," ani pa ni Ashton. 

"Hindi ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito? Na kailangan kong mapatay ang hayop na 'yan pag-uwi ko ng pinas. Pero anong ginawa niyo? Pinatakas niyo!" Sa isang iglap nakatutok na kina Blue at Ashton ang baril ng binata. 

Konting kalabit at dadanak ang mga dugo nila. Lahat ng santo ay tinawag na ni Ashton hababg si Blue ay nagpapanggap na matapang kahit na anong oras ay maiihi na siya sa kanyang suot na pantalon.

"P-Pero boss hindi naman namin alam na patatakasin nila ang kalaban. Sadyang matalino lamang siya at nagawa niyang takasan ang sampung tauhan natin."

Gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagkakaroon ng lakas ng loob na sagutin ang lalaki kahit na takot siya. Ayaw niyang mamatay dahil maraming babae ang iiyak kung sakaling mangyari iyon. "Na saan ang iba," malamig pang tanong ni Hendrix kay Blue. 

"Papunta na sila ngayon dito kahit na anong segundo. Kaya, kumalma ka boss. Masiyado ka namang hot. Hindi porket hot kana eh uugaliin mo na." Biro pa ni Blue kahit na pinagpapawisan siya ng malamig. 

"Siguraduhin mo lang dahil dugo mo ang padadanakin ko sa putanginang lugar na ito. Sinayang niyo lang ang oras ko mga hangal! Kapag hindi niyo nahanap ang putanginag hayop na 'yan. Sabay-sabay ko kayong ililibing ng buhay!" Dumagundong ang boses ni Hendrix sa buong lugar kaya naman tumahimik ang lahat. 

"N-Narinig niyo ba 'yon? Padadanakin daw ni boss ang mga dugo niyo kapag pumalpak kayo," segunda ni Blue. 

"Tanga! Kasama ang dugo sa mga dadanak dito!" Bira naman sa kanya ng kaibigan kaya sinamaan niya ito ng tingin. 

Si Hendrix Montenegro ay isang kilalang business tycoon sa pilipinas. Ngunit sa kabila ng kanyang kayamanan ay isang sikreto pala ang nakakubli. Isa siya mafia boss ng kilalang grupo sa underground world. Dahil ipinama ito ng kanyang demonyong ama kaya naman sa murang edad ni Hendrix ay kinailangan na niyang pumatay. 

"Pero boss ano ang gagawin ko sa babae mo? Mukhang siya ang nagbigay ng tip para tulungan ang kalaban natin. Nakakapagtaka lamang kasi na naroon sila matapos natin makapunta doon." Tanong pa ni Blue kay Hendrix. 

"Kill her." 

'Tangina! Demonyo talaga ang hayop! Matapos nitong pakinabangan ang babaeng iyon ay parang manok lang na kakatayin.' Ani pa ni Blue sa isipan. 

"Pero boss hindi ba nalalapit na ang kasalanan niyo? Bakit ko siya papatayin? Pwede niyo naman ayusin kung meron kayong tampuha—" parang kidlat sa bilis ng dumaplis ang bala ng baril ni Hendrix sa pisngi ni Blue. 

Natulala naman si Ashton ng kamuntikan na siyang matamaan sa mukha ng naligaw na bala. 

"Do what fucking I told you without questioning me, Blue. Kung ayaw mong ikaw mismo ang isunod ko sa putanginang babae na 'yon."

"S-Sabi ko nga boss gagawin na. Pero boss paano pala ang mga baril natin na hindi nadeliver? Isa din iyon sa dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon." Isiningit na rin ni Blue ang isa pang problema ganoon din naman. 

Maaari siyang mamatay kahit anong oras. Kaya lulubusin na niya upang hindi na dumanak pa mamaya ang dugo niya sa lapag. 

Subalit hindi siya sinagot ni Hendrix ang tingin lamang nito ay nakatuon kay Blue. Akala ni Blue ay may sasabihin pa ang lalaki ngunit wala na. Umalis ito ng parang walang ginawa. 

Siya si Hendrix Montenegro isang kilala at notorious na business tycoon. Ngunit kalakip ng kayamanan na meron siya ay isang sikreto na walang nakakaalam. Isa siyang Mafia Boss. Isang kilalang mamatay tao, mapa-bata man o matanda. May ngipin o wala. Basta ikaw ay humarang sa kanyang dadaanan ay hindi siya mangingimi na patayin ka.

Nasa kanya na ang lahat, kayamanan, kapangyarihan at kagandahang lalake. Ngunit isang bagay ang wala siya at hindi niya mararanasan. Ito ay ang magkaroon ng sariling pamilya. 

Dahil walang kakayahan si Hendrix na magmahal. Ni minsan ay hindi niya naranasan ang umibig, hindi niya alam ang salitang pagmamahal. Ang tanging alam niya ay pumatay at umangkin ng mga teritoryo ng mga kalaban.

Itinatak ni Hendrix sa kanyang isipan na hindi siya maaaring magmahal. Magiging hadlang lamang ito sa kanyang mga gagawin. Hindi niya hahayaan na magkaroon ng kahinaan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status