Share

Chapter Four

Dalawang araw na ang nagdaan ngunit hindi parin nagigising ang dalagang tahimik na nakahimlay sa silid ni Hendrix. Dalawang araw na rin walang tulog si Hendrix dahil sa pag-aalo sa dalaga na palaging umiiyak. Hindi maiwasan nina Blue at Gray na maawa sa kalagayan nito dahil sa sobrang trauma.

Simula din mapunta sa puder nila ang anghel hindi na kailanman nakarinig ng kahit na anong ingay. Para silang nakatira sa sementeryo dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang gumawa ng gulo.

Maski ang mga trabaho nila underground ay hindi na nila nagagawa. Masiyadong naging busy ang boss nila sa pag-aalaga sa anghel nito na nakahimlay sa kanyang malaking kama.

"Boss?" lakas loob na tawag ni Gray kay Hendrix na paulit-ulit hinahalikan ang kamay ng dalaga.

Gusto niyang tawanan ito dahil para itong timang pero syempre hindi niya iyon ginawa. Takot na lamang niyang mamatay sa isang pitik nito.

"Siguraduhin mong mahalaga iyan, Gray," babala nito at sa dalaga parin ang tingin.

"May balita na kay Rolando, boss," doon lamang niya naagaw ang atensyon nito.

"Nasaan siya ngayon? Siguraduhin niyong hindi na makakatakas yan. Dahil kapag nakawala yan, kayo ang malalagot,"

"Boss, hindi na siya makakawala dahil nilumpo na siya ni Gray. Tungkol naman pala sa mga underground whereabouts natin, anong gagawin ko? Masiyado na silang nag-iingay dahil din hindi kana nakikita roon. Ang akala nila ay nabuwag na ang grupo natin at mas lumakas ang loob nilang kalabanin tayo."

"How about our weapons business? Ang droga? Ang human trafficking? Lahat ba ang mga iyan ay na sa maayos? Ayokong maski iyan ay problemahin ko pa."

"Maayos ang lahat ng iyan boss at wala naman problema. Pero ang kumpanya mo ay na sa hindi magandang lagay dahil din may isang traydor na nagnakaw ng pera mo," sabi ni Blue kaya naman tuluyan ng napabitaw si Hendrix sa dalaga na tulog pa rin.

Hindi talaga niya maiwan ng tingin ang mukha ng dalaga kahit na puno ito ng pasa. Hindi pa rin nabawasan ang kagandahan nito. Ngunit sa tuwing nakikita ni Hendrix ang kalagayan ng anghel niya ay hindi niya mapigilan na magalit. Gusto niyang hukayin mula sa impyerno ang mga gumawa nito sa babae.

"Tungkol sa sinasabi nilang Dominguez, nakita niyo na?"

"Oo, boss, nasa dungeon siya ngayon at pinaparusahan ni Ashton."

"Good."

"Pero boss kailangan ka talaga sa underground natin. Hindi na makontrol ang buong underground atsaka marami na rin ang mga tauhan natin ang sugatan,"

Isa pa ito sa inaalala ni Blue ang unti-unting pagbagsak ng underground empire ng boss niya. Kailangan na nilang ayusin ito bago pa managot ang lahat at tuluyan ng magkagulonat maglaban-laban ang mga grupo nila.

"Kailangan bang ako pa mismo ang pumunta para lang maayos ang gusot dyan? Hindi mo ba kayang solusyonan ang problemang iyan?"

"Boss, hindi ko na kayang kontrolin ang underground natin. Kailangan kana talaga doon,"

Hindi na nagsalita si Hendrix bagkus tahimik na tumingin siya sa babae. Nagdadalawang isip siya kung iiwanan ba niya ang anghel niya ngunit wala siyang nagawa kung hindi umalis muna upang ayusin ang emperyo. Kailangan niya ito lalo na ngayong may iniingatan na siya. Kailangan niya ng kapangyarihan at pera dahil sa anghel niya.

"Let's go, sabihan mo ang mga tauhan natin dito na huwag gambalahin ang anghel ko or else malilintikan sila sa akin lahat,"

"Hahayaan lang ba namin siya sa silid mo boss? Paano kung bigla itong magising? Anong gagawin namin?" tanong ni Blue dahil baka bigla itong magising at magwala.

Hindi pa naman nila maaaring hawakan ito dahil panigurado ikakamatay nilang lahat. "Call me,"

Ngunit kasalukuyan palang naglalakad sa hallway sina Blue at Hendrix ng biglang isang matinis at malakas na sigaw ang nagpa-estatwa sa kanilang dalawa. Sa lakas ng sigaw umalingaw-ngaw iyon sa buong mansion.

"Putangina!" tarantang sigaw ni Hendrix at muling bumalik sa kanyang silid kung saan niya iniwan ang anghel.

"Aaahhh!" Tili ng dalaga matapos siyang magising dahil sa malamig na bagay na dumadampi sa kanyang mukha.

Nagulat siya ng makitang isang babae ang may hawak na basahan at dinadampi sa mukha niya. Subalit hindi iyon ang nagpasindak sa babae kundi ang maliit na patalim na kinuha nito sa ilalim ng blusa. Mabuti na lamang at nagawa niyang maka-iwas ng akmang sasaksakin siya nito.

"Nooooo! Leave me alone!" malakas na sigaw ng babae.

"Uminahon po kaya madam, nandito lang ako para hilamusan ka," namumutlang sabi ng babae saka sinipat ang pintuan.

Sa kabilang banda naman ay hindi mabilang ni Hendrix kung ilang beses siya nakapagmura, kaya dali-dali niyang tinungo ang pinaglalagakan sa dalaga. Nadatnan niya ang anghel na nasa sulok, takot na takot at hindi malaman ang gagawin.

"Shhhh.. baby.." malambing nitong alo sa dalagang nagtitili parin.

Nakaramdam ng awa si Blue sa nasaksihan sa kalagayan ng dalaga. Ito rin ang unang beses na ganito ka-helpless ang boss nila habang pilit inaalo ang dalaga. "Hey, it's okay. I'm here, no one can hurt you. Please, please, I'm begging you, calm down..." pagsusumamo pa ni Hendrix.

Napansin naman ni Blue ang babaeng katulong na nakayuko habang nanginginig sa takot. Mabilis niya itong nilapitan at hinaklit ang braso saka pinanlisikan ng mata. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba ang utos ay walang papasok sa loob ng silid na ito?"

"S-Sir..."

"What the fuck are you doing here? Hindi mo ba alam ang patakaran na sinabi ko?" si Hendrix na ngayon ang nagsalita kaya naman halos maihi sa takot ang babaeng katulong.

"P-Patawarin niyo po ako... nais ko lamang pong hilamusan ang reyna,"

"Sinong nagsabi sayo na pwede siyang hawakan huh! Anong ginawa mo sa kanya!" Buhat ngayon ni Hendrix ng dalaga na nakayakap sa leeg niya. Takot na takot at nanginginig ang buong katawan nito.

"Umamin kana, alam mong hindi kana sisinagan ng araw bukas," pagbabanta ni Blue ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.

"Nooo! Please! Nooo!" pagwawala naman muli ng anghel at pilit itinutulak si Hendrix palayo.

"Baby, calm down! Please! I'm here!"

"No! Please, no!"

Pumasok na rin si Ryan ang pinsan nina Blue at Gray na may tangan na maliit na injection. Lumapit siya sa dalaga atsaka ito itinurok ito sa braso ng dalaga. Hanggang sa tuluyan na itong makatulog.

"What the fvck is happening to her? makita mo Ryan, pipilipitin ko ang leeg mo!" sigaw ni Hendrix matapos mawalan ng malay ang dalaga.

Nangangatog na ngayon sa takot si Ryan dahil sa nakakamatay na tingin ni Hendrix. He cleared his throat before he spoke, nataranta din siya ng makarinig ng tili.

"Mukhang may kinatakutan ang babae mo," aniya.

"What?" saka lang muling bumaling ang ulo ni Hendrix sa katulong. Nakayuko parin ito at umiiyak sa takot.

Lumapit siya sa katulong at biglang binigwasan ng hindi nagdadalawang isip. Lumagapak ang nakakaawang katulong sa lapag ng basag ang labi. "What the fuck did you do! Anong ginagawa mo sa silid ko huh!"

"M-Maawa po kayo sa akin..."

"Maawa? Nakita mo ba kung anong ginawa mo anghel ko? Nakita mo ba huh!" malakas na hiyaw ni Hendrix.

Oo, may rules si Hendrix sa mansion. Huwag sasaktan ang mga katulong niyang babae ngunit kinantil nito ang anghel niya. Dapat lamang na mamatay ito dahil sa kalapastanganang ginawa.

"Uulitin ko ang tanong ko, anong ginawa mo?"

"W-Wala po boss... gusto ko lang siyang hilamusin upang gumaan ang pakiramdam niya,"

"Do you think I'm stupid to believe what you saying huh? Baka nakakalimutan mo na ako ang diyos dito. Ako ang may hawak ng buhay mo."

"Boss, wala po talaga akong ginawa. Nagulat lamang siya sa dala kong patalim dahil nais ko lang na—"

"Dalhin niyo siya sa dungeo." anunsyo ni Hendrix na mas lalong nagpaputla sa babae.

Nagsisigaw man ito ngunit wala na rin siyang nagawa ng hilahin ng mga tauhan ni Hendrix patungong dungeon.

"Kumusta siya?" balik tanong pa ni Hendrix kay Ryan ng tingnan nito ang kundisyon ng babae.

"She's okay, sa ngayon wala naman problema maliban sa mga pasa at sugat niya. Malalaman palang natin na maayos siya kapag nagising at nakausap na siya." sagot ni Ryan sa demonyo.

"Siguraduhin mo lang, dahil mapapatay kita kapag may nangyaring masama sa kaniya." Banta ni Hendrix kay Ryan.

Kahit pagsama-samahin ang tapang at lakas nina Blue, Gray at Ryan ay wala ito sa tapang at lakas ni Hendrix. Hindi sila nagreklamo ng paslangin nito ang pamilya nilang dalawa.

Dahil nararapat lamang iyon dahil kung hindi nila tinraydor ang pamilyang Montenegro ay hindi sasapitin ng bunsong kapatid at nobya ni Hendrix ang malagim na pangyayari na iyon.

Pawis at dugo ang inalay ni Hendrix mabuo lamang at mapalakas ang grupong ito. Marahil ay isa siyang walang pusong tao at mabagsik dahil iyon sa gusto niyang mapanatili ang kaayusan ng grupong pinilit niyang itinayo. Matapos itong wasakin ng traydor na tao ang grupo nila.

"Magiging maayos siya basta huwag lang gulatin at biglain," ani pa ni Ryan.

Hindi na siya pinansin pa ni Hendrix at ibinalik ang tingin sa dilag na payapa na ngayong natutulog. Sa kabila man ng galos nito sa mukha ay hindi nabawasan ang taglay nitong kagandahan. Gaya ng una niya itong masilayan ng gabing iyon. Wala siya ni katiting na atraksiyon sa kahit na sinong babae noon matapos mawala ang nobya niya dahil sa traydor na sumira sa pamilya niya, ngunit nagbago ito ng makilala ang anghel.

Pumasok naman si Gray sa loob ng silid ng makita niyang nagtitipon ang kakambal at pinsan.

"Boss, nakuha ko na ang impormasyon ng babae mo. Nasa loob ng envelope ang lahat ng impormasyon na gusto mong malaman," ani ni Gray.

Inabot niya kay Hendrix ang envelope na malugod namang kinuha ng demonyo. Ngunit bago pa niya mabasa ang laman inagaw na ito ni Ryan at siya ang nagbasa. Hindi kumibo si Hendrix at hinayaan ang doctor.

"Cassandra San Deval ang totoo niyang pangalan." umpisa ni Ryan.

Umusli ang isang ngiti sa labi ni Hendrix dahil sa pangalan ng anghel niya. Napangiwi naman ang dalawa dahil sa pinapakita ng lalake.

"18 years old at..." Naputol ang sasabihin nito na kinataka nina Gray at Hendrix.

"She deaf kaya hindi ito marunong bumasa at magbasa,"

"What do you mean?"

"Sa edad nitong disi-otso ay hindi pa ito marunong magbasa at magsulat dahil sa kapansanan," napatahimik silang lahat ng sabihin ni Ryan ang balitang iyon.

Nakaramdam silang lahat ng awa sa dalaga, hindi nila alam na may mas mapait pa pala itong pinagdadaanan. Nasaktan si Hendrix sa natuklasan, hindi niya lubos maisip na may pinagdadaanan pala na ganoon kapait ang anghel. Kaya ba lumuluha siya ng gabing iyon? dahil sa mga nararanasan nito?

"Boss mukhang kailangan natin siyang gamutin." umpisa ulit nito.

Gustong mamangha ni Gray dahil nagkakalakas na ng loob ang pinsan niya sa pagsasalita sa harap ng demonyo.

"Diretsuhin mo na ako, Ryan," sabi nito at pinagpatuloy ang paghalik sa kamay ng dalaga.

Siguro siya ay isang magaling na doctor ngunit hindi siya magaling sa larangan ng isip, isip ang pinag-uusapan dito. Dahil sa pinapakita ng dalaga ay marahil mas lumala ang pinagdadaanan nito at kailangan na nito ng doctor sa pag-iisip.

"She needs a psychiatrist Boss, kasi base sa inakto niya maski sa panaginip ay umiiyak siya, trauma boss. "

"What the fvck!" hindi napigilan ni Hendrix ang magmura dahil sa nalamang kalagayan ng babae.

"Pauwiin niyo si Pink bukas na bukas din," deklara nito.

Hindi na sila nakatangi pa at sinunod ang gusto nito. Si Pink ay ang kapatid na bunso ni Blue at Gray sa ibang ina. Hindi nila gusto ang kapatid dahil kung demonyong silang magkambal ay doble ang kademonyohan nito. Baliw na baliw ito kay Hendrix kaya nga naipadala ito sa ibang bansa.

Nilisan na ni Gray at Ryan ang silid na iyon. Hindi na rin niya ulit binuksan ang tungkol sa kaaway nitong si Rolando. Dahil alam nila na mas kailangan siya ng dalaga sa mga oras na 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status