Share

Chapter Five

"What the fuck is wrong with her, Ryan! Bakit tulog pa rin siya!" sigaw ni Hendrix sa kaawa-awang doctor na si Ryan.

Nakatikim din ito ng isang malakas na suntok na naging sanhi ng pagputok ng labi nito, hindi mabilang nina Blue at Gray na tahimik lang din sa isang sulok kung ilang suntok na ba ang natamo ng pinsan nila.

Paano ba naman nangako si Ryan na gigising ang dalaga noong isang araw ay tulog parin ito. Ang kinagagalit ni Hendrix ay marahil napadami ang pampatulog na tinurok nito sa babae.

"Tangina, Blue. Pang-ilang suntok na ba ngayon ang natamo ni Ryan?" bulong ni Gray sa kakambal nito.

"Pang lima na ata," sagot naman ni Blue pabalik.

"Kapag ako nakawala na dito, humanda talaga kayong dalawa sa akin," hasik pa no Ryan saka padarang na pinunasan ang dugong na sa labi.

"Gumawa ka ng paraan dahil kapag hindi na nagising ang anghel ko. Sisiguraduhin kong isasama kita sa hukay at paulit-ulit kitang papatayin!"

"Boss, okay lang ang babae mom. Sadyang pagod lang siya saka maraming pasa at bugbog. Natural lamang na matulog siya ng matagal para makabawi ng lakas," katwiran pa ni Ryan.

"Siguraduhin mo lang dahil hindi lang yan ang mapapala mo sa akin," ani ni Hendrix at muling umupo sa gilid ng kama upang pagmasdan ang natutulog na babae.

"Boss, paano pala ang kumpanya mo? Ilang araw na kasi akong ginugulo ng secretary mo dahil hindi kana pumapasok,"

"Don't fucking mind her,"

"Boss, gwapo lang ako pero hindi ko kayang humawak ng limang kumpanya. Maawa ka naman sa akin dahil isang taon na akong hindi nakakapagpabaskyon. Isang taon na rin akong walang bakbakan sa kama," reklamo ni Blue dahil simula ng magkaroon ng problema sa grupo ay hindi na siya nakapagpa-bakasyon. Lalo na ngayon na nandito ang babae.

"Kill her,"

"Boss, wala na tayong nagagawang trabah—"

Sabay pa silang tatlo na yumuko ng paulanan sila ng bala ng lalaki. "I said kill her para hindi kana niya ginugulo."

"H-Hindi naman mabiro boss," sabi ni Blue saka na sumibat.

Dahil sa naging busy si Hendrix sa dalaga ay wala ring nagagawang maayos na trabaho ang dalawa at nambi-bwisit lang. Limang araw na rin nilang pinagtitiisan ang dumobleng sama ng ugali ng boss nila. Mas lumala pa ito sa dati dahil kaunting tingin o hawak lang sa babaeng nakahiga sa magarbong kama niya ay binabaril na niya agad. Kaya nga sila narito sa silid ngunit sa lapag ang tingin namin.

Hindi akalain na Hendrix na magiging ganito siya ka-possessive sa babae dahil nag-iinit ang dugo niya tuwing tinitignan ito ng iba. Gusto niyang pumatay pag may nagtangkang humawak dito, para siyang mababaliw sa tuwing naalala na may ibang nakakakita sa nakakabighani nitong ganda. Kahit ni dulo ng buhok nito ay walang makakahawak iyan ang pinangako niya sa sarili.

Alam ni Hendrix na hindi magandang balita ito dahil mayroon na siyang kahinaan, kaya sinisigurado niya na iingatan at po-protektahan niya ang anghel.

"Boss, baka naman tulungan mo kami sa underground?" lakas loob na singit ni Gray.

Sinenyasan na lamang sila ni Hendrix palabas ng silid at doon mag-usap. Dito lamang sila nakahinga ng maluwag ng makalabas na sila sa silid ng impyerno.

"Gray, anong balita kay Pink?" tanong ni Hendrix.

"Nakalapag na sa pinas ang private plane, boss. Baka mamaya lang andito na siya," tugon ni Gray sa dragon na naglalakad na parang hari sa mahabang pasilyo ng mansyon.

"How 'bout those fuckers?" tanong nito ulit.

Naintindihan ni Gray ang tinutukoy nito ang katulong na sumubok saktan ang babae. Ikinulong nila ito sa dungeon at doon pinaparusahan. "Nasa dungeon, boss. Naghihingalo," aniya.

"And those pork chup?" tukoy ni Hendrix sa limang lalaking pinagtataga na parang karne.

"Nakauwi sila ng naghihingalo na rin boss," sagot niya ulit dito.

"Nasupresa ba ang mga pamilya nila?"

Sinilip ng dalawa ang boss nila na nakangisi, walang mababahiran ng kahit na anong pagsisisi. Kundi talaga malakas ang sikmura mo ay hindi ka tatagal dito. "Yes boss."

Binaybay nila ang pasilyo ng mansion ng tahimik. Hanggang sa makarating na sila sa living area kung na saan ang mga tauhan.

They are waiting for Hendrix oder, ngunit naging abala ito sa pag-aalaga sa babaeng kinababaliwan kaya nawala na talaga sa isip ng binata na may tinutugis pa silang kaaway.

Hindi na rin niya maasikaso ang mga legal nitong business dahil wala na talaga siyang oras para dito. Ang tanging ginawa nalang nito ay bantayan ang babae kahit na tulog lang naman ito. Nagmistulanh adik dahil mulat magdamag.

Bago pa magsalita si Hendrix, bigla na lamang lumapit sa kanya ang isa sa tauhan. May sugat ito sa kanang pisngi at hingal na hinhal.

"B-Boss!'' hingal nito na may bahid na takot na lumapit kay Hendrix.

''Anong kailangan mo?''

"A-Ang babae..."

maikli lang ang pasensiya ni Hendrix lalo na't wala ito sa mood dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga.

''P-Pasensya na boss nakawala kasi ang isa sa nakakulong sa kulangan sa baba—" hindi pa natatapos ang sasabihin ng tauhan niya ng bumulagta ito sa sahig na butas na ang bungo dahil sa pagkakabaril ni Hendrix.

Hindi man kumislot ang ibang tauhan na nasaksihan ang kahayupan ng lalaki. Tahimik lamang sila na nakayuko at naghihintay na maawa sa kanila ang lalaki.

"Ilang beses ko pa bang sasabihin na ayaw ko ng tatang-tanga at walang utak na tauhan huh! Ilang beses ko pa bang sasabihin sainyo na ayusin niyo ang trabaho kung ayaw niyong matulad sa bobong lalaking ito!" hiyaw niya sa lahat.

"Hindi ko kayo binabayaran para lamang pumalpak. Buhay ang nakataya niyo rito kaya naman kung ayaw niyo ihatid ko kayo sa impyerno ay ayusin niyo ang mga desisyon niyo sa buhay!" dagdag pa ni Hendrix.

Maski sina Gray at Ryan ay hindi na nagulat pa o kumibo. Pero hindi maalis ni Ryan sa isipan na napakaswerte niya dahil bugbog lamang ang naranasan.

"Gray, maiwan ka dito. Ashton, sumama ka sa akin may baboy tayong papatayin, " utos nito ng hindi man lang bumaling kina Ashton, Gray at Ryan.

Patay malisya itong tinapakan lang ang patay niyang tauhan na nakahandusay sa lapag.

Ganito ang nangyayari kapag hindi maganda ang mood ni Hendrix, lalo na't tatanga-tanga kang lumapit sa kaniya at ganito lang ang ibabalita mo.

Bago pa makaalis si Hendrix ilang tauhan pa niya ang muling lumapit sa kanya. Binalita na nawawala na naman ang mga nakakulong. Nagtatagis ang mga bagang niya na huwag ng pumatay dahil mauubusan siya ng mga tauhan.

"Mga bobo!" hiyaw na lamang niya saka sinipa ang malapit na vase.

Samantala, dumagundong ang mala-demonyo nitong boses sa buong pasilyo ng mansyon ng utusan nito ang mga tauhan na galudgurin ang buong Montenegro estate. Dahil alam ng binata na hindi ito makakalabas ng teritoryo niya.

Malayo ito sa siyudad o kahit sa simpleng bayan dahil na sa dulo ng kagubutan ang mansyon niya. Wala ni isang sibilyan ang nangahas na pasukin ang teritoryo niya dahil alam ng mga ito ang mangyayari sa kanila.

Napapikit si Gray ng isang tangang kasamahan na naman nila ang nagbida-bida. Tulad ng tangang kasamahan nila kanina bumulagta din ito na butas ang kanang mata.

"Ang sabi ko hulihin, hindi ko sinabing patayin niyo. Mga walang utak ba talaga kayo? Hindi niyo alam ang utos huh!" muling sumigaw ang lalaki.

Si Ashton ang nahihirapan sa ginagawa ng boss nila. Lagi kasi itong nakasigaw na akala mo ay palaging bingi ang kausap.

Hindi rin uso dito ang pakikipag-kitang gilas dahil isa lang ang kahahantungan mo kapag nagpakabayani ka at pinatay mo ang hindi naman niya iniutos na patayin. Ikaw na ang susunod na paglalamayan.

Si Hendrix na mismo ang nanggalugad ng sariling mansyon alam niya ang pasikot-sikot ng buong Montenegro estate kaya alam niyang hindi makakatakas ang babaeng 'yon.

"Mga tanga! kakalabanin niyo nalang ako galingan niyo na! "

Malakas na sigaw ni Hendrix bago kumuha ng dalawang baril at sabay na kinasa. Siya na ang tumugis sa babae na nakatakas. Hanggang sa nakarating siya sa likod ng mansion. Iyon lamang ang nag-iisang daan na alamn niyang paglalabasan nito.

Ngunit bago pa siya makalapit doon isang patalim ang sumulpot na lamang ng biglaan sa gilid niya. Mabilis na naiwasan ni Hendrix iyon kaya naman pinaputukan niya ang babae.

"Hindi ko hahayaan na mapatay mo ako!" matapng pa na sabi ng babae kaya naman mas lalong ginanahan ang demonyo na makipaglaro.

"Really? Handa kana bang makasama ang mga magulang mo sa kabilang buhay?"

"Hayop ka talaga! Kundi dahil sayo hindi ako mawawalan ng pamilya! Hayop ka! Papatayin kita! Pasalamat ka at hindi ko napaslang ang babae mo!" sigaw ng babae saka sumugod kay Hendrix.

Nagbuno sila hanggang sa madaplisan ng patalim ang braso ni Hendrix. Nabitawan din niya ang mga baril dahil hindi niya kailangan gamitin ito upang matalo lamang ang tangang babae.

"Papatayin kita!" Ngunit bago pa tumama ang patalim sa katawan ni Hendrix bumulagta na ang babae.

Butas naman ngayon ang dibdib nito dahil sa pagbaril ni Blue na kakarating lamang. "Anong sabi ko, Blue?" may pagbabanta sa boses ni Hendrix.

"Boss! Hindi ko naman sinasadya! Sadyang may kailangan ka lang malaman kasi nagising na ang babae mo!" Nagpintig ang tainga ni Hendrix sa balitang dinala ni Blue kaya walang pasabi niya itong pinaulanan ng bala.

Mabuti na lamang at mabilis at maliksi si Blue at nakapagtago ito sa likod ng isa sa mga puno.

"Putangina mo! Hendrix!" malutong na mura ni Blue dahil sa ginawang pagbaril sa kaniya.

"Did you say she's awake?" napatalon ulit si Blue ng makatanggap siyang muli ng nagliliparang bala.

"K-Kasasabi ko lang... b-bingi kaba!" huli na ng mapagtanto ni Blue ang sinagot sa lalake.

Nagtagis ang bagang ni Hendrix sa nalamang gising na ang babae. Galit na ito kanina ngunit ngayon ay nabawasan ang init ng ulo niya.

"T-Tama na boss at baka mapatay mo na ako!" garalgal na sabi ni Blue. Dahil sa takot na baka hindi na siya sikatan ng araw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status