Home / Romance / HENDRIX LOVE / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: aestte
last update publish date: 2022-06-04 19:57:04

Third Person Point of View

Tahimik ang lahat ng tao sa loob ng malawak na mansyon. Tanging matinding takot ang mababakas sa kanilang mga mukha dahil sa oras na lumabas at bumaba mula sa ikalawang palapag ang demonyong si Hendrix, siguradong katapusan na nilang lahat.

Sa isang mahabang sofa, tahimik na nakaupo ang kambal na sina Blue at Gray. Tulad ng ibang mga tauhan, bakas din ang kaba sa kanilang mga mukha. Hindi naiwasan ni Blue ang mapahilamos sa sariling mukha upang gisingin ang sarili mula sa matinding tensyon. Paano ba naman, panglimang doktor na ang nakahandusay ngayon sa may hagdanan ng mansyon—lahat sila ay pinatay ni Hendrix dahil lamang sa kasalanang hinawakan nila ang katawan ng kanyang anghel habang sinusuring gagamutin.

Gustong-gusto nang bigwasan ni Blue si Hendrix sa isip niya dahil sa taglay nitong kabaliwan. Ayaw nitong ipahawak ang babae sa mga doktor, pero gusto nitong mapagaling ang sugatan nitong anghel! Mabuti na lang talaga at doktor ang pinsan nilang si Ryan. Kung hindi pa sila lumuhod at nagmakaawa rito, hindi ito sasama sa kanila upang isugal ang sariling buhay sa kamay ng isang Mafia Boss.

Alam ng lahat na hindi na mapaglagyan ang galit ng kanilang boss ngayon, at kung sino man ang humarang sa dadaanan nito ay tiyak na sasabog ang bungo. Maliban na lang marahil sa mga katulong na babae sa bahay, dahil sila ang pinakaswerte sa ilalim ng pamumuno ni Hendrix—hinding-hindi sila sinasaktan ng lalaki.

"Iyong mga taong gumawa niyan sa babae ni boss... nahuli niyo?" pagbasag ni Blue sa nakabibinging katahimikan.

"Oo, nahuli namin silang lahat at dinala na sa kulungan sa basement," mahinahong paliwanag ni Gray, bagamat bakas pa rin ang panginginig sa boses.

"Sisikatan pa kaya tayo ng araw bukas, tol?" maramdaming bulong ni Blue sa kakambal.

Subalit sa halip na sagutin ay sinuklian lang siya ni Gray ng isang nakadidiring tingin. Napaismid na lamang si Blue nang magtaas ng middle finger ang kakambal sa kanya, na agad naman niyang binalikan ng dalawang pakyu sign.

Sabay na bumalik ang tingin ng magkapatid sa ikalawang palapag. Bigla silang napatayo nang mamataan si Hendrix na pababa na ng hagdan, madilim pa rin at nakapanghihilakbot ang mukha. Sinenyasan ng lalaki ang kambal na lumapit, na agad namang sinunod ng dalawa nang walang pag-aalinlangan.

May ibinulong si Hendrix sa kanila na kaagad nilang ikinatango. Mabilis nilang nilisan ang main hall ng mansyon at nagtungo sa madilim na kulungan sa ilalim ng lupa—ang lugar na pinagawa mismo ng demonyo nilang boss para sa mga espesyal na pagpaparusa.

Ang totoo niyan, hindi naman tuluyang masamang tao si Hendrix. May natitira pa rin naman itong awa at hustisya, lalo na sa grupong binuo niya na itinuturing na niyang pamilya. Hindi ka niya papatayin basta't wala kang planong saktan ang sinuman sa kanyang mga tauhan. Ngunit sa oras na may ginalaw ka sa mga taong pinoprotektahan niya, magdasal ka na sa lahat ng diyos na kilala mo—dahil kahit magtago ka pa sa loob ng simbahan, hinding-hindi siya magdadalawang-isip na kitilin ang buhay mo. Lalo na ang mga taong nagtaksil at nag-traydor sa kanya, hinding-hindi niya pinapalagpas.

Tanging ang alingawngaw ng kanilang mga sapatos ang naririnig sa madilim na pasilyo hanggang sa makarating sila sa dulo. Doon ay bumungad sa kanila ang limang lalaking nakakadena ang mga paa sa gitna ng silid.

Biglang nagdilim ang mukha nina Blue at Gray nang maalala ang kahayupang ginawa ng mga walanghiyang ito sa dalagang kasalukuyang nag-aagaw-buhay sa silid ng kanilang boss. Hindi nila masikmura kung paano nagawang saktan ng mga hayop na ito ang isang inosenteng babae. Tanging matinding poot ang nararamdaman nila; sa murang edad ng dalaga ay nakaranas ito ng ganoong kalupit na trahedya.

"M-Maawa po kayo... nadamay lang ako!" pagmamakaawa ng isang lalaking sa tingin nila ay nasa limampung taong gulang na.

Walang bakas ng awa si Blue. Agad niyang tinadyakan nang napakalakas ang pagitan ng mga hita ng matanda. Isang nakapanghihilakbot na daing ang pinakawalan nito bago biglang naihi sa salawal dahil sa matinding sakit. Agad na namutla sa matinding sindak ang apat na natitirang lalaki.

"Maawa po kayo, may anak po ako!" desperadong sigaw naman ng isa pang lalaking medyo may edad na rin.

Binalingan siya ng tingin ni Gray at walang kaabog-abog na pinasabugan ng isang malutong na sapak ang mukha nito, na naging dahilan upang mawalan ito agad ng malay.

"Maawa?" bakas sa boses ni Gray ang nagngangalit na galit habang mariing nakatitig sa kanila. "Bakit, naawa ba kayo nung nagmamakaawa sa inyo ang dalagang 'yan na huwag niyo siyang saktan?!"

Dahil sa tindi ng pagngingitngit, makailang beses pang pinagsisipa ni Gray ang matandang walang malay na nakahandusay sa marumi at basang lapag ng selda.

"H-Hindi po... n-namin siya... s-sinaktan..." natatakot na bulong ng pinakabata sa lima.

"Anong sabi mo?" Tila nakaramdam ng kaunting interes si Blue sa narinig.

"Totoo po... h-hindi namin siya ginalaw! Ibinigay lang po siya sa amin ng mga taong—"

"Taong ano?! Sino?! Sabihin mo kung anong ginawa niyo sa dalagang kinuha niyo!" malakas na hiyaw ni Blue kaya naman lalong nasindak at namutla ang lalaki. Konti na lang ay babasagin na ni Blue ang bungo nito gamit ang hawak na baril.

"D-Dinukot lang po namin siya... pagkatapos noon, hindi na namin alam ang nangyari!"

"Bobo ka ba, o sadyang mahina lang talaga ang kokote mo?! Ang itinatanong ko, kung bakit niyo binugbog ang babaeng walang kalaban-laban! Ang tatanda niyo na pero hindi kayo marunong umunawa ng simpleng tanong!" asik ni Blue sabay marahas na hinampas ng hawak niyang baril ang ulo ng pinakabata. Umalingawngaw ang namimilipit nitong iyak sa buong silid.

"Anong ginawa niyo?!" pag-uulit ni Blue. Sa takot ay parang umurong ang dila ng tatlo pang lalaking natitira.

Tila nabahag nang tuluyan ang kanilang mga buntot. Ang totoo, plano pa lang nilang pagsamantalahan ang babae ngunit bigla silang napigilan ng utos ng taong nagbayad sa kanila. Kaya naman dinala nila ang dalaga nang walang malay, ngunit bago iyon ay nagtangka itong pumalag.

"PUTANGINA, SAGOT!" ubos na ubos na ang pasensya ni Gray sa mga hayop na nasa harap nila.

"N-Nasaktan namin siya dahil... n-naglaban siya..." bulong ng isa na duguang-duguan na ang mukha dahil sa mga sapak ni Gray kanina.

Mas lalong nagdilim ang mukha ni Blue sa pag-amin na iyon. Mas lalo lamang siyang nangati na patayin ang mga ito sa pinakamalupit na paraan—balatan, tadtarin, at pahirapan hanggang sa sila na mismo ang magmakaawang kitilin ang sarili nilang mga buhay.

"Akala ko ba hindi niyo siya sinaktan? Ginagago niyo talaga ako, 'no? Gusto niyo na talagang mapadali ang mga buhay niyo." Kinasa ni Gray ang kanyang baril at sa isang iglap—BANG!—isang malakas na putok ang bumasag sa silid. Humiwaw sa matinding sakit ang isang lalaki nang mabaril ang hita nito.

"M-Maawa kayo! Nadamay lang ako dahil kailangan ko ng pera! S-Si... Dominguez..."

"Sinong Dominguez?!" mariing tanong ni Blue.

"Siya... siya ang nag-utos sa amin na dukutin ang dalaga!" tuluyan nang kumanta ang isa kaya naman mas lalo silang naging alerto.

"Bakit niya pinadukot ang babae?"

"H-Hindi namin alam..."

"Gusto mo bang tuluyan na kitang lumpuhin ngayon din?! Uubusin ko ang laman ng magazine ng baril na 'to sa putanginang bungo mo kapag hindi ka pa nagsalita!" banta ni Gray habang nakatutok ang dulo ng baril sa mukha ng lalaki.

"K-Kursunada niya ang babae... gusto niya itong angkinin!" pikit-matang sigaw ng lalaki.

Nagpantig ang tainga ng kambal. Handa na sana nilang gilitan ng leeg ang mga ito nang biglang may humila sa kanila pabalik mula sa dilim.

"Fuck! Kung hindi mahalaga ang sasabihin mo, mabuti pang lumayas—Boss." Hindi makapaniwala ang magkapatid nang makitang si Hendrix na pala ang nasa likod nila, nanggagalaiti sa galit at may hawak na madilim na awra.

"Anong ginamit niyo para saktan siya?" malumanay ang boses ni Hendrix, ngunit ang bawat salita ay naghatid ng matinding kilabot sa buong silid. Tahimik na lamang na umatras ang kambal upang panuorin ang kanilang boss.

Tangina... tanging naibulong ni Gray sa kanyang isip dahil sa biglang pagbigat ng hangin sa paligid.

"Uulitin ko pa ba ang tanong ko?" pag-uulit ng lalaki. Gusto nang mahimatay ni Blue sa sobrang nerbyos.

"S-Sinampal ko siya..." lakas-loob na pag-amin ng pinakabata sa lima. Gustong magmura ni Blue dahil sa taglay nitong katangahan. Mas lalo lang nitong ginising ang demonyong tahimik na nagmamasid.

"S-Sinuntok ko siya sa sikmura nung pumalag siya," sagot naman ng isa pa.

"Ano pa?" mahinahon pa rin ang tanong ni Hendrix, ngunit ramdam nina Blue at Gray na konti na lang ay sasabog na ito.

"Po?" tila naguguluhang tanong ng pinakabatang lalaki. Nang maintindihan nito ang lamig sa mga mata ni Hendrix, biglang sumilay sa labi ng bata ang isang malademonyong ngiti. Tila nakalimutan nitong Mafia Boss ang kanyang kaharap. "Gusto mong malaman kung anong ginawa ni Dominguez sa babae mo? Anong mapapala ko kapag sinabi ko sa'yo? Palalayain mo ba ako?"

Napatiim-bagang si Hendrix habang nakatitig sa batang lalaki na sa tingin niya ay nasa labing-walong taong gulang pa lamang.

"It depends on how well you can sing." Marahang nilinis ni Hendrix ang dulo ng kanyang baril gamit ang panyo habang nakikinig.

"Sasabihin ko sa'yo ang lahat ng nalalaman ko, pero kailangan mo akong pakawalan. Nadamay lang ako dahil kailangan ng pamilya ko ng pera," hirit pa ng bata.

"Speak."

"Sinaktan siya ni Dominguez... sinabunutan, tinadyakan, sinampal, at binugbog dahil ayaw sumunod sa kanya ng binging babaeng 'yan."

Napatigagal sina Blue at Gray sa narinig. Bengi? Anghel ni boss, walang pandinig?

"What else?" mahinahon pa ring tanong ni Hendrix, bagamat ang hawak niyang panyo ay unti-unti nang nagigisa sa kanyang kamay. Napangusap-ngosap at lihim na nag-sign of the cross sina Blue at Gray habang pinapanood ang kanilang amo.

"Sinubukan siyang gahasain ni Dominguez doon sa lumang warehouse, pero nagawang makalagag at makatakas ng babae bago pa man may mangyari."

Nakakasuka ang tensyong bumabalot sa buong silid. Para silang nakakulong sa isang silid na may amoy ng nabubulok na bangkay. Tagaktak ang pawis ng mga bihag at pinanlalamigan ang buong katawan.

"Iyon lang ba?" Sa pagkakataong ito, tuluyan nang tumingin si Hendrix sa mata ng bata.

Dito na napabuga ng hangin si Blue. Alam niyang tapos na ang oras ng pagtitimpi ng kanilang boss.

"Sinabi ko na ang lahat, kaya pakawalan mo na ako rito!" sigaw ng bata.

"Why would I?"

"Ang sabi mo, pakakawalan mo ako kapag nagsalita ako! Pakawalan mo ako!"

"Tanga," mahinang bulong ni Blue sa tabi habang lumalapit kay Hendrix nang tawagin siya nito.

"Blue, Gray. Strip him." Utos ni Hendrix na agad nagpatahimik sa kaninang batang may malademonyong ngiti.

"T-Teka... anong gagawin niyo?! Lumayo kayo sa akin! AHHH! Lumayo kayo!" Pagsusumigaw nito, ngunit wala siyang nagawa nang mabilis at marahas siyang hubaran ng kambal.

"Blue, tawagin mo si Ally," simpleng utos muli ni Hendrix.

Agad na nahulaan ng magkapatid ang gustong mangyari ng kanilang boss. Wala pang isang minuto ay bumalik si Blue kasama ang isang tauhan nilang si Ally—isang lalaking may malalaking binti at kilala sa pagiging mabigat ang mga kamay.

"Give him a thousand slaps," utos ni Hendrix kay Ally. Ngumiti lang si Ally at dahan-dahang lumapit sa n*******d na binatang bihag.

"Aaahh!" Isang malakas na daing ang pinakawalan ng bata nang simulan siyang paulanan ng malulutong na sampal ni Ally sa mukha.

"Ang apat na natitira... hampasin niyo ng limang daang beses sa likod gamit ang dos-por-dos," malamig na dagdag ni Hendrix.

Isang nakabubinging koro ng mga tili at hiyaw ang pumuno sa silid. Nagsusumigaw ang mga ito sa tindi ng sakit habang ang kanilang mga likod ay unti-unting nagkakalasog-lasog, dumu-dugo, at ang mga mukha ay nababasag dahil sa tindi ng pagpaparusa ng mga tauhan ng mafia.

"M-Maawa po kayo... patawad po..."

Ngunit walang naramdamang kahit katiting na awa si Hendrix. Bagkus, naglakad siya patungo sa sulok ng silid at kinuha ang isang matalim at mabigat na palakol.

Walang emosyon at walang rason nitong pinutulan ng dalawang paa at kamay ang limang taong nagtangkang saktan ang kanyang anghel. Ang silid ay napuno ng tilamsik ng sariwang dugo at ng mga huling hiyaw ng mga lalaki bago tuluyang bawian ng buhay ang iba dahil sa tindi ng trauma at pagkawala ng dugo.

Pinalasap sa kanila ni Hendrix ang totoong kahulugan ng salitang impyerno bago pa man sila tuluyang makarating doon.

"Linisin niyo ang mga 'yan. Gusto kong isauli niyo ang mga piraso ng katawan nila sa kani-kanilang pamilya," malamig na utos ni Hendrix matapos ang ginawang brutal na pagpatay.

Kinuha niya ang kanyang panyo at marahang pinunasan ang tilamsik ng dugo sa kanyang pisngi at sa puti niyang polo. Pagkatapos ay walang pasabi siyang tumalikod at nilisan ang silid na parang walang nangyari.

"Yes, boss," iyon na lamang ang tanging naisagot ng kambal.

Tahimik nilang sinimulang pulutin ang mga putol na kamay at paa sa sahig. Hindi nila magawang maawa sa mga taong ito; para sa kanila, sapat lang ang sinapit ng mga ito dahil sa kawalang-hiyaang ginawa sa isang inosenteng dalaga.

Napakamalas lang talaga ng mga ito dahil maling babae ang napagbuntungan nila ng karahasan.

Galawin mo na ang lahat ng babae sa mundo, huwag lang ang babaeng pagmamay-ari ni Hendrix Montenegro—dahil kaya niyang sunugin ang buong mundo para lang dalhin ka sa pinakamalalim na bahagi ng impyerno.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HENDRIX LOVE    Chapter Twenty-one: WARNING

    Hendrix and Cassandra arrived at the Mansion silently. Hindi niya kinikibo si Hendrix na nakakunot ngayon ang dalawang kilay. Pinilit niyang kausapin ang dalaga ngunit hindi siya nito kinikibo bagkus kumapit lang ito sa braso ni Pink ng tuluyan na silang makauwi. "Cassandra come the fvck here." malamig na tawag ni Hendrix kay Cassandra na mas nagbigay ng takot sa dalaga. Napahilot na lang ng sintido si Hendeizx dahil pakiramdam niya ay magkakaproblema na naman siya. Alam ni Cassandra na hindi maganda ang inaakto niya pero wala siyang pakialam basta ang alam niya ay galit siya sa binata. Aaminin ni Cassandra na sobrang insecure siya sa babaeng lumapit sa binata kanina, ang babaeng iyon ay di hamak na mas maganda pa sa kaniya kung titignan at mas matalino. "No! " Cassandra shouted. Nagkatitigan sila ng binata. Ngunit mabilis na nag-iwas si Cassandra dahil sa malamig na mata ng binata. "Anyare? " biglang singit ni Blue ng makapasok sa living room at may dala din itong mga baril. Mga b

  • HENDRIX LOVE    Chapter Twenty

    Cassandra awoke frustrated and irritated. Dahil gusto pa niyang matulog sa tabi ng binata dahil hindi niya matandaan kung ano bang oras sila nakauwi. Basta ang alam niya ay pagod na pagod siya at gusto pa niyang matulog pero dahil matigas ang ulo ng binatang kasama niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nito. Gusto niyang irapan ang binata dahil tulad ng madalas nitong ginagawa, heto siya at sinusubuan na naman siya kahit kaya naman niya at may dalawang kamay siya. "Ako na, " asar na kuha niya sa kutsara sa kamay ni Hendrix ngunit inilayo lamang ito ng binata sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang subuan nito kung kaya naman niyang kumain mag-isa. Hindi nito sinasagot ang tanong na 'yon bagkus tititigan lamang siya ng nakakalusaw na nagpapabilis ng tibok ng puso niya kaya sa huli ay hahayaan na lamang niyang gawin ang gusto ng binata. Dahil kahit anong gawin o sabihin niya eh hindi rin naman nito pinapyagan. "Gusto lamg kitang pagsilbi

  • HENDRIX LOVE    Chapter Nineteen

    "Saan ba tayo pupunta, Hendrix? " hindi alam ni Cassandra kung pang ilang beses na niya itong naitanong sa binata na tahimik lamang sa tabi niya. Hindi siya sinasagot nito na lalong kinaiinit ng ulo niya, ang madalas na paghaplos at paghalik sa kaniya ang inaatupag nito. Nasanay na siya sa binata, hindi na bago sa kaniya kung bigla na lamang siyang halikan nito. Wala talaga siyang ideya kung saan sila pupunta pero kung pagbabasehan sa mga suot nila ay siguro sa mall lang ang punta nilang dalawa. "Malls, " simpleng sagot ni Henddrix at muling bumalik sa paghalik sa namumulang pisngi na ngayon ng dalaga. Nakukuntento na lamang ang binata sa simpleng halik sa pisngi at labi nito, gusto man niyang mas gawan ng higit pa roon ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa kundisyon ng babae. Ngunit sa oras na gumaling na ito ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makakatayo sa gagawin niya. Gustong magmura ni Hendrix dahil sa isiping iyon, hindi iyon nakatulong bagkus mas lalong uminit ang pakira

  • HENDRIX LOVE    Chapter Eighteen

    Dalawang oras bago siya nakauwi sa mansyon niya bugnot na bugnot siya dahil sa pesteng traffic sa edsa. Ang bulaklak na kanina na fesh ngayon ay hindi na at ang ice cream at tsokolate na parang naging tubig na. ''A-nong nangyare?'' nag-aalalang tanong ni Cassandra ng makitang papasok ang binata. Sinalubong niya ito kahit na may hiya siyang nararamdaman dahil pakiramdam niya ay sobrang normal na lang sa kaniya ang lahat. Nakita ni Henderix ang dalaga na papalapit sa kaniya. "Hendrix," Ani ng dalaga sa kaniya. Mabilis niya itong nilapitan at binigyan ng isang halik sa noo. "How are you, baby?" malambing nitong tanong. Nahihiya man ay inabot nito ang bulaklak at ang lusaw ng tsokolate at ice cream. Nakita pa niya kung paano nagulat ang dalaga at masaya iyong tinanggap. "S-salamat, " simpleng pasasalamat ngunit nagbigay ng matinding ligaya sa binata. "Wala bang kapalit diyan?" tanong ni Hendrix na nagpatigil kay Cassandra sa pagtingin sa mga bulaklak na nasa bisig niya. Nagtataka siy

  • HENDRIX LOVE    Chapter Seventeen

    know, to your office?'------Fbuddy. Hendrix recieved an anonymous letter to his office, ilang empleyado na nga ang nasibak niya dahil sa pagiging tanga ng mga ito. Hinayaan nilang magpapasok ng letter sa loob ng opisina niya na hindi naman nila alam kung anong laman. Gusto niyang pilipitin ang mga leeg nito dahil sa pagiging bobo nila, sa tagal na nilang nagtatrabaho sa kaniya ay hindi pa rin nila alam ang rules na paulit-ulit niyang sinasabi. Kung hindi lang nagkaproblema ang iilan sa mga business niya ay hindi nito iiwan ang reyna niya. Ngunit kailangan niya itong asikasuhin dahil sa mga tangang tauhang hinayaan niyang humawak dito. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa babaeng p*ta na nagpadala ng letter sa kaniya. Nanginig ang laman niya dahil sa sobrang galit, paano kung makita ito ng dalaga. Paano kung iwanan o magalit ito sa kaniya? hindi niya hahayaan 'yun kaya bago pa ulit makagulo ang babaeng 'yon ay kailangan na niya itong ligpitin. Lalo pang nakadagdag sa init ng ulo niya ng

  • HENDRIX LOVE    Chapter Sixteen

    Paglipas ng mahigit tatlong oras muling pinuntahan ni Hendrix at ang tatlong tauhan niya kung na saan si Cassandra. Hindi na ito tulad kanina na tulala bagkus tahimik lamang ito ngunit makikita sa mukha nito na muli na ngang nakabalik ang dating Cassandra. Aaminin nilang tatlo pati si Hendrix ma gusto nila ang childish na Cassandra kaysa sa babaeng kaharap nila sa mga oras na 'to. Mahinhin ito, tahimik at mahiyain hindi katulad ng Cassandra noon na bibo, masayahin at walang kahihiyan kung ano man ang ipaggaw sa kanila. Pinanitili ni Hendrix ang blankong mukha kahit sa loob-loob nito ay ang labis na kalungkutan. Naupo siya sa isang mahabang sofa habang pinagmamasdan niya ang babae na seryosong kausap si Pink. Nakasunod lamang ang tingin ni Hendrix sa kahit anong galaw ng babae tila ba anumang oras ay mawawala iyon sa kaniya. Pinahigpit niya rin ang mga nagbabantay sa maaaring lusutan ng babae kapag nagtangka itong tumakas. Kahit magmakaawa pa sa kaniya ito o kahit kamuhian pa siya, hi

  • HENDRIX LOVE    Chapter Seven

    "What the fuck is wrong with you pink!" nanggigitgit na sigaw Hendrix sa dalaga na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Tulad ng sinabi ni Ryan sa kanya ay hindi niya ito napamuwi. Kinailangan pang siya mismo ang susundo dito upang madala lamang to sa mansyon. Ang babaeng halos hubad na sa suot nit

  • HENDRIX LOVE    Chapter Six

    Mabilis niyang nilakad ang pasilyo papuntang silid kung na saan ang anghel. Naroon ang pagmamadali at ang saya na hindi niya mapagtanto kung saan nanggagaling. "Fuck! My Angel, " bulong niya sa sarili at mas binilisan ang paglalakad at kung maaari ay liliparin na niya upang makarating lamang sa angh

  • HENDRIX LOVE    Chapter Fifteen

    Hindi alam ni Pink kung ilang basong alak na ang nainom niya dahil sa sobrang nerbyos na nararamdaman. Pabalik-balik din ang paglalakad na ginagawa dahil sobrang takot at pag-iisip kung ano nga ba ang dapat niyang sabihin kay Hendrix. Tulala lamang ito at hindi kumikibo, makailang ulit yapang niyugy

  • HENDRIX LOVE    Chapter Fourteen

    Pagkauwi ni Hendrix nakita niya ang mga tauhan niyang nag-iinuman na kinainit ng ulo niya. "Fvck! Mga tarantado! hindi ko kayo pinapalamon at pinapasweldo ng malaki para lamang mag-inom sa oras ng trabaho niyo! Hindi niyo alam na may nakapasok sa kuta ko na mga kaaway dahil sa ginagawa niyo! papatay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status